When the Stars Don't Align
"Kung alam mo nang hindi para sa 'yo, lalaban ka pa rin ba?"
Copyright © 2021
girlinparis
All rights reserved.
————
DALAWANG pulang guhit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang makita ko iyon. Dapat ba akong maging masaya? I will have a child with Jude— sa taong mahal ko. Pero natatakot pa rin ako. Deep inside, alam kong mali ang nangyari sa aming dalawa. Ngayon, mas mali pa na magbubunga pa iyon.
Inilagay ko muli sa box ang ginamit kong PT at itinago ito sa aking bag. Itinungkod ko ang pareho kong kamay sa lababo at tiningnan ang sarili sa salamin. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat? Paano kung hindi niya matanggap? Paano ako? Paano kami ng magiging anak ko?
Iniisip ko pa lang na sabihin sa kanya, nangangatog na ang mga tuhod ko. Ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Napailing ako. You're going to be fine, Cali.
Hinugasan ko muna ang kamay ko at saka iniayos ang pagkakaipit ng kulot kong buhok. I should probably go. Kanina pa naghihintay sa akin si Jude sa dati naming tagpuan.
Panigurado ako, talak na naman ang bungad sa 'kin bukas ng mga kaibigan ko pagkatapos kong umalis ng sleepover ngayon.
I'm sure they'd understand.
Marahan kong binuksan ang pinto ng banyo para maiwasang makagawa ng konting ingay. Ngunit, kahit anong dahan-dahan ko sa pagbukas nito ay nakita ko nang nakatayo sa labas si Jenna.
"Where do you think you're going?"
Nakataas ang kilay nito sa akin at nakapamewang pa. Damn it! Akala ko tuloy makakaligtas ako.
"Alright. You caught me." Tinaas ko ang kamay ko bilang pagsuko. Hindi ko pa napigilang matawa na lang sa nangyari.
"Napapadalas na ata ang pagtakas mo sa mga sleepover natin a! Sinong katagpo mo?"
"No one," nakangisi kong sagot.
"Ganyan ba ang wala e ngising aso ka? Hay nako, Cali. Alam ko ang ngiti mong 'yan. Tatagpuin mo na naman ang secret lover mo no! Bakit ba hindi mo pa mapakilala sa 'min 'yang jowa mo? Palihim-lihim ka pa."
"Hindi pa kasi puwede eh," malungkot kong sabi. "When the right time comes, I promise. Ipapakilala ko siya sa inyo. Pero right now, kailangan ko nang umalis. Next time talaga babawi ako sa inyo."
"Lagi ka namang babawi eh." Lumapit siya sa akin at bumeso. Napahiyaw naman ako nang bigla niya akong hinampas sa likuran. "Sige na alis na! Say hello to your jowa for me."
Nginitian ko lamang siya bilang sagot.
It's been months since Jude and I started dating. Nagkakilala kami sa isang restaurant. Birthday noon ng kapatid ko kaya niyaya ko siyang lumabas. Nasaktuhan naman na si Jude ang head chef at owner ng restaurant na iyon.
After our first meeting, nasundan na iyon nang nasundan. He asked for my number kaya palagi ko na rin siyang nakakausap. Hindi ko ipagkakaila, gusto ko na siya noong una pa lamang kaming nagkita. At mas lumalim iyon nang mas makilala ko ang pagkatao niya.
Okay na sana e. Sa unang rinig, parang nakakakilig pakinggan. Si tadhana ang naglapit sa aming dalawa. I felt as if we met at the right place in the right time. As if stars have aligned that night. Pakiramdam ko parang tamang-tama ang lahat.
Pero tingnan mo ako ngayon. Madalas naghihintay ng hatinggabi para lang makipagtagpo kay Jude.
Dire-diretso na ako palabas at sumakay sa kotse ko. Ipinikit ko sandali ang mata ko at huminga ng malalim. I miss him so much! Isang linggo pa lang kaming hindi nagkikita pero it felt like years!
Ganito ba talaga ang feeling nang ma-inlove? I wonder if he feels the same way. Kinapa ko ang phone sa aking bulsa nang bigla itong tumunog. Nanliwanag rito ang pangalan ng nakababata kong kapatid.
"Hi, sis! Bakit gising ka pa? It's already late."
I heard her yawn from the other end. "Anong oras ka uuwi? Kanina pa kita hinihintay."
"I will be home soon. Huwag mo na akong intayin. May klase ka pa bukas 'di ba? Nagpupuyat ka na naman."
"Basta iintayin kita," malumanay niyang saad. May paglalambing sa tono ng kanyang boses.
"Ang kulit naman ng kapatid ko! Sige na. Baba mo na 'to. Sayang load mo."
"Hirap naman lambingin nito." Narinig ko siyang tumatawa sa kabilang linya. "Sige na. Uwi ka na agad ha!"
"Yes, ma'am!"
Pagkababa ko ng phone ay sinimulan ko nang paandarin ang kotse papunta sa kanya. Pinatay ko muna ang radio para makapag-isip. Gulong-gulo na ang utak ko. Walang ibang laman iyon kundi ang mga sinaulo kong linya na puwede kong sabihin kay Jude mamaya.
