WSMDS•Chapter 4

Chapter 4 : Samantha 

Nandito ako ngayon sa corridor at naglalakad kasama tong dalawang devil na toh at todo naman ang pangbwibwisit sa akin,dala dala ko na nga yung bag nila iniinis pa ako.Natapos na din kaming mag test at pauwi na kami.Last day of examination namin ngayon kaya wala na akong iisipin,kaso magiging utusan naman ako ng mga toh. Alam niyo ba? Pinaglinis nila ako ng bahay ni Kendell tapos ako din nag hugas ng lahat ng pinagkaininan. Parang naging working student pa ako diba.

"Cycling!Ano bang problema mo?Bakit ang panget mo?"
Pangbwibwisit na tanong ni Bryan. Patience Charitie,Patience.
Hindi ko na lang siya pinansin kahit inis na inis na ako.

"Paki kuha nga yung phone ko sa bag!" utos naman saakin ni Ethan. Kahit kailan talaga.Parang walang mga kamay tong mga to eh. Kinuha ko na lang yung phone niya at tsaka binigay sa kanya. Kahut naman mag reklamo ako dito walang mararating eh kaya walang choice kundi sundin na lang.

"Pre. Basketball tayo!"
wag niyang sabihin na isasama pa nila ako dyan.

"Hoy! Cycling sumama ka daw sa amin sabi ni Kendell.utusan daw tsaka water girl na rin" sabi ko wag nila sabihin eh! Tumango na lang ako bilang sagot sa sinabi niya. Ang init init na nga nakakastress pa.

"Sige Pre. Uwi muna tayo,papalit pa akong damit eh"

Sumakay na kami sa kotse ni Ethan.
Nakakadiri yung kotse niya dahil sa dami ng kalat! May bote,balat ng mga chichirya,may mga damit.jusko parang kwarto ng tamad na bata. Mas maganda pa yung kotse ni Bryan eh,yung sinakyan ko nung kinidnap nila ako.

"Kalat dito pre. Parang basurahan ha"
Pang aasar ni Bryan kay Ethan habang kinukuha ang mga balat ng chichirya na nakaipit sa upuan. Nasa harap silang dalawa at ako naman ang nasa likod.

" Papalinis ko na lang kay Cycling yan,Diba?"
Ako na naman?! Nak ng teteng naman oh.all aroud ba ako?! At pati paglilinis ng kotse ako pa din? hindi ba nila kayang magayos ng sarili nila? tsaka nakakainis yung tawag sakin ah. di makatarungan

"Ewan Ko sayo"
Sinabi ko sa kanya with matching irap pa. Nung nakarating na kami sa tambayan nila slash bahay ay nagbihis muna si Ethan at Bryan. Yung apat kasi nasa basketball court na,mga atat eh.Ako naman ay umuwi muna para mag palit ng damit tsaka bumalik sa mga Devils. Ilang araw pa lang ganito na ikot ng mundo ko, sana makatagal pa ako dito.

"Hoy Cycling dalhin mo nga toh" sabay hagis sa akin ng Towel.Jusko kala mo mga artista eh may personal assistant pa.

Naglakad na kami papunta sa court.Open lang siya at silang anim lang ata yung naglalaro dito sa loob. Marami ding tao sa paligid kaya magulo at maingay din.Grabe ka stress dito. May mga batang naghahabulan may mga nag papractice din ng sayaw may mga naka tambay lang at nag kwenkwentuhan.

"Hoy! Cycling.tulala?" napatingin naman ako sa nagsalita. Nasa harap ko na ito habang pinapaikot niya ang dalang towel.

"You don't care"
umirap lang ako sa kanya at lumipat ng ibang lugar. Naramdaman ko naman na sumusunod lang siya sa akin.

"PMS?"
Ayoko na makita yung pagmumukha niya at baka makabugbog ako ng wala sa oras. Hindi ko na lang ito pinansin dahil naiinis talaga ako.

