WTSGD 12: Getting Lost
you have to stop
searching for why
at some point
you have to leave it alone
CHAPTER 12 - Getting Lost
"Hey! Where are we going?!" tanong ni Kara.
Nilampasan kasi nila ni Janus ang motor nitong nakaparada sa parking ng cabin. Katabi nito ang isang Volkswagen Kombi na kulay blue. Mukhang iyon ang sinakyan nila Riella papunta dito sa Lennon.
"I have to sneak in. . . Wait for me here," anito sa kaniya habang nakadandahang papasok sa cabin.
Naguguluhan niya itong tiningnan. Bakit kailangan pang magtago? Hindi niya maintindihan. She grab Janus' sweater that made him looked at her. Bahagya itong nakayuko sa para hindi makita nina Vera na nasa may balcony ng cabin.
"Bakit?"
"Why do you have to sneak in?"
Lumingon muna si Janus kina Kohen at Vera saka binalik ang tingin sa kan'ya.
"We'll use Kohen's Kombi. I just have to sneak to get the key. Just wait here. Babalik ako." He tried to explain in a whisper. "'Di papayag si Oddity kapag nalamang itatakas kita," he added, then chuckled.
Mabilis na namula ang pisngi ni Kara dahil sa sinabi nito. Sumulyap siya sa mukha ni Janus at mukhang diterminado nga itong itakas siya. She remain silent as he sneak into his mother's cabin.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ito bumabalik. Binalot si Kara ng katahimikan habang naghihintay. Tanging ang hangin at ang lakas ng hapas ng alon sa pangpang lang ang kaniyang naririnig.
Kara looked up at the sky where the moon shine bright. Ito ang nagbibigay ng liwanag sa buong lugar. Malayo sa kabahayan ang cabin ng mama ni Janus. Napapalibutan lamang iyon ng mahabang kagubatan. It was so peaceful. Kung papipiliin din siya ay mas gugustuhin niyang tumira sa ganoong lugar.
"The moon is beautiful, isn't it?"
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Janus was now standing next to her. Hindi na niya napansin ang pagdating nito dahil sa pagkamangha niya sa buwan.
Muli itong humakbang dahilan para mas magkalapit sila. Humakbang si Kara paatras ngunit sinalubong ang likod niya ng malamig na metal na mula sa Volkswagen Kombi. Itinaas ni Janus ang kamay nito. Akala ni Kara ay hahawakan nito ang buhok niya kaya sandali siyang napapikit ngunit mabilis ring natauhan ng marinig ang pagkalansing ng susi sa harapan niya.
"Got it!" he grinned. "Let's go?"
Umirap na lamang siya dahil sa inis. Oh god! Sobrang bilis ng tibok ng puso niya! Binuksan ni Janus ang passenger seat saka siya pumasok. Nang makaayos na siya ng upo ay umikot ito papunta sa driver seat saka sinimulang imaniobra ang sasakyan.
Binalot sila ng katahimikan. Janus smoothly maneuvers the Kombi. Malakas itong humalakhak nang dali-daling lumabas mula sa balcony si Vera at Kohen.
Kohen looked pissed. Wala na itong nagawa dahil unti-unti na silang nakalayo sa cabin. Kita niya sa likod ang pagtaas ng kamay nito sa kanila at pag-middle finger. Janus smiled wearily. Hindi na rin napigilan ni Kara ang mapangiti.
Hindi pa lang sila nakakalayo ay sabay namang tumunog ang cellphone nila. Nag-register sa cellphone ni Kara ang pangalan ng kuya niya.
"Don't answer it—"
Huli na nang sabihin iyon ni Janus dahil nasagot na niya iyon. Magso-sorry sana siya sa Kuya Ei niya dahil sa ginawang pagtakas nang agawin ni Janus ang cellphone niya at niloudspeaker.
"Lemme borrows your sister for one night," he said, playfully.
"Fuck you, Valderama! Ibalik mo si Kara—"
Hindi na pinatapos ni Janus ang sinasabi ni Oddity at pinatayan na ito saka tinurn-off ang phone niya.
"Really? Baka magalit si Kuya!" she said panicking.
"He already is."
Pinakita nito ang magkakasunod na text na punong-puno ng mura galing kay Oddity. Muling tumawa si Janus saka tinurn-off din ang cellphone nito.
"Ibabalik naman kita. Let's just enjoy the night."
Napabuntong hininga na lamang si Kara dahil doon. This would be the first time na susuwayin niya ang kuya niya. Kinakabahan man pero mas nangingibabaw ang excitement sa kan'ya.
