WSMDS•Chapter 1
Chapter 1 : Beginning
"Infairness friend ha! Galing mo dun.May patukmol tukmol kapang nalalaman.Pang action star lang ang peg"
Siya nga pala yung Baliw kong Bestfriend.
Si Ayumi Cruz...
lagi ko siyang kasama sa mga pinaggagagawa ko at kabaliwan ko. Siya din yung laging nandyan sa pang aasar at pagtulak sakin kung kanikaninong lalaki.
Oo nga pala. ako yung bida dito diba? So dapat ako yung topic. Ako lang naman ang leading lady ng storyang to.
I'm Charitie Jayzelle Siera
Simple lang naman ang gusto ko, mapaglaban ko yung tama at alam kong tama. Halos lahat naman ata tayo yun ang gusto diba?
Yung mga magulang ko ay nasa ibang bansa kaya pinaubaya na muna kami sa kapatid ng mama kona si tita Bea Buenavista. Sobrang pagpapasalamat ko talaga kay tita kasi dahil sa kanya may natitirahan kami.
pauwi na nga pala kami netong bestfriend kong baliw. kakagaling lang namin sa karinderya dahil kakatapos ko lang matinding bakbakan sa school. Mga bwiset kasi walang magawa sa buhay.
"Friend! May gusto atang mangrape sa atin.Pero ok lang gwapo naman sila eh. Ano game ka? Hahahaha" tuwang tuwang sambit niya at pinapalo pa ako sa braso.Ang harot talaga netong babaitang toh.Pag gwapo magpaparape. Ang sarap sapakin eh.
"Gaga ka ba? Bakit naman may mangrarape sa atin dito?Yumi. yung totoo anong nasinghot mo?"
Pagbibiro na sabi ko sa kanya.Kadiri kase siya eh. Sa lahat ba naman kasi ng pwede niyang isipin eh.Yung rape pa.Lawak ng imagination ha.
"Ginaga mo pa ako ha.syempre nakatingin sa atin yung mga papabols dito. Kaya yun ang unang iisipin ko! diba diba?"
Sabihin niya assuming siya. Siya lang nalakaisip niyan hindi tayo. Nakatingin lang rape agad.
Tumingin naman agad ako sa mga lalaking nandito sa kantong bahay malapit sa amin.
parang may masama nga silang balak sa mga tingin nila.
"Yumi bilisan mo" pabulong na senyas ko sa kanya habang hinihila siya paalis doon.
Dumeretso na lang kami ni yumi sa paglalakad.
Hindi naman pwedeng iwasan namin sila.eh dito lang yung daan papunta sa mga bahay namin. Ano wala ng uwian?
"Miss!"
Napahinto naman kami nung may tumawag sa amin. Pakiramdam ko ay nakaglue na ang paa ko dito sa simento. Lord help!
Ang totoo niyan sa tagal ko ng nakatira dito.Hindi ko kilala yang mga lalaki na yan.Pero infairness lang ha sa lahat din ng lalaki dito sila yung mukhang mabango. Di katulad ng iba na mukhang gus gusin.
"Kami?!" sabay turo ni yumi sa sarili niya.Gaga talaga toh eh noh.kinausap pa talaga. Kinurot ko naman si Yumi sa para malaman niya na manahimik na siya.
"Sino sa inyo si Charitie?"
Hala Ako! Ako daw! Ano na naman ba? Ako na naman ba pag titripan nila? Dami daming babae sa mundo.
"Ahhh...siya..."
Sabay turo sa akin ng gaga.
Humanda ka sa akin mamaya Yumi! Sasabunutan kita hanggang sa makalbo ka.napapikit na lang ako sa sinabi nila. Mga lalaki nga naman.
"Oo ako yun bakit?!" Taas kilay kong tanong sa kanila. Napatingin sa akon si Yumi dahil sa pagsasalita ko. "Kung may kailangan kayo sabihin niyo na."
"Ahh Kendell eto ba yun!ito ba yung crush mo?!"
Sabi naman nung lalaki na kausap ni yumi.
Infairness ha.
Anong crush! Crush?! Hindi ko nga kilala yun eh. Halata naman na pinag titripan nila kami. Hindi ko na lang sila pinansin sa sinabi nila na yun ay hinila na si Yumi.
"Yumi.lika na nga."
Kasi naman,kung hindi niya pinansin yang tambay na yan edi sana nakauwi na kami ngayon diba?! Humanda talaga siya sa akin.
"Sige alis na kami ha! Pinapatay na kasi ako ng kaibigan ko sa isip niya eh"
Buti alam niya. Bad trip na nga ako eh pari ba naman paguwi ganun parin. Yun na nga naglakad na ulit kami para makauwi na,kasi mangongopya pa siya sa akin ng assignment at may ichichika pa daw siya.
Minsan nga ginagabi na siya dito kakachika niya eh.pero ok lang naman yun,kasi yung bahay nila ay nasa kabilang street lang at close na din naman sila ni tita.
'Ahh Kendell eto ba yun!eto ba yung crush mo?!'
Sa sobrang lakas ata ng pagkakasigaw nung lalaki eh nadidinig ko parin hanggang ngayon.
Nacucurious lang kasi talaga ako kung sino yung kendell na yun eh.Paano niya kaya ako nakilala? Ehh hindi naman ako sikat?!
Hay nako! Baka pinagtitripan lang ako ng mga yun.
"Hoy! Yumi"
bigla niya kasi akong iniwan sa labas at mas nauna pa talaga siya ha.Sobrang feel at home naman niya. kaya tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay.at ang bruha nakaupo na sa sofa at nakabukas na ang laptop.
"Hoy!bruha bakit mo ako iniwan sa labas ha?!"
