WSMDS•Chapter 2

Chapter 2 : Meeting 

Whooo!!! Good morning beautiful world like me!!!

Tiningnan ko yung orasan ko para malaman kung anong oras na.

6:00am palang! Hindi na ako inaantok eh.
8:00 pa yung pasok ko ang ag ko magising.

6?! Naalala ko tuloy yung
Deadly Six na kwinento sa akin ni Yumi kahapon. Gwapo naman silang lahat. sikat nga daw sila dito sa village.
Actually yung isa sa kanila para nakita ko na sa school,Si Bryan Magbanua ba yun? Pero di ko mawari kung bakit nila ako gustong pagtripan. Wala naman kaming connection or di pa kami nakakapagusap.

Ay!! Bakit ko ba sila naiisip?
Magaayos na nga lang ako para sa pagpasok.
Naalimpungatan lang siguro ako kaya naalala ko sila.

Tapos na akong maligo,magbihis at kumain.
Kaya eto ako ngayon nagiisip ng gagawin ko. Hihintayin ko pa din kasi si Yumi mamaya eh. Baka mamaya magalit pag nauna ako. Halos ilang taon na din kami magkasama pag papasok at kung saan man pupunta. Kala mo nga kambal ko yun eh

"Kim!!!"

Sigaw ko sabay katok sa pinto ng mabait kong kapatid. Maaga din pala ang pasok niya kaya dapat magising na din siya.

"Ate!!! Wag ka ngang mangistorbo!!!"

Narinig ko naman na sigaw niya galing sa loob.

"Ate!!! May pasok ka pa po!!! Bumangon ka na nga po dyan!!!"

Pabiro ko naman na utos sa kanya.Sa kilos niya parang siya pa mas matanda sa amin eh.

Grade 3 palang si Kimberly at syempre Siera
Din ang apilyedo niya kasi nga magkapatid kami.

(Oha kaya niyo yan)

pero magkahiwalay kami ng school kasi elementary siya at ako naman high school na. Akalain niyo yun tumatanda na pala ako.
Kaya siya ay naka school service at ako naman naglalakad na lang. Malapit lang naman dito yung school ko. Makulit at parang mas matanda pa siya kung magsalita sa akin... Ewan ko ba dyan.

May papakilala pa ako sa inyo.
Si Samantha Buenavista ang dyosa sa pamilya!  Matalino na at maganda pa. Kaya ang mga lalaki halos gumapang na mapasagot lang siya. Swerte ka na kung kausapin ka niyan.

anak siya ni Tita Bea.Ka edad ko lang din siya at 4th year high school din.Pero wala siya ngayon dito kasi malayo yung school niya kaya sa Dorm siya umuuwi. Gusto kasi ni tita na maganda ang school na papasukan niya. Madalas din naman siyang bumibisita sa amin. siya ang pinakaclose ko sa lahat ng pinsan ko. 

Bababa na nga ako para makapasok na,baka kasi malate pa ako eh.

"Tita pasok na po ako!"

Pagpapaalam ko naman kay tita

"Sige.ingat ka,magaral ka ng mabuti"
Ngumiti na lang ako bilang sagot tsaka lumabas na ng bahay.

Asan na kaya yung bruha kong bestfriend?
Paglumiliko kasi ako dito sa kanto ginugulat pa ako nun eh. Bakit kaya ngayon hindi? Saan na kaya yun. Naglakad lakad lang ako habang naghihintay sa kanya.


"MISS!!!"

Nung may narinig akong sumigaw galing sa likod ko lumingon naman agad ako.





Aray yung pwet ko! Walang hiya kasi tong lalaking nag bike na toh eh.Natabig niya kasi ako kaya ayan napaupo ako sa matigas na simentong toh! Bwiset siya!!!nalamog na ata pwet ko. Nakarinig ako ng tawa muna sa kanya at hindi parin ako tinutulungang tumayo.
Inangat ko ang tingin ko para makita yung walang hiyang toh.

Hindi ako pwedeng magkamali.
Naalala ko yung itsurang yan. Si Kendell!

Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko para maging kalevel ko tong dimohong toh. Bwiset hindi man lang ako tinulungan. Nakita ko na itinago na niya ang phone niya.

"Pwede naman kasing dumaan sa gilid"

Aba! Ako na nga Napahamak ako pa tong gaganyanin niya?!! Walang hiya talaga tong lalaking toh!Hindi man lang magsorry.

"EH BWISIT KA PALA TALAGA EH!
AKO NA NGA TONG NASAKTAN! IKAW PA ANG MAY GANANG MANGGANYAN! PAANO KUNG NABALIAN A--"

Napatigil naman ako sa pag sasalita nung takpan ng walang hiyang toh yung bibig ko.

