WTSGD 20: That Cold Christmas Night
CHAPTER 20 - That Cold Christmas Night
KINABUKASAN, UNANG TINUNGO ni Kara ang locker room kung saan niya nakita ang sulat na iyon. Maaga siyang pumasok para doon dahil hindi siya nakatulog kakaisip. Who would give her that threat? Bilang lang naman ang mga kilala niya sa school.
Was it Steffy? Hindi ba at may gusto ito kay Janus kaya may motibo ito? Umiling siya. She knew Steffy too well, she's not a coward. Hindi ito magtatago sa likod ng duguang bulaklak at kapirasong papel. Kung gusto siya nitong palayuin kay Janus, sasabihin nito iyon sa kaniya nang diretso.
Maybe Mayor Ynares? Sariwa pa sa kaniya ang nangyari. Was it him? Pero bakit naman? Anong dahilan bakit nais nitong lumayo siya kay Janus? If he was thinking that she was Janus' girlfriend at against ito sa kaniya, isn't too immature for a mayor to give threats to a girl?
Dahan-dahang binuksan ni Kara ang kaniyang locker, hindi na siya nagulat na naroon pa ang box na nakita niya kahapon. Nilingon niya ang paligid at kakaunti pa lamang tao sa school.
Is it okay to report it to the authorities? Pero kapag ginawa niya iyon ay baka madamay si Janus at baka mas humaba pa ang lahat. Baka malaman din ng papa niya at tuluyan siyang palayuin dito. That's definitely not an option for now. Kailangan muna niyang mag-imbestiga.
Who is it? Mayroon pa ba siyang ibang kaaway liban kay Steffy?
Lumingon si Kara sa bandang taas at lihim na napangiti nang makita niya ang CCTV.
"Arion isn't an international school for nothing."
She smirked and walked to the utility office.
"March 1, Wednesday," bulong niya kay Manong Jeffrey na napapakamot ng batok sa kaniya.
"Sigurado ka bang nasa locker mo pa ang aklat na hinahanap mo no'ng araw na iyan?" naiiling nitong tanong.
"Opo, Manong. Sigurado akong nasa locker ko pa iyon. Pakitingnan lang po kung sino ang nagbukas or lumapit man lang." Huminga ito nang malalim saka may ilang pinindot sa computer at lumabas ang araw na hinahanap niya.
"Puwede pong paki-fast forward?"
He tsked but still followed her request. Tutok na tutok ang mata niya sa monitor habang pinapanood ang isang buong araw na walang ibang lumapit sa locker niya. Liban na lang sa Kuya Ei niya.
No'ng tanghali rin kasi na iyon, naiwan niya ang lunch box niya sa van dahil nauna siyang bumaba. Pinahatid niya iyon kay Oddity sa locker room kaya imposibleng ang kuya niya iyon. At saka, bakit naman siya papalayuin ni Oddity kay Janus? Magkaibigan naman sila at isa pa, malabong pagbantaan nito ang buhay niya.
Bagsak ang balikat na lumabas siya ng utility room matapos magpaalam kay Manong Jeffrey. Hindi na nito ipinapanood sa kaniya ang footage nang gabing iyon dahil wala naman daw estudyanteng maaaring maiwan sa Arion na sinang-ayunan naman niya.
But how? Paano ito nalagay sa locker niya? At sino ang may kagagawan?
MABILIS NA TINAGO ni Janus sa bag ang sinusulat na kanta nang biglang bumukas ang pinto ng music room. Bumuga siya ng malalim na buntonghininga nang iniluwa noon si Oddity.
Saglit itong natigilan nang makita siya. "Woah! Ngayon lang ka lang pumasok ng maaga, ah, Valderama."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Maaga lang nagising."
Inilagay nito ang dalang gitara sa tabi ng sa kaniya bago naupo sa table ni Mr. Asenjo. Nakaugalian na nitong doon maupo kapag gumagawa ng requirements at mga reports.
Ibinukas nito ang laptop na dala at saka tumingin sa relo. "Alas sais ng umaga?. Huwag mong sabihing dito ka natulog?"
Gumuhit ang pagkamangha sa mukha nito ngunit agad ring nawala nang batuhin niya ito ng hawak na ballpen na kaagad naman nitong naiwasan.
