WTSGD 5: Good Thing or Not?
CHAPTER 5 - Good Thing or Not?
MATALIM NA NAKIPAGTITIGAN si Janus kay Oddity upang ipahatid na hindi siya sang-ayon sa ipinahayag nito. Matagal silang nagsukatan ng tingin bago siya tuluyang umiwas at ibinagsak ang sarili sa sofa.
"Bads naman." Bahagya nitong hinilot ang kaniyang sentido. "This is our only chance. We don't have a choice but follow their condition," sabi nito at isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan saka naupo sa katapat niyang sofa.
Naihilamos niya ang palad sa mukha saka hinarap si Oddity. "Why do I need to study to participate? They are being unreasonable!" giit niya sa kaibigan.
The Office of Student Affair talked to them. Iyon ang kondisyon na ibinigay sa kanila para makasali sa nalalapit na Battle of the Bands sa Townsquare.
"Mrs. Rivera said, you're focusing too much on extracurricular than academics, that's why she can't allow you to participate unless your grades will improve," he said in a matter-of-fact tone.
He clenched his fist and gritted his teeth. "That's foul play, bads!"
Damn it! Ano bang kinalaman ng grades niya sa performance nila?
"Ano ba kasing ginawa mo sa calculus mo, bads? Bakit napakababa?" puna naman ni Kohen na naglalaro ng drums sa gilid.
Inirapan niya ito saka binato ng throw pillow. "Just shut up!"
Humalukipkip ito at hindi na siya nilingon. Ibinalik niya ang tingin kay Oddity na madilim pa rin ang tingin sa kaniya.
Bakit ba palagi na lang siyang nalalagay sa ganitong sitwasyon? Hindi na nawala ang problemang dulot ng ama niya. Hindi ito titigil hangga't hindi siya sumusuko sa musika.
Ipinikit niya ang kaniyang mata. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para tumigil ang ama. Without giving up his dreams.
Bumuga siya ng marahas na hininga at minulat ang mata. Nilapitan siya ni Oddity saka tinapik sa balikat. "Bads, it's up to you," sabi nito at saka tahimik na lumabas ng music room.
Paano siya makahahabol kung isang linggo na lamang ay pagsusulit na naman nila?
KARA'S PHONE BEEPED because of the reminder she set for the contest. Dalawang linggo na lang bago ang deadline ng pagpapasa ng entry sa contest na sasalihan niya.
She needs to make her father proud in the field she excelled. Ang tanging problema na niya ay ang aawit para sa kantang isusulat niya. Hindi sa hindi siya marunong kumanta, marunong siya kahit paano. Ngunit wala siyang lakas ng loob na gawin iyon.
Matapos kumain, inayos na niya ang baon at saka nagsimulang maglakad patungong eskwelahan. Mahigit sampung minutong lakaran lang naman ang bahay nila kaya pinili na lamang niyang maglakad.
Nang makarating sa bukana ng gate ay isang malakas na busina ang gumulat sa kaniya. Isang Honda Civic ang huminto sa harapan niya at saka bumaba roon ang dating tinuring na kaibigan. The usual Steffy.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Get out of my way, bitch."
Kahit kailan talaga ay hindi nagbago ang ugali nito. Kung umasta pa rin ito ay tila siya ang may ari ng paaralan.
Ilang segundo siyang napakurap bago tumabi. Itutuloy sana nito ang paglalakad papasok nang isang maduming bata ang lumapit dito.
"Ate, ate." Hinawakan nito ang laylayan ng uniform ni Steffy dahilan para mapatigil ito. "May piso ka?" tanong nito.
Diring-diri nitong tiningnan ang bata na tila isa iyong maduming bagay. "Eww! Doon ka nga! Bawal dito ang beggars," maarteng sabi nito saka bahagyang itong itinulak.
Namilog ang mata ni Kara dahil sa ginawa nito kaya agad niyang nilapitan ang bata at saka itinago sa likod. Pati ba naman walang kalaban-laban na bata ay papatulan nito? Gaano na ito kasama para gawin iyon?
Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Steffy sa kaniya. She smirked. "Yeah! You should stick together," insulto nito saka sila tinitigan simula ulo hanggang paa. "Trash!"
Steffy fanned herself and looked at them with disgust.
Ginantihan niya ito ng isang matalim na tingin. "It's a real shame nobody asked for your opinion," aniya.
Hindi na bago sa kaniya ang panlalait nito dahil na sanay na siya, pero ang idamay ang isang bata na walang kasalanan ay ibang usapan na iyon. Naaalala niya ang mga bata sa ampunan kaya parang may kumukurot sa puso niya kapag nakakakita ng batang palaboy sa daan.
Walang alam si Steffy sa pinagdaraanan ng mga batang iyon dahil ipinanganak itong mayaman. Hindi niya ito masisisi, ngunit sana naman kahit kaunting awa lang ay makaramdam ito. Hindi nito kailangang tawaging basura ang bata.
