WTSGD 18: Something Terrible

CHAPTER 18 - Something Terrible

KARA MASTERED THE art of not caring. Matapos ang paghingi niya ng pabor kay Janus ay pinanindigan rin niya ang sinabi sa sarili na hindi na niya ito papansinin. Their deal is off. She's done tutoring him and he's complying with her request. Totally. Wala silang pansinan maging kahit sa music room.

Kohen and Vera's feud were over. Ang kaso silang dalawa naman ngayon ni Janus ang dumagdag. Ang kaibahan nga lang, wala namang nasirang relationship dahil wala naman talaga in the first place.

Palabas sina Kara sa classroom matapos ang klase. Wala siya sa mood na gumawa ng kahit ano. Ang nais lamang niya ay umuwi na kaagad ngunit hindi naman siya tinitigilan ni Riella.

Humarang pa ito sa harapan niya. "Hayaan mo na si Bads. Ganoon talaga iyon." Pampalubag loob nito nang malaman kung ano ang dahilan kung bakit nais na niyang umuwi ng maaga. "Ang mabuti pa, samahan mo na lang ako. Please. . ." Pinagtalop pa nito ang kaniyang palad at saka siya nginitian na tila nagpapaawa.

Samantalang si Vera ay tahimik lamang na nakasunod sa kanila habang nakasuot ng earphones.

Tinaasan ni Kara si Riella ng kilay. "Saan na naman, Riella? Nandiyan naman si Vera, siya na lang ang ayain mo."

Sa halip na lubayan siya ay ngumuso lamang ito. "Tutugtog ang Lost then Found sa Foundation celebration ng college sa gym today.  Gusto ko kayong kasamang manuod."

Tinapunan niya ng tingin si Vera upang humingi ng tulong ngunit nagkibit lang ito ng balikat. Tila alam ring wala na silang magagawa kapag si Riella ang nag-aya. Nagbuntonghininga siya saka naunang maglakad.

"Saglit lang tayo, Riella, ha! May tinatapos akong novel, kailangan kong umuwi nang maaga," paalala niya rito.

Mabilis itong kumapit sa braso niya. "Yieeeh! 'Di mo talaga ako matitiis," masayang pahayag nito.

Napangiti naman siya. Kara's fear of being left behind slowly fades because of Riella and Vera. When they were in the club, her fears almost succumbed her. But looking back now, she realized that Riella and Vera were different from Steffy and Haidee.

Alam niyang mahalaga siya sa dalawa. At hindi lamang iyon basta sinasabi nina Riella. They are constantly made her feel it. . . that she belongs.

Habang naglalakad patungong gymnasium ay nasalubong nila sina Kohen at Janus. Umiwas kaagad siya ng tingin at itinuon ang tingin sa malayo.

"Saan kayo pupunta, bads?" tanong ni Kohen saka inalis ang earphone sa tainga ni Vera.

Sinamaan ito ni Vera ng tingin bago sumagot. "Gymnasium. Manonood ng performance ng Lost then Found."

Hindi man siya nakatingin kay Janus, ngunit kita niya sa gilid ng kaniyang mata ang reaksyon nito sa isinagot ni Vera. Tila bumigat ang paligid. Pansin din niya ang pag-iwas ng tingin ni Kohen.

"Sumunod na lang kayo sa music room, mauuna na ako," malamig na saad ni Janus.

Hindi pa man nakakapag-react si Kohen ay nagsimula nang maglakad si Janus. Naiwang nagtataka si Kara dahil sa ikinilos nito.

Pakiramdam niya ay may malaking problema sa pagitan ng dalawang banda. Lalong-lalo na kina Janus at Javaid. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nakita niya noong umaga.

Ipinagpatuloy nila ang paglalakad patungong gym at nang makarating sila roon ay tumakbo na si Riella patungo sa harapan upang makipagsiksikan. Wala silang nagawa kundi ang sumunod. Naabutan din nila roon si Oddity na nakasuot ng Press ID. Sigurado siyang ito ang magko-cover ng event.

"Go, Kuya Idol!" sigaw ni Riella.

