TAO
Nakilala ko ang mga salita sa pagitan ng malikot kong mga isipan,
Isipang kahit baluktotin ay hindi malalaman ninuman,
Sa paglipas pala ng panahon,
Hindi na nila alam ang dapat malaman.
Ang mga bagay na isinasabuhay
Ay inilalagay sa araw-araw nating buhay.
Dapat nating alamin,
Ang depenisyon kung ano o ang atin.
Ang karapatan ay may lakas,
Ngunit hindi natin alam kung paano tumakas,
Paano natin makilala ang sarili?
Kung tayo lamang ay nakakubli.
Maging malaya,
Sa salitang ating pinapalaya,
Alamin natin ang depenisyon,
Sa tunay nating emosyon.
Tayo ay tao, hindi tao lamang,
Kaya nating magbago kung walang humadlang,
Kaya magsalita kayo hangga't gugustuhin,
Ngunit alamin kung ano ang dapat na adhikain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top