"Sira! Maaga lang akong pumasok."
Humalakhak ito. "Nakakapanibago lang! May pag-asa pa kung sina Riella or Kohen, pero ikaw? You love your bed so much, Valderama. Nai-imagine ko na ngang baka iyon na ang pakasalan mo, e."
"Gago!" Umiling na lamang siya dahil sa sinabi nito.
Tama kasi ang sinabi ni Oddity. Iyon yata ang unang beses na pumasok siya nang maaga. Maging siya ay naguguluhan na rin sa sarili. Ang totoo kasi ay inagahan talaga niyang pumasok upang aralin ang isinulat na kanta ni Kara. Nais na nga niyang sapakin ang sarili nang sabihing siya na ang bahala roon. He knows that he can't study it overnight.
"Ano bang gagawin mo? Don't tell me na pumasok ka nang ganito kaaga para tumambay lang," usisa nito habang patuloy sa pagtipa sa keyboard ng laptop.
"I just need to practice a song," tipid niyang sagot. Muli niyang kinuha ang gitara at saka nag-strum. "Pakinggan mo nga kung okay na ang areglo."
Hindi ito umimik kaya pinagpatuloy niya ang pag-strum at sinimulan ang pagkanta. Nahagip ng mata niya ang pagtigil ni Oddity sa pagtipa ng keyboard upang pakinggan siya.
Matapos kumanta ay tinaasan siya nito ng kilay. "Ikaw ang kakanta ng sinulat ni Kara?"
Tumango siya. "Yeah. She asked me," he lied.
"Akala ko ba, tumanggi ka? Hindi ba si Javaid na ang kakanta?" May bakas ng kuryosidad sa tono ng tanong nito.
Nagkibit siya ng balikat. "Nag-back-out daw."
Ibinaba ni Oddity ang screen ng laptop niya upang isara saka mabilis na lumakad at naupo sa katabi niyang sofa.
Matalim siya nitong tinitigan. "Tell me, um-oo ka ba dahil gusto mong lang malamangan si Javaid dahil malapit sila sa isa't isa or is it because of Kara?"
Hindi komportable si Janus sa tingin ni Oddity sa kaniya kaya umiwas siya ng tingin dito.
Hindi rin niya alam ang sagot.
He fucking hates the fact that she was close to him. Ilang minuto niya itong hindi sinagot at nagpakalunod sa ideyang naglalaro sa isipan niya.
Malalim ang naging paghinga ni Oddity nang hindi siya sumagot. "Hindi ako manhid para hindi mapansin ang mga tingin mo sa kapatid ko. Kung naguguluhan ka lang dahil malapit siya kay Javaid at gusto mong makaganti, huwag mo na lang ituloy.
"Gusto kitang maging masaya, bads, pero binabalaan kita, sa oras na masaktan si Kara, ako ang makakaharap mo," banta nito at saka siya tinalikuran.
Napatulala siya sa kawalan dahil sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang hindi iyon paalala sa kaniya bilang isang kaibigan, ngunit bilang kuya ni Kara at naiintindihan niya iyon.
Ngunit nais man nitong protektahan ang kapatid, wala naman siyang balak gawin ang sinasabi nito. Sa katunayan ay ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya ang gawin iyon. Ang ideya pa lamang na masasaktan niya si Kara ay para nang may nakabara sa dibdib niya.
Naguguluhan man siya sa nararamdaman, ngunit gusto niyang dahan-dahanin ang lahat. Ayaw niyang magmadali at pangunahan ang lahat.
He wants to take everything slowly. Ayaw niya itong masaktan. At ang unang kailangan niyang gawin ay ang linawin ang nararamdaman niya. He needs to be sure bago siya gumawa ng aksyon.
Ibinaba niya ang hawak na gitara saka kinuha ang cell phone sa bag. He texted Kara to meet him here in music room before their first class. Tipid na 'sige' lang ang natanggap niya rito.
Pinagpatuloy na lang muna niya ang pag-aayos sa areglo ng kanta habang naghihintay kay Kara. Makalipas ang kalahating oras ay dumating din ito at naupo sa sofa na inuupuan niya. Dalawang dangkal lang ang pagitan ng katawan nila.