"Is it fun?" tanong ni Janus nang hindi natanggal ang ngiti sa labi niya.
She nodded. "This is my first time. Kanina nag-cutting class tayo tapos ngayon naman tumakas kay Kuya. As you can see. . . I always followed rules. Ito ang unang beses na lumabag ako." Kara chuckled. "And this is also the first time I felt free. Maybe getting lost in an unknown place isn't that bad."
"Take this as your reward. Live a little. You owe it to yourself. You've been too focused on the things that would guarantee your future. . . especially academics. Wala naman sigurong mawawala kung pagbibigyan mo 'yong sarili mo. Seize the moment, Kara. Until it last."
"Coming from a guy who doesn't allow himself to be happy—" natigilan siya doon at tinitigan si Janus.
Akala niya ay na-offend niya ito ngunit sa halip na makita ang nakasanayang gitla sa gitna ng noo nito ay ngumiti pa ito sa kan'ya.
Nanatili ang ngisi sa mga labi ni Janus. Kara finds it adorable that she can see a new part of himself. Unti-unti ay parang nagiging open ito sa kaniya.
"Let's have a deal then. . ." Janus said.
"Deal na naman!?"
"This time it's different. I will prove to my father that he's wrong if you. . ." Nilingon siya nito ngunit ibinalik rin agad ang tingin sa daan. "If you'll promise you'll live for yourself and not for your father's or anyone else's approval."
Natahimik si Kara sa sinabi nito. Her heart pounded so fast and loud. Tumigil na sila sa isang Drive-In Cinema na sinasabi nito ngunit wala doon ang tuon ng atensyon niya. Lalo nang nagharumentado ang puso niya nang lingunin siya ni Janus at nakitang seryoso ito sa inilatag na kasunduan.
"I'm serious, Kara. Do you agree?" nanatili ang ngisi sa labi nito.
"I'm not living for other's approval." Hindi alam ni Kara kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. She wanted to defend herself. Kahit pa may parte sa kaniya ang umaayon sa sinasabi nito.
"Kaya ba nag-stick ka nang ganoon katagal kila Haidee? Kaya ba ginagawa mo ang lahat para maging proud sayo ang daddy mo? Somehow didn't you wished for them to accept you? Didn't you asked for your dad to accept what you can give?"
Parang sumampal lahat ng sinabi ni Janus sa kanya. Parang nagbukas iyon ng sugat na hindi niya alam na matagal na pa lang dumudugo. Bumuntong hinginga siya saka napayuko at napatingin sa kamay niyang nakapatong sa binti.
"I'm sorry. . ." hindi niya alam kung para saan o para kanino ang mga salitang iyon ngunit bigla namang iyong lumabas sa bibig niya.
Lumapit si Janus sa kanya at iniangat ang baba niya para salubungin ang tingin nito.
"The sun doesn't apologize for being the sun and the rain doesn't say sorry for falling. So don't apologize for being who you are."
Tumango siya at kalaunan ay nagpakawala ng tipid na ngiti. Kahit kaunti ay gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi nito.
Buong ang diterminasyong tumango siya kay Janus. "Okay, fine. Deal. . . From now on I'll do my best to live for myself."
Janus's lips twisted to hide his smile but he failed. Makikita pa rin iyon sa mga mata nito.
"And I'm gonna prove that my father is wrong. I can be more without his help."
After that heavy talk. They get out of the Volkswagen Kombi to buy popcorn and drinks. Punong-puno ng mga sasakyan ang isang malaking open-lot. May malaking screen kung saan may pinapakitang mga trailer ng movies. The movie they're gonna watch was Perks of Being a Wall Flower. Last full show na ang naabutan nila dahil mag-aalas dyes na rin ng gabi. The moon illuminates the open area and the cold breeze of the night gives Kara goosebumps.
Janus thanked the girl from the popcorn stand and walked towards her. Inabot nito ang isang malaking bucket sa kanya samantalang hawak naman nito ang Coke na binili rin nito.
"First time mo rito?" Janus asked as he munched a popcorn.
"Oo. . . Wala namang ganito sa Mystown."
"That's why Lennon's still better."
"I couldn't agree more."
Nang makarating sila sa tapat ng Volkswagen Kombi ni Kohen akala niya ay sa loob sila manunuod. But her surprise, Janus took a blanket in the back of the Kombi. Pinatong nito ang dalawang large Coke sa ibabaw ng Kombi saka nagsimulang umakyat. He placed the blanket on the top. Pagkatapos ay nilahad nito ang kamay sa kan'ya para abutin ang bucket ng popcorn na binili nila.
