WSMDS • Chapter 14

Chapter 14 : Feelings

Charitie's POV

"Goodmorning class" Pagbati ng teacher namin. Wala parin ako sa sarili ko dahil sa nangyari kahapon. Simula ng pinasan niya ako hanggang sa pagyakap niya sa akin, hindi ko na alam ang iisipin ko at mararamdaman. Buong araw ata akong lutang dahil doon. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko siyang nakatingin sa akin kahit na kinakausap siya nila Bryan. Binaling ko naman agad ang tingin ko at pinilit mag focus sa teacher namin.

"We will have our team building this wednesday at batangas Virgin beach resort. " Halos lahat ng classmate ko ay nagsigawan dahil sa tuwa, eto ata ang pinakahihintay ng lahat sa amin dahil samasama kami sa iisang beach. Sana maging masaya ako this time, sana maayos na lahat , sana pag uwi namin tapos na ang deal.

Habang nag lelesson ang teachers namin ay nadidinig ko ang mga classmate ko na pinagkwekwentohan at plinano na ang gagawin nila sa Batangas. Tuwang tuwa din si Yumi na ngayon ay kinukulit ako kung ano daw ang isusuot ko at kung ano ang balak ko.

"Try natin mag Two piece pag binigyan tayo ng time mag explore sa beach! Susuot ko yung mint green na binili ko! Ang sexy ko siguro nun! " Tuwang tuwa na sabi ni Yumi sa akin.
"Team building yun hindi fashion show Yumi" sumimangot naman si Yumi sa akin at alam ko na iniisip niya na Kj ako. Wala lang talaga ako sa mood makipag usap ng ganyan dahil hindi mawala sa isip ko yung nangyari. Hindi na lang ako umimik at lumipat sa ibang upuan si Yumi para makipag kwentuhan sa iba kong classmate.

Lumabas na lang ako ng classroom dahil tapos na din naman ang klase namin. Naglakad na ako palabas ng school at dumeretso sa bahay. Gusto ko munang makapagisip isip. Gusto ko munang magpahinga dahil isang linggo ko nanamn sila makakasama, Time muna siguro para sa family ko.

"Kim, kamusta ka naman? do you want me to braid your hair? " tanong ko sa kapatid ko na ngayon ay nakaupo na sa lap ko. Siguro ganito na lang muna ang gagawin ko iiwas na lang muna siguro ako, wala naman silang inuutos sa akin eh kaya pwede naman siguro to.  "I'm ok lang ate, I just missed you. Wala ka kasi ng matagal sa house eh. By the way ate Samantha is in her room. Lagi naman siyang nandoon nagbabasa."
Brinaid ko muna yung buhok ni Kim at nag kwentuhan kami tungkol sa school niya. Dati marami kaming time magkasama pero ngayon minsan na lang dahil sa Deadly six at dahil sa deal na yan. Sana matapos na to ayoko na. Ayoko na.

Niyakap ko si Kim ng mahigpit, kailangan ko ng comfort baka di ko makaya. Pagtapos kong kausapin si Kim ay pinatulog ko na siya dahil baka mamaya malate siya ng gising bukas. Tinawagan ko na muna si Yumi para papuntahin dito sa bahay. Umakyat na din muna ako sa kwarto ko, niyakap ko yung unan ko at pumikit na pero hindi ako makatulog, kahit anong pilit ko naiisip ko parin yung nangyari at yung pakiramdam ko ganun parin. Parang kinakabahan ako na hindi ko malaman.

"Heyyy!!" Sabay na pagbukas ng pinto ko at pumasok si Yumi, umupo siya sa kama ko at tiningnan lang ako. " Ano nangyayare sayo teh? Bakit parang kanina ka pa ganyan ha!" lumapit na siya sa akin at hinatak ang unan na yakap ko. Umupo naman agad ako at tumitig kay Yumi.

"Yumi, may tanong ako..." Tumango lang si Yumi sa akin at hinihintay ang itatanong ko sa kanya.
"Pag lagi mo bang naiisip yung isang tao pati yung moments na kasama mo siya, anong ibig sabihin nun?" Tanong ko kay Yumi na hanggang ngayon ay nakatingin sa akin. Habang ako ay nararamdaman parin ang mga yakap niya pakiramdam ko din nadidinig ko parin siya.

"Isa lang ang ibig sabihin nun, Mahalaga siya sayo at may nararamdaman ka para sa kanya. Mas mapapatunayan mo na may nararamdaman ka na para sa kanya kung pakiramdam mo kasama mo pa siya, kunyare pakiramdam mo yakap ka niya kahit na wala naman talaga siya."
Para akong binato ng malaking bato sa sinabi ni Yumi, may nararamdaman ako kay Kendell? Pero bakit, bakit ko mararamdaman yun kung sa una pa lang ayoko na sa kanya, bakit ngayon ganito na. Bakit pakiramdam ko bumaliktan na lahat.