"Hey," bati nito, pero hindi siya umimik, tinanguan lang niya ito. Sayang ang laway.
"Naayos ko na 'yong areglo." Kinuha niya ang music score at ipinakita iyon kay Kara. "May kaunti akong binago, pero kung ayaw mo, puwede naman iyong dati na lang. May part kasi sa refrain na hindi babagay sa riff na napili mo. At tingin ko, kailangan din ng rest sa part na ito." In-explain muna niya ang ilang part bago ito tinapunan ng tingin.
She just stared at him and he bet she's not listening. Napalunok siya ng sariling laway nang bumaba ang tingin sa labi nito. Those tempting lips again . . . .
Umiwas siya ng tingin at tinuon ang mata sa score. He cleared his throat to get her attention. "Nakikinig ka ba?" pilit niyang pinagmukhang iritado ang boses.
A glint of uncertainty flashed in her eyes but she immediately looked away. "Uhm . . . sorry." Bahagya itong yumuko. "May naalala lang ako. Come again?"
Is she worried?
Naalala niya ang sulat na natanggap nito kagabi. Naikuyom niya nang mahipit ang kamao at umigting ang panga. Remembering those fears in Kara's eyes yesterday made his muscle tense and rage fueled him. No one can harm her without going through him. Kapag nalaman niya kung sino ang may gawa noon ay baka makapatay siya.
Marahas siyang bumuga ng malalim na hininga. Binaba niya sa center table ang music score saka hinarap ito at hinawakan ang baba para iharap sa kaniya.
Doubt glinted in her eyes. "Should I stay away from you?" she asked, biting her lower lip.
He closed his eyes and tried to think. Iyon ang pinakamagandang gawin lalo na't wala silang alam sa kung ano ang motibo ng nagpadala ng sulat na iyon. But just thinking about Kara avoiding him fueled his annoyance. A week of avoiding her because of fear that his father would do something was a freaking hell. And now, he had to go through with it again, with Javaid around?
'Hell no!'
He opened his eyes and faced her. "Stop thinking about it. I'm here to protect you," he said and kissed her forehead.
Sandali itong natigilan at napatitig sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at kinuha ang music score sa table. Ramdam niya ang mabilis na pag-init ng kaniyang tainga. Blood rushed through his face.
Mabilis siyang tumayo sa sofa at kinuha ang gitara. He needs to get out of here before she notices his face.
"Meet me in the parking after school. I have a friend in Lennon, we can drop by his small studio for the recording," he said and stormed out of the room.
His heart was thumping fast and he can't help but smile as he walked to the corridor.
Damn, Janus! Why did you kiss her?
SUMANDAL NANG BAHAGYA si Kara motor ni Janus pagkadating niya sa parking lot. Mabilis niya itong nahanap kaya roon na niya napagpasyahang hintayin ito. Hindi mawala ang ngisi niya nang makita ang repleksyon ng mukha sa salamin.
The softness of Janus' lips pressed on her forehead still lingers in her mind. He said he will protect her, why? Naiwan ang katanungang iyon sa isipan niya. Ayaw niyang mag-assume nang malalim na dahilan dahil baka masaktan na naman siya ng kaniyang expectations.
"Kanina ka pa?" Janus asked with a husky voice behind her.
Humigpit ang hawak niya sa straps ng bag. Huminga muna siya nang malalim bago ito nilingon. "Kararating ko lang din." Pinilit niyang hindi kumawala ang ngiti sa labi ngunit nabigo siya.
Tumango si Janus at sinuklian siya ng tipid na ngiti. Inaalis nito ang bagpack sa likod saka inilipat sa dibdib. "Nagpaalam ka na kay Odd?" tanong nito.
Tumango siya at umatras nang maneobrahin nito ang motor paatras, nang makaayos na ito. Muli itong bumaba sa motor at kinuha ang spare helmet saka isinuot sa kaniya. Ramdam na ramdam ni Kara ang bilis ng tibok ng puso niya nang magtama ang mata nila. Sandali lamang iyon pero sobrang lakas ng epekto sa kaniya.
