WSMDS•Chapter 5
Chapter 5 : A memorable birthday
"Si Samantha ba yung kausap mo kanina?!" sigaw naman sa akin ni Randell mula sa malayo.Halata siya masyado ha. Halata naman na gusto niya si Samantha eh.
“Yup!” Sagot ko naman sa kanya mula sa malayo. Kinukuha ko ang bag kay Zian pero hindi niya ito binibigay sa akin. Hinihila ko na ito pero di niya parin binibigay. “Ako a mag dadala.” Matipid niyang sagot at naglakad na papunta kay Randell. Hinayaan ko na ito at tumakbo na din papunta doon.
"Anong sabi?"tanong naman ni Randell kahit nakikita niyang tumatakbo pa ako. Bago ako sumagot sinigurado ko munang nakalapit na ako sa kanila.Ang hirap kaya sumigaw.
"Birthday ng Kapatid ko. " malungkot na sabi ko.Napakawalang kwentang ate ko talaga ni hindi ko man lang siya nabati kaninang umaga.Naging ulyanin na kasi ako eh.
"Uy! Sakto.May handa ba? Gutom na ako eh.Lika na!" Aba napaka ano talaga netong si Bryan. Pagkain pa ang nasa isip.
"Sige na! Gutom na ako eh!" parang mga di nakakakin eh samantalang ang yayaman nila.
"Oh sige! Pero sa isang kondisyon"
Sabi ko sa kanila at binigyan sila ng magandang ngiti.
"Ano?" napatingin lahat sila sa akin pero nanatili parin akong nakangiti sa kanila. Kahit ang bigat na ng dala ko jusme.
"Tulungan niyo akong magisip ng regalo sa kapatid ko. Ano? Deal?"
"Hindi ako sasama" Cold na sabi ni Kendell at nagsimula ulit maglakad. Ano bang problema niya! Bakit ba ayaw niyang makisama kahit ngayon lang.
"Ang KJ mo!" sigaw ko sa kanya na agad namang nagpahinto sa kanya sa paglalakad. Humarap siya sa akin
"Pag ayoko, ayoko" Cold lang niya na sabi. Ngayon o lang nakita na seryoso at nakakatakot yung mukha niya. Nagtuloy na siya
ng maglalakad paauwi.
"Sige na kasi! Please! Samahan niyo muna ako bumiling regalo. Kahit mas madami pa kayong iutos sa akin gagawin ko!” Pagmamakaawa ko sa iba kanilang lima.
“Sa susunod mo na siya ibili wala ka ng oras.” Sabi naman ni Raven. Wala siyang puso! Bakit siya ganyan. Ako na nga lang mag-isa, hindi ko naman sila kailangan eh kaya ko naman eh.
Hindi na ako nag paalam sa kanila at naglakad na ako paalis. Padabog akong nag lakad at iniwan silang anim. Parang di sila nag bibirthday! Bata yun no malamang masasaktan yun pag wala man lang akong reagalo sa kanya. Oo alam ko ako din ang may kasalanan pero yung makisama man lang sila. Nakakainis talaga!
Naglalakad pa rin ako na inis na inis sa kanilang anim. Alam kong magagalit sila at lalo na si Kendell. Kasi naman eh.
“ Sumakay ka na.” Napatakip ako sa tenga ko ng marinig ko ang malakas na busina ng isang sasakyan. Bad trip na nga yung tao ganyan pa!
“Ano bang problema--“Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng Makita ko ang tao sa sasakyan. Napatingin lang ako dito at hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Ayaw mo ba bilhan ng regalo kapatid mo? Babalik na lang ako.” Nagmamadali na agad akong buksan ang pinto ng kotse niya at pumasok na sa loob neto. Wala na atang paglagyan ang tuwa ko. May soft side din ala ang puso neto.
“Thank you Kendell” Nakangiting sabi ko dito at tuwang tuwa. Nanahimik lang ako sa loob ng sasakyan baka kasi magalit si Kendell at magbago ang isip. Halatang mamahalin ang sasakyan niya tapos ang bango pa sa loob. Iba talaga pag anak ng mayaman eh. Binilisan nito ang takbo ng sasakyan para makarating agad kami sa pinakamalapit na mall dito.
Pagdating naming ay agad na bumaba ako sa kotse. Lumabas na din siya at nauna ng maglakad kaya sumunod na ako. Ang bilis niyang maglakad kaya mas binilisan ko din ng lakad ko para makaabot sa kanya.
