WSMDS • CHAPTER 9

Chapter 9: Steak



Charitie’s POV

Maraming tao, maraming tent ang nakatayo sa bawat puntod na makikita mo dito. May mga matataas din na puno para magsilbing lilim sa iba’t ibang bahagi ng sementeryo. May mga pamilya na sama sama at binibisita ang mahal nila sa buhay. Ako naman ay naglalakad parin na mag-isa at hinahanap kung saan siya nakalibing. Matagal tagal na din akong hindi nakakapunta dito dahil busy.


Alam niyo ba yung kasabihan nila? Gasgas na ito kaya alam kong alam niyo na.

‘First love never dies’

Siguro sa iba totoo, may mga nagkabalikan at may mga tumagal. Pero sa akin hindi nangyare eh, literal na hindi nangyare. Kasi yung first love ko nakabaon na 6ft below the ground. Ang sad diba? Wala naman akong magagawa eh. Naka move on na ako kaya hindi na din masakit sa akin. Matagal na din yun kaya naghilom na ang sugat.  

Umupo na ako sa damuhan at tumingin sa puntod niya. “Hi, ang tagal na kitang di nakita ah?” nakangiti pa ako habang sinasabi yun. Baka mamaya sumagot to di ko talaga alam ang gagawin ko.  Nilagay ko na din ang kandila at bulaklak na dala ko sa kanya.

Napalingon naman ako sa katabing puntod ng first love ko. “Ashley Fernandez” kung nagkataon nga naman ka apilyedo pa nung lalaking yun. Wala pang bumibisita sa kanya pati bulaklak  o kandila ay wala. Kumuha ako ng tatlong piraso sa dinala kong bouquet ng flowers at saka inilagay ito sa puntod ni Ashley. Asaan kaya ang pamilya niya at bakit wala pang dumadalaw.


Napahawak ako sa tyan ko na biglang tumunog. Ito na ang senyales! Nagutom kasi ako kakaikot at kakahanap sa puntod kaya eto ubos ang energy ko pati laman ng tyan ko ubos na din.  “Wait lang ah. Bibili lang ako ng pag kain, nagutom kasi ako kakahanap sayo eh” Tumayo na ako at isinabit sa balikat ko ang aking bag. Nagsimula na akong maglakad palabas ng sementeryo pero hindi pa ako nakakalayo ay may nakita akong pamilyar na mukha. Yung mukhang kinakainisan ko. Si Kendell.


Agad agad naman akong tumakbo papunta sa pinakamalapit na puno at nagtago. Jusko naman sa lahat ba naman ng makikita dito siya pa talaga. Nanatili lang akong nakatago sa likod ng puno. Pinagmasdan ko siya, kaano ano niya kaya si Ashley? Siguro kapatid niya kasi bata yung nakalibing tsaka parehas sila ng apilyedo. Napansin niya din na may nakalagay na bulaklak sa puntod ng kapatid niya.



Umupo na lang ako at sumandal sa puno habang hinihintay na umalis yung lalaking yun.
Hindi ko ma aalis sa isip ko ang pagiging curious kung bakit nawala yung kapatid niya. Kaya din siguro na malapit siya sa mga bata at hindi na ulit siya nag aral. Ay ewan, bakit ko ba siya iniintindi. Kanina pa ako nagugutom ang tagal naman umalis neto.

"Finally, I found you" napaangat ang tingin ko sa lalaling nagsalita. Bumungad sa akin ang walang expression na mukha ni Zian. Napatayo naman agad ako at pinagpag ang damit at pwetan ko. Alam niyo na baka mamaya may sabit sabit na damo pa.

"I texted you yesterday and you said yes, pero di mo ako hinintay." Seryosong sabi sa akin ni Zian. Kasi naman nakalimutan ko na kasama pala siya nasanay na kasi ako na ako lang mag-isa lagi eh. Buti na lang nasabi ko sa kanya yung pangalan ng sementeryo.