They hopped on to the motorcycle and rode off to Lennon.
"Nagugutom ka ba?" rinig niyang tanong ni Janus sa gitna ng lakas ng tunog ng hangin. May madaraanan kasi silang hilera ng mga maliliit na tindahan na nagbebenta ng ihaw-haw.
"Bili tayo saglit." Ramdam niya ang pagtango nito at ang pagbagal ng patakbo nito sa motor.
Sa pinakadulong tindahan sila huminto. Bumaba siya saka inalis ang helmet at isinabit sa side mirror.
"Masarap ang goto nila rito," ani Janus saka naunang naupo sa loob para ipaghanda sila ng mauupuan.
After a minute or so, Janus came holding a tray with two gotto and a bunch of ihaw-ihaw. Naupo ito sa tapat niya at inilagay ang gotto sa harapan niya.
"Eat up."
Tumango siya saka tinimplahan iyon, gano'n din ang ginawa ni Janus.
"Bakit pala madalas ka rito sa Lennon?" tanong niya. Ilang beses na kasi siya nitong dinala rito. Noong birthday niya, noong nakipagkita ito at noong nagkasabay sila sa bus.
"I used to live here. Dito kami nakatira ni Mama dati. Pero noong pumasok ako sa school, lumipat kami sa Mystown." Ibinigay nito sa kaniya ang nabalatan nang itlog.
"If you're going to choose, Mystown or Lennon?"
"I love my hometown . . . so Lennon." Tumango siya bilang pag-sangayon.
Kahit naman siya, siguradong Lennon ang pipiliin niya dahil bukod sa tahimik dito marami rin ang kagubatan. And of course, the beach and the sunset.
Matapos silang kumain ay ipinagpatuloy ni Janus ang pagmamaneho. Border na ng Lennon ang kinainan nila kanina kaya sampung minuto na lang ang binyahe nila bago makarating sa kaibigang sinasabi ni Janus.
Huminto sila sa isang makitid na eskinita na hindi na mapapasok ng motor ni Janus. Inalis niya ang helmet at inilibot ang paningin. Maraming kabahayan na dikit-dikit doon, may mga batang naglalaro ng patintero, at may kumpulan ng mga babaeng nag-uusap sa tapat ng isang tindahan.
Sinundan ni Kara si Janus nang maglakad ito paasok ng masikip na eskinita. Sa dulo noon ay may hindi kalakihang dalawang palapag na bahay.
Hindi pa man sila nakakapagtawag ni Janus, may lumabas na roong lalaki. The guy is half naked. Nakasuot lamang ito ng jersey shorts at nakapatong ang sando sa balikat.
"Bads!" bati noong lalaki kay Janus.
"Hey!" Saglit na nag-usap ang dalawa bago lumipat ang tingin noong lalaki sa kaniya.
Ngumiti ito, pero agad ring napawi nang sikuhin ito ni Janus. "Back off, Ferreras!"
Mahina itong natawa na parang mas naging interesado sa reaksyon ni Janus. Kung hindi nagkakamali si Kara, iyon ang dating kabanda nina Janus na si Tasho. Natandaan niya ang mukha nito dahil minsan itong napunta sa bahay nila kasama si Oddity.
"Pasok kayo," anito saka sila iginaya sa loob ng bahay.
Nakasunod lang siya kay Janus hanggang marating nila ang isang kwarto kung saan may nakalagay sa sign board na, 'Empty only.'
"Old times," naiiling na sabi ni Tasho saka binuksan ang kwarto gamit ang susi na hawak nito.
The room was an old music room. May dalawang gitara na nakasabit sa dingding at may electric drumset sa bandang kaliwa. May keyboad rin, ngunit hindi iyon naka-setup, along with some violins, flutes and ukulele. Sa bandang kaliwa ay may maliit na room kung saan buong glass ang wall noon. May parang workstation doon kung saan nakalagay iyong audio inteferance, studio monitors at may control surface din sa gilid katabi ng head set. Sa labas ng glass wall ay may microphone at may kasamang pop filter. Over all, it was a dedicated home studio.
