WTSGD 6: Father and Son

CHAPTER 6 - Father and Son

HINILOT NI KARA ang sentido at sinarado ang notebook matapos mag-review. Sinilip niya ang binigay niyang worksheet na kasalukuyang sinasagutan ni Janus. He was too focused on answering the problem sets that she gave. At kahit makasalubong ang kilay, mukhang panatag na panatag ito sa pagsasagot.

He seemed to have a higher IQ than what she expected. Sa kaso ni Janus, mukhang hindi naman na siya mahihirapan na turuan ito. Dedicated rin kasi itong matuto kaya mas napapadali ang pagtututor niya.

"Sa kabila 'yong negative sign," aniya saka tinuro ang mali ni Janus.

Sandali itong napatitig sa tinuro niya saka tumango at pinagpatuloy ang pagsasagot. Nasa desk sila ni Sir Jannick samantalang nasa sofa naman sina Riella, Kohen, Vera, at Oddity.

Hindi maiwasan ni Kara na mapangiti nang lumipat ang tingin niya kina Kohen na naglalaro ng UNO card. Unti-unti ay nakikilala na niya ang mga kabanda ng kuya niya. Kung dati ay wala siyang kausap sa room maliban kina Steffy at Haidee, ngayon ay madalas na siyang samahan nina Vera at Riella.

Noong una ay hindi siya komportable dahil sa masamang tingin nina Steffy ngunit kalaunan ay nasanay na rin siya. 'Pag lunch time, sinasabayan din siya ng dalawa na kumain o hindi kaya ay isinasama siya sa music room. Iyon ang naging routine nila noong mga nagdaang araw.

"Tawagin mo ko 'pag tapos ka na," bulong niya kay Janus, hindi na ito sumagot.

Nilapitan niya sina Riella na nakaupo sa sofa at naupo sa tabi nito na nasa lapag. Sina Riella at Kohen na lang ang natitirang naglalaban, samantang nanunuod sa likod ni Kohen si Oddity, at nasa likod naman sila ni Riella.

"Ang pangit ng card mo, Kohen." Napakamot ang Kuya Ei niya sa batok habang nakatingin sa hawak na cards ni Kohen.

Sinilip ni Kara ang cards ni Riella. She has six cards while Kohen has three. And two of those are wild cards. Isang swap hands, isang draw four at apat na red cards.

Riella smirked. "Is it my turn na?"

Napatawa siya nang mahina nang makita ang sabay-sabay na pagtango ng dalawa. Nagbaba si Riella ng wild draw four. Oddity smirked. Kohen also placed a wild draw four. Mabilis silang napatingin ni Vera sa hawak na cards ni Riella. Wala itong panlaban doon. Riella draw eight cards.

"Aha! Sabi ko na sa 'yo, eh. Hindi mo ako matatalo sa uno!" Kohen said with a teasing smile.

"Manahimik ka muna. Hindi pa naman tapos, " Vera replied. Pareho silang napangisi ni Riella nang tumahimik si Kohen.

Riella discarded a red number five card then Kohen grinned. He discarded a red number one. "Uno!"

The three of them smirked at the boys. "Sorry, not sorry." Riella placed the swap hands card.

Kohen's eyes widened. "Ano ba 'yan!"

Nang aasar na inilahad ni Riella ang 14 cards niya. Kinuha naman iyon ni Kohen ng nakasimangot.

"Masyado kasing mayabang," Vera whispered while Kohen rolled his eyes.

"Concede defeat! Ayaw ko na!" naiinis na saad ni Kohen na nagpahalakhak sa kanila.

"Because of that, ikaw ang manlilibre ng chicken wings!" Riella shouted which made Kohen pout.

"Chicken wings! Chicken wings!" Vera cheered.

Umiiling na natawa si Kohen at ginulo ang buhok nito. Mabilis iyong inalis ni Vera at akmang sasapakin si Kohen nang mabilis itong tumakbo para makaiwas. He was laughing when he grabbed his bag on the center table and faced them.

"Fine! Treat ko na."

Ayon kay Vera, sina Kohen ang may ari nang pinakasikat na food park dito sa Mystown. May ilan rin itong branches sa Lennon at Liora. Sa kanilang lahat, ito raw ang may pinakamaunlad ang pamumuhay. Gusto man nila o hindi, si Kohen ang madalas na nanlilibre sa kanila.

Sabay na ngumisi sina Riella at Vera saka nag-apir. Tumayo na rin si Kara at nilapitan si Janus. Saktong isinara nito ang worksheet at nakangiting inabot sa kaniya.

She stared at him for a sec. He smiled again . . . Mabilis na kumabog ang dibdib niya nang makita ang pagngiti nito.