Halos lahat ng estudyante ay tumingin sa kanila dahil sa lakas ng sigaw ni Riella. Hindi pa lamang kasi lumalabas ang Lost then Found ay nagsumigaw kaagad siya. Nakaagaw tuloy sila ng atensyon.

Ilang sandali lamang ang kanilang hinintay at ipinakilala na ng emcee ang Lost then Found. Napatakip si Kara sa kaniyang tainga nang magtilian ang mga estudyante dahil sa paglabas ng banda. Ilang sandali lamang silang nag-ayos ng instrument at saka sinimulan na ang pagtugtog.

"So give me a reason to keep holdin' on
Something that makes me believe that my life's gonna change
Seems like everyone else gets a shot, gets a break
I can't wait for that to be me."

"Shet! Ang guwapo ni Kuya Idol!" malakas na sigaw ni Riella.

Hindi ito nagpatalo sa ibang fans ng LTF. Dahil sa lakas ng sigaw nito, bahagyang napunta ang atensyon noong isang gitarista sa kanila. Ngumiti ito sa direksyon nila.

"Maybe one day I'll be back on my feet
And all of this pain will be gone
And maybe it won't be so hard to be me
And I'll find out just where I belong."

Kung hindi siya nagkakamali, iyon ang pamangkin ng director ng school nila na si Ravi Ventura.

Hindi nito inalis ang tingin sa puwesto nila dahilan para malipat din ang tingin ni Javaid sa direksyon nila na siya namang ikinatili ni Riella.

"Oh my god! Kara! Tumingin dito si Kuya Idol!" walang tigil nitong saad.

Napangiti na lamang siya sa reaksyon nito dahil talagang kitang-kita niya ang saya sa mata nito. Finally, napansin na rin ito ng Kuya Idol niya.

Matapos ang performance nina Javaid ay walang tigil ang bibig ni Riella. Para itong music tape na naka-repeat. Walang ibang bukang bibig kundi ang pagpansin sa kaniya ng idolo. Napakamot na lamang si Kara sa batok dahil mukhang iyon ang bukang bibig ni Riella hanggang sa makauwi sila.

Kasalukuyan silang naglalakad palabas ng gymnasium. Nauuna si Riella, samantalang nakasunod silang tatlo nina Kohen at Vera sa likod. Marahil ay lutang pa rin sa nangyari kanina, hindi nakatingin si Riella sa dinaraanan niya at hindi na nito napansin ang lalaking nabangga niya. Matutumba sana ito, mabuti na lamang at nahawakan ito ni Javaid sa magkabilang braso.

Napatakip ito ng bibig at tila natigilan nang makita kung sino iyon. Halos humalakhak sila ni Vera dahil sa reaksyon ni Riella.

Binitiwan ni Javaid ang pagkakahawak niya rito. "Okay ka lang, miss?" tanong nito.

"Naku po! Natulala na," mahinang saad ni Vera sa gilid niya.

Siniko ito ni Kara. "Shhh. 'Wag kang maingay, baka marinig ka."

Dahan-dahang tumango si Riella."O...o-kay lang ako."

Impit na tawa ang kumawala kay Kara dahil sa hitsura ni Riella. Para kasi itong natulala sa harapan ni Javaid. Kulang na lamang ay maglaway siya.

"Ikaw 'yong babae kanina, right? 'Yong pinakamalakas mag-cheer?" Namula si Riella nang magsalita si Ravi, iyong guitarist na nakapansin sa kaniya kanina.

Tumango siya at saka nginitian ito na bahagyang ikinataas ng kilay ni Javaid. Inilipat nito ang kaniyang mata kina Kohen at Oddity saka tumango bilang pagbati.

"May dinner kami, baka gusto ninyong sumama?" tanong nito.

Nagkatinginan sina Kohen at Oddity at tila nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Namilog naman ang mata ni Riella at akmang ibubukas ang bibig para sumagot nang matigilan sila sa lalaking dumating.

Masama ang tingin ni Janus kay Kara na ikinakunot niya ng noo. Hinawakan nito ang palapulsuhan niya saka itinago sa likod. Nag-iigting ang panga nitong tinitigan si Javaid.

"They have a practice to attend to, Rossier," malamig na saad ni Janus.

