Ikatlong Kabanata
DAY 1
・
It is late in the evening when you wake up from the loud noise coming outside.
❥You get up and open it.
You pick up the broom and lock the door.
You ignore it and return to sleep.
Balisang nakatunganga si Clea sa mga letra nakalutang. Walang sumagot sa katanungan niya, sa halip, aakalaing nasa loob siya ng isang futuristic na palabas dahil parang hologram ang nasa harap niya.
"Choose your answer. After ten seconds, the Grimm Guardian will select for you."
Saad uli ng boses na sobrang kilala na niya. Siya pa naman iyong tipong naglalaro naka-on yung music at sound effects kaya hindi na bago sa kanya ang tunog na parang robot.
Ngunit, ang pinagtataka niya ay bakit parang napakatotoo naman ng panaginip na 'to. Iyon lang naman ang natatanging rason kung bakit siya nandito. Siguradong sa magkahalong pagod at inis ay umabot na sa puntong napapanigipanin niya na ang paglalaro.
"Ten"
・
"Nine."
・
Dahil na rin sa nakasanayan sa mga nakalipas na araw ay pinindot niya kaagad ang unang sagot nang 'di man lang pinag-isipan. Subalit, hindi niya pa nga naproseso ang buong pangyayari ay mas lalo lamang siyang naguluhan.
Kusang gumalaw ang katawan niya!
Sinubukan niyang huminto ngunit parang may sariling utak ang kanyang mga paang dumiretso sa pintuan.
Pagkabukas, malakas na singhap ang umalingawngaw sa paligid. Isang kalansay, suot ang sinaunang damit na mahahalintulad sa mga fairytale, ang nakatayo sa pasilyo. Ang maputlang buto nito ay tila posrselana sa makulimlim na kandilang hawak nito.
Iyong nga lang, ang kanyang mukha ay mas maputla pa rito nang mapagtanto kung sino ang nasa harap niya. Tandang-tanda niya ang opening scene ng The Prince of the Glass Shoes kaya nasisigurado niyang si Ingrid ito, ang bunso sa kinakapatid na babae ni Cinderella.
"What are you gawking at, idiot? Mother is calling you," sabi nito pero nakatunganga lang si Clea sa mga mata nito. 'O masasabi nga bang mata ito?'
'Di tulad sa mga nakasanayang hugis ng mga mata, nakaukit ang orasan sa magkabilang butas nito. Kung pakikinggan maigi ay maririnig pa ang mahinang tunog ng paggalaw ng orasan.
'Eleven-forty?' isip-isip niya at naalala ang susunod na mangyayari pagpatak ng hatinggabi.
Agarang nanlamig ang kanyang kamay at nanuyo ang lalamunan. 'Pwede na bang magising? Tangna.'
Nag-eenjoy man siyang manood ng mga ganap sa laro pero ibang usapan na kung masaksihan niya mismo ang mga eksena rito. Ang mga nangyayari tuwing gabi ay hinding-hindi matatawag na panaganip lamag, bagkus isang bangungot.
"How slow. Move!"
"Aray!" Nandidilat na nilingon niya si Ingrid nang walang kaabog-abog siyang hinila at tinaboy sa sahig.
Grimm Warning
Make haste. Only twelve minutes before the first quest ensues. The princess must proceed to Day 2.
Ang kanyang pagkairita ay napalitang ng pagkunot-noo habang binabasa ang pahayag. Sa pagakakataong iyong, binalot siya ng kuryusidad at nakalimutan ang bangkay na nangangalaiti sa pagkayamot — mga ekspresyon na hinding-hindi mahalata sa buto-buto niyang katawan.
Hindi pa na kuntento at tinapakan nito ang palad niyang nakalantad habang siya'y 'di mapalagay.
"Putangna!" Malutong na mura niya at napatayo. Akmang susugudin niya rin ito nang mapansin ang pulang agos na dumadaloy sa kamay niya.
'Bakit may dugo? At bakit masakit?' Hindi niya masyadong alintana ng natumba siya kanina pero ngayon, ramdam na ramdam niya ang kirot dulot ng sapatos nito.
Nagpabali-balik ang tingin niya sa kanyang kamay at kay Ingrid na humahlukipkip. Ang mga orasan nitong mata'y nakaktitig lamang sa kanya. Biglaang nanindig ang kanyang balahibo.