Namula ang mukha ni Steffy dahil sa tugon niya. Humakbang ito palapit sa kaniya at akma sana siya nitong sampalin nang may humarang sa kamay nito.
"One slap and I'm going to make your whole semester a hell," malamig na saad ni Janus.
Kara's mouth parted in shock, she was taken aback. Hindi niya alam na nakalapit na ito sa kanila.
Matalim na tinitigan ni Janus si Steffy bago ibinaba ang kamay nito. Ibinulsa nito ang kaniyang kamay at saka naglakad palapit sa batang nasa likod niya.
Tumaas ang kilay ni Kara habang tinitingnan kung paano ito naupo at pinantayan ang bata. Kinausap iyon ni Janus nang sandali. Nalipat ang tingin niya sa mga estudyanteng nakamasid sa kanila.
Ilang sandaling natigilan si Steffy ngunit mabilis ding nakabawi. "Argh! You ruined my day!" sigaw nito at saka nagdadabog na naglakad paalis.
Rinig na rinig ni Kara ang halakhak ng mga nakasaksi sa gilid nila. Mga kapwa estudyante na natuwang mapahiya ang tinaguriang queen bee sa paaralan nila. Sa totoo lang, wala naman siyang balak ipahiya ito. Nais niya lang tulungan ang bata.
Nabalik ang atensyon niya kay Janus. Ilang sandali niya itong tinitigan at pinanood na makipag-usap sa batang nasa likod niya. "Here, take this," saka nito iniabot ang hawak na sandwich.
The child's eyes brightened. "Salamat, Kuya!"
Her heart beat faster when he turned his gaze to her. Kaagad siyang umiwas, nalulunod siya sa lalim ng mata nito. Parang kapag pinatagal pa niya ang titigan nila ay mawawala siya ng lakas.
Binaba niya ang mata sa bata nang maalala ang hinandang baon kanina. Mabilis na kinuha niya iyon sa bag at nakangiting iniabot sa bata.
"Sayo na lang din ito," she said.
Mabilis nitong iniabot ang lunchbox niya saka lumawak ang ngiti. "Salamat, Ate at Kuya!"
Ilang sandali lang ay nagpaalam na rin ito at umalis. Nagsimula nang maglakad si Janus. Nakasunod lamang siya rito, iisa lamang kasi ang building na pupuntahan nila. Kapareho niya ito ng strand ngunit magkaiba lang ang kanilang section.
Nauuna itong maglakad sa kaniya. Hindi na niya ito sinabayan pa dahil baka isipin nitong feeling close siya. At isa pa, ayaw na rin niya na ma-issue kagaya ng nangyari sa cafeteria.
Dumaan muna siya sa locker bago pumasok para kunin ang libro niya sa first subject. Her heart nearly stopped when someone dragged her inside a room.
"Janus . . . ." bahagya niya itong tinulak.
He took a step forward, so close that he invaded her personal space. Napasandal siya sa pintuan. He put his right hand beside her head. Kalahating ruler na lang ang layo nila sa isa't isa. Bakit ba bigla-bigla itong nanghihila?
She faced him with widened eyes. "A...a-nong kailangan mo?" Parang malalagutan na siya ng hininga sa kaba.
He heaved a sigh. "Be my tutor," he said, his voice was pleading.
"What?" She can't process what he said.
Ilang segundo siya nitong tinitigan saka marahas humugot ng hininga. "I said be my tutor."
Her brows knitted. Bakit naman kailangan nito ng tutor? Bakit siya? 'Di hamak na mas matalino naman ang Kuya Ei niya kaysa kaniya. Bakit hindi iyon ang tanungin nito?
She avoided his gaze at bahagya niya itong itinulak. "I can't."
Kailangan din niyang mag-aral para sa nalalapit na quarter exam. She needs to top. She can't fail her dad, not again.
Tinalikuran niya ito. Hawak na niya ang door knob ng pinto nang magsalita ito. "I'll sing your composition."
Kaagad niya itong nilingon. "Pardon?"
Janus smirked. "I'll sing your composition if you'll agree to be my tutor."
He is the perfect match for her composition, but she also needs to focus on reviewing. Paano kapag bumaba ang exam niya? Yet, it's a win-win situation for her. Hindi na niya kailangan maghanap ng kakanta sa piece niya. At sigurado rin siyang mabibigyan nito ng hustisya ang gawa niya.
A smile curved on her lips. "Sounds good." Nilahad niya ang kaniyang kamay. "Deal."
Janus took a step forward and accepted her hand. "Deal."
Mabilis niyang binawi ang kamay. He gave her a half smile. "Music room, after class," sabi nito at saka lumabas ng silid.
Ilang segundo siyang tumitig sa pinto na nilabasan nito. His smile made her heart thump. Parang nakikipagkarera ang puso niya dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.
It's just a freaking smile!
She touched her hand to her chest. "Damn it. What was that?"
