KAI-BIGAN


Sa tuwing nakikita kita,

Ako'y sumasaya,

Hindi ko alam kung ano ang aking nadarama,

Kakaibang kakaiba.


Isang araw napagtanto ko,

Sa dinami-raming nagustuhan ko,

Ikaw ang kabukod tangi sa puso ko, 

At hindi ko alam kung anong dahilan nito.


Masaya ako dahil may napagtanto ako,

Ngunit nagkamali pala ako, 

Para kasing kahibangan ito, 

Nagkagusto ako sa kaibigan ko.


Aking kaibigan, 

Patawarin mo ako kung hindi ko mapigilan,

Kung ako ay magkagusto sa 'yo ng biglaan,

Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok o ang dahilan.


Alam ko sa aking sarili,

Na hindi mo ako mapipili,

Ngunit ako ay susuporta,

Kahit palihim na nasasaktan sinta.


Tama na lamang na ito ay hindi ko sabihin,

Kailangan ko na lang itong lihimin,

Sa aking puso ay kikimkimin,

Kahit masakit sa akin.


Kaya ito ay pakatandaan, 

Huwag mo sana itong balewalain, aking kaibigan,

Tandaan mo ito sa iyong isipan,

Mahal kita kahit hindi mo ako pinili sa kahuli-hulihan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top