WSMDS • Chapter 18

Chapter 18 : Vacation

Yumi's POV

Omegerd! This is it! Eto na yung time namin para mag enjoy dito. I'm so happy 'cuz my baby Raven is with me. Nakaupo lang ako dito sa kama at hinihintay si Charitie na lumabas galing sa CR.

"Yumi!!!" napatakbo ako sa pag tawag niya sa akin. Nakita ko naman na suot na niya yung swimsuit na black. Sabi sa inyo eh bagay talaga sa kanya yan

"Perfect!" sabay palakpak ko, I'm so proud of my self kasi. Suot ko na din ang beautiful pink two piece na pinatungan ko ng see through ko para maglaway si Babyloves ko. Charing lang!

"Anong perfect?! Hay nako Yumi hindi ako mag susuot nito ng palakadlakad dito sa buong beach no! " pagtalak sa akin ng bruha habang nakatakip sa katawan niya.

"No way! Patungan mo na lang ng beach dress tapos pag mag swimming na tayo tsaka mo hubadin" Advice ko naman sa kanya at agad naman itong pinatungan ng dress. Lumabas na kami ng room at nakita ko naman na nasa beach na ang anim na papabols at iba pa naming batch mates. Si babyloves ko ay nakatopless lang at shorts. Omayghash!

"Yumi yung laway mo naman" pagpuna sa akin ni bruha. Hinila ko na lang siya papunta sa anim.

"Raven!" sabay lingkis ko sa kanyang matipunong braso. Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa at nginitian ako. "Whot whoow! Sexy" kinindatan naman ako nito at biglang nahulog ang suot kong two piece. Syempre joke lang Hahaha.

"Ehe, hende nemen. " pagpapabebe ko sa harap niya. Nakita ko naman si bruha na nakatayo lang at parang hindi pa siya napapansin ng anim. Hinahangin ang brown ng buhok pati na rin ang beach dress na suot niya. Ang ganda ng gaga ah in fairness!

"Bruha! Wag kang ma emote" pagtawag ko sa kanya habang nakakapit parin kay babyloves ko. Lahat naman sila ay napatingin kay beshie at nakita ko na medyo napangisi si Kendell. Gosh! Sana mutual ang feelings nila.

Ngumiti lang si beshie sa kanila habang inaaayos ang hinahangin niyang buhok.

"Yumi, I can't stop staring at you" sabay kindat naman nito sa akin at naramdaman ko ang bahagya niyang pagtawa. Natutuwa ba siya sa ka sexyhan ko? Omggg

Charitie's POV

Hindi na sana ako mapapansin ng anim kung hindi ako tinawag ni Yumi. Minsan na nga lang manahimik ang buhay ko ginulo niya pa.
Nang tumingin silang anim kanina hindi ko alam kung anong panglalait na yung tumatakbo sa isipan nila.

"Hirap naman magutos sa magandang binibini" nakangiting sabi ni Bryan sa akin. Kinunot ko lang ang noo ko sa sinabi niya. Sarap nila sabunutan hmp!

"Umayos nga kayo! Magenjoy na lang kayo dyan" sabay senyas ko sa kanila na pumunta na doon at mag swimming. Agad naman silang tumakbo at iniwan akong magisa dito, mga walang modo!
Lumapit na lang ako sa kanila at pinanonood silang mag swimming.

Lahat sila ay nakatopless na at nagkukulitan sa tubig. meron pang time na naglulunodan sila. Sana malunod na talaga sila. Si Yumi naman ay nakikipag harutan kay Raven.

Hinubad ko naman na ang nakapatong na dress sa akin at naka expose na ang sexy kong katawan charing hahaha. Medyo naiilang pa ako dahil hindi ako sanay ng nakaganito. Hindi muna ako lumusong sa dagat at nanatiling nakatayo lang doon.

"Hi?" isang malalim na boses ang nadinig ko, lumingon ako dito at nakita ko ang gwapong mukha ng isang nilalang. Inabot nito sa akin ang kamay niya at inabot ko naman ito.

"Hi din" sabay ngiti ko sa kanya.

"I'm Ford" saad nito sa akin habang ginugulo ang buhok niya.

"Charitie" Tipid kong sagot sa kanya. Nakatingin lang ito sa akin at parang nahihiya pang magsalita. Tumingin siya sa grupo ng mga lalaki sa kanyang kaliwa at sinensyasan nila ito. Ano bang meron ha?!