Matapos ang pinakahuling klase nina Kara ay inayos kaagad niya ang gamit at nilagay sa bag. Palabas na siya ng classroom nang biglang may umakbay sa kaniya. Nang lingunin niya iyon ay awtomatikong tumaas ang kilay niya.
It was Ismael. Their homeroom president.
Inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kaniya. "What do you need, Mael?"
Mael chuckled, pero inirapan niya lang iyon. "Bakit ba ang sungit mo?"
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at hindi ito pinansin. Lakad-takbo ang ginawa nito para masundan siya kaya't mas binilisan pa niya. She doesn't want to talk to him. Ito ang palagi niyang kakumpitensya sa top. Ito rin ang sinasabi ng daddy niya na sumalo sa scholarship na tinanggihan niya.
"Wait lang, Kara." Hinigit nito ang kamay niya at iniharap. "I just want to say thank you sa pagtanggi mo sa scholarship. I got a chance to study abroad."
Tumango siya. "You're welcome," malamig niyang saad saka tinalikuran ito.
"Teka lang." Muli nitong hinawakan ang kamay niya na mabilis naman niyang inalis.
"May gagawin pa ako, Ma-" Naputol ang sasabihin niya nang may mag-abot sa kanilang dalawa ng survey.
"Hi, Kara! Hi, Mael! Puwede magpasagot ng survey?" nakangiting tanong ni Rachelle.
Tumango siya saka nginitian din ito. If she was not mistaken, isa ito sa miyembro ng student council at kaklase ito nina Kohen.
"Janus, ikaw na mag-survey kay Mael. Ako nang bahala kay Kara."
Nalipat ang tingin niya sa lalaking kasama nito. He gave her a frosty look.
"Ako na kay Kara," malamig nitong saad. Nagtataka pang tumingin si Rachelle kay Janus, pero tumango rin ito.
Wala ng tao sa room na katapat nila kaya doon nila napiling magsagot. Janus just gave her the questionnaire saka naupo sa mesa kung saan siya nagsasagot.
Napakunot ang noo niya nang mabasa ang nilalaman ng survey. It was about love interest.
Naguguluhan niyang nilingon si Janus. "Seryoso ba 'to?" naibulaslas niya.
"Anong subject 'to, Rae?" tanong din ni Mael.
Hindi siya pinansin ni Janus, but Rachelle chuckled and answered them. "Weird ni Sir Jannick, 'no? Sa Personal Development namin iyan."
Ipinagpatuloy niya ang pagsasagot kahit nawi-weird-an siya sa mga tanong.
Natapos na niya ang karamihan sa mga tanong, pero ilang segundo siyang napatigil sa question number 17.
"What is your ideal man, Kara?" basa ni Janus sa tanong na hinintuan niya.
"Ako. Right, Kara?"
Damn you, Ismael! Mura niya sa isip. Gusto niya itong isigaw, pero hindi na niya ginawa.
She had a crush on Mael noong first day of school, pero nawala rin iyon dahil sa kayabangan nito. Steffy and Haidee used to tease her, that's how he find out about her infatuation.
Hindi na niya ito pinansin at hindi rin niya sinagot si Janus. Sinulat na lamang niya ang sagot niya sa papel.
17. A guys who's neat and has the same taste of music as me.
Tumayo na siya at saka ibinigay ang questionnaire kay Janus. Sinuri muna nito lahat ng sagot niya. Nang matapos si Mael ay ibinigay rin nito ang papel kay Rachelle.
Nilapitan siya ni Mael. "Kara, sabay ka na sa'kin mag-review."
She rolled her eyes. "Sorry, uhm, may kasabay na ako."
"Sino?"
Hindi na niya sinagot ang tanong nito. Ayaw niyang ma-issue kagaya ng nangyari sa cafeteria. Saka mukha namang ayaw rin ni Janus na may makaalam noon.
"You're done, Kara and Mael. Thank you! P'wede na kayong umuwi," Rachelle said.
Nginitian niya ito at hindi na nilingon si Janus. Inayos niya ang gamit na dala.
"Kara sinong kasabay mo? Wala naman yata, eh." Hindi niya pinansin si Mael.
"Kara." Palabas na siya nang tawagin siya ni Janus.
Nilingon niya ito nang may pagtataka. "Hmm?"
"Sa music room tayo. Tatapusin 'ko lang 'to. Susunod ako," he said in a low tone.
What the hell! Hindi ba kasi nito alam na mahirap ma-issue sa kaniya? Last time na nangyari iyon ay na-bully lang naman siya nina Steffy.
Gusto niya itong irapan, pero hindi niya ginawa. Baka tirisin siya ni Rachelle na kasalukuyang masama ang tingin sa kaniya. Tinanguhan na lang niya si Janus at saka naglakad patungo sa library. Mael didn't bother her nang malamang ito ang kasama niya.
Is that even a good thing or not?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top