"The ambiance is way better here. Lika na," nilagad nito ang kamay para tulungan siyang umakyat.
"Kapag ako na laglag, Janus ha!"
"Hindi kita masasalo kaya hindi na lang kita bibitawan," he said then winked at her.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Why? Stop staring like that!"
"Ang epal!"
"Kumapit ka na kasi! Hindi naman talaga kitaa bibitawan. Ako ang mayayari kay Oddity oag nagkataon."
Kara rolled her eyes first then grabbed his hand. Hindi nga siya nito binitawan ngunit para naman siyang aatakehin dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya nang magkalapit ang mukha nila. Janus was staring at her eyes deeply. At habang tumatagal iyon ay pabilis ng pabilis din ang tibok ng puso niya.
Ilang segundo pa ang nakalipas at saka lang sila naghiwalay nang may mag-anunsyong magsisimula na ang movie. Binalot sila ng matinding katahimikan dahil doon.
The atmosphere was so awkward. Parang tunog lang nang pagnguya ni Kara ng popcorn ang naririnig niya. Nahihirapan din siyang magpokus sa movie na pinapanuod nila dahil hindi mawala sa isipan niya ang lalim ng mga mata nito ngunit pinilit pa rin niya. Kalaunan ay nagustuhan din niya iyon dahil nakakarelate naman siya sa character ni Charlie.
"What do you think about the movie? Do you agree with the professor?" he asked.
Hindi si Kara nakasagot ng tangunin siya ni Janus nang matapos ang palabas. She remembered his stares awhile ago. Ayaw niyang magmukhang hindi komportable sa harap nito kaya pinilit pa rin niyang sumagot.
"Do I agree that 'we accept the love we think we deserve' as the professor says?"
Tumango si Janus at nahiga sa nilatag nitong blanket. Ginawa nitong unan ang kanan niyang braso. Uminit ang pisngi niya nang lumingon ito sa kanya. Lalo na nang makita ang kuryosong tingin nito. Umiwas siya ng tingin at nag-isip ng sandali saka umiling. Humiga muna siya sa tabi nito at tumingin sa buwan bago sumagot.
"I think that's another way of saying 'you get what you settle for' which I think is generally true for most people. But it's not necessarily about whether we deserve the love we have, rather it's more about whether we 'feel' we deserve better. I think there are people out who'll not settle for less than they deserve. Some people know their worth matters. Mas marami nga lang ang taong mababa ang tingin nila sa sarili at pinipiling mag-settle sa maling tao."
Janus chuckled. Napatingin dito si Kara at kita niya ang pagtaas baba ng Adam's apples nito.
"I agree. I think because we never believe we deserve more. That's why we only look for someone who accepts us even if we deserve more than what they can give."
"The irony is we settle for less. Even if there will be someone out there who can give us more than what we deserve," she added.
Tumango si Janus at sandaling natahimik. Matapos ang ilang sandali ay muli siyang nagsalita.
"If circumstances occur and that happens to you, would you settle for less?"
Kara chuckled. "I know my worth."
Pareho silang natahimik. They both find comfort in silence. Ilang sandali pa silang naiwang nakatulala sa buwan habang nag-iisip. There's a question in Kara's mind that she wanted to ask but she didn't.
Nang makababa sila sa roof ng Kombi ay nag-aalisan na ang mga sasakyan. Kakaunti na lang silang naiwan. Kara went in ang fasten her seatbelt when Janus asked her.
"Do you wanna go home now?" he asked. There's a hint in his voice as if saying 'let's not go home yet.'
"Why do you still have places in mind?"
"Nakapunta ka na ba sa tuktok ng Mt. Sinag?" he asked.
Umiling si Kara. Kung hindi siya nagkakamali Iyon ang dulo ng Lennon. Ang bundok na iyon ang nagdudugtong sa Lennon at Liora. Liora ang katabing bayan kung saan napapalibutan ito ng bulubundukin. Kung ang Mystown ay gitna ng civilisasyon at ang Lennon ay puro ilog at karagatan, bulubundukin naman ang sa Liora.
"Are we going there?"
Janus nodded. "If you only want. We can catch the galaxy."
Parang nabuhayan ang dugo ni Kara sa narinig. She always wanted to watch the galaxy at night. "Let's go there."
