PATALIM
Ingat, sa mga taong mapagkunwari,
Saksakin sa likod, aking pakiwari,
Alami't kilatisin ang kaniyang binhi,
Sapagkat maaring itim ang budhi.
Tiwala ay huwag ibigay nang husto,
Sapagkat ang puso'y magiging siphayo,
Ibabagsak ka, ito ang kaniyang gusto,
Paalalang kaibigan ko lamang sa 'yo.
Ngunit kung gumagawa man siya ng kilos,
Ang lahat nang ito ay ipagpasa-Diyos,
Siraan ka man n'ya sa likod nang lubos,
Kabutihan lang ang tanging ipang-lamyos.
Huwag maghiganti sa kaniyang ginawa,
Sapagkat ang Diyos ay hindi matutuwa,
Patawarin siya ulit at walang sawa,
Sa kalooban mo, ito ay ginhawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top