"Manahimik ka nga.ang ingay mo"

Napangiti siya agad sa sinabi niya. Tinginan niya lang ako simula paa hanggang ulo. Aba aba! Akmang hahawakan ko na ang kamay niya para tanggalin ito ngunit hinila niya ako papalapit sa kanya. Ngumiti ulit ito sa akin.

"Pink Cycling huh?!"
Lumayo naman agad siya sa akin saka sumakay ulit sa bike niya.

Ha?! Anong pink Cycli--
Whaaaa!!!bastos!!!manyak!!!!rapist!!!
Walanghiya siya!!!

"HUMANDA KA SA AKIN MANYAK KA!!!"

tumakbo naman agad ako papunta sa kanya para bugbugin siya,Pero hindi pa ako nakakarating sa kanya ay napaandar na niya ang bike niya.

"Nice!Cycling"

Bwisit talaga siya!magsama sila ng bike niya!
Nalamog na nga tong pwet ko! Namanyak pa ako! ASAN ANG DANGAL KO?!!ASAN! 

Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko papuntang school. Kada hakbang ko ata sumasakit yung pwet ko at may part pa na sumasakit pero hindi ko malaman kung saan. Nakasabay ko na din si Yumi pero hindi ko pa nasasabi sa kanya ang nangyare.

Dumating na ang first subject teacher namin.
Kaya nag bow na lang ako ng head dahil aantukin din naman ako sa ituturo niya.Magbabasa na lang ako ng libro mamaya para makahabol ako sa lesson. Mas gusto ko kasi na magpahinga muna ngayon eh.

"Charitie!"

tawag naman sa akin ni yumi na katabi ko lang.
Inangat ko naman agad yung ulo ko para makita siya.

"Anong nangyare sayo?!"

Nagaalala niyang tanong sa akin. Kaninang magkasama kami di niya pinansinin tapos ngayon maka react siya.

"Ha?! Wala"

Tipid na sagot ko lang kaya.

"Bakit may sugat ka sa binti mo?!"

Agad ko naman na tiningnan ito at nanglaki ang mata ko dahil sa nakita ko. May sugat nga yung binti ko.

"Ma'am may sugat po si Charitie!"

Tumayo si Yumi para masabi sa teacher namin ang nangyare. Kailangan talaga nakatayo pa siya ah.

"Ha?! Pumunta ka muna sa Clinic baka mainfect pa yan.Yumi samahan mo na siya."

Wow! Bait ni Ma'am.Ok na din siguro toh para malagpasan ko yung subject niya hehehe sorry ayaw ko talaga sa Math eh.

"Yari ka sakin"  bulong ko habang inaalalayan ako ni Yumi. Naalala ko kasi yung pag mumukha ng Kendell na yun. Ang lakas ng loob niya para tawanan lang ako. Nakita pa cycling ko! Kahit na cycling lang yun pag may nakakita nun kung ano ano na naman iisipin.

"Ako na nga tong concern sayo. Bad ka ah!" Kala niya siguro siya ang sinaaabihan ko ng yari ka. Sinabi ko naman kay Yumi na ako na mag isa at kaya ko pa din naman maglakad.

Papasok na sana ako sa clinic nung may narinig akong nagsalita.

"Sige na babe!!!"

Meron na namang nakikipag harutan sa nurse namin para makapagstay dito.

"Osige na nga.Love naman kita eh."
Tama ba na sa school maglambingan.Ang haharot ng mga toh. Naiirita ako sa mga taong to! Pumasok na ako sa loob ng clinic para tigilan ang kahibangan na ginagawa nila.

"eeehhheeemmmm!"

Napalingon naman sila sa akin habang nakahawak pa yung kamay nung lalaki sa nurse namin.

"Uhmm...miss ano pong ginagawa niyo dito?" tanong nung lalaking istudyante sa akin.Siguro ka age ko lang din siya.

"Duh?! Edi ipapagamot tong sugat ko!"
Pagkasabi ko nun ay sinamaan naman ako ng tingin ng loko.Yun naman talaga gagawin ko dito diba? Siya tong shushunga-shunga tapos titingin siya ng masama.

"Ahh sige upo ka na"

Sabi sa akin ng nurse habang ina assist ako papunta sa kama. kumuha na ng panggagamot sa akin yung nurse habang yung lalaki naman ay pumunta sa may pinto at tsaka sumandal.

"Saan na yung sugat mo?" tanong sa akin nung nurse.Tinuro ko na lang yung sugat ko tapos nilinis na niya at nilagyan ng benda.Medyo malaki din kasi yung sugat ko kaya medyo matagal din ang pag lagay nito.