Rumehistro ang gulat sa mata ni Javaid ngunit mabilis din iyong nawala. Nagpalipat-lipat ang tingin nina Kara at Riella sa dalawa. Ilang minuto rin itong nagsukatan ng tingin.

Ngumisi si Javaid. "Nice to see you again, bads."

Kara raised her brows when she saw Kohen and Oddity's reaction. Their eyes were wide open. She also noticed the uneasiness in her brother's eyes.

Napansin niya ang pagtaas-baba ng balikat ni Janus. He also clenched his fist and his jaw tightened.

What the hell!

Hindi pinansin ni Janus ang sinabi nito, tumalikod ito at saka nagsimulang maglakad. Naiwan doon si Kara na nakatingin kay Javaid. Magpapaalam sana siya rito, ngunit maging siya ay napasunod kay Janus nang bigla siya nitong hawakan sa kamay.

Mabilis niya iyong inalis. "Wala akong practice." Nilingon niya si Javaid. "I can come, Javaid."

Janus forehead knitted. She rolled her eyes. 'Hindi pa tayo ayos, gago!'

Her Kuya Ei faced her with confusion. "Magkakilala kayo, Kara?"

Nilingon niya si Javaid, but his face darkened. Masama itong nakatingin sa Kuya Ei niya.

"Yes. Magkakilala kami, Oddity," Javaid replied.

Umigting ang panga ng Kuya Ei niya at mariing nakipagsukatan ng tingin kay Javaid. Confusion filled her feature. Javaid mentioned he was an old friend. Ano ba talagang mayroon? Magkakaaway ba sila?

"Uuwi na tayo, Kara," anito saka tinalikuran si Javaid at nagsimulang maglakad.

She felt the authority in her brother's voice. Minsan lang itong magalit kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang sumunod.

Hinarap niya si Javaid. "Una na 'ko, Javaid." She waved her hand. "Highblood mga kasama ko. See you around."

He scratched the back of his neck. "See yah!"

She gave him a sweet smile. Javaid smiled back, but she saw his eyes flickered with sadness.

Nauunang maglakad ang kuya niya. Followed by Kohen, Vera and Riella. Janus is beside her. Hindi niya ito tinangkang lingunin.

Her mind is on Javaid's remarks towards Janus and the newspaper she saw earlier this morning. That confirms her guess. Dating miyembro ng Empty si Javaid.

Nang makarating sila sa music room, kinuha na nila ang kanilang gamit. Pasado alas sais na ng gabi kaya't wala na masyadong estudyante. Nagpaalam siya kina Kohen at saka nagsimulang maglakad palabas para sundan ang kuya niya.

"Kuya . . . ."

Nilingon siya nito. "What?"

"Galit ka pa?"

Oddity's feature softened. He lowered his head and faced her. "Stop using your charms on me, princess." Ginulo nito ang buhok niya. "Hindi kita matiis."

She chuckled. "Woah! Effective pala."

They both burst into laughter. Nang mapadaan sila sa bilihan nang ice cream ay mabilis niyang hinila ang kuya niya.

"Libre mo 'ko." She gave him a puppy look.

He raised a brow. "May baon ka naman, ah. Bumili ka ng sarili mo." She rolled her eyes. 'Kuripot.'

She picked the rocky road and paid at the counter. Nang makabili na sila ay ipinagpatuloy nila ang paglalakad.

Muling bumalik sa kaniya ang nangyari kanina. Wala naman sigurong masama kung magtatanong siya.

She faced Oddity. "Kuya."

"Hmm?"

"May something ba kina Janus at Javaid?" Napahinto ito sa paglalakad.

He stared at her for a second and continued walking. "It's obvious, isn't it?"

Hindi niya sinagot ang tanong nito dahil busy siya sa pagkain ng ice cream, tumango lang siya.

"Dati naming kabanda si Javaid, siya ang dating bahista ng Empty," panimula nito.

Nahulaan na niya iyon kaya hindi na siya nagulat.

"Anong nangyari? Paano siya napunta sa Lost Then Found? Nag-away ba kayo?"