Lumapit naman silang lahat sa akin.parang yung ginawa nila sa akin nung kinidnap nila ako with matching harassment pa pala. Mga walang kwentang lalaki, walang pagka gentle sa katawan.

"Talikod" sabi naman nung Randell sa akin.Bakit pa sila pumunta dito kung papatalikodin nila ako? Kaso wala din naman akong magagawa kaya tumalikod na lang din ako. sayang di ko makikita charing! wala akong pagnanasa sa kanila no yuck.

"Ouch!" sigaw ko ng may binato sila sa akin.malambot lang naman yun kaya hindi masakit napaOuch lang ako,Parang reaction lang maarte kasi ako eh.Humarap naman ako sa kanila at...WOW! Abs.Nagtop less pa talaga silang lahat ha?! Kaloka! Yung Mata ko! Busog na busog ang mata ko. Narealize ko na may advantage din pala to no?!
Yung binato pala nila sa akin ay yung mga damit nila.Mga burara kasi eh tapos pagnadumihan ako sisihin? Tss. kahit pawis na ang bango parin bat ganun ahihi. (Malandi ka)

"Makatitig?Baka matunaw abs namin ha,Ang tagal naming pinaghirapan toh" Yabang netong Raven na toh palibhasa gangster.Ewan ko ba kung bakit toh nagustuhan ni Yumi eh, Kakaiba din yun si Yumi eh. siga siga kumilos to si Raven eh, baka mamaya kung ano lang gawin niya kay Yumi.

"Parang ang lulusog ng abs niyo ha.Maliit lang naman eh.Kulang pa sa work out" pang aasar ko sa kanila.
Hindi naman gaano kalaki yung abs nila eh.Kung ikukumpara mo sa abs ni James Reid at Enrique Gil mga baby pa yung abs nilang anim.Hahaha

"Lika na nga pres" sabi ni Bryan na nag sisignal pa gamit ang kamay niya.Yung para bang tinatawag niya yung lima para mag basketball, mga walang kapagodan ang mga loko.

"Bakit may 's' sa pre?" tanong naman ni Kandila.Habang papalapit sila kay Bryan at tuloy lang sa ag dribble ng bola.

"Syempre marami kayo eh.Kaya may 's' sa pre.T*nga mo.Hindi kaba naturuan ng english rules?"
Gusto ko na sanang gumulong at tumawa sa sinabi ni Bryan pero pinigilan ko na lang baka malagot ako eh,mahirap na. kahit corny, nakakatawa yung kashungahan niya hahaha.

Nagsimula na silang maglaro ng basketball.Ako naman umupo na lang sa Bleachers at tinuloy yung pagtingin ko sa kapaligiran.May nakikita akong mga pamilya na ang saya saya.Sana ako rin naranasan ko yan.Lagi kasing wala sila mama at papa kaya ayan sad ako. hayaan na nga natin yan wala naman na ako magagawa eh. Iniwas ko na lang yung mga mata ko sa mga pamilyang yan,naiingit lang ako eh baka maiyak pa ako dito tapos sabihan akong baliw.

Napalingon ako sa babaeng may hawak na libro, pamilyar ang mukha niya kaya mas lumapit pa ako para makita ito. Wait...Si...

"Samantha?!" sabi ko tsaka tumayo sa upuan ko at tumakbo palapit sa kanya.Nakatayo lang siya dun.Medyo malapit lang sa ring mga ten steps.tinitigan ko siya Head to toe...
Siya nga!!! Yung kinukwento ko sa inyong pinsan ko.Nakauwi na pala ulit siya galing sa dorm. Mahinhin at subsob sa pag-aaral yang si Samantha,sabi kasi ni tita dapat daw maging karesperespeto at Responsable siya sa lahat ng pagkakataon,kaso nasobrahan ata at NBSB siya.Magaling din siyang magballet at laging may dalang librong babasahin.

"Cha?! Ikaw ba yan?"
Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita,nakatitig na pala ako sa kanya hindi ko napansin.