Sinabunutan ko ang sarili kong buhok at isinubsob sa unan ko ang mukha ko tsaka sumigaw. "Ayoko na!" Tsaka ako gumulong gulong sa kama ko, hinahayan ko na kahit natatamaan na si Yumi. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil pagod na pagod na ako kakaisip.

"Confirmed na, may gusto ko sa taong yan. Sino ba yan ha?!" umupo agad ako at hinawakan sa magkabilang braso si Yumi.
"Hindi ka maniniwala na si Kendell yung kanina ko pang iniisip!" tinakip ko ang kamay ko sa mukha ko at hinihintay siya mag salita. Alam kong pangtutukso lang ang ibabato niya sa akin pero atleast ngayon hindi ko na itatago, atleast may nakakaalam na at hindi ko kinikimkim

"Ayan gaga ka kasi, kunyare pang ayaw eh. Ayan napala mo HAHAHAHHAHA" Pinagtawanan pa ako ng gaga, di ko naman ineexpect na ganito no, ayoko ng ganito eh. Alam niyo yun? Ayoko nung sitwasyon pero gusto ko yung taong nagpasok sa akin sa ganung buhay. Hindi pwede to. Ayoko na kasi nahihirapan na ako sa lahat ng ginagawa nila gusto ko na kasing maging malaya.

"Wag mo ng ideny sa sarili mo, mas mahihirapan ka. Tanggapin mo na lang na kinikilig ka at hindi inis yan. " basta hindi pwede to. Hanggang maaagapan pa gagawin ko.

"Yumi tulungan mo na nga lang ako maghanda para sa pag punta sa Batangas, para makalimutan ko kahit saglit" kinuha ko na ang bag ko at binuksan ang drawer ko. Madami akong damit na pang alis pero bihira ang pang beach kaya mahirap din pumili. Naglagay ako ng mga plain shirts at short na isusuot ko. Nagdala na din ako ng panjama ko na mickey mouse. Ang cute kasi pangtulog neto eh comportable pa. Naglagay na din ako ng lotion tsaka mga shampoo at sabon.

"Beshii!! Eto eto yung black mo na two piece dalin mo! " tsaka hagis niya sa bag ko. matagal ko na din di nasusuot yang two piece na yan. Kulay itim siya na may floral design. Di naman na ako sexy para magsuot niyan pero dadalin ko na lang din.  "Tapos na ako mag ayos" sabi ko kay yumi at itinabi na ang bag ko. Bumalik na ulit ako sa kama ko at tiningnan ako ng nakangiti ni Yumi parang may balak na di maganda sa akin.

" Kendell" Pagsabi niya ng pangalan na yun nagulat ako at parang tumaas ang balahibo ko. Para din na kinabahan nanamn ako at naalala ko ang yakap niya sa akin. this sh*t again.

"Kita mo epekto niya sayo, pangalan pa lang mamamatay ka na HAHAHAHHAA " humagalpak siya sa tawa at niyakap ako ng mahigpit dahil sa nanggigil siya. "Yumi! Tigilan mo nga ako!" sigaw ko habang pinipilit tanggalin ang yakap niya pero hinigpitan niya pa ito.
"Umamin ka muna Hahaaha" nakayakap lang siya sa akin at kinukulit ako na umamin sa kanya. What the freak Yumi!

"Oo na! Gusto ko na siya! Tama na" Binitawan niya ako at tumawa ng malakas. Di siya nakatulong sa problema ko. Mas lalo kong naramdaman at hindi ko na madeny na nagkakaroon ako ng feelings sa monggi na yun. Bakit ba kasi ganito.

Ayoko sa sitwasyon na to, pero sa paguusap namin ni Yumi kanina, na realize ko na malaki pala ang magbabago pag lumayo ako sa kanilang anim. Oo ang gulo ko, kahit sarili ko hindi ko maintindihan. Wtf.

Bigla namang may nag ring sa phone ko, may nagtext ata. kinakabahan ako sa nag text baka mamaya siya yun eh, kinuha ki na ang phone ko t binuksan ito. Nakita kong may message galing kay Zian.

[Don't avoid me please, I need you]

Nakita ko namang nakasilit si Yumi sa phone ko para makita ang nagtext, hindi ko na talaga lalo alam ang mararandaman ko dumadagdag pa si Zian.

"Haba ng hair mo ah! May kendell na may Zian pa. Sabihin mo nga ilakad ako kay Raven ahihi" Puro kaharutan ang nananalaytay sa dugo netong babaeng to eh, kitang na momorblema na eh. kailangan ko naman  ng pahinga noh.

Author's note

Charitie's two piece swimsuit is in the media. I'm sorry for this short update.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top