When She Said 'Yes'

KASALUKUYAN akong kumakain sa madalas naming puntahan na restaurant. As usual, punong-puno na naman ito— just in time for Valentines Day.

Pinagmasdan ko ang aking paligid. Sa bawat sulok ay mayroong dekorasyon na lobong hugis puso. Sa lamesa naman ay mayroong maliit na bouquet ng mapupulang rosas. Dim lamang ang ilaw dito na nakadagdag sa romantic ambiance sa loob.

Hindi alintana na ito ang paboritong okasyon ng mga taong may karelasyon. Sa panahon ngayon, pabonggahan na ang mga preparasyon at regalo tuwing dumadating ang ikalabing-apat ng Pebrero.

Talong-talo ang mga nakasabit na dekorasyon dahil halos maging puso na rin ang mga mata ng mga tao sa loob. Nakita ko kung paano magliwanag ang kanilang mga mata habang tinitingnan ang mukha ng mga mahal nila sa buhay.

Lahat ay nakangiti at naghahalakhakan. Naghalo-halo man ang tawanan at usapan nila sa aking tainga ay masarap pa rin itong pakinggan.

May kalakihan ang lugar na ito at puno na ng panauhin ang bawat lamesa. Dahil doon ay halos lumipad na rin ang mga waiter at waitress sa sobrang bilis nilang gumalaw. Nawala ang pokus ko nang biglang may bumunggo sa balikat ko.

"Sorry, ma'am," sabi ng waiter.

Tinanguan ko siya at mabilis rin naman siyang umalis para ihatid ang order sa kabilang table.

Doon lamang napako ang tingin ko sa isang magkasintahan na nakaupo sa may bandang kanan ko. Sa lahat ng tao rito ay sa kanila lamang natuon ng ganito ang atensyon ko.

Pinagmasdan ko ang mukhang pinaghandaang kasuotan ng lalaki. Nakaitim itong suit at nakapaloob ng pulang damit. Ipinares niya ito sa isang itim rin na kurbata. Abot langit ang kanyang ngiti habang nakatingin sa kaharap niyang babae. Nakapula rin ito ng kasuotan na bukas ang likuran. Nakalagay pa ang kulot at mahaba nitong buhok sa kanyang balikat. Litaw na litaw ang kaputian nito dahil sa kulay ng kanyang suot.

Kitang-kita ang kinang sa mata ng lalaki na animo'y nakatanggap ng ginto. Kahit malayo ako sa puwesto nila, ramdam na ramdam ko kung gaano niya kamahal 'yong babae.

Bigla ko tuloy naalala ang nakaraan.

Noong naranasan ko ang pakiramdam na mahalin ng isang lalaki. Isang pagmamahal na hindi ko inasahang tatagal. Nagsimula kasi ito sa isang lokohan— sa isang kasunduan.

Nakilala ko siya sa isang bar na halos pinupuntahan ko tuwing Biyernes. Sakto namang ito rin ang araw na nakipag-break sa akin ang walanghiya kong ex-boyfriend. Don't get me wrong. Hindi ako pumunta sa bar na iyon dahil wasak at heartbroken ako. Talagang nakasanayan ko nang gumimik may boyfriend man o wala.

Siguro kaya rin walang tumagal na lalaki sa akin. Hindi nila nakakayanan ang ugali ko. Sino bang hindi? Sino bang lalaki ang gugustuhing makipagrelasyon sa babaeng hindi marunong magseryoso?

Pero iba si Nathan.

Siya lamang ang nakatagal sa akin. Hindi ko alam kung dahil parehas lang kami ng ugali at pang-unawa sa pag-ibig. Kontento na kami sa relasyon namin noon. Kahit kailan hindi namin napag-usapan ang lahat ng puwede naming kahantungan.

Ginagamit lamang namin ang isa't isa— for company, comfort, desire or even sex. Pareho naming alam ang limitasyon at ipinangako na kailanman ay hindi kami lalagpas doon. Hanggang sa dumating ang gabing iyon.

Ang gabing tinanong niya ako habang nangingilid ang mga luha sa kanyang mata. Nakapinta sa mukha niya ang labis na kasiyahan habang nakaluhod sa harapan ko. The ambiance was perfect. Starry lights, waves from the ocean, sand, and the breathtaking sky. We were surrounded by our family— our love ones. Tears were streaming down their faces. The band was even playing my favourite song that became ours.

Bigla akong kinabahan.

Noong inumpisahan ko ang relasyon namin ni Nathan, hindi ko inakala na malayo ang mararating namin. Hindi ko inakala na habang iniiwasan ko ang dingding na ginawa namin, abala naman siya sa pagsira nito. Because he wanted something more. He was ready to see our future.

I would never forget the shine in his eyes— the way it put even the brightest star to shame. My whole body started shaking. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa kalamigan ng lugar o sadyang kinakabahan lamang ako.

I didn't know what to say until he finally showed the perfect ring and asked.....

'Sasha, will you marry me?'

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top