WTSGD 21: Oblivion 1986

CHAPTER 21 - Oblivion 1986

MATAGAL NA NAPATITIG si Kara sa music book na hawak niya. Sinarado niya iyon saka gumulong-gulong sa kama.

"Fudge! I need inspiration!"

Wala siyang maisip na tema sa bagong kantang isusulat. Kanina pa niya iyon tinititigan ngunit wala siyang mapiga sa utak. Huminga siya nang malalim.

"Bakit ba kasi kapag malungot lang ako nakakapagsulat?"

She was always like that. She can pour her soul in the lyrics when she's sad. Para bang awtomatikong lumalabas sa utak niya ang dapat isulat.

Siguro ganoon talaga, kadalasan sa mga akda niya nailalagay lahat ng sakit na hindi kayang bigkasin ng kaniyang bibig dahil doon, malaya siya. That's why she believes when someone sings a song, those  were the words that his mouth couldn't express.

For her, music touch our souls not because of the melody, but because of the memories or the people that comes to your mind when you hear it. Isa iyon sa dahilan kaya 'pag may nagpaparinig sa kaniya ng kanta ay pinakikinggan niya ang liriko.

Ilang minuto pa niyang sinubukang sumulat, ngunit wala talaga siya sa huwisyo kaya't naisipan na lang niyang buksan ang smartphone para tingnan ang email niya.

May higit isang libong emails doon na sa kaniya na hindi na binuksan. Panay galing lang naman sa notification ng Facebook, Wattpad, at Youtube ang mga iyon. Pinuntahan kaagad niya ang dalawang email sa important at nanlaki ang mga mata niya nang mabasa iyon.

"Your entry to international songwriting competition was accepted in the top 100 on your selected genre," basa niya sa nakasulat doon.

Napatulala siya sa harapan ng cell phone niya at nabitiwan niya iyon.

"Damn! I made it to top 100!" she screamed.

Nagpagulong-gulong siya sa kama dala ng labis na pagkatuwa. She never expected it. Kahit pa alam niyang maganda ang kinalabasan ng kantang sinulat niya, wala pa ring kasiguraduhan na mananalo ito dahil sa dami ng entries. Her, being on top 100 is enough. Sapat nang malamang may ibubuga siya sa larangang gusto niyang abutin.

"Damn." Ni-refresh pa niyang muli ang email, gusto niyang makasigurado. Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang hindi iyon mawala. "Shit! Totoong-totoo!" bulong niya.

Thanks to Janus and his dreamy vocals! Nakapasok siya. It's a good start for her. But speaking of Janus . . . .

Matapos ang gabing iyon, isang linggong hindi pumasok si Janus. Ayon kina Kohen, dahil daw may bulutong ito, pero hindi niya magawang maniwala. Ilang beses niya kasing narinig sina Oddity at Vera na nag-uusap tungkol doon. It's like they were looking for Janus.

She heaved a deep sigh. Does going to school an option? Because for her, studying is necessary. She shook her head to erase her thoughts and rolled over her bed. Bahala sila kung ayaw nila mag-aral.

Kinuha niya ang music book at ibinalik sa study table niya. She was about to head outside when she saw her cassette tapes.

"Buhay pa pala 'to?"

Matagal na niyang hindi nagagamit ang mga iyon simula ng magka-smartphone siya. Dahil sa mga iyon kaya sila nahilig ng kuya niya sa musika. They always played some punk rock songs and jam in their rooms.

Isa-isa niyang tiningnan ang mga iyon at pinili ang mga nais patugtugin. Nang makapili na ay dumiretso siya sa stock room nila para hanapin ang cassette player nila.

Paalis na sana siya nang makuha iyon ngunit napako ang mata niya sa isang kulay pulang pinto.

Naalala niya no'ng bata pa sila ng Kuya Ei ay ayaw na ayaw 'yon pabuksan ng daddy. He even said na may multo raw sa loob noon kaya hindi na nila tinangkang pasukin pa iyon.

Bahagya siyang natawa. "Really, Kara? You believe in ghost?"

The room filled her curiosity. Pinihit niya ang doorknob noon, ngunit naka-lock.

"I don't believe in ghosts anymore, so . . . ." Kinuha niya ang bobby pin sa buhok at pinilit iyong bukasan.

Matapos ang ilang minutong pagkalikot ay nabukas niya iyon. Napatakip siya ng ilong dahil sa alikabok. Inilibot niya ang mata sa kabuoan ng kwarto. It's deserted.

"Teka." Nanlaki ang mata niya nang ma-realize kung para saan ang kwartong iyon.

It's a music room.

Mayroon doong lumang drum set pati na rin ang ilang tray ng itlog na nakadikit. Marahil ay ginamit iyon para hind maging maingay sa labas. May naiwan ding acoustic guitar na may nakaukit na pangalan, pero hindi na mabasa ang nakasulat doon.