Her kuya shrugged. "Hindi ko rin alam ang tunay na dahilan. Nangyari iyon matapos ang trahedya sa mama ni Janus four years ago. Javaid quit from the band and suddenly disappeared. Janus was really devastated that time, losing his mother at the same time, his best friend is nowhere to be found. Makalipas ang ilang buwan, nagulat na lamang kami nang malamang magde-debut siya bilang bokalista ng bandang Lost then Found."

Shock consumed her. Ibig sabihin may past nga sila.

"Nagalit si Janus?"

Tumango ito. "He felt betrayed. Kahit ako, ganoon din ang mararamdaman ko," anito at saka ngumiti nang malungkot. "Janus was the most hopeful guy I've ever seen back then, but life is unfair and cruel. It gave him hope so he could breathe just to kill him in the end."

Hindi maiwasan ni Kara na malungkot. So, that was his past? His mother died in a car accident. His father is a cruel bitch. And he was betrayed by his own best friend?

She took a deep breath. Hindi niya ito masisisi kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon nito kanina.

LUNES NG HAPON. Mag-isang nakaupo si Kara sa isang table sa cafeteria. Nagpaalam kasi sina Vera at Riella na magpa-practice sila ng banda. Ayaw rin naman niyang sumama sa mga ito, ramdam kasi niya ang bigat ng paligid kapag nasa iisang kwarto sila ni Janus.

Kasalukuyan niyang tina-type ang lyrics ng sinulat niyang kanta sa laptop. Dalawang araw na lamang bago ang deadline ng submission noon, ngunit wala pa rin siyang napipiling kakanta sa c-in-ompose niya.

Sinubukan niyang muling kausapin si Janus, ngunit masyado itong busy sa pag-iwas sa kaniya. Nakasanayan na rin niya ang presensya nito kaya hindi niya maiwasang magtaka. Sa kanilang lahat, siya lamang ang hindi nito pinapansin. Sandaling nanikip ang dibdib niya sa alaalang iyon.

Para siyang multo kapag nasa music room ito. Hindi niya alam kung ano ang rason ng pag-iwas nito, pero sigurado siyang nagsimula iyon matapos nilang makausap si Mayor Ynares.

Nawala ang atensyon niya nang may magbagsak ng tray ng pagkain sa mesa niya. Nakangiti nang nakaloloko si Steffy samantalang nasa likod lamang nito si Haidee at nanonood.

She also glared at them. "Ayaw ko ng gulo, Steffy," mahina pero may diin na sambit ni Kara. Wala siya sa huwisto na makigulo sa dalawa.

"I want this table," nakangising saad nito habang nakataas ang kilay.

Nilingon ni Kara ang buong cafeteria at nakaramdam siya ng inis nang makitang may iilang bakanteng table pa roon. Sigurado siyang naghahanap lamang ng away ang dalawa at siya ang napiling pag-trip-an ng mga ito.

"Maraming bakanteng—" pagkontra sana niya rito ngunit natigilan siya nang makita sina Vera at ang buong banda na papasok sa cafeteria.

Wala sa kaniya ang atensyon ng mga ito kaya dali-dali niyang inayos ang mga gamit. Hindi siya maaaring makita ng mga ito na binu-bully ni Steffy, lalong lalo na ng Kuya Ei niya.

Sigurado siyang mapapahiya ang dalawa kapag nalaman ni Oddity ang pagtrato nila sa kaniya at ayaw na niyang palakihin pa iyon.

Nakita niya ang pagtaas ng kilay ni Steffy at ang pagtataka nang walang sabi-sabi siyang umalis sa table na nais nito. At lumipat sa kabilang table na nasa dulo ng cafeteria.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago muling sinilip sina Vera na nakapuwesto sa isang table malayo sa kinaroroonan niya. Natatabunan din siya ng mga estudyante kaya hindi siya napansin ng mga ito.

Lalapit ba siya? Bago pa man makapagdesisyon ay isang tray na naman ng pagkain ang inilapag sa mesa niya. Crap! She's tired. Ayaw na niyang makipag-away.

Iniangat niya ang paningin niya upang tingnan kung sino iyon. Javaid gave her a sweet smile. Kung si Riella siya ay kanina pa siguro siya kinilig. But his appeal doesn't affect her.

