I.
five years before
ITINAAS KO ang aking kamay at nagpatuloy na gumiling sa ritmo ng tugtog. Ramdam ko ang mga maiinit na haplos ng isang lalaki sa tabi ko. I didn't mind. Alam kong kanina pa niya ako pinupuntirya. Ilang beses ko na rin siyang nahuling nakatitig sa akin.
Kung sabagay, hindi ko siya masisisi. Sa hot at revealing ba naman nitong suot ko ngayon. Kasalanan 'to ng walang kwenta kong ex. Kung makikita lang niya ako ngayon, ipapamukha ko sa kanya ang pinakawalan niya.
Humarap ako sa lalaking kanina pa nakahawak sa beywang ko. Kahit madilim sa puwesto namin ay nakita ko ang saglit na panlalaki ng mata niya. Infairness. He looks hot.
Kitang-kita ang kalakihan ng pangangatawan niya sa suot na itim na polo shirt. Sunod kong napansin ang mga ugat mula sa biceps niya pababa sa kanyang braso. You've got to be kidding me. This is my ultimate weakness.
Nginitian ko siya ng nakakaloko pagkatapos ay sinimulang haplusin ang dibdib niya. This is what you get for trying to flirt with me. Hindi pa rin ako tumitigil sa paggiling ng katawan ko.
"Pasalamat ka nasa mood akong makipaglandian, kun'di pinapulis na kita."
I saw him smirked. "Really? Then, I'll see you in jail."
"Huh?"
Napatigil ako sa pagsasayaw at tinaasan lang siya ng kilay. Hindi naman siya nagpatinag at lalo pang lumawak ang ngisi sa mga labi. Pinasadahan muna niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago ko siya narinig muling magsalita.
"Seriously, you could go to jail for killing me with your looks."
Napaangat ang sulok ng labi ko. He seemed really good at this. Mukhang hinahamon talaga ako sa landian ng isang 'to.
Tumingala ako para tingnan siya. He is really tall. I'm 5'6 and wearing heels pero hanggang balikat lamang niya ako. He surely did spent a lot of time styling his spiked dark brown hair. Lalo itong dumagdag sa kakisigan niya. I have to admit, he stood out the most from the crowd tonight.
"What's your name?" tanong niya.
Kahit iyon lamang ang lumabas sa bibig niya, pakiramdam ko ay inaakit ako ng mga mata niya. Pwede rin namang dahil sa kilay niya na singkapal ng mukha ng ex ko.
I stretched out my hand to him and said, "My name is Sasha... but you can call me later."
I heard him chuckled. Ano ba 'yan? Bakit pati pagtawa niya ang hot ng dating sa akin? Saan ba 'to lumaki, sa impyerno?
"That was good." Nakita kong may kinukuha siya sa bulsa pagkatapos ay inilabas ang phone niya. Iniabot naman niya ito sa akin. "I think I lost my number... can I have yours?"
This time, ako naman ang napatawa. Ang corny ng pick-up line niya pero dahil cute siya, pagbibigyan ko na. Nakangiti lamang ako habang inilalagay ang numero ko sa phone niya.
Napansin ko namang nakataas ang dalawa niyang kamay sa magkabilang tabi ko para hindi ako masagi ng mga tao. Natawa na lang ako. Nagkakasiksikan na kasi dito sa dance floor pero dito pa namin naisipang magpalitan ng numero.
"Do you have a name?" tanong ko pagkabalik ng phone niya. "Or should I call you mine?"
"I'm Nathan but I don't mind you calling me yours," tugon niya. He held out his hand to me. "Shall I buy you a drink?"
"Take me anywhere you want..."
HINDI ko na namalayan ang pagdaan ng oras. Paunti na ng paunti ang tao sa loob ng bar. This is actually the first time I spent my entire night talking to a guy. Just talking or purely flirting. Not my thing actually. Normally, I would get wasted on a Friday night, then wake up on someone's bed on the next day.
Ayon na nga rin siguro ang dahilan kung bakit walang tumatagal sa aking lalaki. Kasi kahit na may boyfriend ako, ginagawa ko pa rin 'yon.
Why? I don't even know.
Not a typical lady, huh? But not tonight.
Nakailang shots ako pero kaagad rin akong tumigil. Beats me. Ang alam ko lang, gusto kong makilala 'tong lalaking kaharap ko ngayon.
He has the most dazzling grey eyes I have ever seen. Para siyang isang anghel na may tinatagong demonyo sa loob. Ang sarap panoorin kung paano gumalaw ang Adam's apple niya sa tuwing magsasalita siya.
It's kind of embarrassing na ilang beses niya akong nahuling nakatulala sa mukha niya. I'm sorry! He's just too perfect to be true.
"I can't believe that someone as flirt as you would get easily committed," sabi ko sa kanya. "And for three years! Gosh! Nakatagal ka ng gano'n?"
His face was only few inches near mine kahit na hindi na ganoong kaingay ang tugtog sa loob. Ikinukuwento niya sa akin na hiniwalayan siya kahapon ng matagal niyang naging karelasyon.
That bitch! Why would someone break up with this hottie? Nahihibang na ba siya?
"Well, if you truly love someone, three years are nothing."
I rolled my eyes and shrugged. "Ewan. Hindi ko pa nararanasang magkaroon ng ganyang katagal na karelasyon. Hindi kasi ako naniniwalang may permanente sa mundo."
"Anong mga pangalan ba niyang nanakit sa'yo? I would haunt them all down."
"Nah!" Pabiro ko siyang hinampas sa balikat. "Wala rin naman akong balak humanap ng lalaking pangmatagalan. Kontento na ako sa short time."
"I'm starting to think likewise. I mean I grew up in a broken family. Lahat ng mahal ko umalis—iniwan ako. Even my fiancee left me." Ramdam ko ang poot at sakit sa boses niya habang sinasabi iyon. Ngunit madali niya itong nabawi at nginisian ako. Inilapit niya pa lalo ang mukha niya sa akin at bumulong sa kaliwa kong tainga. "Ganito na lang. Dahil pareho naman tayong single ngayon, bakit hindi na lang ako ang gawin mong pang-short time?"
I traced my fingers around his manly face. Nakiliti pa ako ng kaunti sa patubo niyang balbas. "No strings attached?"
"That's how I like it," bulong niya muli sa akin bago angkinin ang labi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top