WSMDS • Chapter 19
Chapter 19: Plan reversed
Charitie's POV
Hanggang ngayon na nakasakay na ako sa bus ay nakahawak pa din ako sa labi ko na napagsamantalahan kahapon. Hindi ko alam ang sasabihin ko pagnagkausap ulit kami.
'I like you'
Hindi ata ako na katulog kagabi dahil sa paulit-ulit ko yang nadidinig. Alam niyo yung pakiramdam na pag na dinig mo yun ay kumakabog ang puso mo to the highest level? Hindi ko alam ang gagawin ko sa katabi kong tulog na tulog dahil sa paginom niya kagabi. Nakatingin lang ako sa mukha niya, kala mo ang bait bait niya eh pero hindi naman bat ganun?
Ang tanga ng puso ko ang mahal pa eh yung taong nag pahirap sa kanya. Oh diba tanga. Wala naman akong magagawa eh, nandito na to , eto na yung tinitibok ng puso ko. Ang masayang part lang ay nalaman kong mahal niya din ako. So ano?Tapusin na natin tong story na to? Hahaha.
Naramdaman ko naman na may biglang humawak sa kamay ko. Napatingin ako sakanya at nakitang naka ngisi siya. Hindi parin ako makagalaw dahil sa pagkahawak niya sa kamay ko. "Be comfortable..." Dumilat na siya at tiningnan lang ako sa mata. Parang ang bilis, parang hindi tama pero parang gusto ko parin. Tangatalaga...
Mas hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay ko at isinandal niya ang ulo ko sa kanyang balikat. "Matulog ka muna, alam kong pagod ka" Lumapit pa siya sa akin para hindi ako mahirapan. Nakahawak parin ito sa kamay ko habang nakikipag kwentuhan sa iba naming kasama sa bus.
Wala na akong inisip pa, hindi ko nainisip ang mga tao sa paligid namin. Hindi ko na naisip ang mga sasabihin ng iba. Ang mahalaga kasama ko siya. Isa pang katangahan...
Nang makauwi na kami ay dumeretso agad kami sa tambayan. Halos lahat sila ay sumasakit ang ulo dahil sa paginom kagabi. Kami nalang atang dalawa ni Kendell ang natitirang gising.
"Mukhang nag kakamabutihan na si Yumi at Raven ah" nakangiting bungad ni Kendell sa akin ng ilapag niya ang mga gamit sa couch. Lumapit siya sa akin at nginitian ako. Aba anong nginingitingiti niya dyan.
"Oh ano" sabi ko sa kanya kasabay ng pagtaas ng kilay ko.
"Ibig sabihin ba nung hinayaan mong hawakan ko ang kamay mo ay gusto mo din ako?" tanong niya sa akin habang ako naman ay tinuon ang pansin sa pagaayos ng gamit. Walanghiya!
"H-hindi no" Pagsisinungaling ko sakanya. Bakit ba hindi ko parin maamin sakanya?
"Ah..." Inikutan niya ako habang inaayos ang buhok niya gamit ang kamay nito.Ano bang trip niya? Susuntukinko to eh!
"So? Wala lang yung pagyakap mo sakin? Tsaka yung paghawak sa kamay ko? Tsaka yung ano... kagabi?" pagkukunwari niya na hindi alam ang nangyari. Tumingin lang siya sa akin na parang nag hihintay ng sagot. Aaminin ko ba? O wag nalang? Baka kasi mamaya trip niya lang to eh? Hindi nalang ako nagsalita at nagayos lang ng mga gamit. Naramdaman ko naman na umalis na ito sa kanina niyang pwesto at naglakad papunta sa hagdan. Charitie ano na?
(Now playing : Be Alright By Justin Bieber)
"Kendell!"Sigaw ko naman sakanya at tumakbo ako patungo dito.
"May sasabihin ako..." Mahinang sabi ko sa kanya.
"The feeling is mutual..."
Ngumiti lang ito at nagopen arms para bigyan ako ng isang hug. Lumapit naman agad ako sakanya at niyakap siya. "Ang bango mo naman po" Sabay singhot ko ng mabango niyang amoy. Oww yes adik.Nakayakap lang ako dito habang nakangiti. Hindi parin ako makapaniwala dahil sa nangyayari ngayon.
"Maliligo lang ako ah, sama ka?" Pabirong tanong niya sa akin habang hinihila ako kunware paakyat sa hagdan. Hmmm kaharotan.pag ako nainis sasama talaga ako hahaha
"Wag na, magluluto nalang ako para sa ating lahat mamaya."