"Tapos na 'ko," muling sabi nito nang hindi niya abutin ang worksheet.

Kaagad na namula ang pisngi ni Kara nang mapansin na matagal na pala siyang nakatitig dito. Nakakunoot na ang noo ni Janus sa kaniya. Para siyang tangang minumura ang sarili sa isipan. Nakayuko niyang kinuha ang worksheet saka inayos ang gamit bago sumunod kina Oddity na nakalabas na ng music room.

Humigpit ang kapit niya sa hawakan ng backpack nang magkasabay sila ni Janus nang paglabas sa pinto. Their shoulders bumped that made her spine shiver.

Hindi na niya ito nilingon para mag-sorry at wala sa sarili siyang naglakad palapit kina Vera at Rielle. May pinagkwekwentuhan ang dalawa na hindi niya maintindihan kaya hindi na rin siya umimik.

Paglabas nila sa school ay naglakad lang sila hanggang sa kabilang kanto at saka tumawid. They stopped in the restaurant called 'Hot Chicken & Cold Beer.' Naunang pumasok si Kohen na sinundan naman nila.

Sinalubong sila ng lamig ng aircon at ingay ng ilang estudyanteng nandoon din. Sandaling nakakuha ng pansin ang pagpasok ng Empty ngunit mabilis ding umingay. The place is a little bit small but elevated. It has a silly vibe because of the mix of rustic and minimalism.

Naupo sila sa pinakadulong table kung saan may bakante pa. Naupo siya sa tabi ni Riella na katabi ni Vera at katapat naman niya si Kohen. Kohen is beside Oddity, followed by Janus.

Kohen ordered for them. Matapos ang ilang minutong paghihintay ay inihain na iyon. Napuno ng kuwentuhan ang table nila, kadalasan, hindi siya maka-relate, ngunit kinukwento naman nina Riella at Vera kaya nakahahabol siya sa takbo ng usapan.

"Last one standing then," said Oddity with finality.

They talked about the battle of the band that Empty will going to compete, the one Riella mentioned. Tahimik lang siyang nakinig habang pinag-uusapan ng Empty ang mga kantang tutugtugin nila at ang mga practices na s-in-et ng kuya niya.

"Okay. It's settled then. Walang male-late, ha! Lalong-lalo ka na, Kohen," her brother said with authority.

"Hoy! Maaga 'ko palagi! 'Yang si Vera kasi, pahintay ng pahintay!"

Tiningnan nang masama ni Vera si Kohen. "E'di 'wag kang maghintay! Kaya kong maglakad mag-isa!"

Kohen scolfed. "Kung sinu-sino kasi sinasabayan mo!"

"Pake mo ba!?"

"Tama na yan! Mag-aaway pa. Para kayong mga bata," her brother said. He then took a glance at Janus who's busy eating. "At ikaw naman, mag-focus ka muna sa school."

Janus rolled his eyes. "I don't need your lecture, bads."

They were in the middle of eating when a teen boy approached their table. Kinalabit nito si Janus na nagpatigil sa kanilang lahat kumain.

He raised his brows and faced him. "What is it kiddo?"

"I, uhm . . . ." He bowed his head as if he can't form a proper sentence to say.

"Tinatakot mo kasi, Janus," sita ni Vera saka hinarap ang bata. "Ano 'yon boy?"

"Uhm . . . can I borrow that guitar?" he asked and pointed his finger at Janus' acoustic guitar.

Nangunot ang noo ni Janus ngunit bago pa ito kumontra, nagsalita ulit iyong bata. "I just want to sing a song for my father over there." Tinuro nito ang mesa sa kanan nila. "Today is his birthday," nahihiyang sinabi nito.

Janus licked his lower lip as he stared at the boy and his father, as if thinking what should he do. At the end, he nodded slowly and handed him the guitar. "Make it fast, kiddo."

Nabalot ng katahimikan ang buong table nila nang nakangiting umalis sa mesa nila ang bata. Kumunot ang noo ni Kara nang pasimpleng tinapunan nina Oddity at Kohen ng tingin si Janus, tila tinatantsa ang reaksyon nito.

Janus is still looking on the teen boy. A flash of sadness flickered in his eyes as he watched him sang Father and Son by Cat Stevens to his father. He then took a deep breath before looking away.

"Ano. . ." She can hear uneasiness in Kohen's voice. "Sinong may gusto pa ng rice?" he asked and took a glance at Janus who's silently eating his meal.

Oddity raised his hands. "Isa pa sa 'kin, bads."

"Hati na lang kami ni Vera sa isa." Si Riella.

Kohen looked at her, but she shook her head. "Busog na 'ko."

