WSMDS • Chapter 17

Chapter 17: Happiness

Nagising ako ng may jacket na nakapatong sa akin at natanggal na din ang earphones na nasa taenga ko. Paglingon ko naman nakita ko na katabi ko na si Yumi.

"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko sa kanya habang kinukusot ang mata ko.

"Why? Ayaw mo ba katabi ang bestfriend mo? Mas gusto mo bang katabi si Kendell? Ha?" Pangiintriga ng gaga sa akin. Napatingin naman agad ako sa kabilang linya kung saan na nakaupo si Kendell. Natatamaan siya ng liwanag ng araw na nagpakita lalo ng kulay ng buhok niya. Habang kumakain at nakikipag kwentuhan siya kay Raven ay hinahawi niya ang buhok niyang umaabot sa mata niya. Napangiti lang ako at tsaka binalik ang pansin kay Yumi na dumadal dal.

"Tapos alam moba! Hinawakan niya yung kamay ko nung kumukuha ako nung chips. Grabe beshi parang lalabas na yung puso ko kasabay ng paglaglag ng underwear ko sa kilig. The best talaga tong team building na to!" Tuwang tuwa na sabi ni Yumi at napasulyap pa kay Raven at agad naman siyang kinindatan nito." Sumenyas ako na lumapit pa sa akin si Yumi at kunyare na may ibubulong.

"Yumi walang forever" Bulong ko dahilan para paluuin niya ako sa hita at sinamaan ako ng tingin. "Inggit ka lang beshi, ano bang nangyare sa inyo ni Kendell dito ha?" sabay pagsiko niya sa akin. May pasiko siko pa siya diyan tadyakan ko siya eh. Umiling lang ako at wala ng sinabi dahil pag nag kwento ako magiingay yan dito kaya paguwi na lang tsaka ko kikwekwento.

"Damot sa info. May password ba yang bibig mo" pagsususngit niya sa akin tsaka ako inirapan.

"Ok class! Nandito na tayo sa destination natin. Maglalagay lang tayo ng mga dala natin sa rooms niyo at mag start na tayo. Isuot niya na din ang mga colored tshirts niyo na ibinigay sa inyo. Yun ang kulay ng team niyo para sa team building" pagtapos Iannounce na nakarating na kami ay sabay naman na paglakas ng ingay sa loob ng bus. Kumuha na din sila ng mga dala nilang bag at bumaba na sa bus.

Kumuha na din kaming lahat ng bag at yung bag ni Ethan, Raven at Bryan ay ako ang may dala. Sana mag enjoy ako diba. Agad naman na kaming bumaba ng bus at naglakad papunta sa hotel. Muntik na akong madapa dahil sa dami ng dala ko. Nang makarating na kami sa loob ng hotel ay ibinigay ko na sa kanila ang mga bag nila at dumeretso na sa room ng mga babae.

Apat kaming maghahati dito sa room namin, kasama ko si Yumi at dalawa ko pang kaklase. Buti na lang ay pinayagan si Yumi na sumama sa akin kundi wala akong kasama at ka usap. Malaki din ang room, may dalawang kama na gawa sa kahoy at may foam na nakalagay para maging malambot ito. Ang mga dekorasyon ay mga gawa din sa kahoy.

"Hayyy!" sabay higa ko sa babang part ng kama. Nagunat unat ako at umupo na rin. Sa wakas ay nakapahinga kahit onti. Kinuha ko na ang kulay Blue na t-shirt sa bag ko. Ito ang ibinigay sa akin para sa team ko. Mabuhay ang team blue!

Pumasok na ako sa cr at nagpalit ng damit pati na rin ang jogging pants ko ay isinuot ko na. eto daw kasi ang susuotin namin para pareparehas.

Nang Makita ko ang white beach ay napatitig na lang ako dito at hindi na nakapagsalita. Ang ganda ng combination ng asul na dagat at puting buhangin samahan pa natin ng sariwang hangin, wow rhymes! Pero totoo ang ganda sa mata pag ito ang makikita mo. Kahit na pagod ka ay talaga namang mawawala dito. Habang nililibot ko ang paningin ko nakita kong maraming nagpipicture na malapit sa dagat. Nahagip naman ng mata ko si Kendell na may hawak na phone, nakatapat ito sa pwesto ko. Ayoko sana mag assume pero mag aasume na ako. Ako kaya yung kinukuhanan niya?

