Emoticons Evolution!!! Smiley and Peace Sign, I choose You!
September 24 2014
Naisip ko na magsulat ngayon sa Filipino. Since isa naman akong Pilipino, aba e ‘di magsulat na rin ako sa Filipino. Pero ‘di ako gaanong magaling managalog dahil isa akong Chavacano speaker. Ano ba ang Chavacano? Parang ganito: Buenos Diaz mi amiga y amigo! Parang yung kay Dora lang: Hola Boots! Vamonos! Jump in, let’s go! You can lead the wa-ay! Basta gets niyo na yun. Matatalino naman kayo, for sure. Kasi ang hindi maka gets ng mga sinusulat ko sa page na ito (at sa mga nakaraang entry ko) ay either slow ka o ‘di kaya magkaiba ang wave length at frequency ng ating utak. HEHEHE. Joke lang. Pasensiya na, medyo wala talaga akong sense of humor.
Kadalasan, sumusulat ako sa page na ito kapag wala akong maisip na isulat sa mga istorya ko, o ‘di kaya may napagtripan akong isulat, o kaya naman ay gusto ko lang gaguhin at lokohin ang sarili ko. Kanya-kanyang trip po ito kaya huwag na po tayong mag-object diyan.
Sadyang mahilig po akong magbasa. Kahit ano babasahin ko. Mapa komiks man ‘yan, magazines o newspaper. Pagdating naman sa libro kahit anong genre babasahin ko maliban na lang kung ito ay Sci-fi. (Nais kong i-pronounce niyo ang genre na ZHAN-RA, dahil maarte po akong magsalita. Ka-level ko sa kaartehan magsalita si Kris Aquino. Idol ko po siya at pangarap kong makaharap at makausap siya sa personal at makipagtagisan sa kanya ng kaartehan sa pananalita. HAHAHA.)
Gaya nga ng nabanggit ko, kahit anong Genre ang binabasa ko (except Sci-fi): mapa-adventure man ‘yan, mapa-fantasy, Erotica (Whew!) at kung anu-ano pa. Kaya dahil sa hilig kong magbasa, napadpad ako sa Mundo ng Mahika –este –Wattpad pala. At marami-rami na rin akong nabasang mga Tagalog at Taglish na istorya o nobela. At may isa akong bagay na napansin na sadyang nagpagulo, nagpaiyak, nagpatawa, nagpagulong-gulong sa akin sa sahig. Ang mga iba’t ibang emoticons. At ang laki ng pagkagulat ko! Kung marunong lang akong mag-type ng Emoticons e itytype ko na iyon dito para ma-emphasize ko ang nararamdaman kong pagkagulat. Bakit ako nagulat? Hindi ko alam na ang dami na palang Emoticons. Kung dati-rati’y ang Emoticons lang ay mga ganito: :) :( ;) Ngayon iba na! Nag-evolve na rin sila tulad ng mga Pokemon at Digimon!
At napaisip tuloy ako, ganito na ba ako katanda para makaligtaan ang mga nakaka-ibang mga emoticons na ito? Naiinis ako! Dahil behind na naman ako sa Human Evolution! Behind na nga ako sa Level ng Maturity dahil sa immature kong pag-uugali, behind pa ako sa Emoticons Evolution! Napaka-unfair ng buhay!
Meron akong Goodreads account, dahil mahal na mahal ko talaga ang pagbabasa. Sa Goodreads ko binabase kung maganda ba ang isang libro o kaya ay so-so lang ito. At ang laki ng pagkagulat ko! Dahil sa Goodreads ay naroon na rin ang mga Filipino na libro. Nakakaproud din dahil marami ng mga Pilipino na otors (Authors) ang nasa Goodreads. Napansin ko lang din (dahil sa marami talaga akong napapansin, halos lahat ng bagay napapansin ko) marami ang against sa paggamit ng Emoticons dahil sa isa raw itong kalapastangan sa pampanitikang literaturang Filipino. Marami ang nagagalit sa mga paulit-ulit na paggamit ng mga kakaibang Emoticons para mailathala o maipakita ng manunulat na si Ms/Mr Otor (author) ang damdamin ng kanyang karakter sa libro. Opinyon nila iyon kaya irespeto natin.
Ito naman ang opinyon ko: hayaan na natin sila sa paggamit ng Emoticons. Kanya-kanyang trip iyan. Kung trip kong magsulat ng mga walang kakwenta-kwentang bagay, trip naman din nila ang gumamit ng Emoticons. Kung nagrereklamo ka sa patuloy at paglaganap ng mga Emoticons sa kanilang mga na-akda, tara at mag-enroll tayo sa College of Education at mag major tayo sa Filipino o English at ituro natin sa mga estudyante ang tamang pagsusulat ng mga pangungusap. Kung ayaw mo naman e magsulat tayo ng open letter para sa DepEd at i-post ito sa Facebook at hilingin natin na i-address naman nila ang isyung ito. Ang point ko, kung mali e ituro natin kung nasa posisyon naman tayong magturo o ‘di kaya if alam natin ang tama. Gawin natin ito sa mahinahong paraan.
Ok lang naman makakita ng mga Emoticons. Trend nila ‘yun. Sana lang, if napublish na itong mga akda, sana man lang i-Edit naman ito ng mga Editors. Sila ang mga nakakaalam kaya dapat alam nila ang gagawin nila. Pero siguro na rin dahil sa gusto nila makabenta ng maraming libro… Baka rin kasi sa pagtagal ay maisipan ng karamihan na isang pormal ng pagsusulat ang paggamit ng Emoticons. Hindi naman ako isang batikang manunulat. Isa lamang akong loka-lokang nanggugulo sa Wattpad. Pero ang payo ko lang, medyo bawas-bawasan ang Emoticons. May mga kaibigan akong manunulat dito na gumagamit ng Emoticons at na kyu-kyutan (cute) ako sa mga Emoticons nila, at dahil maganda ang kanilang akda, hindi ko na napapansin ang Emoticons. Pero sa karamihan, nadidistrak (Distract) sila sa masyadong maraming Emoticons.
Tandaan: Nageevolve ang lahat ng bagay. Kung si Magikarp ay nagiging si Gyarados sa Evolution at kung ayon kay Charles Darwin e nanggaling ka sa pamilya ng mga unggoy at nag-evolve, ganoon din ang sa pagsusulat. Kung dati uso ang “Past tense” form sa pagsusulat sa English Novels, ngayon nagiging uso na rin ang “Present tense” form. At ang porma ng pagsusulat sa Filipino ay nag-eevolve din. Itama ang dapat itama pero huwag i-daan sa away at init ng ulo.
Ang point ko… ang point ko… hindi ko alam! Gusto ko lang magsulat tungkol sa mga Emoticons dahil hindi ako marunong magtype ng mga Emoticons! HAHAHA. O ayan, wala kayong napala noh? Kasi binasa niyo ito. Kagustuhan niyong basahin ito. Panindigan niyo na! LOL.
PS. It was a good thing there was a box of tissue beside me. I am having a terrible epistaxis (nosebleed) due to too much Tagalog words. Just kidding. Pinkangel2127, Over and Out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top