WTSGD 13: Battle of The Bands
CHAPTER 13 - Battle of The Bands
SATURDAY AFTERNOON, the day of the battle of the bands. Nakangiting iniabot ni Kara ang hawak niyang VIP pass doon sa staff na nagbabantay sa backstage at nang makapasok na siya ay iba't ibang banda ang naroon.
Kinailangan pa niyang magtanong sa isang staff para malaman kung saan ang quarters ng Empty dahil hindi niya iyon makita sa dami ng nag-participate sa programa. Punong-puno ng tao ang backstage na mas lalong nagpahirap sa kaniya. Mabuti na lamang at mabait ang isang staff na napagtanungan niya.
Namilog ang mata ni Riella nang makita siyang pumasok sa quarters nila. Isang maliit lamang iyong kwarto. May mahabang lamesa kung saan nakalagay ang mga gamit ng Empty at limang mono block. Hawak ni Riella ang buhok niya na sinusubukang itirintas. Tinapos muna nito ang pag-iipit sa sarili bago siya sinalubong.
"Kara! You came!" nakangiting bati nito.
"I promised, right?" Humalakhak siya saka kinindatan ito.
"That's my girl!" Niyakap siya nito bago tuluyang hilahin sa kinaroroonan ng Kuya Ei niya na noo'y mahimbing na natutulog sa sofa.
Kamuntik na kasi siyang hindi payagan ni Oddity dahil sa pag-takas nila ni Janus noong nakaraang gabi. Akala nga niya ay mag-aaway ang kuya niya at si Janus ngunit mukhang nakuha naman sa matinong usapan ang lahat. Besides, hindi naman talaga siya itinakas ni Janus, nagkusa naman siyang sumama at hindi iyon sapilitan.
Bukod sa limang monoblock may maliit na sofa sa loob ng quarters ng Empty at doon natutulog ang kuya niya. Sa tabi noon ay may magkatabing upuan kung saan nakapuwesto sina Kohen at Vera na magkasalo sa iisang earphone. Sa tabi ng mesa kung saan may malaking salamin naman nakaupo si Riella dahil nag-aayos ito ng buhok. Nakakalat ang ibang instrument nila, at halatang katatapos lang mag-ayos ng lahat.
Dahil nga hindi malaki ang quarters ng mga ito ay napansin na kaagad niya ang kulang sa kanila.
"Si Janus, wala pa?" she asked, but instantly regretted it. Gumuhit kasi sa mukha ni Riella ang mapanghusga nitong tingin.
Ngumisi ito bago sumagot. "Ikaw ha? Hinahanap-hanap mo na si Janus after you guys ditched us"
Namula ang pisngi niya pero mabilis niya itong hinampas. "Masama na bang magtanong!?"
Riella chuckled. "Oo na. . . Kunwari I'm believing you. Actually, hindi namin siya ma-contact kanina pa. Dumaan din si Kohen sa kanila, pero wala raw tao."
Napatingin siya sa kuya niya na mahimbing lang na natutulog.
"Himbing ng tulog, 'no? Sabi kasi niya darating din daw si Janus. May inaayos lang daw," anito at nagkibit-balikat nang mapansin ang pagtitig niya sa kuya niya.
"Pang ilan ba kayong magpe-perform?" tanong niya dahil mukhang kampante pa sila.
"Last performer kami, eight bands iyong ahead sa'min," sagot nito kaya napanatag siya.
Mauupo sana si Kara sa upuang nasa tabi ni Riella nang umingay sa loob ng backstage. Rinig lamang nila iyon dahil hindi naman nakarasado ng todo ang pinto ng quarter nila. Maging sina Kohen at Vera na naka-earphone ay napatingin sa labas dahil sa komosyon.
Riella walked to the door. Sumunod siya at ganoon rin si Vera para makita kung ano ang pinagkukumpulan ng tao. Isang malakas na sigawan ang nangibabaw sa kanila pumasok ang sikat na bandang Lost then Found sa backstage.
"Oh em! Lost then Found!" impit na tili ni Riella.
Tuwang-tuwang si Riella at hindi na rin nito napigilang makiosyoso. Pilit itong nakisingit sa mga taong nagkukumpulan ngunit ilang sandali lang ay umalis din ito doon. Hinarap sila nito nang bagsak ang balikat. Nakapaskil sa mukha ang dismayadong tingin.