"Samantha!!!" sigaw ko sabay yakap sa kanya.Medyo na hurt lang ako ng onti kasi tumama sa akin yung librong hawak niya.Sakit.

"Kamusta na?!" tanong niya sa akin.

"Ok lang naman" sabay smile ko.

Randell's POV

"Uy Chicks" napahinto ako sa pagbabasketball ko ng nagsalita si Ethan. Kahit kailan talaga Chicks parin ang nasa isip nitong loko.

"Saan?!" Tanong naman ni Raven,adik din sa Chicks eh.
lumapit na kaming lima kay Ethan. Tinuro niya naman kung nasaan yung sinasabi niyang chicks.

"Sino? Si Charitie?! Uy G*go kay Kendell na yan!" Singit naman ni Raven sabay kutos niya kay Ethan. tiningnan ko naman si Kendell na nakasimangot ngayon.tss Kabaklaan.

"Hindi! Yung kausap niya,kailan pa naging Chicks si Charitie? Alalay lang yan eh" makalait tong si Ethan. Nasabihan niya lang ng alalay si Charitie kasi na basted siya,Hindi niya lang matanggap na wala ng epekto kay Charitie yung katulad niya haha.

"Ohhh...Chicks nga kaso may pagkanerd eh" tiningnan ko naman yung kausap ni Charitie. Nakatali siya ng buhok may bangs tapos may salamin.Maganda siya, Lagi lang siyang naka ngiti habang kausap si Charitie .bumibilis yung tibok ng puso ko,pero siguro dahil nagbasketball ako.Sh*t Hindi ko alam kung bakit ganito, first time to nangyare sakin.

"Di ko type." sabi naman ni Kendell
"Ako din,hindi ko type.Pero maganda naman siya,wala kasi kaming spark eh" paggatong pa ni Bryan at agad na tumawa.

"Pwes ako Type ko" Sabi ko naman habang nakatingin doon sa babae.
ngumisi naman silang lima sa akin,Kaya ngumisi din ako. Nakita ko na medyo naguluhan sila kasi di nila inaasahan na magugustuhan ko ang katulad niya.

"Oh! Ano pa hinihintay mo?" tanong naman ni Raven sa akin. Lahat sila ay tinutulak ako papunta doon sa babae pero pinipigilan ko sila.

"Dalian mo na" bulong naman sa akin ni Zian.Nagiisip ako ng gagawin ko para magpakilala dun sa babae,Ang hirap magisip lalo na pag maingay mga katabi mo,pero buti na lang at nakaisip na ako.

Kinuha ko yung bola ng basketball tsaka binato kay Charitie,mahina lang naman pero napaupo siya,lampa talaga.Ginawa ko yun para mabaling yung atesyon nung babae sa akin. Hindi ko alam kung bakit yun angnaisip ko pero ok na din yun atleast napansin niya ako. ang babaw pero bat ok lang sakin?

"Aray ko! Walangya ka Randell!" sigaw naman ni Charitie habang nakaupo sa sahig. Gusto ko sananag tumawa ng malakas eh.

"Anong klaseng trip yun? Pero ok lang nakakatawa naman si Charitie eh.Sige na lapit na"
tsaka ako tinulak ni Raven papunta dun sa babae.Tae nakatopless pa ako eh.Ok lang siguro toh pogi naman ako kaya may karapatan ako.


"Hi Miss,Randell nga pala" sabay abot ko ng kamay ko sa kanya.


"Hoy Randell! Magsorry ka kaya noh? Sakit kaya nun!" sigaw naman sa akin ni Charitie,Panira.hindi ko na lang siya pinansin at bumalik sa kausap ko, Wala akong pake kung nasaktan siya, nasaktan din naman ako nung sinipa nya ako.

"Apologize " Maikling sambit ng babae. tumingin naman ako kay Charitie na nasa tabi na nakatayo na sa gilid sabay. Pasalamat siya inutusan ako ng magandang babaeng toh kundi hindi ko talaga siya papansinin.