"Javaid?" bigkas niya sa pangalan nito.

"Paupo muna ako, wala na kasing table," anito at saka muli siyang nginitian.

Nilibot niya ang paningin sa buong cafeteria ngunit tama nga ang sinabi nito, wala na ngang bakanteng upuan maliban sa nasa tapat niya.

Ibinalik niya ang tingin niya rito. "See? Wala na talaga."

Tumango lamang siya at saka ibinalik ang paningin sa monitor ng laptop at ipinagpatuloy ang pagta-type ng lyrics.

"Ano 'yan?" tanong nito habang ngumunguya ng spaghetti sa harapan niya.

Hindi niya maiwasang matawa sa hitsura nito. "Ubusin mo nga muna iyang pagkain sa bibig mo bago ka magsalita," puna niya rito.

Kinindatan lamang siya nito. "Ano nga 'yan?"

"Ah . . . lyrics ng sinulat kong kanta para sa isang competition," walang gana niyang sagot.

"Competition?"

Mahina siyang natawa sa pagkunot ng noo nito. "Alam mo ba 'yong International Songwriting Competition?"

Tumango ito. "Sa pagkakaalam ko, Coldplay ang judge ngayong taon."

"Yup, iyon nga. I'm planning to compete."

"Talaga? Parinig naman," hindi makapaniwala nitong saad.

Napangiti siya nang malungkot. "Kaso hindi ako kumakanta, e. Wala pa 'kong singer." Natigilan ito sa pagkain at tinitigan siya.

"Gusto mo, ako na lang ang kumanta?" Namilog ang mata niya at tinitigan nang ilang segundo si Javaid.

"Talaga ba? Hindi ba bawal iyon sa kontrata n'yo?"

Sandali itong natigilan. "I'll ask Manager Vim. Pero tingin ko, p'wede naman."

"Sure kang okay lang?"

"Basta ikaw," nakangiti nitong sagot at saka ginulo ang buhok niya.

Napatulala siya sa ginawa nito at tumaas ang sulok ng labi niya. Hindi niya alam kung bakit napakakomportable niya pagdating kay Javaid. Kahit noong gabing hinatid siya nito sa subdivision nila, hindi niya magawang paghinalaan ito nang masama. May something sa kaniya na nagsasabing pagkatiwalaan niya ito.

"Kara!" Nabalik siya sa reyalidad nang kalabitin siya nito.

"Huh? May sinasabi ka?"

Umiling iling ito at saka siya inabutan ng fries na tinanggap naman niya. "Sabi ko, kung free ka ngayon, practice tayo niyang ginawa mong kanta."

Tumango siya habang nginunguya ang fries. "Wala kaming klase, saan ba?"

"Rooftop?"

Bago makasagot ay isang malakas na ingay ang nilikha ng pagtayo ni Janus sa mesa nila nina Kohen. Nagtatakang napalingon doon si Kara at sinalubong siya ng masamang tingin ni Janus bago tuluyang lumabas sa cafeteria.

Kita niya mula sa kinauupuan ang nagtatakang mukha nina Vera at ng buong banda. Sa halip na bigyan iyon ng pansin ay ibinalik niya ang atensyon sa lalaking kaharap na nakatingin din sa Empty.

Sandali niyang nasilayan sa mga mata ni Javaid ang lungkot nang makita nitong nagtatawanan sila dahil sa biglaang pag-alis ni Janus. Hindi siya maaaring magkamali, puno ng pangungulila ang mga mata nito.

Bumalik ang tingin ni Javaid sa kaniya nang mapansin nito ang mga titig niya.

"Sige. After lunch sa rooftop na lang tayo," sagot niya sa tanong nito na naputol kanina. "P'wede ko bang isama si Riella?" dagdag niya nang maalala ang kaibigan labis na matutuwa kapag nalaman ang balita niya.

"Of course. Mauna na ako, Kara. Susunod na lang ako sa rooftop, kukunin ko lang sa sasakyan iyong gitara ko." Tumango siya at saka ito nagpaalam sa kaniya.

