WSMDS•CHAPTER 8
Chapter 8 : Reveal
Bryan's POV
"Hoy lalake!" napalingon ako sa gilid ko ng may tumawag sa akin.Nasa Cafeteria kami ngayon dahil break na namin.
"Ano?! Makalalake ka naman,may pangalan ako noh"
Sabi ko kay Charitie na may kagat kagat pang sandwich.
"Whatever" sabay irap niya sa akin.Pasalamat siya wala kaming karapatan ipost yung picture niya dahil si Kendell lang ang may karapatan,pero parang panakot na din namin yun sa kanya. Pag di ako nakatiis ipopost ko talaga yun.
"Bili mo nga ako ng juice"
Utos ko sa kanya,bakit feeling ko pag inuutusan ko siya nag eenjoy ako? ang sarap niya kasi asarin eh.
"Pera?" sabay bukas niya ng palad niya.Inabot ko naman agad sa kanya yung pera tsaka siya umalis. Ang liit lang pala niya, pero nung nakipag away siya kala mo ang laking tao eh.
"Saan pupunta yun?" tanong ni kendell sa akin habang nakatingin kay Charitie na naglalakad. Gusto niya laging alam yung ginagawa ng babaeng yun eh.
"Wala ka na dun" pang-aasar ko sa kanya.akmang babatohin na niya ako ng walang laman na bote ng pigilan siya ni Raven na kakabili lang ng pagkain.
"Thank you pre-- Ay! P*ta*ngina!"
Kala ko ba naman sinagip ako ng unggoy na toh siya din pala ang babato.napamura tuloy ako.
"Nakakagigil kayong dalawa! Magsama kayo" Sigaw ko sa dalawa at akmang susuntukin ko na. Parang hangin ang kausap ko dahil hindi nila ako pinansin. mga bwiset.
"Yumiiiiiiiiiiii!!!!" napalingon kami kay Charitie na nakayakap na ngayon kay yumi. Yung juice ko!
"Namiss kita huhuhu" ang arte naman ng babaeng toh may paiyak iyak pa kunyare.Ang tagal na kasi nilang hindi nagkita eh.Palibhasa Lagi kaming kasama.
Naglakad na silang dalawa papunta sa table namin.
"Hi there!" bati niya ng nakangiti.Umupo si Charitie sa tabi ko at si Yumi ay pinaupo niya sa tabi ni Raven. Halata naman na may gusto siya kay Raven kasi kumikinang yung mata niya pag nakatingin sa lalaking yun.
"Hi" bati niya kay Raven na nahihiya pa. Sayang naman yung ganda niya kung kay Raven siya mapupunta. Hamak na man na mas gwapo ako no.
"Hello" seryosong sabi ni Raven kay Yumi tsaka bumalik ulit sa pag cecellphone.
"Tama na harot! Kain na!"
Sabat ni Charitie,ingit siguro toh. Wala kasing nagkakagusto siya kanya eh.
After ng ilang minutes tapos na kaming kumain at nagkwentuhan naman kami.
"Bakit nga pala kayo lumipat dito?"Tanong ni Charitie sa amin. Napalingon ako kay Kendell at hinihintay ang sagot niya. Malamang marami talagang magtatanong. Bigla ba namang nag-ara ulit tong lalaking to. Matagal na siyang hinihintay ng mga babae sa school kaya nung dumating siya nagkagulo ang mga babae.
"Bakit masama bang mag-aral sa school na pag mamayari ko?" sagot niya kay Charitie. Inirapan lang siya nito at Nanahimik na lang, alam niya kasing pag sumabat siya magsusungit na naman si Kendell.
"Change topic na nga" sabi ko habang nillaro ang boteng binato sa akin kanina.
"Undas na sa susunod na araw ah anong mga balak niyo?" Tnuon nman ng lahat sa napaka gwapo kong mukha ang atensyon nila. Sino ba anman ang makakatiis sa akin?
"Uhmm ako may dadalawin sa sementeryo." sabi ni Charitie,sino kaya yun? Oh baka naman dadalawin niya yung puso niya na patay na patay kay kendell. Gasgas na gasgas na yung joke ko. walang kwenta hahaha.
"Ako din may dadalawin."
Nakakaawa din si kendell eh.mahal na mahal pa naman niya yung kapatid niya. Kung hindi sana nawala yung kapatid niya hindi siya magkakaganyan.
"Ako sa seminteryo din"
Kahit wala naman talaga akong gagawin dun hahaha. Bakit ba ako nagtanong tungkol doon eh alam ko naman na udas kaya pupunta sila ng simenteryo.
"Anong gagawin mo doon?" Tanong naman ni Charitie, makatanong siya kala mo close na kami eh no! panget panget niya eh.
"Magtitinda ng bulaklak? Hahaha syempre bibisita din sa patay.Ano pa ba?"
"Ok." Umirap na naman siya sa akin. ano bang problema niya kanina pa siya ah. pag ito pinatulan ko talaga.