"Maiwan ko na muna kayo, Janus. Sa baba lang ako kung may kailangan kayo." Naglakad na ito palabas saka akmang isasarado ang pinto nang huminto ito. "Sound proof naman, 'di ko kayo maririnig. Okay lang 'yan," nakangisi nitong sinabi saka lumabas.
Rinig niya ang mahinang pagtawa ni Janus. "Gago!"
The recording didn't go smooth. Marami silang hindi napagkasunduan na part, ngunit mabilis namang nagawan ng paraan.
"I want to engrave every pain I felt in the skies
On that cold Christmas night,
I lost you on the wings of rain and storm
Sorry, I was too weak to lift both of us"
Janus sang the first stanza of her song. She was inspired by her Kuya Ei and Ate Jodi's tragic story when she wrote it. Kaya naman nang kantahin ni Janus kahit unang stanza pa lang, alam na niya kung ano ang kulang.
Pinindot niya ang button ng intercon. Nakakunot ang noo na tumingin sa kaniya si Janus.
"What?"
"You're lacking the emotion, Janus," irita niyang sinabi, kanina pa kasi sila paulit-ulit.
"I'm giving my all, can't you see?"
"But it's not enough," she hissed. "Just imagine you lost the girl you love. Feel the pain of losing her." Saglit na natigilan si Kara nang tumalim ang tingin nito sa kaniya.
"I want to engrave every pain I felt in the skies
On that cold Christmas night,
I lost you on the wings of rain and storm
Sorry, I was too weak to lift both of us."
Janus sang, his eyes fixed on her. She couldn't name the different emotions she saw in his eyes.
"The agony of wishing I could let you fly
But gravity always made a way to pulled you down
And into the ground, you disappeared
Like love in the hearts of men."
Kara looked away. Hindi kinakaya ng dibdib niya ang mga emosyong iyon. She focused herself on listening to his soothing voice but she could feel his eyes boring through her side.
"I wasted precious time
Thinking of tomorrow and today
Now I mistakenly let the day pass by
Without you, baby, by my side."
The three minute song that Kara wrote became a torture for her. Just listening to Janus' voice made her heart ache for no reason. Para bang hindi niya kayang marinig ang kanta na iyon, kahit na alam naman niyang hindi iyon para sa kaniya. Janus sang it with him thinking of losing his girl.
She wondered who he was thinking when he sang the song.
The song finished smoothly. Binaba na ni Kara ang headset na suot nang pumasok si Janus sa mini station kung nasaan siya. Pareho silang tahimik nang naupo ito sa tabi niya. He listened, edited and tweaked some parts before lending her the flashdrive with the finished song.
Nagpaalam na rin sila kay Tasho saka nagpasalamat. Nakasunod lamang si Kara kay Janus palabas ng madilim na eskinita. Nilingon niya ang orasan at mag-a-alas syete na ng gabi.
"Let's go!"
Nakatitig lamang siya kay Janus nang ito ang magsuot ng helmet niya. Gusto niya itong tanungin.
"Janus."
"Hmm?"
She heard a slight click when Janus locked the helmet. Lumipat ang mata nito sa kaniya.
"Na-in love ka na ba?"
Gumuhit ang pagkagulat at pagtataka sa mata nito. Saglit itong natigilan habang mariing nakatitig sa kaniya. He was about to open his mouth to answer when his phone rang. Kara looked away to give him privacy.
Saka lang niya na-realize ang tinanong niya. That's too lame to ask on a guy like him. Imposible namang hindi pa ito nai-in love. Pero bakit walang nabanggit sina Vera?
Nilingon ni Kara si Janus habang may kausap sa phone. Her eyes hold a puzzled look when she saw how Janus jaw clenched and pressed his lips together.
Bigla siyang kinabahan. May problema kaya?
He took a glance at her with his eyes suddenly as cold as ice. Binaba na nito ang cell phone at sumakay sa motor. Ganoon din ang ginawa niya. On their way home to Mystown, hindi siya nito kinibo o kinausap man lang.
Nang makababa siya sa motor, mabilis iyong pinaharurot ni Janus nang walang paalam. Naiwan siyang nakatulala sa labas ng gate nila. She can't take her eyes away from the empty road where Janus headed.
"Who the hell called him?" naguguluhan niyang tanong sa sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top