Tinapos muna niya ang pagta-type ng sinulat niyang kanta bago tumayo at lumapit sa table na nilayasan ni Janus.

Naroon ang Kuya Ei niya at busy na nagta-type. Samantalang nagle-lecture naman si Kohen. Kasalukuyang kumakain ng lunch sina Riella at Vera na nginitian siya at inalok ng upuan.

"Anong nangyari kay Janus? Bakit umalis? May problema ba?" tanong niya. Pasimpleng nagkibit ng balikat si Kohen at sumagot naman si Vera.

"Hindi rin namin alam, e. Bigla na lang umalis," sagot nito saka pinagpatuloy ang pag-sip ng milk tea niya.

"By the way, Riella, may good news ako," nakangiti niyang saad rito.

Kumunot ang noo nito ngunit patuloy pa rin sa pagsubo ng spaghetti. "Nakahanap na ako ng kakanta sa sinulat kong kanta and guess who?"

Hindi siya nito sinagot dahil puno ang bibig nito ng spaghetti, pero kita niya ang pamimilog ng mata nito, wari'y naintindihan ang nais niyang iparating.

"Si Javaid?" hula ni Vera sa tanong niya.

Tumango siya na siya namang nagpawala kay Riella. Uminom ito ng juice bago siya sinagot.

"Omg! Kara, hindi ka ba nagdiyo-joke?" anito habang niyuyugyog ang balikat niya.

Napangisi siya saka umiling. "Nope. Actually siya pa nga ang nagpresinta noong nakita niya 'yong sinulat ko."

"Shet! Kara! Ipakilala mo ako!" paghuhuramento ni Riella.

Natatawang umiling ang Kuya Ei niya at ngumisi naman si Kohen.

"Mukhang alam ko na kung bakit umalis iyong isa kanina," mahinang bulong nito kay Oddity ngunit sapat lamang para marinig ni Kara.

Tinaasan niya ng kilay ang dalawa para tanungin ang pinagbubulungan nila, pero umiling ang mga ito.

"Boys only," nakalolokong sagot ni Kohen. Ibinalik na lamang ni Kara ang tingin niya kina Vera at Riella.

"May practice kami mamaya sa rooftop. Sama ka Riella?"

"Hindi mo 'ko kailangang tanungin Kara, sasama talaga ako. Juicolored! Masosolo ko na si Kuya Idol!" sagot nito na ikinahalakhak niya.

Talagang tinamaan yata si Riella kay Javaid dahil napakalakas ng epekto nito sa kaibigan. Hiling lamang niya na huwag sana itong masaktan. Ayaw niyang makitang luhaan ang kaibigan.

Matapos kumain ng lunch ay dumiretso sila ni Riella sa rooftop. Hindi na sumama si Vera dahil sa tingin daw nito ay wala lamang siyang mapapala. Nagpaiwan na lamang ito kasama nina Kohen na patungong music room.

Naroon na si Javaid habang nakaupo at nag-i-strum ng gitara. Nilapitan niya ito habang hila-hila si Riella na tila nabato na sa kinatatayuan.

"Matagal ba kami?"

Lumingon ito sa kanila at saka itinuro ang bakanteng upuan.

"Hindi naman. Kararating ko lang din."

Nginitian nito si Riella at saka ibinalik ang atensyon sa kaniya. "Start na tayo?" Tumango lamang siya.

Buong oras nang pagpa-practice ni Javaid ng kanta ay pansin niya ang pagiging tense nito at ang pananahimik naman ni Riella. Hindi siya sanay sa ganoong presensya ng kaibigan.

Nasanay siya na palagi itong makulit at maingay, ngunit ngayong kaharap nila ang Kuya Idol niya ay sobrang tahimik ito. Alam niyang may bago sa kaibigan na hindi niya matukoy. May kung anong lungkot ang mga mata nito.

"Okay lang ba? Feeling ko, walang emosyon iyong pagkanta ko," komento ni Javaid matapos niyang kantahin ang huling liriko ng kanta.

"I think medyo off ka lang sa part ng chorus."

Tumango siya at muling in-strum ang part ng chorus para kantahin at sabay silang napahalakhak nang pumiyok doon si Javaid.