Lumapit naman ako patungo sa pwesto niya at agad naman niyag nilibot paikot ang phone na hawak niya. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang itintaas niya pa ang phone niya.

"Naghahanap ng signal." Matipid na sagot niya sa akin. Tumango na lang ako kahit medyo disappointed kasi mali yung pag assume ko. Naglakad lakad na ako at iniwan na siya doon sa kinakatayuan niya. Nang makarating ako sa tabing dagat ay napangiti ako sa ganda neto.

"It's beautiful" Narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa likod ko.

Napatingin ako dito at nakita si Zian na nakatingin sa akin. Ngumiti ito at nilagay sa bulsa ang kamay niya. "I will just keep my hands inside my pocket, Para mapigilan kong hawakan uli ang kamay mo" He smiled again. Napatingin na lang ako kay Zian sa kadahilanan na di ko maintindihan ang mga kilos niya. Nakangiti lang ito ngayon habang hinahangin ang buhok niya ng malakas na hangin.

"Feeling ko ibon akong nakakulong, Charitie" nakita ko naman na biglang nalungkot ang kanyang mukha. Nakatingin lang ako sa kanya at nanatiling tahimik.

"I want to escape my own cage and be free." Tumingin ito sa akin at nginitian ako.

"Can you please lend me the key?" Napatingin lang ako sa mga mata niya habang nakangiti ito. Yung mga salita niyang mabibilang mo sa kamay ay hindi mo maiintindihan kahit ilang beses ka pang magisip. Malalalim ang mga binibitawan niyang salita, ang mga salitang may hidden meaning pa.

"A-anong sinasabi mo Zian?"lakas loob kong tanong sa kanya habang tumatakbo sa isip ko ang mga tanong kung ano ang ibig niyang sabin.

"Wag mo ng isipin yun" unti unti siyang lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Naiwan akong tulala at nakatigil lang sa kinakatayuan ko.Hindi ko alam ang mararamdaman sa tuwing nakikita ko siya. Iba na ang galaw niya ngayon, iba na yung mga salita na binibitawan niya, parang may nagbago. Iniisip ko na lang na ginagawa niya yun para mapagaam ang loob ko.

"All students! Please gather here and proceed to your groups" Narinig ko naman nasabi ng teacher namin mula sa malayo, gumamit ito ng mega phone para marinig ng lahat.

Agad namang nagsipuntahan ang mga studyante sa kani kanilang group. Hinanap ko na agad ang mga nakablue at nakita ko si Kendell na nakablue din. Hindi ko siguro napansin kanina dahil sa pagiisip ko. Hay jusko buong araw ko nanaman makakasama tong lalaking to. "uy team mates" Sinalubong naman ako ng ngiti ni Kendell ng ngiti at halatang tuwang tuwa, parang bata eh.

"team mates mo mukha mo" inirapan ko na lang siya at tumakbo na sa iba ko pang ka team. Panahon naman para mag enjoy ako.

Kendell's POV

Kahit na malaki tong lugar ng beach ay mingay parin dahil sa mga ka batchmates ko. May sarisariling kwentuhan ang bawat team. Si Charitie naman ay iniwan na ako dito. Aba bastos kinakausap ko pa siya eh.

"Omg si Kendell! Ka team natin siya" bulong ng babae mula sa likod ko. Napangiti na lang ako sa sobrang kagwapuhan ko.

"ang gwapo niya talaga" Halata ang pagkakilig at pagkatuwa sa boses niya. Humarap naman ako sa mga ito at nginitian sila.

"settle down everyone!" Sigaw naman ng speaker naman para sa araw na to. Umayos naman agad ng upo ang lahat ng studyante at nanahimik na din.

"Welcome to Virgin beach resort. We approve your school's request na mag team building dito, thank you for Fernandez family for trusting us" Mahilig din kasi sa mga team building ang mga parents ko. Dati ay sinasama pa nila ako sa mga programs katulad neto, way back then ay close pa kami pero ngayon hindi na. minsan na lang din akong umuuwi sa bahay.