"Uhm... Pwede mahingi ang ---" naputol ang sasabihin niya ng tawagin ako ni Kendell. Agad akong nagpaalam kay Ford at pumunta na papunta kay Kendell.

"Bakit? Ano kailangan mo? " tanong ko naman sa kanya ng nakakunot ang noo. Tumakbo naman siya papunta sa akin at binuhat ako papunta sa dagat.

"Walanghiya ka!!!!" sigaw ko kasabay din ng paghiyaw nila na puno ng pang aasar.

"Whot chansing oh!" sigaw ni Bryan habang pinaglalaroan ang tubig.

"Nako lagot na!" sigaw ni Raven na nakayakap kay Yumi.

Nakasimangot ako ng ibaba ako ni Kendell. Basang basa na ang buong katawan niya pati na rin ako. Dumadampi na sa akin ang malamig na tubig galing sa dagat. Dahil wala na akong magagawa ay nag enjoy na lang din ako kasama sila. Winiwisikan nila ako ng tubig at ibinabalik ko din sa kanila.

"Laro tayo!" Sabi naman ni Yumi habang ang anim naman ay nakikinig lang.

"Kaming dalawa ni Charitie ay sasakay sa balikat niyo at kung sino ang unang babagsak yun ang manglilibre mamaya. Game?!" Gusto ko mang umayaw at magreklamo ay huli na dahil lahat sila ay sumangayon sa plano ni Yumi.

Sumampa na sa balikat ni Raven si Yumi at ako naman ay hindi alam kung saan sasampa.

"Kendell ikaw na!" Tumatawang sabi ni Randell.

"YieeeYieee! Lagot na talaga! Hahahaha" Tuwang tuwa naman na paggatong ni Bryan. Hindi naman na ako umangal dahil alam kong wala akong palag. Sumampa na dn ako sa balikat ni Kendell. Hinawakan niya ang hita ko at parang may naramdaman akong kuryente na dumaloy sa buong pagkatao ko. Jusko di ko kakayanin to.

Nagsimula na kaming mag tulakan ni Yumi at tawa lang kami ng tawa. Nakatingin ako sa kanya habang tumatawa ako. Nakipag eyecontact talaga ako sa gaga pra maipahatid ang mensahe ko 'Humanda ka sakin mamaya Yumi.' Tinitigan ko lang siya at ganun din siya sa akin. Nang aasar pa talaga siya. Nagulat ako ng bigla siyang nagbitaw ng malakas na tulak.

"WHAAAA" Sigaw ko dahil sa pagkahulog ko. Bumitaw na ang kamay ni Kendell sa hita ko dahilan ng mabilis kong paghulog at pag lubog sa tubig. Walang hiya!

Umahon naman agad ako at bumungad sa akin ang mga tawa nilang napakalakas. Si kendell ay nakahawak na sa tyan niya, sila Bryan, Randell, Raven at Ethan ay sobra na din ang pagtawa habang si Zian naman ay nakangiti lang sa akin. Ang saya naman!

"Treat namin dalawa mamaya, magpapalit na muna ako" Padabog na pagtalikod ko sa kanila habang papaalis na doon.

"Nako kawawa naman ang magandang binibini hahaha" Nadinig ko na pangaasar ni Ethan sa akin at ginatungan naman nila ng tawa. Ako nanaman napagtripan.

***

Madilim na dito sa beach at nagsibalik na din ang iba sa kani kanilang room. Pero ang anim at kaming dalawa ni Yumi ay nasa labas pa din at naghahanap ng pwedeng pagkainan at pagtambayan namin. Habang naglalakad kami ay tumabi sa akin si Kendell. "Nag enjoy ka ba?" tanong nito ng nakangiti sa akin.

"Uhmm... Oo, bukod sa wala kayong masyadong inuutos, kahit napagtripan ako. Nag enjoy naman ako" Sagot ko sa kanya habang tinitingnan ang magandang view ng dagat. Ang tanging nag bibigay liwanag lang sa buong lugar ay ang mga ilaw na nakasabit sa mga puno. Ang ganda ng mga pag kakaayos ng mga ito, hindi ka magsasawang tingnan.

"Uy ayun oh!" Sigaw ni Yumi ng makakita siya ng pwede naming kainan. Agad naman na kaming pumunta dito at umorder na kami. Makakagastos pa tuloy ako hay nako naman. Nag order kami ng pagkain at umorder din si Kendell ng beer nila.