"Kara . . . wala si Kuya Idol!" Bakas ang pag-aalala sa mata niya nang sabihin ito, muli namang tumingin si Kara sa banda.
Hindi maiwasan ni Kara na matawa sa reaksyon ng kaibigan. Wala nga roon ang bokalista ng banda na si Javaid. Tanging apat na miyembro lamang ang naroon. Lumampas na sa kanila ang LTF ngunit wala talaga kahit anino ni Javaid.
"Okay lang 'yan, Riella, malay mo na-late lang." Muling sumilay ang malungkot na ngiti sa labi ni Riella.
"Hindi okay 'yon, asawa ko 'yon, eh," anito habang nakanguso.
Sabay silang napailing ni Vera sa inasta nito. Kapag talaga ang kuya Idol nito ang usapan, hindi ito papayag na matalo siya.
"Pabayaan mo na muna, Kara. Tara na lang. Ihahatid na kita sa labas. Malapit na yatang magsimula 'yong battle," ani Vera.
Tumango lang siya saka tinapik si Riella sa balikat. Naglakad na sila palabas sa backstage. Nang makarating siya sa VIP seat na reserved sa para sa kaniya ay hindi niya maiwasang mamangha. Punong-puno kasi ang buong Townsquare ng tao.
"Kara! Nandito ka rin pala." Napatingin siya sa lalaking nagsalita sa bandang kanan niya. Ito ang adviser nila ng Music Club. Si Sir Jannick Asenjo.
"Good evening, sir!" bati niya rito. "Inaya po kasi ako ni Riella manood para suportahan sila," dagdag niya.
"Great! May kasama na akong manood!" masiglang sinabi nito.
Nangunot ang noo ni Kara. "Bakit po Sir iyong ibang faculty hindi n'yo kasama?"
Sa pagkakaalam kasi niya, sponsored pa rin ng school ang Empty sa battle of the bands na ito. Annually ang battle of the band sa Townsquare dahil selebrasyon iyon para sa tanyag na yumaong Mayor ng bayan nila. Ayon sa history class nila, mahilig si Mayor Baron Mystown sa musika kaya pinatupad ang event na iyon. Ang dating mayor na ito rin ang founder ng Arrion International School kaya palaging inaabangan ang kalahok na manggagaling sa school nila.
Sandaling natigilan si Sir Jannick kaya napatitig siya dito. He smiled at her. Ngunit hindi iyon umabot sa mga mata niya.
"My co-teacher do not support event like this. They think these kids are wasting their time..." malungkot nitong sinabi.
Kara's eyes stayed at him for a moment. Hindi niya alam ang isasagot. Tila nawala ang mga salitang kanina'y nasa labi lang niya.
"They say they won't waste their time watching an awful performance from Empty because they are hopeless... like a bunch of basket case."
Napatulala si Kara sa bandang nagpeperform sa harapan. "Since when did chasing your passion became hopeless?" May pait na kasama ang mga salitang iyon.
Kara hates it whenever the people around them insults the only thing that allows them to breathe. Isn't unfair? Why can't they do the things that fuels their soul? Students have a life outside school too.
Ginulo lang ni Sir Jannick ang buhok niya saka nagsimula ng ituon ang tingin sa harapan.
"You're too young to understand the cruel reality of this world, Kara," he said firmly. "Just don't mention it to them... I don't like it when someone looked down of my students," he added.
Kara shrugged her shoulder and focused her gaze on the performing band. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa iilang performance na nag-stand out.
Matapos mag-perform ng ikawalong banda ay lumabas na sa backstage ang Empty para maghanda. Napanatag si Kara nang makitang kumpleto na sila, pero binagabag naman siya ng katanungan nang makita ang hitsura ni Janus.
Bakit ang dami nitong pasa? Nakipag-away ba siya?
Kapansin-pansin kasi ang pasa nito sa mukha. May band aid rin ang gilid ng labi nito, animo'y nakipag-away. Habang inaayos nila ang mga instrument nila ay napatingin ito sa direksyon niya na agad naman ikinabilis ng tibok ng puso niya.
Labis niyang ikinagulat nang bigla siya nitong hinagisan ng lollipop, mabuti na lamang ay nasalo niya iyon. Ngunit nakaramdam naman siya ng matatalas na tingin mula sa ilang mga fans ng Empty, pero mas minabuti niyang hindi ito pansinin.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagsimula na silang tumugtog.