"Mauna na ako sa room."

Tumayo si Riella sa kinauupuan at hindi pa lamang nakakakontra si Kara ay nakalabas na ito ng rooftop.

Nawala ang ngiti sa labi niya ng mga sandaing iyon. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang lungkot sa boses nito.

Malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. Marahil ay nagselos ito sa kanilang dalawa ni Javaid. Wala siyang masamang intensyon sa pagsama niya rito, akala niya ay matutuwa ito.

"Tapusin na natin iyong kanta, baka may klase na kayo," ani Javaid nang mapansin ang uncertainty sa mata niya.

Tumango siya. "Ayusin mo na kasi iyong chorus, Javaid. Bawal pumiyok," biro niya rito.

Matapos niyang ayusin ang ipe-perform ni Javaid para sa makalawa ay inayos na nila ang kanilang sarili. Palabas sila ng rooftop nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang pinakamalamig na lalaking nakilala niya. Janus Valderama.

Tinitigan siya nito nang ilang segundo, ngunit sapat na para lumundag ang puso niya. Nag-iigting ang panga nito nang lumipat ang tingin sa lalaking kasama niya. Ramdam niya ang mabigat na tensyon sa pagitan ng dalawa.

Nang mga sandaling iyon ay gusto na niyang lumipad na lamang upang mawala sa kinatatayuan niya. Ayaw niyang maipit sa gulo ng dalawa.

Mula kay Janus na naniningkit ang mata ay nilipat niya ang tingin kay Javaid na nakangisi lamang dito. Lumipad ang utak niya sa kalawakan at sari-saring tanong ang nasa isip niya.

Ano kaya ang side ni Javaid at bakit niya iyon ginawa? Bakit niya iniwan ang Empty? Base kasi sa nakita niyang pangungulila sa mata nito kanina, sigurado siya na may malalim itong dahilan.

Naunang umiwas ng tingin si Janus at nilampasan sila. Bahagya pa nitong binangga ang braso ni Javaid, pero hindi na nila iyon nilingon. Naunang maglakad si Kara pababa ng hagdan nang maramdaman niyang hindi nakasunod sa kaniya si Javaid ay nilingon niya ito.

Unti-unting nawala ang ngisi sa labi nito at napalitan ng isang malungkot na ngiti. Nang mapansin nito ang titig niya ay nagsimula na rin itong bumaba palapit kaniya.

Wala sa kanilang dalawa ang nagsalita habang pababa ng hagdan. Nakahugot lamang si Kara ng lakas ng loob na basagin ang katahimikan nang makarating sila sa benches ng school.

"Tara do'n."

Isa iyon sa pinakagusto niyang lugar, dahil tahimik at punong-puno ng naglalakihang puno at tanging huni ng ibon lamang ang maririnig doon. Malayo sa ingay na nanggagaling sa corridor at classrooms.

Naupo siya sa isa sa mga benches doon at gano'n din ang ginawa ni Javaid. Isang nakabibinging katahimikan ang namayani bago siya nagpasyang magsalita.

She faced Javaid. "What happened between you and Janus?"

"May alam ka?" namimilog ang mata nitong tanong sa kaniya.

"May nabasa akong newspaper, nakalagay ro'n na nanalo kayo ng Rookie of the Year Award sa isang battle of the bands," she lied.

Alam man niya ang istorya dahil sa ikinuwento na iyon ng kuya niya, ngunit gusto niyang malaman ang kay Javaid. Gusto niyang malaman ang side nito.

"Can I trust you?" Tumango siya.

"Makakain ba iyang sikreto mo?" Napangisi ito sa isinagot niya at bumalik ang sigla sa mga mata nito.

"So, ano nga? Bakit ka umalis sa Empty?"

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Javaid. "I did something terrible."

"And?"

"Kapag nalaman iyon ni Janus, it will break him," mahina pero may lungkot nitong saad.

"Pero kung kaibigan ka talaga niya, matatanggap at mapapatawad ka naman niya 'di ba?" komento niya.

"But what I did is unforgivable." Yumuko ito bago itinuloy ang pagsasalita, "and it has something to do with his mother's death."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top