'Anong nangyayari?'
"Are you waiting for me to drag you?" sigaw nito samantalang papalakas ng palakas ang pintig ng puso ni Clea.
Wala siyang maramdamang simoy ng hangin ngunit bigla siyang nanlamig. Ang mga butong kay interesanteng pagmasdan tuwing naglalaro ay unti-unting sinisindak ang kanyang kalooban.
Nanatili siyang naka-istatwa nang marinig ang yapag ng takon nito. Awtomatikong umatras siya pero mas mabilis ang kamay ni Ingrid at sinunggabang ang kanyang buhok.
"Aray! Bitiwan mo ako!" Sinubukan niyang lumaban ngunit nang madako ang tingin niya sa mga amarilyong hiblang natanggal sa pagkakatali ay napatigil siya.
Ni minsan ay hindi siya nagkalakas loob na magpakulay ng buhok at natural na maitim iyon. Ngunit paano naging kulay dilaw ito? Sa labis na pagtataka, 'di niya rin napansin na huminto si Ingrid.
"You're insane. What gibberish are you spouting now?" Napapalatak ito at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Never mind, you walk yourself, idiot."
With an annoyed huff, Ingrid turns her back.
❥You call her back.
You follow her.
You go back to your room.
・
Grimm Warning
Make haste. Only five minutes before the first quest ensues. If the princess cannot make it to Day 2, the game will restart.
Kasama nang paglitaw ng asul na hologram, sa baba nito ay isa pang balala na kasingtingkad pulang ilaw ng stoplight. Lalo lamang siyang nagtaka. Sobrang napakdetalyado ng lahat para sa isnag panaginip ngunit ayaw niyang maniwala sa konklusyon bumubuo sa kanyang isip.
"Choose your answer. After ten seconds, the Grimm Guardian will select for you."
Nagsalita ulit ang boses at nag-umpisang itong magbilang pero pinawalang-bahala niya lamang ito hanggang matapos.
"The limit is over. You have chosen to go back to your room."
Sadyang kumilos ang kanyang katawan pabalik sa silid pero iilang segundo pa lang ang lumipas nang umulyaw ang isang pagtangis.
Papalapit at papalapit ang tunog kaakibat ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Bigla niyang natandaan ang isa sa mga eksena kung saang mali ang pinili niyang sagot. Ang mga hagulhol na tila'y namatayan ang laging naririnig niya tuwing nangyayari ito. Maraming rin siyang pagkakataong namamali ng desiyon pero pagkatapos ng unang beses na iyon ay skini-skip niya na lang ang kaganapang 'to. Ngunit, wala siyang magagawa ngayon.
Tumagatak ang pawis sa kanyang leeg at pinilit niyang gumalaw pero tulad ng kanyang inaasahan, ay hindi niya pa rin magawa ang gusto niya.
Pumihit ang pintuan at halos napatigil siya sa paghinga. Kumpara ng butong katawan ni Ingrid, ang nasa unahan niya ay mayroong mga mga balahibo parang tinta at kasingdilim ng paligid nila. Matatalim na ngipin ang nakahilera sa mahaba nitong nguso habang umuugoy ang buntot sa likod nito.
Yumukod pa ito para makapasok lamang sa pinto dahil sa naglalakihang tenga. Ang mga orasan nitong mata na parang may angking ilaw ay pumako sa kanyang direksyon.
Sa kanilang distansya ay kitang-kita niya ang paggalaw ng kamay ng orasan at tamang-tamang tumuon ito sa hatinggabi.
Bumalot ang katahimikan bago tumunog ang kampana. Ngunit wala na ang atensyon ni Clea rito kung hindi ay nasa higanteng dagag nakapwesto sa harap niya. Nawala ang mga numero sa orasan at napalitan ng pulang kasingkulay ng dugong umaagos sa mata nito.
Agad-agad itong lumapit at tinaas ang matatalas na kuko. Ang mga daliri nito ay bumaon sa kanyang leeg. Napaimpit siya pero walang boses na lumabas sa kanyang mga labi. Nilamon siya ng takot ng walang maramdaman kungdi ang hapdi at umaalingasaw na amoy ng dugo.
Binuka nito ang bibig bago yumuko at tuluyan nang nagdilim ang lahat.
Quest failed.
You have died.
The world has fallen into doom.
Note: The end? xD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top