WSMDS •CHAPTER 7
Chapter 7 : is it painful?
"Charitieeeee!!!" Sabay palo sa akin ni Yumi.
"Ano ba yun?! Kailangan may palo pa?!" Pabalik na sigaw ko din sa kanya,para kaming ewan na nagsisigawan eh magkalapit lang naman kami.Maaga din kasi kaming nakapasok ngayon,at nagrereview muna ako. Lagi naman ganito ang ikot mg mundo namin.
"Highblood teh? Tama na yang pagpapatalino mo! Matalino ka na eh. Yung pagpapaganda ka na lang magfocus ngayon .Baka malagpasan mo na ako masyado.Kaya tara na lang" sabay hila niya sa akin papunta sa corridor. So among sinasabi niya? Na di pa ako maganda? Ganun ba ha!
"Excuseeeeee meeee!" pag papatabi niya sa mga schoolmates namin.Ano bang meron dito at nagkukumpulan sila? Halos lahat ng tao lumabas na sa classroom.
" Hala kasama nila si Bryan and Ethan ko"
"Sh*t!!! Gusto ko yung may headphone! Ang pogi!"
"Whaaaaaa!pogi pogi pogi!!!"
"I LOVE YOU NA AGAD!"
"Pakasal na tayo!!!"
"Hihimatayin na ata ako!"
" Omg! Ayan daw yung anak ng may ari nitong school! ! pogi niya"
Yan ang bukang bibig ng mga babaeng nadaanan namin,Hindi ko alam kung bakit ganyan sila eh.kala mo ngayon lang nakakita ng tao? Kesyo pogi daw,hot,pakasal na daw sila.Jusko! Mga kababaihan. Hala di ko pa nakikita yung anak ng may ari ng school ah!
"Whaaaa!!! Ang gwapo ni Raven!!!"
Nahawa tuloy tong kaibigan ko.Wait...Raven ba sinabi niya? Anong ginagawa nila dito! No no
"Nandito si Raven?"
tanong ko sa kanya.hinawakan niya yung ulo ko at inilingon sa mga dumadaan,Parang red carpet lang ang dating dahil lahat ng tao ay nasa kanila ang antensyon. Ang ibigsabihin anak nga talaga ng may-ari si Kendell?
"Hindi lang si Raven, lahat sila"
Tiningnan ko ng mabuti yung paparating.Yung dalawa nakabukas ng onti yung polo,yung isa naman may headphones,yung isa may dobleng t-shirt sa loob,Meron ding naka t-shirt lang at yung nasa gitna may itim na hikaw sa right ear.
"Sh*t yumi! Sh*t talaga!!! Bakit nandito sila?!" sigaw ko kay yumi na hanggang ngayon ay parang nakadrugs sa pagtitig kay Raven. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ayokong makita nila ako. Sa school na nga lamg ako medyo napapahinga eh.
"Ang gwapo niya friend!"
Nabubug na ang braso ko kakapalo niya ha,umayos siya diyan baka patulan ko siya. Ang bawat hakbang nilang anim ay siya ding hakbang naming dalawa. Jusko naman.
"Tago mo ako! Uutusan na naman ako ng mga niyan eh!" sabay punta sa likod ni Yumi.Pagnasagi sa akin ang mga mata nila siguradong may utos yan eh.kaya ayokong nagpapakita sa kanila.
At dahil sa hindi ako pinapansin ng bestfriend ko,pinili ko na lang bumalik ng classroom.Nakakasawa na yung mga pagmumukha nila eh.
Pagdating ko sa classroom binuklat ko agad yung libro ko,maaga pa naman kaya magrereview muna ako.Wala pang ilang minutong pagrereview ko,tinamaan na ako ng antok.Yumuko ako at medyo binaling yung ulo ko sa side at pumikit.
Zian's POV
I hate those girls they're so loud and irritating.
I just ended up putting my headphones and start listening to my favorite songs.