"Exited na kasi ako sa ichichika ko sayo eh"
Sobrang importante naman niyan at uunahin niya pa, kesa sa pangongopya niya ng assignment.
"Bruha,wag ka nang magkunwari pa.kaibigan mo ako kaya alam ko kung anong tamatakbo sa isip mo.lalo na at may kakaibang nangyare kanina.Swerte mo nga eh.nagkagusto sayo si Kendell."
Kahit kailan talaga walang matatago dito sa babaitang to eh.May lahi ata siyang manghuhula eh.but wait.bakit naman ako swerte?
"Lika na dito at ipapakilala ko sayo ang deadly six"
Tapos hinarap niya sa akin yung laptop niya at promise ang daming naka open na tab ,mga anim siguro.
"Soo...let's start?"
Tanong naman ni yumi sa akin
Kaya tumangi na lang ako as an answer. tapos sinimulan na niya ang pagdadakdak niya.
"No.6 Ethan Fortalejo a.k.a Chick magnet"
Tapos pinakita niya sa akin yung Picture nung Ethan sa FB.
"Ang lalaking mahilig sa chicks,playboy.mayaman.may ari sila ng isang sikat na bar dito sa pilipinas.marami silang branches at sa pagkakaalam ko meron silang branch na malapit dito sa village natin,at doon siya naghahanap ng mga chicks niya.Maharot siya kaya ang dami niyang Chicks.Ewan ko ba kung bakit gustong gusto niya ang mga sisiw."
Tsk tsk bakit ba ang hilig nilang mangchicks? Ikakagwapo ba nila yun? Yung ibang babae naman sige lang ng sige.
May kasabihan nga na.
'Ang paglalandi parang pagkain. pag nasobrahan,nakakalaki ng tyan'
ANG HAROT!!! Hmp...
"No.5 Raven Alonzo a.k.a the handsome gangster.
Tapos pinakita niya din yung FB account.
"Ang lalaking pinakamamahal ko." kita mo tong bruhang toh mana sa Ethan na yun.HAROT DIN EH!!!
"Gwapo,mayaman din,gangster pero malinis siya at hindi mukhang gusgusin katulad ng iba.laging nakasmile kaya nakakainlove siya,malakas mangasar yan.kaya lumayo layo ka sa kanya dahil pikon ka.tsaka akin lang siya.maliwanag"
Gangster? Tsk tsk.bakit diyan pa siya nagkagusto? Iba talaga tong kaibigan ko.tsaka bakit ko naman aagawin sa kanya?
" No.4 Zian Creyson a.k.a the Cool guy"
"mayaman,gwapo.Wag mong kokontrahin ang mga sinasabi at ginagawa niya, dahil maninigas ka talaga sa kinatatayuan mo kapag nagalit siya. Walang masyadong nalakaalam ng background ng buhay niya dahil siya ang pinakatahimii sa buong grupo"
Hindi talaga ako didikit diyan sa lalaking yan.nakakatakot eh.
"No.3 Randell Santos a.k.a the hot Basketball player"
"
Mayaman din at gwapo. Siya ang laging pangbato pagdating sa basketball.kaya tinawag siyang hot basketball player kasi pagnaglalaro siya nakakainlove,pero sorry siya kasi kay Papa Raven na ako. Maraming kababaihan ang nagkakagulo kapag nasaloob na siya ng court"
Sus! kala mo naman gusto siya ni randell.Maka sorry.psh...
"No.2 Bryan Magbanua a.k.a Joker"
"Siya yung kausap natin kanina. Mayaman, gwapo at close siya kay papa ken mo or should I say they are bestfriend since na lumipat sila dito. Isang mokong na walang magawa sa buhay. Nakakakuha ng babae sa pamamagitan ng kanyang sense of humor. Ganern!"
Parang gusto kong maging kaibigan yang Joker na yan. Kasi parang ang light ng buhay pag tawa ka ng tawa diba?!
"Last but not the least...
No.1 Kendell Jin Fernandez a.k.a The Heartthrob"
"Ah ayan pala yung Kendell" Mahinang tanong ko kay Yumi.
"Yieee curious siya! Ikaw ha humaharot ka na"
Hala!Nagtatanong lang eh.humaharot agad?
"Oo siya si Ken.Mayaman.gwapo.
heartthrob siya dito sa village natin. lahat na ata meron siya. Siya din ang pinaka matanda sa grupo nila,mga 1 year older siya sa atin.Hindi na siya nagaaral kasi mas pinili niya ang patambay tambay na lang dyan.Yun ang pagkakaalam ko. Lagi ding sakit sa ulo ng mom at dad niya dahil kahit anong pilit dito ay hindi siya mag-aaral. Kaya super disappointed ang nga magulang niya sa kanya,lalo na ang daddy niya.hanggang ngayon ata eh pinipilit parin siya ng parents niya mag aral pero ayaw niya talaga.nagstop siya nung 3rd year siya.kaya mga 2 years na din siyang pa tambay tambay lang dito.Minsan nakikita ko siya na nagbibike kaya ang mga babae dito laglag panty pag dumadaan siya. "
Grabe pala yung storya ng buhay niya.nakakalungkot.Tsaka bakit mas pinili niya ang pagtambay kesa sa pagaaral niya? Tsk tsk sinisira niya yung dapat na maganda niyang kinabukasan.
"At yan ang tinatawag ng mga kababaihan na deadly six. Parang kadikit na sa kanila ang bansag na yan. Patay na patay kasi ang mga babae sa kanila kaya nag decide sila na gawan ito ng name. Pag napagtripan ka nila hindi ka nila titigilan hanggang di ka nahihirapan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top