May mga trophies and certificates na naka-display rin. Napukaw ang atensyon ni Kara sa isang lumang picture frame, nilapitan niya iyon. Masyado nang luma ang larawan na naroon. Napako ang mga mata niya sa isang lalaking nasa larawan, may hawak itong gitara at masiglang nakangiti.

It's her dad.

'What the hell?'

Mabilis niyang kinuha ang litratong iyon saka lumabas ng stock room nang makarinig ng steering wheel papasok sa gate nila.

Mabilis siyang nakaakyat sa kwarto. Naupo siya sa kama at matagal tinitigan ang larawan. Hindi niya lubos na maisip na may banda dati ang ama. Kung gano'n, bakit ayaw nito sa mga banda? What made him hate music?

Mas lumapit ang mukha niya sa litrato nang mapansin ang lalaking katabi ng ama. Pamilyar iyon sa kaniya. The guy has a hopeful smile on his lips, his hands were over the shoulder of her dad.

"Is it Mayor Ynares?" naguguluhan niyang tanong sa sarili.

She turned back the picture, finding any clue. Bahagya niyang pinunasan iyon gamit ang hinlalaki para makita ang malapit nang mabura na sulat.

"Oblivion, 1986," basa niya sa nakasulat. "Is Oblivion a band name?" tanong niya sa sarili.

Nawala ang atensyon niya sa larawan nang mag-alarm ang smartphone niya. May schedule nga pala siya ng dalaw sa ampunan ngayon. Bago mag-ayos ng sarili, binuksan muna niya ang browser para mag-search.

She typed, 'Oblivion, 1986.' After a few seconds, few results came. The definition of oblivion, happenings in the year 1986 and stuffs, but none of what she was looking for.

Inipit muna niya ang litrato sa music book saka dumiretso sa banyo para mag-ayos ng sarili. Ayaw niyang ma-late sa appointment niya sa ampunan. Mamaya na lang siya magre-research tungkol sa bagay na iyon.

She wore a black, sleeveless casual dress partnered with her navy green parka jacket and her white converse. Ipinusod niya ang kalahati ng buhok at saka naglagay ng kaunting pulbos.

She already miss the children. Marami na rin ang nangyari simula noong huling dalaw niya sa ampunan. Kailangan niyang makahinga. Para kasi siyang nakahihinga nang maluwag kapag nandoon, wala siyang ibang iniisip.

Nang matapos siyang mag-ayos ng sarili ay bumaba na siya. Naabutan niya si Mang Arthur na family driver nila kaya nagpahatid siya rito sa mall. Bumili muna siya ng pasalubong sa mga bata at saka siya tuluyang nagpahatid sa ampunan.

"Thank you po, Mang Arthur." She waved her hand. Saka lang siya pumasok ng loob nang makaalis ka ito.

"Teacher Kara!"

Napangiti siya nang salubungin siya ni Rix. Isa sa mga batang matagal nang nasa orphanage.

"Nandito ka po ulit!" Tuwang-tuwang yumakap naman sa kaniya si Archie.

"Ate Kara!"

Mas lalo pang dumami ang mga batang lumapit sa kaniya. Warmth filled her chest. Natutuwa siyang masilayan ang mga mukha ng mga ito. Inosente at may bahid ng pag-asa.

She smiled at them. "Kayo talaga. Na-miss n'yo ba si Ate Kara?"

Tumango ang mga ito. Nilapitan sila ni Sister Ela na isa sa mga namamahala sa ampunan.

"Buti napadalaw ka ulit, Kara. Na-miss ka ng mga 'yan," masayang bati nito sa kaniya.

"Oo nga po Sister Ela, ngayon na nga lang po ulit. Nakaka-miss po kasi silang turuan," aniya habang nakatingin sa mga bata.

"Halika muna sa loob, Kara," sabi nito

Umiling siya. "Susunod na lang po ako, sister. Ibibigay ko lang po 'yong dala ko sa mga bata."

Tumango ito. "O sige. Sa fountain lang kami."

Tuluyan nang umalis si Sister Ela. Isa-isa naman niyang iniabot ang mga dala niyang meryenda at laruan sa mga bata. Happiness sparkled inside her. The smile of the kids makes her flatter. Simpleng bagay lang ang ginagawa niya sa mga ito, pero malaki ang ngiti ang ibinalik nito sa kaniya. And that made her heart feel light. Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na nakatutulong ka sa kapwa kahit sa maliit na bagay lamang.

Seeing these homeless kids' eyes with hope lifted her mood. She wants to help them feel appreciated and loved. They deserved it. These kids deserved to be loved.

Napalingon si Kara kay Shakira nang marinig itong humikbi. "Hey, Shakira, bakit ka umiiyak?"

Nakatitig ito sa regalo niyang box ng ponytails. "Palagi akong iniipitan ni Inay dati kapag may pasalubong si Itay na pang-ipit ng buhok," she said between her sobs, "Hindi na muli ako maiipitan ni Inay. Wala na siya. Wala na sila.  Miss na miss ko na silang dalawa. Miss na miss ko na ang mga kapatid ko."