"Aalis muna ako." bulong ko kay Kendell at hindi na hinintay ang sagot niya at umalis na ako.
Naglakad na ako palayo pero may sumusunod parin sa aking mga babae.D*mn it.tinanggal ko muna yung headphones ko at humarap sa kanila.
"Stay away from me" sabi ko sa kanila.Nanglaki yung mga mata nila at halatang nagulat sa sinabi ko. I'm still kind just don't try to hit the red button. Nakatayoparin sila sa harap ko at hindi parin umaalis.
"I SAID GO AWAY!" sigaw ko na sila causing them to run away from me.
Hinanap ko lang yung section ko at akmang papasok na ako sa classroom ng may nakita akong babae na natutulog.
Tumabi ako sa kanya at tiningnan ng mabuti yung mukha niya then I realized that my heart was beating fast.what's this feeling? I was just looking at her innocent face .
Alam kong sa maikling panahon na to nagustogan na siya ni Kendell. The only reason kung bakit nag-aral ulit siya ay dahil kay Charitie. I want him to make a change in his life at alam kong si Charitie lang ang makakagawa nun pero once na paiyakin niya si Charitie hindi ako mag aalinlangang agawin siya.
I was staring at her face ng bigla siyang gumalaw.Nagmadali akong tumayo pero it's too late dahil nakita na niya ako.
"Anong ginagawa mo dito" tanong niya sa akin habang humihikab at nagiinat pa.
"None of your business"
Sagot ko at lumabas na ng classroom. Napatingin lang siya sa akin at hindi ko din alam ang gagawin ko.
Nagulat ako ng bigla niya akong batuhin ng librong hawak niya. Napahawak ako sa labi kong natamaan. "what was that for?!" Kinuha ko yung libro at ibinalik ito sa kanya.
"Ginising mo ako tapos sasabihin mo none of my business?!" Sumimangot ang mukha niya at halatang naiinis dahil nagising ko daw siya.
"I did nothing. Why do you put the blame on me?" Tiningnan ko lang naman siya, wala akong ginawa para magising siya. Minsan talaga di mo alam iniisip ng mga babae eh. Wala ka naman ginagawa bigla ka pang nagkakasalanan.
"Pag ako di ulit nakatulog! Ang ingay ingay na dito, dinig ko na mga tilian!" Here we go again. Sumisigaw na naman siya. Hindi niya ba kayang makipagusap ng kalmado?
" Uy zian ---" pinutol ko na ang sasabihin niya at hinila siya palabas ng classroom. Nagmamadali naman siyang tumayo at nag sasalita na naman.
"Saan mo ba ako dadalhin ha? Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan para ganyanin ako!!!!"
What's with her? She kept on shouting. Hinihila ko parin siya papunta sa rest place ko. Doon lang ako nakakapag isip ng maayos, the place was so peaceful. Pero yung bibig niya wala paring tigil hanggang ngayon.
"Simula nung nakita kita may karapatan na ako" huminto ako saglit at hinila siya pa lapit sa akin.
"I will bring you to a place na makakatulog ka talaga, so just please shut your mouth " bulong ko dito at naglakad na muli. Nanahimik na siya at sumusunod na lang sa akin papunta sa likod ng school.
Yung likod ng school na yun ay wala ng pumupunta. Meron ding lumang gate doon na pwedeng buksan. Sa laki ng school na ito hindi na nila namaintain o naayos manlang yung lugar na yun.
Tinanggal ko ang mga halaman na nakapalibot dito at binuksan ko na ang gate tsaka inoffer sa kanya para siya na ang mauna. "Zian, bat ka naman napadpad dito ha?" Tanong niya sa akin at saka lumabas sa gate kaya sumunod na din ako.
Naglakad na ako papunta sa pinakamalaking puno na nandito at sumandal.
