BILANG LIBRO

Libro ay parang buhay,

Mayroong bahaghari, mayroong tamlay,

Ngunit iisa lamang ang adhikain,

Ito'y maihayag ang sariling atin.


Kay raming salitang sa ati'y huhubog,

Minsan ika'y tila pa mabubulabog,

Datapuwat kay raming matututunan,

Kaya huwag magmadili't pangunahan.


Nakakalito man itong pagkatao,

Gaya ng librong naging minsa'y sarado,

Subalit sadyang ganyan ang naging kulay,

Nitong salitang nakita mo't sumilay.


Huwag kang palinlang sa mga eksena,

Baka mamaya'y mahuli sa salita,

Ngunit hindi ka talaga mawawala,

Kung sa sarili mo ika'y maniwala.


Itong buhay na hindi naging perpekto,

Gaya ng wikang nakakubling sikreto,

Kung titingnan mong maigi ang perspektibo,

Makikita itong mga positibo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top