" So we prepared an obstacle for each team. Meron kayong apat na team kaya dalawa munang team ang mauuna at kung sino ang matitira ay yun ang maglalaban. Sa first station ay kailangan niyong ilagay ang marble papunta sa kabilang table gamit lang ang hiwalay na bamboo. Kailangan niyo lang na pagdugtongdugtongin ang mga hawak niyong bamboo para makarating ito sa dulo. After that, sa station two naman ay tatawid kayo sa mga gulong, alam niyo naman na siguro ang gagawin dyan diba? Sa station three naman ay hahanapin niyo ang tinago naming flag at itutusok ito sa finish line. Para naman sa dalawang team na natitira ay maglalaban sa volleyball gamit ang malaking bola."

Humikab naman ako pagtapos iexplain ng speaker naming. Wala na bang mas mahirap pa diyan? Ang basic naman.

Nag simula ng maglaban ang dalawang naunang team. Nanalo naman ang team nila Zian sa unang batch at nung kami naman ang sasalang ay kinalabit ako ni Charitie.



"Kinakabahan ako!"


"Basic lang yan eh. " Tumakbo na aagad ako papunta sa team namin at inassist ang mga kateam mates ko. Yung mga laro dito ay madali na lang dahil nakapagtrain na ako noong bata. May naidulot din palang maganda ang pagpilit ng magulang ko.




Natapos kami ng mabilis lang dahil nakipag cooperate din naman ang mga kateam mates namin.



Kay ang mag lalaban sa last round at ang team naming at team nila Zian. Hinanda na nila ang making bola pati narin ang net.


"For the last round blue vs. red team. " Pumito na at nagumpisa naman na ihagis ang malaking bola. Nauna ang team red at ibinato ito samin. noong nakita ko ang bola na papunta ng kanan ay sumigaw ako.



"Right!" Agad naman na sumunod ang mga ka team mates ko at naipasa namin sa kabilang team. Nagpaulit ulit lang ang pasahan namin pero kami ang laging lumalamang. Dumating na ang huling time at isang points na lang kailangan ng dalawang team. Naging mahirap pag tumatagal. Bukod sa nakakapagod ay nagkakasiksikan kami dahil sa dami namin. Minsan nga ay nakakaapak pa ako ng paa.



"Left!" Sigaw ko nanaman at naipasa namin ito sa kabila, pero na wala ang atensyon ko sa bola ng makita ko si Charitie na nakaupo na sa buhangin. Tumakbo ako papunta sa kanya at inabot ang kamay ko.



"Anong nangyare?" Tanong ko sa kanya habang itinatayo ito. Pinagpagpag naman niya ang damit niya at ngumiti sa akin. "Salamat, Napatid kasi ako sa isang paa kaya ayan napaupo ako" Pagpapaliwanag niya sa akin.



"Kendell!" Dinig ko na sigaw ng karamihan, lumingon naman ako para tingnan kung bakit nila ako tinawag. Nakita ko naman na papatakbo silang lahat saakin at nakita ko din ang bola na papalapit na. Agad kong inayos ang tayo ko pati na rin si Charitie.




Sabay sabay kaming kumuha ng pwersa para maipasa ito sa kabilang team at hindi nila ito nasalo. "YES!" sigaw naming lahat dahil sa pagkakapanalo namin. Lumingon ako kay Charitie na naningkit na ang mata dahil sa pagtawa at pagngiti niya. Lumapit ito sa akin at nagulat ako dahil niyakap niya ako. "Yesss panalo tayo!" Tuwang tuwa na sabi niya sa akin. Napangiti lang ako sa ginawa niya kaya niyakap ko na lang din siya pabalik.


"Tuwang tuwa ang bata hahaha" Saad ko pagkabitaw naming sa yakap at ginulo ang buhok nito. Agad naman niyang sinimangot ang mukha niya at mas ginulo ang akin.


"HAHAHAHA" Masayang tawa niya at lumipat naman sa ibang grupo ng mga tao. Kung noon masaya ko na nakikita ko siyang nahihirapan, ngayon nagiging masaya na din ako pag masaya siya. Ganun ba talaga dapat?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top