“Nasaan na silang lima?” Tanong ko habang naglalakad kami sa loob ng mall. Tumingin ito sa akin
“Nasa bahay niyo na sabi ko susunod na lang ako”
Tumango na lang ako at tumuloy ng maglakad. Pumasok kami sa isang toy store at naghanap ako ng pwedeng iregalo sa kapatid ko. May nakita naman akong Barbie house na malaki at may kasama pa itong dalawang Barbie. Kinuha ko na ito at sumunod naman sa akin si Kendell. Napakalaki ng dala ko di man lang ako tinulungan talaga naman oh.
Nang malapit na kaming magbayad ay hinanap ko na ang wallet ko pero wala akong nakapang wallet. Saan ko naiwan yun?! Hala paano na to!
“Miss eto na yung bayad” Sabi naman ni Kendell sa cashier at binigay ang bayad. Kinuha niya aga yung binili ko at naglakad na ulit palabas sumunod naman agad ako dito. “Dahil ako na nagbayad neto dapat doble din ang trabaho mo.” Sabi niya sa akin habang naglalakad papunta sa kotse niya.
“Yes sir! At your service” Nakangiti kong sabi sa kanya at sumakay na ulit ng kotse.
***
“Thank you ate!” tsaka ako niyakap ni Kim ng mahigpit.
“Nagustuhan mo ba?” Tanong ko dito habang nakayakap parin siya sa akin. Buti na lang sinamahan ako ni Kendell kundi wala parin ako sa bahay at baka di ko na naabutan to.
“Mag play na ako ate ah! Thank you!” Kiniss niya ako sa cheeks at kinuha na ang laruan at naglaro. Yung anim naman ay nandito sa bahay at nakikigulo, si Randell ay busy na sa pakikipag chikahan kay Samantha. Yung iba naman ay nasa sala lang at naghihintay ng kainan.
Kendell’s POV
Ang ayoko sa lahat ng occasion ay birthday pero wala akong magawa kaya nandito ako ngayon. Siguro naman kaya ko ng harapin to. Naabala pa ako dahil sa regalo niya para sa kapatid niya. Sino ba namang tao ang makakalimutan ang birthday ng kapatid niya.
"Candle blowing na!!! Yepieeee!!!" sigaw ni kim habang tumatakbo papunta sa ate niya.Sumunod na din naman kaming lahat sa kanila para iblow na niya yung cak
"Uy wait! Walang kandila!" Sabay taas baba ni Bryan ng kilay niya.Tang*na parang tanga.Bigla na lang niya akong hinila at itinabi sa cake.
"Ayan,Ok na,May kandila na eh"
Bwisit kasi si Charitie eh,lakas magpauso kala mo nakakatawa eh. Kandila ba naman itawag sa akin? Tss hindi naman ako nagisip ng pangalan ko eh.Magulang ko.
"Whahaha!!!" sabay sabay na tawa nila.Paksh*t silang lahat.
"Happy?" Pagtatanong ko habang nakahalukipkip ang dalawa kong braso. Center of attraction ang pangalan ko ngayon.
"Don't be so mean to kuya Kendell, He's nice kaya!" pagtatanggol sa akin ni Kim.Lakas ko sa batang 'toh ha, mas malawak pa pagiisip nung bata kesa sa kanila. Umalis na ako sa tabi ng cake na yun at pumunta sa likod nilang lahat.
"Kantahan natin siya!!"
"Happy Birthday to you!!! Happy birthday to you!!!"
'Kuya hintayin mo ako ha'
Napatakip ako sa tenga ko ng bumalik lahat sa alaala ko yung nangyare.Nadinig ko nanaman ang boses niya.Sumakit yung puso ko.D*mn this feeling.
"Happy Birthday Happy birthday happy birthday to you!!!"
'Happy Birthday kuya!!!'
Tuluyan na akong napatakip sa tenga ko at lumabas ng bahay nila.nangmakarating ako sa garden,umupo ako habang nakahawak sa puso ko.Hanggang ngayon ang sakit parin.Kung hindi ba naman ako g*go eh,dapat hindi na ako sumama sa kanila kung alam kong ganito ang mararamdaman ko.Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.Hindi ko na kayang marinig pa yung kantang yun,yung mga salitang yun.
