WSMDS • CHAPTER 10
Chapter 10: Better than you can.
Kendell's POV
"Hoy daliaan mo!" sigaw ko kay Raven napakabagal kumilos eh.
"P*ta eto na oh!" pupunta kasi kami ngayon sa bar ni Ethan nauna na silang apat kami na lang ang hinihintay.Pagdating namin sa bar ay nakatingin agad si Raven sa mga babae.
"Hi~" tsaka niya inakbayan yung babae, landi neto.
"Sige bro! Bye!" tsaka siya umalis sa tabi ko. Walang kwentang kasama si Raven. Nasaan na ba si Charitie? Hindi pa din nakikita nung apat doon.
"Landi mo" sigaw ko sa kanya
Charitie's POV
Bakit ba kasi kailangan pa akong mauna dito? Bakit ba kailangan na kasama pa ako. Ano bang gagawin ko dito sa bar na to? Gagawin nila akong waiter ganun?! Pagpasok ko ng Bar nila agad naman na bumungad sa akin ang isang magandang babae.
"Good morning evening ma'am" ngumiti ito sa akin at ginantihan ko din siya ng isang ngiti.
Habang hinihintay sila ay umupo na lang ako at umorder. kahit ngayon lang makalimutan ko muna ang mga bagay bagay.
"Isa ngang bote yung malakas ang tama" matapang na sagot ko. Kala mo lakas ko uminom eh noh.
"Sure ba kayo maam" tanong ng bar tender sa akin, aba minamaliit niya ba ako?!
"Oo" sagot ko at binigay niya na sa akin yung isang bote , sinalin ko na sa isang baso at ininom ko.
"Isang baso ulit para sa walang hiyang deal na sumira sa buhay ko" medyo gumuhit yung ininom ko pero ang sarap. Charot di talaga masarap. Pakiramdam ko matatamaan talaga ako.
"Pangalawa para sa mga magulang ko na hindi pa nagpaparamdam." isang baso ulit ang ininom ko at parang umiikot na ata ang paningin ko.
"Pangatlo! Para sa lahat ng hirap at sakit na nararamdaman ko! Whoo!"
Inom lang ako ng inom hanggang sa maubos ko na yung isang bote. Grabe asaan na ba sila? Bakit hindi ko pa sila makita!
Sabagay ayaw ko naman talaga sila makita. Sana masagasaan na sila! Nakakainis silang lahat.
"Miss" nagulat ako ng may humawak sa braso ko at umupo sa tabi ko. Inaaninag ko ang itsura nito at tinitingnan kung kilala ko ba siya.
"Anong problema mo ha!" Hindi ko siya kilala tas may gana siyang hawakan ako? Sinipa ko ang upuan na kinauupuan niya pero naaninang ko na napangisi pa siya. Aba'y niloloko ba ako nito?!
"Miss,just Chill alam kong may problema ka kanina pa kita naririnig eh.I'm here to help you" sabay lagay ng kamay nito sa likod ko, agad ko naman itong tinabig at tiningnan siya ng masama.
"You? Wala kang magagawa para tulungan ako baka nga makadagdag ka pa sa problema ko eh. Pareparehas lang kayo!" inakbayan niya na ako pero ang higpit ng pagkakaakbay niya sa akin, kumakawala ako pero ang higpit talaga.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya habang pinipilit paring alisin ang kamay niya sa akin. Packing tape!
"Hindi mo ba siya narinig?" May biglang nagsalita sa likod namin at napalingon naman ako dito. Hindi ako magkakamali si Zian to!
Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ng lalaki at inalis ito sa pag kakaakbay sa akin at inalalayan ako para makaalis sa upuan ko.
"Ani bang problema mo?!" Sigaw ng lalaki kay Zian. Walang imik si Zian at tiningnan lang ang lalaki. Nagulat ang lahat ng biglang may sumuntok sa lalaking kaninang kausap lang ni Zian.
"stay there" sabi ng lalaking sumuntok. Pmilyar ang boses niya.
Kendell's POV
"G*go ka ah!" Sigaw niya sa akin habang pinupunasan ang bibig nito na may dugo. Sinuntok ko siya ng ilang beses at dumating din yung apat pati na ang mga ka grupo ng David na to. Sila ang pinakakalaban ng grupo namin , lahat ng alam nilang konektado sa amin ay pinupuntirya nila.
Lahat sila ay nagsusuntukan na at kami din ng David na to dinala niya pa yang mga walang kwenta niyang kagrupo, lahat ng tao ay nakapalibot na sa amin pero wala kaming pakialam.
Habang nakikipag away kay David ay napasadahan ng tingin ko si Zian na nakabantay kay Charitie. Hindi ko alam ang nangyayare pero nagalit pa lalo ako, hinawakan ko sa kwelyo tong lalaking kaharap ko at sinuntok sa mukha niya.
tumumba na lahat ng ka grupo niya siya na lang ang hindi. Matibay parin talaga ang loko. Sinipa ko siya kaya napahiga ito kaya nagkaroon ako ng chansa na pinatong ang paa ko sa dibdib niya para hindi na siya makatayo.
"Etong tandaan mo David, piliin mo ang kakakalabanin mo kung ayaw mong mapabilis ang tungkulin mo sa mundo" puno na ng dugo ang damit niya pero hindi ko parin siya tinitigilan.
"Kung ano ang akin ay akin.Pagnakita pa ulit kitang hinawakan siya kahit daliri mo lang ang dumampi sa kanya baka ikaw ang unang taong mapatay ko" tinanggal ko na ang paa ko sa kanya at lumapit kay Charitie na nakasandal na sa dibdib ni Zian dahil sa kalasingan nito.