Relax, Cali.
Lalo lamang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita ko na ang kotse niya mula sa puwesto ko. Nandito kami ngayon sa isang abandonadong malawak na farm. Liblib ang lugar na ito kaya wala masyadong tao o kotse na dumadaan. Dito namin napiling tumambay palagi para makasama ang isa't isa. Kitang-kita rito ang kagandahan ng gabi't kalawakan.
Ngunit kahit na anong ganda nito, hindi pa rin ako mapakali. Tama ba 'tong desisyon ko na makipagkita sa kanya ngayon? Should I just go back? No. I can do it. Kung hindi ko sasabihin ngayon, kailan pa?
Hinugot ko ang pinakamalalim kong hininga. Pagkatapos ay ipinark ko na ang kotse sa tabi ng kaniya. Kinawayan muna niya ako at saka nagsimulang lumapit sa puwesto ko.
"Hi, love," bati ko sa kanya pagbaba ko ng kotse. "What are we watching tonight?"
"Anything you want. You pick."
Pumunta na kami sa likuran ng Jeep Gladiator niya. Nakahanda na doon ang blanket at unan na hihigaan namin kagaya ng palagi naming ginagawa. Nauna siyang umakyat roon at inalalayan ako para sumunod.
Humiga na kami pareho. Ilang minuto rin kaming tahimik at sabay lamang na pinagmamasdan ang kalangitan. Hindi na natuloy ang panonood namin ng movie dahil napakaganda ng gabi ngayon.
Paulit-ulit pa ring tumatakbo sa isip ko kung paano ko sisimulan ang pagsabi sa kanya. I took a deep breath and shut my eyes.
"I-I have news for you, love."
"I want to talk to you."
Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang sabihin niya iyon. Tila nanlamig bigla ang simoy ng hangin at nagtayuan na lamang ang mga buhok sa batok ko.
Something's wrong. I could feel it. Iba ang aura niya ngayon. Ayoko lang aminin pero alam kong iba na ang inaakto niya simula pa kanina. He seemed cold.
"I've been meaning to tell you this pero hindi lang ako makahanap ng tamang tiyempo. I'm sorry." Tumigil siya sandali para humugot ng malalim na hininga. "My wife is pregnant."
Napalunok ako matapos niya iyong sabihin. Hindi kaagad ako nakareact at tila nanigas na lamang sa puwesto ko.
"W-Well, that's good news, right? After years of trying," sagot ko. "You must be so happy."
I tried to compose myself. Umiwas ako ng tingin sa malungkot niyang mga mata. Ngayon alam ko na kung bakit siya ganito. He's ending it. Us.
"I'm sorry."
Please. Don't say it.
"What we had... was amazing. Pero alam nating dalawa na sa simula pa lang, darating din ang araw na 'to." Lumapit siya akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Gusto kong malaman mo na napakaswerte ko dahil minahal mo ang isang katulad ko. You made me so happy... pero hindi ko kayang iwanan ang asawa ko."
"Jude..."
Please don't leave me...
Nagsimula nang pumatak ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Napahawak ako sa kaliwang dibdib at naiyukom doon ang aking palad. Tila may pumipisil sa puso ko nang sobrang diin.
"I'm so sorry, Cali pero alam nating mali lahat 'to. Ikaw at ako. Tayong dalawa. Kung maibabalik ko lang ang oras, sana hindi ko na ipinilit ang lahat. Sana hindi na kita nasasaktan ngayon."
Bigla kong naalala ang munting biyaya na nabubuhay na sa loob ng tiyan ko. Lumaki ako nang walang kinagisnan na ama kaya pinangarap ko na magkaroon ng buong pamilya.
Kaso aminado ako na mali itong nagawa namin. Wala pa rin akong karapatan kay Jude. Kahit na siya ang magiging tatay ng anak ko, wala pa rin akong karapatan sa pagkatao niya—maski sa puso niya.
Dahil isang babae lamang ang nagmamay-ari sa kanya. Ang asawa niya.
Nginitian ko siya at pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ko. "Thank you for giving me a chance. Thank you for loving me, Jude."
Kinuha niya ang pareho kong kamay at hinalikan iyon. Malungkot niya akong tiningnan. "Ano 'yung... news na sasabihin mo kanina?"
Hinawakan ko ang pisngi niya at pinagmasdan ang bawat linya na bumubuo sa kanyang mukha. Ang kakaibang ningning sa mga mata niya, ang tangos ng kanyang ilong at ang mapupula niyang labi.
Ipinikit ko ang aking mata at ipinagdikit ang aming mga noo. Naramdaman kong bumilis na rin ang bawat paghinga niya.
"Ito na ang huling araw na makikita mo ako. Goodbye, Jude."
Hindi ko ata kakayaning mawalan ng ama ang magiging anak nila. Mas mabuti nang kami na ang magsakripisyo.
Siguro nga hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Kahit gaano mo man kamahal ang isang tao, kapag hindi nakaguhit sa mga tala, kapag hindi nakatadhana, hindi talaga puwede.
Hindi kailanman magiging puwede.
END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top