Tumango si Kohen at muling tumingin kay Janus. "Ikaw—"

"Tapos na 'ko." He faced Oddity. "I'll go ahead. Maaga akong tutugtog sa Saturday Night," he said coldly and bid goodbye to them.

Nilapitan pa nito ang bata sa kabilang mesa para kunin ang gitara saka tuluyan nang umalis.

"Wrong timing naman." Kohen slowly released his breath.

"Anong mayro'n?" she asked confusedly.

Oddity sighed and leaned his back on the chair. "Janus hates his father ever since. He used to dedicate his songs to him too. Med'yo awkward lang siguro kanina."

Kara nodded as she recalled the day when she saw him singing and met him in Lennon. Nang mabasa nito ang lyrics na sinulat niya para sa ama ay bigla itong nag-back-out at nilait pa ang gawa niya. Siguro iyon ang dahilan kaya ayaw nitong kantahin ang sinulat niya.

He has a scar that he doesn't want to reopen. That's why when he sang Perfect by Simple Plan, he can get through her. She felt the affliction behind those painful lyrics.

She bit her lower lip and stared at the glass window where she could still see Janus walking away.

At that moment, she suddenly had the urge to know him more. She wants to save him in the depths where he's drowning. She doesn't mind filling out the holes in his heart even when it means breaking her heart.

KARA HEAVED A DEEP sigh as she closed her notes. Muli niyang sinulyapan ang relo dahil tatlumpong minuto na ang nakalipas ngunit wala pa rin ang lalaking dapat ay tuturuan niya.

"Wala ba siyang balak sumipot?"

At dahil wala naman siyang magagawa kundi ang maghintay ay ibinalik na lamang niya ang atensyon sa aklat na binabasa. Ilang minuto pa ang nakalipas at natapos na niya ang inaaral na subject, ngunit kahit anino ni Janus ay wala kaya't naisipan niya na muling magtingin ng aklat na pagkakaabalahan.

Ibinalik niya ang natapos na aklat sa seksyon kung saan niya ito kinuha. Akmang tatalikod na siya nang hindi niya sinasadyang matingko ang aklat na nasa katabi nito. Napapikit na lamang siya nang basagin ng ingay gawa nang pagbagsak ng mga aklat ang katahimikan na bumabalot sa silid-aklatan.

Mabuti na lang at sa dulong parte iyon dahil kung hindi ay nasigawan na naman siya ng matandang librarian. Parang kumukulo pa naman ang dugo noon sa kaniya. Isa-isa niyang pinulot ang mga aklat at ibinalik sa shelve kung saan ito nararapat. Bago pa man niya maibalik ang mga nahulog na aklat ay napukaw na ng isa sa mga ito ang interes niya.

Arion Internationa School. Yearbook of Batch 2010. Iyon ang taon na nagtapos ng elementarya ang Kuya Ei. At ito rin ang paaralan na pinasukan nito.

Wala sa sarili niyang kinuha iyon at ibinalik ang natitirang aklat na nahulog sa dapat kalagyan. Muli siyang bumalik sa kinauupuan kanina.

Mabilis niya itong binuksan at hinanap ang larawan ni Oddity. Sa ikalawang pahina ng aklat niya natagpuan iyon. Napangiti siya. Napaka 'totoy' pang tingnan doon ng Kuya Ei niya. Mapayat ngunit halatang may hitsura naman ito.

Binuklat pa niya ang pahina ng aklat at isang lalaki ang nakaagaw ng kaniyang atensyon. May pag-asa ang mga ngiti nito at tila walang pasan na problema. Abot sa mata nito ang isang kumikinang na ngiti. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi ang valedictorian ng batch ng kuya niya noong elementarya.

Ilang segundo niyang tinitigan ang larawang iyon. Nabalik lamang siya sa reyalidad nang makarinig ng yabag ng paa na papalapit sa kaniya.

Mabilis niyang naisarado ang aklat na binabasa nang makita si Janus na papalapit sa kinaroroonan niya.

"I'm sorry, may inutos pa kasi si Sir Jannick," sabi nito habang naghahabol pa ng hiningang naupo sa tabi niya.

Sa halip na sumagot ay tumango lamang siya at tinitigan ang binata. Pinagpawisan siya nang malamig dahil sa titig nito.

Mas lalo pang lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib nang bumaba ang mata nito sa aklat na hawak niya kaya't mabilis niya itong naitago sa likod.

Hindi siya p'wedeng magkamali, ang lalaking valedictorian ng batch ng kuya niya ay ang lalaking nasa kaniyang harapan.

If Janus was a valedictorian way back in their elementary days, what happened? What made him despise studying?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top