"Here's your order maam and sir" Nakangiti kong sabi sa kanila habang inilalapag ang mga inorder namin. Kumuha na sila ng sari sarili nilang pagkain at ako naman ay umupo na at kumain na din.

"Cheers!" Sigaw nilang lahat at pinagtama ang mga basong hawak nila. Ayoko ng uminom baka kung ano pang magawa ko eh. Kumain na lang ako habang pinapanood silang uminom. Habang kumakain ako ay naramdaman ko ang kamay ni Kendell na nakapatong na sa likod ng upuan ko. Bahagya akong napatingin sa kamay niya at napatitig naman ako sa mukha niya. Medyo namumula na ang tenga nito dahil sa pagkalasing niya pati na rin ang labi niya. Umiinom lang siya habang nakikipagtawanan sa kanila.

Ilang araw na lang ay tapos na ang deal namin. Ang bilis ng araw at hindi ko namalayan na kahit papaano pala ay nag enjoy din ako. Madami din akong naranasan na hindi ko kalian man naisip na mararanasan ko to. Minsan talaga sa buhay ng tao ay kailangan mong matuto at tanggapin na lang kung ano yung kailangan mong gawin dahil sa ibang part ay may matututunan ka. Nakatingin lang ako sa kanya at iniisip kung bakit siya ang nagustuhan ko sa kanilang anim. Napabaling din ako kay Zian na tahimik lang na umiinom. Siya ang nagpapakita sa akin ng pag care at love pero kahit gawin niya yun sa iba parin ang bagsak ko.

"Punta lang ako sa room ah, may kukunin lang ako" Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. Kukunin ko na muna ang Jacket na nakapatong sa akin kanina. Kung kanino man yun ay heheramin ko muna dahil malamig na dahil sa simoy ng hangin.

"Sige beshieeee mag iingaat ka aah!" Pag kaway pa sa akin ni Yumi halatang masaya siya dahil parang mapupunit na ang bibig niya sa pag tawa.

Naglakad naman na ako papunta sa room. Hindi din naman masyadong malayo ang kinainan namin sa room kaya nakarating din agad ako. Huminga ako ng malalim at binuksan na ang pinto ng kwarto. Wala pa din ang dalawa naming kahati dito sa room kaya hinanap ko na din ang jacket sa bag ko.

"Charitie..." Napatayo ako ng tuwid ng madinig ko ang boses ni Kendell mula sa likod ko. Ang hawak hawak ko na jacket ay itinakip ko sa katawan ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"para magkaroon naman ng time na ikaw lang at ako" Halatang lasing na siya dahil sa pagsasalita niya. Tsaka halatang hindi na niya alam ang ginagawa niya dahil pumasok siya sa kwarto namin.

"Lumabas ka nga" Pagtulak ko sa kanya pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. "K-kendell ano ba"

Dahan dahan siyang umabante kaya naman napaatras na lang ako hanggang sa umabot na ako sa pader at napasandal ako. Tiningnan ko siya at ikinulong niya ako gamit ang kaliwa niyang kamay.

"Please..." sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ay naamoy ko na ang amoy alak niyang hininga. Lasing nga siya. Nanatili lang akong nakasandal at hindi alam ang gagawin hanggang sa hinawakan niya ang baba ko at inangat ito para magtama ang mga mata namin. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa tibok ng puso ko.



"Please, wag kang gumawa ng rason para lalo akong mahulog" Tiningnan niya ako sa mata at mas nilapit pa sa akin ang kanyang sarili. "Please, stop being the reason to break my own rules. " Tiningnan niya ako at ngumiti sa akin. Nilapit niya sa akin ang kanyang mukha at ang huli ko lang naramdaman ay ang malambot nitong labi. Para nanaman akong nakuryente sa ginawa niya, nakapikit lang ako habang ang labi niya ay nakadampi parin sa labi ko.

Para akong nalulunod sa sarili kong nararamdaman. Gustong gusto ng sumabog ng puso ko sa tuwa. Sa wakas ay nahanap ko na ang sagot sa mga tanong ng isip at puso ko. Hinalikan niya ako, yung mga sinabi niya sa akin. Ibigsabihin ba nun ay mahal niya din ako. Hinawakan niya ang pisnge ko at humiwalay sa aking labi.

















"I like you"

Nakangiting sambit niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top