"Thank you po"

Tumayo na ako at lumabas na ng pinto ng bigla akong hilahin ng lalaki.

"Lika." Sambit nito sa akin at tuluyan na akong hinila palabas ng clinic. Aba anong ginagawa niya.

"Babe! Saan ka pupunta?!" tanong ni ate nurse na umaalog pa ang hinaharap habang tumatakbo. Napakunit na lang ang noo ko. So pinapamukha niya sa akin na malaki yun? Ganun ba ?

"BABE? IN YOUR DREAMS.GET LOST"

Sabi nito sa nurse. Hindi naman na ito kumibo at hinila uli ako paalis. Nakatingin langa ko dito at hindi alam ang gagawin. Naguguluhan kasi ako sa kanya at kung ano ang umiikot sa isip niya. Hinahawi nito ang kanyang buhok at hindi ko itatanggi na gwapo nga siya. Hindi imposible na makuha niya ang babae ng mabilis lang.

"Be my girlfriend"
 

Huminto ako sa paglalakad at inalis ang kamay niya na nakahawak sa wrist ko. Anong akala niya sakin basta basta? O baka naman pinag titripan niya ako.



"IN YOUR DREAMS. GET LOST"

Naglakad na ako at iniwan siyang nakatayo doon. Wala akong time para makipag laro sa kanya. Sinasayang niya lang ang oras ko.

"What!!! Nireject mo ba ako?" Sinabayan niya ako sa paglalakad at nagtatakang tumingin sa akin.

"Yes" binilisan ko ang lakad ko dahil ayoko ng makita ang pag mumukha niya.

"But WHY?!!! Alam mo bang malaking ka---"

"Because you deserve it" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Sinasayang niya talaga ang oras ko!

"Panghihinayangan mo lang ---"

"Wala akong dapat ikahinayang! You're not my type anyways"
Sabihin niyo nang bastos ako pero Bastos kasi talaga ako Hahaha.Nakakinis na kasi eh.

"Bali---ksjbaishdjak"

Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang papel na hawak ko.Saan nang galing yun? Sa bag ko.Nakalimutan ko kasi ayusin kanina eh. Alam niyo naman pag may mga resibo basta lagay lang ako sa bag.

"Wag mo akong paglaruan ok? Hindi ako toy car na pwede niyong paikot ikutin."

Naglakad na uli ako dahil ang haba na ng chapter na to at puro walang kwenta yung laman.

"Charitie! Pagsisisihan mong nireject mo ako!"

Ha?Alam niya pangalan ko?! Imposible!
Paano?! Kailan?!Saan?!
Humarap naman agad ako sa kanya at lumapit ulit para kusapin siya.

"Oh.Bakit bumalik ka?"
Nakangiti niyang tanong at tumataas pa ang kilay.

"Bakit.alam.mo.ang.pangalan.KO"
Sabay tingin sa kanya ng matalim.

"Be my girlfriend and I will say it to you"
Umirap na alng ako sa kanya at umalis na.
Tumalikod na lang ulit ako.Wala din pala akong mapapala sa kanya.Sayang oras ko.

Wait may nakalimutan pala ako.Humarap ulit ako sa kanya at sinipa yung ano niya tapos tumakbo. hindi ko alam kung bakit ko Sinipa yung ano niya naano tuloy ako Kaya binilisan ko pa yung takbo ko baka kasi anohin niya ako eh.Kasi nangaano siya ng babae kaya inaano ko din siya para ano.Ay ewan puro ano na.narinig ko naman na sumigaw siya mula sa malayo. Sumasakit na ang paa ko jusme!

Dapat lang kasi sa kanya yun para malaman niya na hindi lahat ng babae ay kaya niyang paikutin.

"Ouch" Boset.Nabangga pa ako, hindi ko na pinansin yun kaya tumakbo na lang uli ako.

"CHARITIE!!!"

hala bakit parang dumoble yung boses?
Tumingin ako sa humahabol sa akin at naging dalawa na sila.Paano nangyare yun? Tsaka alam din nung isa yung pangalan ko.Sikat ba ako? Wow nakaka touch naman.
Bahala na nga tatakbo na lang ako.

"HULI KA!"
Naramdaman ko naman yung paghawak nila sa magkabilang braso ko.Lupa kainin mo na ako.Now na!!!

"Sumama ka sa amin" sabi nung isang humabol sa akin.Siya.....siya yung JOKER  si Bryan Magbanua. Silang dalawa lang ni Kendell yung naaalala ko yung pagmumuka eh.

"At bakit naman ako sasama sa inyo?!" tapang tapangan lang ang peg ko.Mama help!!!

"Basta!" sabay hila nila sa akin.Nagpupumiglas ako pero hindi ko sila kaya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top