"Lika na nga,bye sa inyo! Alis muna kami ha!" sabay takbo ni Charitie palayo. Bigla naman na patingin si Kendell sa kanya pero tuloy prin ang takbo niya.
"CHARITIEEEEEE!!!" sigaw ni Kendell, Hindi na lang muna hayaan eh. gusto niya laging kita si Charitie, dapat pati sa CR sumama na siya eh. Tumakbo parin si Charitie kahit sinisigawan na siya.
Naalala ko tuloy yung una naming plinano yung tungkol kay Charitie.Ganyan din siya kabilis tumakbo nung hinahabol namin siya.
Flashback
Bryan magbanua
Ken! Tingnan mo yung
Babae sa video.
(Video)
Sino yan?
Nag-aral sa school niyo.
Next target. 😏Pumunta lahat
kayo sa bahay. Tawagan mo sila.
End of conversation
Tinawagan ko naman lahat sila para pumunta sa bahay ni kendell. Pag inutos ni commander lahat yan susunod na. Dapat nga ako sundin nila dahil ako naman talaga pinaka gwapo sa lahat eh.
Nagdrive na ako ng mabilis papunta sa bahay ni Kendell. Kinatok ko ng malakas yung gate niya para masira na HAHAHA.
"Kendell! Pakawalan mo ko!" Sigaw ko habang kinakatok parin ang gate ni kendell. Pag bukas naman nito ay bumungad sa akin ang irita na itsura niya.
"Ano bang sinasabi mo dyan! Ikaw yung nasa labas tapos pakawalan mo ako" binatukan niya ako at hinila na ako papasok sa loob.
Habang hinihintay namin ang iba na napakatagal ay naglaro muna ako sa cellphone ko. Mvp ako sa fruit ninja eh.
"Uy ang laki!!!!" Napapataas pa ang paa ko sa excitement. Ang dami ko ng nahihiwa na prutas makakagawa na ako fruit salad! Maaabot ko na yung hight score ko ng biglang may pumindot sa screen.
"Sino yun!!!" Tumayo akong galit na galit. Nakita ko naman si Zian na nakangiti sa akin habang tumatawa. Tumakbo ako papunta dito at sinakal siya.
"Bakit mo ginawa yun!" Tumatawa parin ito habang kunyare ay sinasakal ko siya. Pero sayang talaga yun eh. Natigil kaming lahat ng tinawag na kami ni papa Kendell. Gaganti ako sayo Zian!
" Ano bang pag uusapan. Naabala pa kami ng babes ko " tanong ni Ethan habang umupo na ang lahat sa living room.
" May next target tayo. ipakita mo nga Bryan"
Agad ko naman pinakita sa kanila ang Video na nakikipag sagutan yung babae doon sa lalaki. Ang astig niya talaga niya dito. Pakiramdam ko nga at mahihirapan kami sa pag papasunod sa kanya.
" Wag si Charitie" napatingin ang lahat kay Zian ng mag salita ito. Charitie? Ibigsabihin kilala niya yung babae? Tumayo ito at lumabas na ng living room. Nakakapagtaka sa kanya.
Hinayaan na lang namin ito at plinano na ang gagawin. Basta napagtripan ni Kendell wala ng kawala yan. Marami na kaming naging target at iba iba din ang ginagawa namin sa kanila. Hindi naman ako masama eh sila lang talaga. Hindi ko nga alam ang point kung bat ginagawa namin to.
Nagpagplanuhan nga na gawin naming utusan yung Charitie daw kaya ayun.
Lumabas ako para makita si Zian na nag iisip sa labas. " pst"
Lumingon ito sa akin ng nakakunit ang noo. "Saan mo nakilala yung babae?"
"Wala ka na dun." Mahinang sagot nito. Nagtataka ako dito eh! Lalo tuloy gusto ko malaman.
End of flashback
"Uy bat tulala ka!" Binato na naman ako ni Raven ng bote. Ano ba problema neto.
Kinuha ko yung bote na hinagis niya at pinukpok sa ulo nito hahahhaa.
" Ano ha? Lalaban ka pa ?"
Hinawakan nito ang kamay ko at inikot.
"Aray ko!!!" Halos mangiyak ngiyak na ako sa ginawa niya sa kamay ko. Nanahimik na lang akong nakaupo at iniisip kung ano ba talaga ang gagawin ko.
Napalingon ako kay Zian na katabi ko lang at hindi ko inaasahan ang nakita ko na tinetext niya.
' Hey Charitie, would you mind kung sasamahan kita bukas? '
Nakita ko na nag aalinlangan ito na isend kay Charitie. Dahan dahan kong nilapit yung daliri ko sa phone niya at pinindot ang send. Hindi agad niya ito napansin at nagmadali na ako umalis sa tabi niya at baka kung ano pa magawa sa akon nito. Pagkalayo ko ay nakita ko na nanglaki ang mata niya dahil sa gulat. Yeahhh boy hahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top