"Sorry na Zian" Paghingi ko ng tawad sa kanya. Wala parin siyang expression na nakatingin sa akin. Ano ba nasa isip niya ha. Nakatingin lang ako dito habang hinihintay siyang magsalita nang biglang tumunog ang tyan ko. Oh no!
Napangiti ito sa akin saka hiniwakan ako sa kamay at hinila ako paalis doon. Hindi na ako nakapagsalita at napatingin na lang ako sa kamay niyang nakahawak sa akin.


Bigla siyang napahinto kaya naman huminto rin ako at nakita ko naman na  nasa harapan na namin si Kendell. Bigla kong binaling ang ulo ko para hindi niya ako makita. Sh*t no nooooo! Binitawan ko agad ang kamay ni Zian at nakita ko naman na napatingin ito sa akin.

"Bakit ka nandito"  tanong ni Kendell sa akin habang naglalakad ito palapit. Wala na akong magagawa nandito na to.

"Bakit ikaw lang ba pwedeng bumisita sa patay ha!" Sabi ko dito dahilan ng palapit niya pa dito. Nilagpasan niya lang si Zian at lumapit sa akin.

" Wala naman akong sinabi diba? " sabi nito sa akin habang naka yukom ang kamay. Susuntukin niya ba ako?! Aba pati sa babae gaganti siya.


" nagugutom ka ba?" Tanong niya ulit sa akin at tumango lang ako dito.



"Edi kumain ka" napairap na lang ako sa sinabi niya. Ano pa bang aasahan ko sa kanya diba.  Hindi ko na siya pinansin at pumunta sa pwesto ni Zian.



"Lika na nga Zian kumain na tayo" naglakad na ako paalis pero hindi sumunod sa akin si Zian. Wait naguguluhan ako. Kala ko na naman ililibre niya ako kanina pero hindi pala bakit siya ganyan.  " wala na akong gana" Pagkasabi niya neto at agad na siyang umalis at iniwan kami ni Kendell.






"kumain na tayo " napalingon ako sa sinabi ni Kendell at ngumiti sa kanya. Ngumiti din ito sa akin kaya sumunod na ako papunta s akotsw nito.




***




Grabe ang sarap ng pagkain nga mamahalin pa. Ang daming nakalagay sa table. May pork,spoon may knife tapos iba't iba yung laki ng mga kobyertos. Di ko na nga alam kung ano gagamitin ko eh.

"Dahan dahan lang. Ang dami pa niyan oh" pagsaway sa akin ni Kendell. Ano bang paki niya eh minsan lang makakin dito pipigilan niya pa ako.

"Oo nga pala, pupunta kami sa bar nila Ethan bukas. Sumama ka sa amin, mauna ka na doon susunod na lang kami bukas." Sabi ni Kendell habang naghihiwa ng karne na inorder niya. Aangal pa lang sana ako sa sasabihin niya ng may sinabi ulit siya.


"Wag ka ng mag reklamo." Sabi ko nga eh sasama na , Kaya tumango na lang ako sa sinabi niya at kumain ulit. Wala naman ako magagawa eh kasi siya lagi ang nasusunod.



Napatingin ako sa plato niya at nakita ko yung masarap na steak na inorder niya. Nagningning yung mata ko ng makita ko na malambot habang hinihiwa ito. Hindi ko na matiis ang sarili ko at tinisok na uung part na hinihiwa niya at kinuha ito.


"Thank you!" Sabi ko at saka ito sinubo. Ang juicy niya at ang lambot talaga. Nagulat ako ng bigla na lang lumapit si Kendell sa akin, inilagay nito ang kamay sa lamesa at ang isang kamay sa likod ng upuan ko.

"B-Bakit?" Napatigil ako sa pagnguya ng lalo pa siyang lumapit sa mukha ko.


"Kukunin ko lang sana yung steak na nasa bibig mo eh"  Tinulak ko ito dahil sa sinabi niya. Nakita ko naman na napangiti ito at saka bumalik sa kinauupuan kanina. Bakit biglang uminit dito!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top