FLASHBACK
"Happy Birthday kuya!"
Bati sa akin ng kaptid kong si Ashley.14th birthday ko ngayon at magkakasama kaming buong pamilya.Sobrang saya namin.Hindi kami nag imbita o nag handa manlang.Parang normal na araw lang.Kahit kaya naming maghanda,Hindi na lang kasi eto lang ang gusto ko.
"Lika kuya labas tayo ng bahay" pagaaya sa akin ni Ashley.
"Gabi na eh" Sabi ko naman sa kanya.
Napacross arms siya at inirapan pa ako.
"Sige na" tumayo ako at hinila siya palabas ng bahay.Nagpaalam na din muna kami sa magulang namin.
"Kuya,may kukunin muna ako sa bahay ng friend ko ha"
pagpapaalam niya sa akin.Pumayag naman ako at pumunta na siya sa bahay ng kaibigan niya.Doon lang naman sa tapat ng bahay namin yun eh.Kaso may kalsada pang daanan ng sasakyan bago ang bahay nila.
Hinihintay ko si Ashley na lumabas sa bahay nung kaibigan niya At sa wakas iniluwa na siya ng pinto na may dala-dala siyang box na may ribbon...
Huminto siya sandali sa kanto bago tumawid sa kalsada
"Happy birthday kuya!!!" sabay takbo niya papunta sa akin ng hindi manlang tumitingin sa dinadaanan.Nagpatuloy parin siya tumakbo hanggang sa may nakita akong paparating na sasakyan.
"Ashley!!!" sigaw ko.Kaya napahinto siya sa gitna ng kalsada at napatingin sa paparating na sasakyan.
"Kuya!!!" Agad akong lumapit sa kanya at binuhat ang ulo niya tsaka siya niyakap.Habang umiiyak ako,nakikita ko din ang tuloy tuloy na pagtulo ng dugo sa kanya.
"K...kuya re...regalo ko oh,Mahal na m...mahal ko kayo kuya.W...wag kang magalala babantayan kita.H...happy birthday k...kuya" Yaan ang huling salita na sinabi niya sa akin,bago tuluyang ipikit ang kanyang mata sabay ng pagtulo ng luha niya.
"ASHLEY!!!"
sigaw ko at niyakap pa ng mahigpit si Ashley.
END OF FLASHBACK
Nagtuloy tuloy ang luha ko ng maalala nanaman ang nangyare.tatlong taon na mula ng mangyare yun pero hanggang ngayong masakit parin,parang sariwa lang. Simula nun hindi ko na magawang Icelebrate o umattend ng birthday
"Ayos ka lang?" napaangat ang ulo ko ng makita kong nasa harapan ko na ai Zian.Sa lahat ng kaibigan ko siya lang ang may alam ng mga sekreto ko. Hindi ko pinapaalam sa iba kahit na kay Bryan.
"Naalala ko nanaman si Ashley" sagot ko sa kanya.Umupo siya sa tabi ko at tinapik ang likod ko.
"Alam kong nasasaktan ka tuwing naririnig mo yung kanta na yun kaya nga nagtaka ako kung bakit sumama ka" nakalingon siya sa akin at hinhntay lang ang sagot ko. Eto na naman ako
"Gusto ko lang subukan kung kaya ko na" sagot ko habang tumutulo parin ang mga luha.
"Don't worry.Darating din ang panahon na yan,just wait."
"Ang tagal eh.Nakakasawa na"
"Alam kong matagal yan at alam ko din dadating yung panahon na magiging Masaya ka na. Tama nay an bading ka ba ha!” Sinuntok niya ng malakas ang braso ko at saka ngumiti sa akin.
Hindi talaga nabigo si Zian na pagaanin ang loob ko.Hindi ako nagsisisi na siya ang pinagkatiwalaan ko sa mga sekreto ko. Kasi alam kong pag si Bryan ang sinabihan ko lahat makakaalam na.
"Thank you" Pagpapasalamat ko sa kanya.Nagpaalam na siya na babalik na sa loob.Kaya naiwan akong magisa dito sa garden.Humiga ako sa bandang damuhan tsaka pumikit.
'Goodnight'
Napadilat ako ng marinig na boses ng babae.Pamilyar yung boses na yun ha.
'Sweet dreams kuya.hahaha I love you'
Si...
Ashley.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top