"Ok then, maliligo muna ko ah" Kinindatan niya muna ako bago siya umakyat sa kanyang kwarto para maligo.
Habang wala sila ay naghanda na ako ng mga iluluto ko. Sigurado kasing mga gutom sila mamaya dahil matagal silang nakatulog.Habang nag luluto ako ay napapakanta pa ako sa tuwang nararamdaman ko. In love ang lola niyo.
"Hmmm hmm hmmmm" Habang nag gigisa ako ng bawang at sibuyas ay kumekembot pa ako. Ohaohaaaa.Kaya niyo yun?! Nang matapos na akong magluto ay inihanda ko nasalamesa ang mga pagkain nila. Lunch na din kasi kaya sakto lang ang pagluto ko ng pagkain.
Nadinig ko naman na may naglapag ng mga plato at tinulungan ako, nilingon ko ito at nakita ko si Kendell na nagaayos na din ng lamesa. Napangiti na lang ako habang tinitingnan siyang ayusin ang mga ito ng Makita niya akong nakatingin sakanya ay ngumiti din siya sa akin.
"Gisingin ko lang sila ah" Sabi ko naman sakanya at agad naumakyat sa mga kwarto nila.
"Gising na po mga hari't reyna!"Sigaw ko sakanila at nakita kong magkatabi ng natutulog si Yumi at Raven. Si Bryan naman ay nakanganga habang natutulog pagod na pagod lang whahaha. Si Randell at Ethan naman ay magkayakap na natutulog. Inilibot ko pa ang aking mata pero hindi ko nakita si Zian, nasaan na kaya yun? Ang alam ko kasama nila yun dito eh.
"Looking for me?" Napalingon ako salikod ko at bumungad sa akin si Zian na nakatayo. Hihimatayin pa ako sa taong to eh.
"Uhm... kain na sa baba. Nagluto ako" Ngumiti naman ako dito pero isang tipid na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin. Sorry Zian, kung ano man yung iniisip mo.Akala ko ay mag sasalita siya dahil bahagyang bumukas ang bibig niya kasabay ng pagiling at malalim na paghinga pero nagkamali ako dahil tumango lang siya sa akin at bumaba na.
"Gising na po!"Sigaw ko muli at isa isa na silang nilapitan at kinalabit para magising. NakitakonamannadumilatnasiYumipatinarinsi Raven.
Bumangonna din silanglahat at tumginsa akin ngnakakunotangnoo.
"Bakit ka ba nang gising?"Bulyaw naman sa akin ni Ethan at kinukusot pa ang mata.
"Nagluto po ako mga hari't reyna kaya bumaba na ho kayo." Sabi ko naman sa kanila at agad na bumaba. Uupo na sana ako ng kabigin ako ni Raven, napataas naman ang kilay ko sa ginawa niya. "walang modo" tsaka ko akmang babatukan siya pero nagulat ako ng may biglang humila sa kamay ko at pinaupo ako sa kabilang side ng table. Ano ba Kendell marupok ako! Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti sa sobrang kilig o dapat bang pigilan ko kasi baka mahalata nila. Jusko! Naramdaman ko naman ang pag upo niya sa tabi ko dahilan ng paglingon ko kanya. Ngumiti ito sa akin at parang na hypnotize ako dahil nakatoon lang sa kanya ang pansin ko. Bakit ba kasi ang gwapo niya?
"ehem...ehem! Baka matunaw" pagpuna ni Yumi na nasa tapat ko. Sarap talaga sabunutan eh. Kumuha na agad ako ng kanin ko, sa sobrang gutom ko ata eh ako din makakakin ng niluto ko eh.
Tumayo na ang lahat at natira akong nagliligpit sa mga pinagkainan naming. Eto naman talaga ang papel ko dito sa bahay na to. Kukunin ko na sana ang isa pang plato ng hawakan niya ang kamay ko. Hala baka amoy ulam pa kamay ko. " ako na mag aayos umupo ka na doon" sabay ng mabilis niyang paghalik sa kamay ko. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.
" this day until forever, You will not serve me instead I'll do it for you. You will no longer be a maid in a fairy tale but a princess living in a castle. "
Narinig ko na sambit nito. Sobrang saya ng puso ko ngayon, yung parang sasabog na sa tuwa na nararamdaman ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top