Ikaanim na Kabanata
Do you want to open your prize?
❥Yes
Later
Bago pa humarap ang dumating ay dali-daling pinindot ni Clea ang 'yes' at agad na dumapa.
Pinasalamat niya na lang talaga na napakagara ng kwarto sa sobrang luwag nito. Kahit may pumasok ay hindi awtomatikong dadako ang kanilang tingin sa kabilang sulok kung nasaan ang kamang pilit niyang siniksik ang katawan sa ilalim nito.
Ngunit mga ilang minuto ang lumipas, pero ni isang yabag ay wala siyang marinig.
Nagdadalawang isip siyang gumapang palabas ng kama. Ang pintuan ay nakabukas pa rin at walang tanda ng paggalaw.
Lakas loob niyang sinilip kung sino ito. Pero tulad nang namatay siya, tila tumigil ang oras. Ang kamay ni Lady Ainsworth ay nanatili sa hawakan ng pintuan. Ang mga mata nila'y nagtatgpo pero walang bakas ng pangingilala rito.
Grimm Warning
The system apologizes for the delay. The game has launched an automatic update to ensure the quality of the game. You may now proceed.
Lumitaw ang pulang panel at pagdakang kumunot ang noo niya.'Update? Nasa loob na ako ng game pero may update pa rin?'
Grimm Warning
The princess may now ask questions about the game.
Sa mga kaasunod nitong mensahe ay dagli niyang nakalimutan ang pinorpoblema. Sa ngayon, wala siyang hinahangad kung 'di ang mga sagot sa katanungan niya.
"Why am I here and how can I go back?"
Grimm Warning
The princess passed the requirements and was the perfect candidate to save the Grimm World. The princess must complete the game by avoiding the bad ending to return to their world.
'Edi wow. 'Di ko nga matapos sa totoong buhay tapos eto pa?' paghihimutok niya bago magtanong uli. "How can I? Will I have some clue to finish this?"
Grimm warning.
Two questions were detected. The limits are about to be exceeded. The princess can only have three questions for every quest completed.
"Langya tapos ngayon lang sinabi? Good luck na lang talaga sakin, kaloka." Napa-ismid si Clea at pinagkrus ang kamay.
Grimm Warning
Language cannot be identified. Default settings applied.
"Give me a clue how I can complete the game."
Grimm Warning
Haraya, the curse of illusion, condemns the Kingdom of Ashcronus. The princess must complete all twelve quests in a hundred days. In order to do so, the Princess needs to find the Prince of the Glass Shoes, one of the heroes who hold the magic to save the world and break the origin of the curse.
Sa mga nabasa, ay gusto niya na lang mag-skip ngunit walang option na ganito.
Grimm Warning
The fairytale Wish will be granted once it is over. For the princess to accomplish her task, the true story must be known as the answers lie within it.
Napaisip kaagad siya kung ano ibig sabihin nito. Pero kahit suguro pigion niya ang utak ay wala siyang ideya kung ano iyong 'true story' na tinutukoy nito.
Hinintay niya ang mga kasunod na salita pero walang pagababago sa screen.
"Is that all?"
Grimm Warning
The system has finished conveying the message. The princess may now return to do the game and complete her quests.
"How about—"
Pero tulad ng dati, isang kisapmata lang ay nagbago na ang eksena.
DAY 3
・
You wake up and it is time to do your duties once again.
・🕛・
Mag-iisang lingo na si Clea sa mundong kinagagalwan niya. Sa puntong ito ay halos tanggap niya na ang pagiging alila sa larong ito.
Hindi nga siya nagliligpit ng kwarto niya pero dito ay wala siyang ginawa kungdi ay maglinis. Paano nga ba siya tututol kung wala siyang kontrol sa sariling katawan?
Maliban doon, gabi-gabi pa ring nagdadanak ang dugo sa mansion na pilit niyang binaabon sa kailaliman ng kanyang utak.
Inuuto niya na lamang ang sariling walang kababalaghang nagyayari tuwing hatinggabi.
Ngunit paano? Sobrang nag-enjoy yata si Aisha sa paggawa ng larong 'to at ngayon ay si Clea ang nagdudusa.
Siguradong sa mental hospital ang bagsak niya kung makaklabas man siya sa mundong ito. Hindi niya naman nakikita ang mga nangyayari, sapat na ang mga tunog para bangungutin siya habang buhay.
Noong siya's naglalaro, hindi siya minsan nagtaka kung bakit lagi sa ilalim ng hagdan nagtatago ang bida at ngayon ay 'di niya pa rin mapagtanto bakit ito ang pinakaligtas na lugar sa buong mansion.