"I can take care of her" sabi ni Zian na nakaalalay pa sa kanya habang nakahawak ito sa bewang.
"I can do better" Hindi ko na siya pinagsalita at binuhat ko na si Charitie. Habang palabas kami ng bar nila Ethan ay nagtitinginan parin ang tao sa amin.
"Ethan, paki confiscate lahat ng phones na nandyan sa bar niyo including your employees. Pabura mo lahat ng pictures at video kung meron man" sabi ko sa nalasunod sa amin na si Ethan, agad naman itong tumawag sa manager ng bar at sinabi ang inutos ko.
"Bro iuuwi ko muna toh ha" sabi ko sa kanila at ipinasok na siya sa loob ng kotse, amoy alak na siya at halatang lasing na lasing na. Masyadong revealing ang suot niyang red dress na hanggang taas lang ng tuhod niya kaya itinakip ko sa kanya ang jacket kong dala.
"Sige mauna na kayo" sagot ni Raven at pumasok na ulit sa loob ng bar.
Hindi ko pa na start yung kotse ng magsalita siya, napatigil ako sa pagtawag niya ng pangalan ko.
"Hoy ikaw kendell!" sabay turo niya sa akin pero nakapikit parin ito.
"Alam mo simula ng dumating ka nasira na ang buhay ko.Nakakapagod eh pero anong gagawin ko? May pinanghahawakan kayo eh." Nakangiti pa nitong sabi sa akin.
"Di bale ilang linggo na lang naman eh.Matatapos ko na din yung deal iniisip ko para to sa pamilya ko kaso yung pamilya ko walang paki sakin! Hehe" Hindi ko alam ang sasabihin kaya pinili ko na lang na manahimik. Kahit yung mga sinasabi niya ay malunglot pero yung reaksyon niya nakangiti pa. Lasing na talaga siya, bakit ba ang lakas ng tama sa kanya nung alak.
"Meron ka palang tattoo" sabay trace niya sa krus na tattoo ko sa leeg.paulit ulit niya itong ginawa. What the f--- is she doing?! Oh God please give me patience.
"Stop it" utos ko at sinunod naman agad niya.She's damn drunk. Hinawakan ko ang kamay niya at inilayo ito sa akin lalo akong napamura ng higpitan niya ang hawak sa kamay ko. "Damn it!"
Sandali lang ay lumuwag na ang pagkakahawak niya dito at tinanggal ko agad ang kamay ko.
inayos ko na din ang pagkakalagay ng jacket ko at inilagay ang seat belt sa kanya. Agkatapos nun ay nakatulog na din siya sa sobrang kalasingan.
Bakit ba nahihirapan ako sa situation na to.
Nagsimula na akong magdrive at Inisip ko yung sinabi niya sa akin.Gusto ko bang mahirapan siya? Hindi naman diba? Masama bang maging masaya pag inuutusan ko siya at pag naiinis siya. I know it's not reasonable but I want it this way and I know this is the only way.
Nang makarating na kami sa bahay ko ay binuhat ko na siya paakyat sa kwarto. Dito ko na muna siya papatulugin. Don't get me wrong pag ok na siya tsaka ko siya dadalhin sa bahay nila.
Pagpasok ko sa kwarto ay inilapag ko na siya sa kama pero nagulat ako ng hilahin at nito at naramdaman ko na dumikit yung labi ko sa labi niya, What the f--- it's soft and irresistible nagulat na lang ako ng mas lalo siyang nagrespose. I hate this feeling parang nakukuryente yung buong katawan ko. Ilang segundo din ang tinagal na magkadikit ang labi namin ng itulak niya ako at biglang sumuka, nalagyan pa ako sa damit shit!
"The hell" bulong ko.Bumalik agad siya sa pagkakatulog niya napatitig ulit ako sa labi niya na ngayon ay namumula parin, stop it kendell. Kinumutan ko na siya at kumuha ng damit para maligo at magbihis.
Hindi ko napansin na hindi ko pala nasara ang pinto kaya sinara ko na ito. Bumaba na ako at bumungad sa akin ang apat na mokong habang tuwang tuwa.
"Bro.mesherep?" tanong sa akin ni Raven. G*go nakita ata nila yung kanina, baka saktong pagpasok ko sa kwarto ay dumaan na sila.
"Ang alin?" patay malisyang sagot ko.
"Wag mo na kaming lokohin. Kitang kita ng mga mata namin eh.Naka isa ka dun ha!whooo!" dugtong ni Randell, napangiti na lang ako sa mga sinasabi ng mga to, wala talaga akong takas sa mga taong to.
"Ako din kiss mo papa Kendell! Mwah" sabay yakap at nguso pa ni Bryan Sa akin. Wtf! Nagtawanan kaming lahat sa kalokohan niya.
Pagkatapos ng kulitan namin ay natulog na silang lahat dahil pagod na din pero ako ay inuwi ko na din sa kanila si Charitie and until now I can't forget her lips.
Habang papasok ako ng pinto ay nakita ko si Zian na nasa sofa at umiinom. Hindi ko na ito pinansin at tuloy tuloy lang na naglakad.
"You can do better?" Napalingon ako sa sinabi ni Zian. Hindi ito nakatingin sa akin pero alam kong para sa akin yun . " Is that the 'better' you're talking about?" Ngumisi lang ito at tinuloy ang paginom.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top