"Sorry" sabi ko,tapos binalik ulit yung tingin sa harap ko.Ganda niya talaga sh*t.

"Samantha Buenavista.pinsan niya ako." Pinsan pala toh ni Lampa? Makikipag close na nga ako dito kay Charitie kahit labag sa loob ko Kinuha naman niya yung kamay ko tsaka nakipagshake hands.grabe ang lambot.

"Bawal ka mangligaw sa kanya.I don't like you for her.kasi nakakabwisit ka.binato bato mo pa ako dyan.naharass nanaman ako." singit naman ni Charitie. Epal na naman to, kundi lang to babae matagal ko ng nasapak.

"Nanay ka?" pagaasar ko sa kanya at inirapan niya lang ako, sarap bwisiten. Ang panget kasi eh.

"Ugh..Bwisit ka talaga,bwisit kayong anim.Lika na nga Sam uwi na tayo"
Tapos hinila niya si Samantha palayo sa akin.

"Hep hep hep.Baka nakakalimutan mo?" napalingon kaming lahat kay Kendell na nagsalita at nakatingin kay Charitie, bigla siyang napatigil at pumikit at huminga ng malalim para maigil ang inis niya sa amin

"Opo sir !Sam mauna ka na muna sa bahay susunod na lang ako." sabi niya,nagsimula naman ng maglakad ulit si Dyosa este Samantha.Nakakainis naman tong si Charitie,panira kasi eh.

Charitie's POV

Grabe tong si Randell, batuhin ba naman ako ng bola? Ang sakit kaya nun hindi pa nga masyadong magaling yung sugat ko sa binti eh,may balak pa siyang dagdagan? Ayos siya ha.

"Cycling! Abot mo nga yung mga towel namin" utos sa akin ni Kandila.kinuha ko naman agad yung towel nila tsaka binigay sa kanila, sarap ipakain sa kanila isa isa yung towel nila eh WAHHA

napatitig naman agad ako sa kanila habang nagpupunas sila ng pawis, kitang kita yung mga braso nila na ang gaganda ng hubog, Habang ginugulo nila yung buhok nilang basa pa dahil sa paglalaro ng basketball.

"Uy! Pinagnanasaan mo kami ha! Tsk tsk! Si Kendell na lang pagnasaan mo.Papayag yan.Diba?" Sabay siko pa ni Bryan kay Kendell.Ang kapal din ng face niya noh? Sumimangot na lang si Kendell.Sinuot na nila yung mga damit nila at pinadala lahat ng gamit nila sa akin.Bigla namang nag ring yung Phone ko.Paano ko naman kaya masasagot yung tumatawag? Jusko talaga! lahat

"Need help?" muntik ko ng mahagis yung mga dala ko sa nagsalita.Mamamatay pa ata ako sa gulat ng wala sa oras dito kay Zian.Bigla bigla na lang sumusulpot.

"Ay Oo,Kailangan na kailangan ko.Please paki kuha naman yung Phone ko sa bag.Please..." sabay puppy eyes ko.Kinuha naman niya agad yung Phone ko.

"Uy wait paki hawak muna to.Sasagutin ko lang" sabay abot sa kanya nung isa sa mga bag,tatlong bag kasi dala ko eh.

"Abuso" sabi niya.Pero kinuha naman niya yung bag sa akin. Bakit kaya ang bait niya sa akin?

"Thank you" sabay sagot ko na yung tumatawag sa akin.

[Charitie! Nasaan ka na?! Birthday ng kapatid mo ngayon ha!] Sabi ni Samantha.
Shit! Nakalimutan ko na sa sobrang busy ko.Walangya kasi tong mga lalaking toh eh,pero si Zian hindi pala kasama.

"Ay! Sige Samantha! Pauwi na po!" sabi ko kay tita tapos binaba ko na yung Phone.

Feeling ko tuloy wala akong kwentang ate sa kapatid ko,Birthday niya hindi ko manlang naalala.Anong kalaseng ate ako? Wala pa din akong regalo sa kanya eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top