"How many times are you gonna try to shut me out?
I told you once, told you twice, I ain't gonna turn back around
You can say whatever, try to mess with me
I don't care, I'm not scared
You don't have to say your sorry, save your sympathy
With a friend like you, I don't need an enemy
I would give you time if you were worth it
But guess what, you're not worth it."
Hindi mapigilan ni Kara na titigan si Janus habang kumakanta. Ramdam niya ang mensahe ng kanta.
Galit para sa isang dating kaibigan. Iyon ang pinapahiwatig nito at ramdam na ramdam niya ang galit at hinanakit sa bawat liriko na binibitawan nito.
"Whoa-oh, whoa-oh, I'm always gonna be the last one standing
Whoa-oh, whoa-oh, 'cause I'm never gonna give up trying
And now I'm ready to go, I'm here, I'm waiting for you
And I'm gonna be the last one standing
The last one standing."
Hindi alam ni Kara kung siya lang ba or talagang may pinaghuhugutan si Janus dahil sa mensahe nito.
For her as a songwriter, music is a way to express your unsaid feelings. At ganoon ang nakikita niya sa way nang pag-awit ni Janus. He was full of emotions.
"Did you think that I would surrender easily?
Just like that, you were getting rid of me
Is that the way you saw it all go down?
I don't think, I don't think so."
Sa lahat ng napanood niyang performance ay sa kanila ang tunay na nag-stand out.
Nang malapit nang mag-chorus ay nagulat ang lahat nang makitang dumudugo 'yong kamay ni Janus. Gumuhit ang pag-aalala sa mata ni Kara nang makikang bakas sa mukha ni Janus ang sakit, pero iniinda lamang niya iyon at patuloy pa rin sa pagkanta at pagtugtog ng gitara.
"There's not a word you can say I haven't heard before
So give it up, give it up unless you want a little more
You think you're pretty tough, so let's throw down
It's alright, I'm alright"
Mula sa gilid ni Kara ay sari-saring komento ang maririnig sa bawat manonood. May ibang nag-aalala at may iba namang nagpapasalamat pa dahil ganoon ang nangyari.
Nang matapos ang performance nila ay mabilis silang tumayo ni Mr. Asenjo para sana pumunta sa backstage, pero pinigilan siya nito.
"Don't worry. Ako na lang pupunta. Babalik din ako," anito sa kaniya kaya tumango na lang siya.
Nalipat ang atensyon niya nang isang malakas na tilian ang nangibabaw. Umakyat kasi ng stage ang bandang Lost then Found dahilan para magwala ang audience.
Nagbulong-bulungan din ang mga fans nila nang makitang may mga pasa rin ang bokalista at bahista nilang si Javaid. Nang magsimula na itong kumanta ay natahimik lahat.
"Every day I get a little closer to,
The things that I wanna, say with my life,
In no particular order
I'd like to make some sort of mark,
So that the world knows I was here."
Kagaya ng sa performance ni Janus ay damang-dama rin nito ang pagkanta. Ramdam din ni Kara ang lungkot sa boses at mata nito.
"Just need to let it all out,
And reach out,
Because sometimes, you can forget who you are."
Muling napatingin si Kara sa pinto ng backstage, hinintay niyang lumabas doon si Riella dahil gustong-gusto nitong makita ang idol niyang si Javaid, pero wala pa rin ito.
"I'm tired of trying to make it,
I've spent so many nights,
Tryin' to get it all right, oh-oh-oh"
Nabalik ang tingin niya sa bokalista ng LTF na noo'y nakatingin din sa kaniya. Nagulat din ito nang magtama ang mga mata nila, pero mabilis na umiwas.
"I'm sick and tired of waiting,
For someone to see, and start believing in me,
But I know I'm not out here on my own."
Dahil sa pag-aalala ay tumayo na siya para puntahan sina Riella. Pagkapasok niya ay naroon si Janus na nakaupo habang binebendahan ni Sir Asenjo ang kamay niya.
"Dapat hindi mo na tinuloy 'yong performance," sigaw ni Vera dito at bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Yeah, bads, kahit sana sa rythm tumigil ka muna," sabi naman ni Kohen habang nag-aayos ng gitara niya.