"It's so peaceful here dito ka matulog kahit ilang oras mo gusto. "
Agad naman itong lumapit at sumandal sa puno. " ayoko na matulog, Ang ganda kasi dito" nakatingin lang siya sa mga punong nakapaligid at hindi parin makapaniwala na may ganitong lugar sa likod ng school. Nanatili lang akong nakasandal sa puno at hinahayaan siyang magikot sa lugar.
May nakita akong bulaklak sa gilid ko at pinitas ito. Naglakad ako patungo kay Charitie, sinusundan ko lang siya habang naglalakad.
Hindi niya parin pansin na sumusunod ako sa kanya. Lagi naman niya akong hindi napapansin. Kahit saan ako mapunta hindi niya ako nakikita hindi niya ako pinagtutuunan ng atensyon. I think that's my purpose in her life to be an existing nobody.
Habang naglalakad ay may nakita akong ugat ng malaking puno sa lalakadan niya. She's amazed sa mga nakikita niya an I don't think that she'll notice it. Hinila ko agad siya papunta sa akin at ng hindi niya mabalanse ang sarili niya ay hinagip ko ang bewang niya dahilan ng lalong paglapit nito sa akin.
Napatingin lang ito sa akin habang nakahawak parin ako sa bewang niya. Hindi ko alam ang gagawin ko and I feel strange.
Charitie's POV
Hindi ko alam ang gagawin ko ng mahagip niya ang bewang ko. Shet! Ang lapit ko sa kanya, nararamdaman ko din ang malalim niyang paghinga. Nakatingin lang siya sa mukha ko at kahit anong gawin ko ay hindi ko mabasa ang iniisip niya.
"Uhm... Zian" Pagtawag ko sa pangalan niya ay parang naliwanagan siya at bigla akong binitawan dahilan ng pagkaupo ko sa damuhan. Aray! Yung pwet ko na naman.
"Zian!" Napatingin lang ito sa akin at hindi ako tinulungan. Nanatili lang siyang nakatayo at nakatingin sa akin na para bang nakakita ng multo.
"Tumayo ka na. Umalis na tayo dito" naglakad na siya ng mabilis palayo at iniwan akong nakaupo doon. Wala na akong nagawa kaya tumayo na lang ako mag-isa at naglakad na din papasok ulit ng school. Kala ko ba naman mag eenjoy na ako doon di parin pala.
Hindi na kami nagpansinan hanggang sa makarating ulit kami sa classroom. Ayan na naman siya , pag tapos niya akong bitawan di man lang nag sorry.
Pagdating namin sa classroom ang ingay ng mga babae. Pinakilala na yung bago naming classmate na si Zian at Kendell. Ano ba kasing naisip nila at lahat silang anim dito pa lumipat. 2nd quarter na kaya ng school year, Nasakto pa na si Kendell ang naging classmate ko. Kung minamalas ka nga naman.
"Uy friend! San ka galing?" Pabulong sa sabi ni Yumi sa akin habang sinisiko pa ako.
"Kasama ko si Zian kanina sa likod ng school " nanlaki ang mata nito at napatakip pa sa bibig.kala mo naman kung anong sinabi ko, makareact siya dyan.
"Anong ginawa niyo ha?" Pabulong parin na sabi niya sa akin.
"Wala kaming ginawa ok. Gusto ko lang magpahinga tapos sinamahan niya lang ako" nakatingin parin siya sakin na parang di siya naniniwala. Alam ko naman na mahirap talaga siya i convince kailangan pa ata ay mag lapag ka ng evidence.
"Charitie" Pabulong naman sa sabi sa akin ni Zian na nakaupo sa likod ko. Paglingon ko naman dito at binato niya ako ng naka crumpled na papel.
"Ano to? " tanong ko sa kanya habang hawak hawak yung binato niya.
"Open it" Tipid niyang sagot at tinuloy ang pagsusulat sa notebook niya.
Humarap na ako at dahan dahan na binuksan ang papel.
'Sorry, is it painful?'
Ayan lang nakalagay sa papel na binato niya sa akin. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top