Humigpit ang kapit ni Janus sa manibela ng Volkswagen saka siya tinanguhan. Hindi akalain ni Kara na makakasama niya ito sa ganitong adventure. Napatingin siya sa bintana kung saan makikita ang kahabaan ng karagatan ng Lennon. Sa dulo noon makikita ang city lights na nang gagaling naman sa syudad ng Mystown. Ilang sandali lang ang nakalipas ay paakyat na sila sa bundok na sinasabi ni Janus.
Kara was mesmerized when they reached the top. Janus pulls over on the open area. Dahil sa pagkamangha, hindi na hinintay ni Kara si Janus. Nauna na siyang lumabas at tumakbo para tingnan ang kabuoan ng lugar.
She was welcomed by the cold breeze from the fog. Ang mga hamog ay napakababa na parang nahahawakan lamang niya. Lumakad siya palapit sa chain link fences na nakapalibot sa kabuoan ng open area. Nasisinagan siya ng ilaw na nanggagaling sa Volkswagen Kombi. Kitang-kita ang city lights mula sa kinaroroonan nila. On the left side where they came from, she can see the sea horizon from the coast of Lennon.
"Are you happy?" nilingon niya si Janus na naglalakad palapit sa kaniya.
May hawak itong blanket. Nang makalapit ito sa kaniya ay inilagay ni Janus iyon sa likod niya upang magsilbing panangga sa lamig. Hindi niya inaasahan ang simple gesture na iyon kaya mabilis siyang napaiwas ng tingin. Pinili na lang niyang ituon ang tingin sa city lights.
The atmosphere was so calm while they were sitting down on a small bench to watch the stars in the sky. All they can hear are the noisy crickets somewhere in the grassy area. The wind is cold enough to make their body shuddered every time it blows. Janus kept on rubbing his hands together so Kara offered the blanket too to keep themselves warm together.
"Shooting star!" Kara exclaimed when she sees one, pointing her finger up at the sky after a shooting star passed by.
"Yeah, I saw that." Kara smiled at him as he replied. "You look so happy tonight," he added.
"I just feel so thankful." Kara took a deep breath of fresh air.
"For what?"
"For everything. I thought I would never have a chance to experience things like this. It as a dream come true so thank you. . . Thank you for accompanying me."
The whole place was engulfed by a huge silence. No one dared to talk as they continue staring at the night sky. It was too aesthetic to be ignored. The countless stars can be seen clearly with their bare eyes.
"Don't mention it. Besides, I also wanted to go here." Panimula nito. "My mom used to take me here when she was alive. Nagpi-picnic kami tuwing may achievement ako sa school. Kapag nalulungkot ako o kapag birthday ko. This used to be our place before she passed away."
Nanatiling malayo ang tingin ni Janus sa kalangitan. "Then thank you for bringing me here. I never thought I'll have a chance to see a wonderful view like this," she said.
Ngumisi si Janus at saka tinanguhan siya. Tumayo ito at kumapit sa chain link fences. "I would be more perfect if we'll let go of our burden here."
"What do you mean?!" nakakunot ang noo niyang tanong.
"Let's shout from the top of our lungs. I used to do this because no one wants to listen. I used to go here when I feel that the world is so unfair. Screaming and letting all the heavy burdens go."
"Are you sure about this?!" muli pa niyang tanong ngunit sa halip na sagutin siya ni Janus ay tumungtong ito sa bench.
"Fuck you, dad! I will be better than you!" he shouted. "I don't need your goddamn surname! I will create my name. One day I'll surpass you and you won't be there! I don't need you in my fucking life! I promise that I'll do better because we are not the same!"
Natulala si Kara kay Janus habang sumisigaw ito sa gitna ng kawalan. Sa lugar kung saan walang ibang makakarinig kun'di sila lang. Unti-unti, nakikilala niya kung sino talaga ito.
After shouting all his burdens, he looked at her as if giving her the stage. Sinalubong niya ang tingin ni Janus at tumango. This time. . . She'll let it go.
"Gagawin ko kung ano ang gusto ko! From now on I will live for myself! Sarili ko naman ang pipiliin ko kahit maiwan akong mag-isa! Ayoko nang maging mahina!" she shouted.
Para siyang nakahinga ng maluwag. Iba ang saya ang dala matapos niyang ipagsigawan bigat sa dibdib niya.
"Fuck you, life!" dagdag pa na sigaw ni Janus na dahilan ng pagtawa niya.
"Yeah! Fuck you, life! Fuck you!" she shouted also.