"I just . . . I don't want to be a burden," anito habang nakayuko.
Sasagot pa sana si Vera nang maunahan siya ni Riella.
"Burden? You're not a burden. Ayaw namin na hindi tayo sama-sama kaya nag-alala lang kami, Kuya Janus," anito at saka nag-pout na parang maiiyak na.
"Janus, magpahinga ka na lang muna," payo naman ni Sir Asenjo rito.
Tumango lamang ito at nagsimula nang maglakad palabas. Samantalang sina Vera at ang banda ay nagsimula na ring mag-ayos ng gamit.
Sinundan ni Kara nang tingin ang paglabas ni Janus. Hindi niya alam, pero nagsimula ring maglakad ang mga paa niya para sundan ito.
Nang papaliko na sa exit ay hindi niya napansin na may kasalubong pala siya dahilan para mabangga niya ito.
"Kuya, sorry po, nagmamadali lang kasi ako," aniya at saka yumuko rito.
Pag-angat niya ng mukha ay laging gulat niya dahil iyon ang bokalista ng Lost then Found.
"No. It's okay. It's my fault. Pasensya na. Ayos ka lang ba?" hingi nito ng pasensya sa kaniya.
Tumango lamang siya. "Pasensya na talaga!"
Dali-dali siyang lumabas ng Townsquare para maabutan si Janus, ngunit iba ang nasaksihan niya.
May higit kumulang anim na lalaking naka-suit na black ang pinipilit ipasok si Janus sa loob ng van. Wala sa sarili siyang mabilis na tumakbo para marating ang kinaroroonan nito.
"Hey! Stop it!" sigaw niya, pero mabilis na nakalapit ang isang lalaking nakasuot din ng itim na suit at hinawakan siya sa braso at pilit na pinapasok sa loob ng van.
Masama siyang tiningnan ni Janus dahil doon. Ni hindi niya magawang magsalita dahil sa nanginginig ang tuhod niya dulot ng kaba.
"What do you think you're doing?" anito sa malamig na boses at may diin sa bawat salitang binibitiwan. Mas lalo siyang kinabahan.
"Kukunin ka nila kapag hindi ako gumawa ng paraan," mahina niyang sagot habang nakayuko.
"Now look, they also captured you! Fuck!" Bahagya naman siyang nakaramdam ng kirot sa dibdib sa sinabi nito.
Gusto lang naman niyang tumulong, hindi niya inaasahan na magiging pabigat din siya. Tahimik na lamang siyang tumingin sa bintana habang pinapanood ang paglubog ng araw.
Masamang tingin ang pinukol nito sa lalaking katabi nila, "Let her go! I'll go with you. Just let her go!" tiim bagang nitong sinabi, pero hindi walang imik ang lalaking katabi.
Rinig ni Kara ang sunod-sunod na mura ni Janus habang walang pakialam sa kanila ang mga lalaking dumakip sa kanila na labis niyang ipinagtaka. Wala kasing nagtangkang manakit sa kanila o kahit ang itali ang kamay ay hindi nila ginawa. Basta lamang silang isinakay at hindi na pinansin ng mga ito.
"Damn it! Hindi ka na sana lumapit!" Napapikit siya nang ibinaling nito sa kaniya ang inis.
Gusto niya itong taasan ng kilay, pero hindi niya magawa. Masyado siyang overwhelmed sa nangyayari. "I just wanna help, okay? Stop blaming me!"
Dala ng frustration ay naihilamos na lang nito ang palad sa mukha. Saglit na nalipat ang tingin niya sa nakabendang kamao nito.
Now she wondered what happened.
Huminto ang van na sinasakyan nila kaya nilingon niya ang bintana. Nasa harapan sila ng isang malaking gate. Ilang segundo lamang ay bumukas ito para bigyang daan ang van na sinasakyan nila.
Nakaramdam siya ng kaunting kaba. Kung ano-ano na ang pumasok sa isip niya. Hindi naman siguro ransom money ang kailangan ng nagpadukot kay Janus? Alam niya ay wala na itong pamilya.
Hindi niya maiwasang mamangha. Napakalaki kasi ng bahay na bumungad sa kanila. Tila isa na iyong mansion. It's a modern tropical house. Contemporary with an imaginative counterpoint of plants, greenery, and airy openings keeping it shady and pleasant inside out.