Marami kasing dumadaan sa hagdan kung saan siya nagtatago. Siguro matuturing na isang milagro na walang nakakpansin ng presensya niya.
Nang sa wakas ay matapos sa paglilinis ay tumungo siya sa silid. Pagkasara ng pintuan ay hinagilap niya kaagad ang kuwintas ng yumaong ina ni Cinderella. Pagkita ng kahon ay sinuot niya kaagad ang alahas.
Do you want to use the magic of invisibility?
❥Yes
No
Pagkatapos piliin ang oo ay ramdam niya ang kakaibang sensyayon ng mahika. Nakakatindig ng balahibo pero hindi naman nakakakangilabot ang dulot nito.
Ang kwintas ay isa sa mga magical items sa laro na sobrang nakakatulong. Siguro noon, wala siyang masyadong pakialam pero ngayon, nadiskubre niyang kaya niyang gawin ang kahit anong gusto niya pagsinuot ito. Iyon lang, isang oras lang ito epektibo. Gayunpaman, sapat na iyon upang makatakas siya ng mansyon.
Isa rin kasi sa mga bagay na napansin niya ay hindi siya masyado ng kokontrol pag lumabas ng mansyon. Subalit kung nais niya mang lumayo ay malabong mangyari iyon dahil lahat ng quests ay natritrigger lamang sa loob ng mansion.
Nang masiguradong hindi na naaaninag ang repleksyon niya sa bintana ay dumiretso na siya sa bayan.
Kahit gaano man siya kaligtas sa ilalim ng hadag, hindi pa rin siya mapakali ng walang kahit anong bagay upang depnesahan ang sarili.
Hindi naman siya nagtagal dahil madali lang makahanap ng maliit ng kutsilyo na kaya niyang itago sa loob ng damit.
Habang papauwi ay naagaw ang pansin niya sa mga ibong nagkukumpol sa gilid ng daan.
Puno ng kursiyudad. nilapitan niya ang mga ito. Tila naramdaman nilang patungo siya at nagsiliparan sila — maliiban sa isa.
Sabagay, hindi naman talaga ito makaalis dahil sa duguuang pakpak.
Ang maiitim nitong balahibo ay parang itim na tinta pero ang mga mata nito ay kasing-asul ng langit. Nakatunghay lamang ito sa kanya na tila tintantya siya at namanmanghang nakamasid din siya dito.
Ngayon pa lang siya nakakita ng uwak na iba ang kulay ng mata. Dahan-dahan siyang lumapit at inabot ang kamay.
"It's okay, tutulungan kita," sabi niya pero kung tutuusin, wala siyang kaalam-alam sa paggamot ng ibon. 'Bahala na mamaya.'
Humilig ang ulo nito na pero hindi ito lumayo. Sinilo niya ito sa magkabilang kamay at bumalik na ng mansion.
・🕛・
Pagkarating ay kagyat niyang nilagay ang uwak sa kama.
"Sandali," sabi niya na parang nakakaintindi ang ibon.
Malabong mangyari man iyon pero tila gumaan ang loob niyang may nakaka-usap, kahit na hindi man ito nagsasalita. At least, hindi siya nagmumukhang baliw kung sakaling may nakakakita sa kanya.
Tinanggal niya na ang kwintas at tinali ito sa kutsilyong binili. Tinaas niya ang bestida pero parang lumukso ata ang puso niya sa biglang pagpalahaw ng ibon.
"Shh! Wag kang maingay," utos niya pero hindi pa rin mapakali ito na parang walang sugat na dindamdam.
Hindi niya na lamang ito pinansin dahil tumahimik naman ito pagkalaunan.
Unti-unti niyang hinubad ang damit pero kumalaskas pa rin ang uwak na parang umuungot. Napapailing na lamang si Clea nang makitang tumalikod ito.
Pagkatpaos magbihis ay nilapitan niya uli ito. "Dito ka muna at kukuha ako ng gamot."
Tumungo naman kaagad siya sa kusina at hinanap ang mga gamot. Sa pagkakaalala niya ay dito niya iyon nakita, Nang mahanap ang box na may medisina ay kumuha lamang siya ng maliit na piraso ng benda at isang botelya.
Pabalik ng silid ay napanbuntong hininga siya ang madako ang tingin sa bintana. Oras na na naman para makita ang mga kalansay na iyon.
Nanlulunmong sinidihan niya ang mga lampara sa paligid at hawak-hawak ang kanidla patungo sa kanyang silid.
Pinihit niya ang pintuan pero sa halip na maliit na ibon ang naghihintay sa kanya ay nanlalaki ang kanyang mga mata sa pigurang bumungad sa kanya.
"Tangna! Sino ka?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top