Sabay silang humalakhak at napuno ng ingay nila ang buong paligid. Hindi alam ni Kara na makakasama niya sa ganitong lugar si Janus. Of all people? The grumpy, hot-headed Janus? Who would expect that, right? But still, she was thankful that he was with her.
Sari-saring pangaral at pagalit ang natanggap nila nang makauwi sa cabin. They went home 3am in the morning. Tulog na si Kohen, Riella at Vera ngunit ang kuya Ei niya ay gising na gising pa. Nadatnan nila itong naka-focus sa laptop niya habang gumagawa ng presentation.
Matapos ang halos trenta-minuto na pangangaral ni Oddity sa kanila ay pinaakyat na siya nito para matulog. She left the two of them to talk. Antok na antok na si Kara kaya hindi na niya pinansin ang pagsusukatan ng tingin ng dala. She just went straight to bed.
WHEN THEY CAME home to Mystown, Kara immediately rushed into her room. Una ay para takasan ang sermon ng kuya Ei niya at pangalawa ay dahil pagod na pagod na siya. Lalo na't inabot sila ng alas-tres ng madaling araw. She hasn't had I nice sleep in the cabin because of thinking about everything that happened between her and Janus.
She twists the knob to open the door and to her surprise, her father was inside. Parang nagising ang inaantok niyang diwa nang makita ito. Her father is standing beside her study table.
"Dad..." she whispered then looked at the music book he was holding.
It wasn't her imagination playing with her. Her dad was in front of her... holding the song that she composed for him.
Natulala si Kara nang mapansin ang mabilis na pagtulo ng isang butil ng luha sa kanang mata nito. Her father chuckled lightly and wiped it off. Humakbang ito palapit sa kama niya at saka naupo.
"Come here." Maging ang boses nito ay tila nag-iba. If it was a normal day, that would sound commanding but today it was as if a plead. Na kapag hindi siya lumapit ay pagsisisihan niya habang buhay.
Kara slowly followed her father's command. She sat on the space beside him. Labis ang kaba niya. The last time she saw her father, he ripped off her music book and now he was holding it with gentleness.
Maingat niyang pinapanuod ang daddy niya. Nakatingin ito sa music book at may tipid na ngiti ang nakapaskil sa mga labi.
"Did you..." Lumipat ang tingin nito sa kaniya. "Did you wrote this beautiful song for me?" Kara can hear the sounds of regret in his voice.
Hindi pa lang siya nakakasagot ay tumulo na ang butil ng luha sa kanang pisngi niya. Hindi niya alam na darating ang araw na ito. That her dad would call one of her songs beautiful especially the one that she poured her emotions on-the one that she composed for him. Pilit niyang pinunasan ang luha sa pisngi niya saka tumango.
As if on cue, her father hugged her. "I'm sorry... I'm sorry for lashing out at you every time you fail. I'm sorry for not asking what you wanted to do. I'm sorry, 'nak"
Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Kara dahil doon. Isa-isa para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Ang sobrang bigat na dinadala niya doon ay napalitan ng tuwa na hindi niya maipaliwanag. Ang tanggapin ng daddy niya ang passion niya ay sapat na sa kan'ya. Hindi niya inaasahan na hihingi pa ito ng tawad sa lahat.
Kahit gustuhin niya na magsalita, hindi niya maisatinig ang nais sabihin ng puso niya. She just cried there on his father's arm. She never thought she'd experience the warmth of his dad's comfort. Nang tumigil na siya sa pag-iyak at kumalas sa pagyakap hinarap siya nito.
"I'm sorry for not making it to your birthday," may lungkot na bumalot sa boses nito nang sabihin iyon.
She knows her dad. Tuwing sasapit ang birthday niya ay palagi itong pumupunta sa sementeryo para dalawin ang mama niya. It was her death anniversary. Kahit naman gusto niya itong makasama sa araw ng kaarawan niya, alam niyang malaki ang butas na iniwan ng pagkamatay ng mama niya dito.
"It's okay, Dad. I know you visited her grave. . ."
Sandaling natigilan ang daddy niya at napatitig sa kan'ya. Binigyan siya nito ng matipid na ngiti. "You take after your mom. Magkapareho kayong ngumiti."
Kara's heart fluttered at her dad's remarks. Ngayon lamang ito nagkwento ng tungkol sa mama niya. She always dreamt of him telling stories about her mom when she was little. Akala niya ay hindi na iyon mangyayari.
Now he's in front of her, saying those words. It gives her peace.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top