Naalis ang tingin niya sa mansyon nang hawakan sila ng dalawang lakaking nakaitim ngunit kaagad na nagpumiglas si Janus.
"I can walk," anito sa maawtoridad na boses kaya kaagad itong binitiwan ng dalawa. Ganoon din ang ginawa nila sa kaniya nang tapunan ni Janus ng masamang tingin ang paghawak ng dalawa sa braso niya.
Tahimik lamang silang sumunod sa dalawang lalaki na ipinagtaka naman ni Kara. Halos lahat kasi ng madaanan nilang maids ay yumuyuko sa kanila. Akala niya ay kidnappers, pero bakit parang special treatment naman ang ibinibigay sa kanila?
Huminto sila sa isang malaking study room kung saan punong-puno ng aklat. May parang guest area sa kanan noon at sa pinakadulo naman may malaking bintana at may lalaking naka-suit habang nakatalikod. Hindi niya maiwasang hindi kabahan, marahil iyon ang nagpadukot sa kanila.
Humarap ang lalaki sa kanila at ngumisi nang bahagya. Pamilyar sa kaniya ang pigura ng lalaki, ngunit hindi niya maalala kung saan at kailan niya ito nakita. Tinitigan siya nito na siya namang nagpalambot ng tuhod niya dahil sa takot. His stares gave her an eerie vibe. Humakbang si Janus at itinago siya sa likod nito.
Matagal itong nakipagtitigan sa lalaki. Ramdam ni Kara ang pagbigat ng kapaligiran dahil sa tahimik na pag-uusap ng mata ng dalawa.
Bahagyang niluwagan noong lalaking nasa mid 40s ang kaniyang necktie saka nagsalita.
"How's your battle, Son?"
Naiwang bukas ang bibig ni Kara dahil sa sinabi ng lalaki. Agad siyang nagpabalik-balik ng tingin sa dalawa. Mapapansin nga na medyo may pagkakahawig sila lalong-lalo na sa mata. Their eyes were deep and deadly.
Janus exhaled harshly. "Huwag na tayong maglokohan, Mayor Ynares. Anong kailangan n'yo at kailangan n'yo pa akong ipa-kidnap sa mga body guards n'yo?" anito sa walang ganang tono.
Nakagat ni Kara ang pang-ibabang labi nang makilala ang lalaking nasa kanilang harapan. Ilang beses na niyang nakita ang pagmumukha nito sa mga flyers noong kumakandidato pa lang ito bilang mayor ng Mystown ngunit ngayon lang niya nakilala.
Hindi maproseso ng utak niya ang mga impormasyong iyon. Kung gayon ay anak si Janus ni Mayor Ynares? Iyon ba ang dahilan kaya nag-backout ito dahil sa battle of the bands? That's why he was eager to listen to Mr. Yamato and Mayor Ynares' conversation. It all made sense. Bigla niyang naalala ang isinigaw nito noong nasa Mt. Sinag sila.
"I don't need your surname."
Naguguluhan siyang tumingin sa dalawa. Pansin niya ang pagkuyom ng kamao ni Janus at pag-igting ng panga nito, bakas din sa mga mata ang pagkamuhi rito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yong buwagin mo na iyang banda mo," may diin na sinabi ni Mayor Ynares kay Janus.
Saka lamang niya napagtagpi-tagpi ang lahat. Mayor Ynares wants Janus to withdraw from the band. Kung gayon, ginamit lamang nito si Mr. Yamato sa pagbabaka sakaling mapipigilan ang anak.
What a coward father, he can't discipline his son properly.
Janus' breathe quickened. "And who do you think you are to say that?" he said, clenching his fist. "Hindi mo ako anak," dagdag pa nito.
Umambang sasampalin ni Mayor si Janus ngunit mabilis na humarang siya para sanggahin iyon.
"Kara!" Janus' voice echoed in the room.
Namilog ang kaniyang mata dahil sa pagkabigla. Kaagad na lumapit sa kaniya si Janus at matalas na tumingin sa ama. Nanginginig ang panga nito at nag-aapoy ang mata sa galit. Sa titig pa lamang nito ay para na nitong pinapatay ang kaniyang ama.
"Kahit anong sabihin mo, hindi ko bubuwagin ang banda," sabi nito na may diin. "Nando'n man si Javaid o wala." May binulong pa ito ngunit hindi na niya narinig.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top