Pain gripped her chest. Mabilis niya itong nilapitan at niyakap. Shakira's parents died in a fire. Nasunog ang bahay nila dahil daw sa naiwang kandila. Both of her parents died with her siblings. Si Shakira lang ang nabuhay sa kanilang pamilya.

"Tahan na, Shakira. It's okay. May plano si Papa God. I'm sure happy na sila sa heaven."

Unti-unti itong tumahan habang nakayakap sa kaniya. A weight settled on her heart. Life is unfair. She knows it and the only thing that she could do is to be a gift to this cruel world.

"Salamat, Ate Kara!" She smiled at her at saka muli itong niyakap.

Nang matapos na siyang mamigay ng mga regalo ay naupo siya sa tabi nina Rix at Shakira.

"Alam n'yo ba kung nasaan si Sister Cristina?" tanong niya.

"Kasam po niya si Kuya Axl!" sagot naman ni Shakira.

Tinuro naman ni Rix ang isang malaking mangga kung saan may medyo kalayuan sa inuupuan nila. May kasama itong lalaki, pero hindi niya mamukhaan dahil sa layo ng pagitan.

"Dito lang kayo, ha. Pupuntahan lang ni Ate Kara si sister," aniya sa dalawa.

Tumango si Rix samantalang humigpit naman ang kapit ni Shakira sa kamay niya. "Sama 'ko, Ate." Kara nodded and held her.

Papalapit sila nang papalapit sa kinaroroonan ni Sister, pero palakas din nang palakas ang tibok ng puso niya. Pamilyar sa kaniya ang tindig ng lalaking kausap ni Sister Cristina.

Her heart was thumping fast. She faced Shakira and asked, "Do you know who's that guy talking to Sister Cristina?"

Tumango-tango ito. "Si Kuya Axl po? Matagal na rin po siyang tumutulong sa amin kagaya n'yo."

She took a glance at him. Masaya nitong pinapanood ang mga batang naglalaro sa bandang gilid nila habang kausap si Sister Cristina. Wala sa hitsura nito ang pagiging malapit sa mga bata. Maybe she judged him so quickly based on his appearance.

"Matagal na ba siyang nagpupunta rito?" she asked.

Kahit isang beses kasi sa pagdalaw niya ay hindi nagkasalubong ang landas nila. It's been three years since she started helping this orphanage and hindi man lang niya ito nakitang pumunta kahit isang beses.

"Opo."

Tumango-tango ito at saka tumakbo papalapit kay Janus. "Kuya Axl, kilala mo ba si Ate Kara?" dahil doon ay napatingin sina Sister Cristina at Janus sa kinaroroonan niya.

Janus' eyes widened and confusion was written all over his face.

"Kara, nandiyan ka na pala," bati sa kaniya ni Sister Cristina.

Mabilis siya nitong nalapitan. "Halika, ipapakilala kita kay Axl. Naku, matutuwa iyon. Ang tagal mo nang dumadalaw rito ngunit ngayon lang kayo nagkatagpo."

"Kumusta po, sister," bati niya. Nginitian niya ito, pero tingin parang mas naging ngiwi iyon.

Janus stared at her. "What are you doing here?"

She raised her eyebrows. Bakit ang sungit ng isang ito? Parang kailan lang, may pasabi-sabi pa itong, "I will protect you." Tapos ngayon ay para siyang may virus kung makapagtanong.

Paasa talaga. Sinasabi na nga ba niya, dapat hindi siya nagpapaniwala sa pa baby-baby nito noong birthday niya.

"Dumadalaw." Inirapan niya ito saka hinarap si sister. "Na-miss ko kayo, sister." Mabilis niya itong niyakap.

Nang kumalas ito sa yakap ay ngumisi ito. "Magkakilala na pala kayo. Siya iyong kinukwento ko sa 'yo, Kara. Si Axl? Iyong kagaya mo na tumutulong dito sa orphanage."

Axl, huh? So he's using his second name?

Tumingin ito kay Janus. "Hijo, hindi ba't sabi ko sa 'yo, magandang bata itong si Kara. Ano, hijo? Papasa na ba?" panunukso ni sister na siyang nagpainit sa mukha niya.

He cleared his throat at inirapan siya. "Mauna na ho ako, sister. Tuturuan ko pa ho iyong mga bata para sa choir," malamig nitong saad.

Ano bang problema ng lalaking ito? Noong nasa Lennon naman sila ay okay pa ang trato nito sa kaniya, but after that call, everything changed.

"Ikaw talaga, hijo, nahiya ka pa. O siya. Kids mamaya na maglaro. Magpa-practice na raw kayo sabi ni Kuya Janus."

Lumapit ang mga bata kay Janus saka sabay-sabay silang naglakad paalis. She was shocked to see how close he was to those children. He even smiled in front of them.

'Si Janus ba talaga ang lalaking iyon?'

Hinawakan niya ang kaniyang dibdib. Her heart was thumping fast. It's him. Si Janus lang naman ang lalaking nakakapagpabilis ng puso niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top