Chapter 1
KYLER
"Ayan! Nagmamagaling kasi. Tama lang sa kanya yan."
"Akala niya kasi siya na ang pinakamagaling sa lahat. Look where his excellence brought him."
"Deserve! Pabida kasi. Hayok sa promotion. Hindi na nagbibigay ng oppurtunity sa iba kasi gusto ng angkinin lahat."
What is life really about? Is it about dragging others down? Being consumed by insecurities over someone else's achievements? Isn't life more meaningful when we learn to applaud the success of others and patiently wait for our turn?
Bakit ang sasama ng mga tao? Bakit ang dadamot nila? Bakit ayaw nilang maging masaya para sa iba? Bakit...
Isang malalim na buntong-hininga nalang ang pinakawalan ko habang nakapamulsa at nakatanaw sa malawak na kalangitan. The world is so wide for them to focus on something else. Pero mas gusto pa nilang magfocus sa buhay ng ibang tao. How pathetic!
My gaze dropped to the grass beneath me, and something caught my attention. I crouched down, picking up a dried flower that had fallen to the ground. How beautiful.
Kaagad kong itinaas iyon sa ere. Tinamaan ito ng sinag ng araw na mas lalong nagpapatingkad sa kayumanggi nitong kulay lalo na sa asul na kalangitan. I stared at it for a long time, admiring its quiet beauty
Life, they say, is like a flower.
In its prime, it blooms beautifully, drawing the eyes of the world with its brilliance. But eventually, the petals fall, one by one, leaving behind only the fragile memory of what once was.
Malalim akong napabuntong-hininga habang pinagmamasdan ang tuyong bulaklak. Napatingin ako sa dako kung saan ko ito napulot. Puno iyon ng mga nagsisigandahang bulaklak.
Ang hawak ko ngayon ay kagaya rin ng mga nakikita kong bulaklak. Dati rin itong isang bumubukadkad na bulaklak na may nagkikislapang kulay sa ilalim ng araw at kinagigiliwan ng mga paru-paro. But blooms never last. It will soon wither and die.
My life now is like this. It was once blooming vibrantly, so perfect that I could never ask for more. But suddenly, it began to dry up. Now it has withered and lost its color.
Well, maybe that is life. Nothing lasts.
I closed my eyes and let the breeze of the sea wash over me. Nasa isang bangin kasi ako. Huminto muna ako saglit dito nang matanaw ko ang lugar na ito. Hindi rin naman kalayuan mula sa highway na dinaanan ko kaya sumaglit muna ako.
Never in my life have I felt this kind of comfort and calmness. Siguro ganito ang pakiramdam when you take a break and allow yourself to breathe for a moment. Hindi ko kasi ito nagagawa noon dahil subsob ako sa trabaho.
After a few deep breaths, napagpasyahan kong bumalik agad sa kotse ko. Medyo malayo-layo pa ang destinasyon ko ngayon kaya kailangan kong magmadali para hindi abutan ng gabi.
Habang nagda-drive, isinabay ko na rin ang pagkain ng mga tinake-out ko sa drive-thru kanina. While enjoying my food, I took a quick look at my Waze map to check my current location.
It says that I am currently in Sta. Monica. Ilang kilometro na lang, mararating ko na ang Valle Florencia kung saan nakatira ang lolo ko.
I decided to stay there for a couple of weeks, or maybe a month. Gusto ko lang ng lugar na makakapag-relax ang utak ko. And that will be the perfect place, since almost everyone here depends on flower plantations for their livelihood, making the town full of blooms.
Hindi na rin ako nagsabi kay Lolo na darating ako. I want to surprise him. Matagal na rin niya akong gustong pagbakasyunin noon sa kanila, pero hindi ko magawa dahil sa trabaho ko. Gladly, I could spare my time now visiting him and staying there for long.
Napalingon ako sa cellphone ko nang mag-ring ito. Kaagad ko itong pinulot at sinagot ang tawag habang nasa kalsada pa rin ang tingin ko.
"Where are you now? Wala ka sa apartment mo?" tanong sa akin ni Jules pagkatapos kong sagutin ang tawag.
Napahilot ako ng noo ko. "Papunta ako sa hometown ng lolo ko. Doon muna ako mag-stay ng ilang linggo. Why?" tanong ko pabalik sa kanya.
I slightly slowed my car’s speed nang mapadaan ako sa isang tulay at makita ang signage ng minimum speed limit. Narinig kong napabuntong-hininga siya mula sa kabilang linya.
"I contacted the lawyer I mentioned who can help you. He said he’ll do anything to reinstate your license," sabi niya.
"Hindi mo pa rin ba sinusukuan, Jules? Kasi ako, I’ve lost hope na. Tanggap ko na," sagot ko.
"I tried filing an appeal so many times, Jules, but they just kept rejecting it. I’m tired of this shit," bulong ko.
"He can help you this time, Kyle. Magtiwala ka lang," he assures me.
"I came here to find peace of mind. Ayoko muna yang alalahanin. Ayoko munang mag-isip. These past few months have been so draining for me. Let me rest, please."
Masaya ako na sa kabila ng mga pinagdadaanan ko, mayroon pa rin akong kaibigang naniniwala at sumusuporta sa akin. Having Jules as my friend is such a blessing. Hindi niya dapat pinoproblema ang mga bagay na personal sa akin. But he’s here, willing to help.
But for now, I just want to rest. I want to take a break from everything. This past year has been so draining for me. For now, I’ll prioritize my peace of mind. Ayokong dumating sa puntong pati buhay ko ay susukuan ko na.
"Sige, sige. It’s your decision. Ingat ka sa biyahe, Kyle. And when you’re ready, please fight for yourself, okay? Naniniwala akong hindi mo iyon kasalanan."
Kaagad kong in-off ang tawag saka mahigpit na napahawak sa manibela ng kotse ko. Huminto muna ako saglit sa gilid ng kalsada para pakalmahin ang sarili ko. I made a few deep breaths saka idinukdok ang noo ko nang mahina sa manibela.
Fuck this life.
Ilang minuto muna akong nanatiling ganun bago ko pinagpatuloy ang biyahe ko. Hindi rin nagtagal ay narating ko na ang Valle Florencia at kaagad na bumungadsa akin ang welcome arc nito. Kahoy ang disensyo nun na napapalibutan ng sari't saring bulaklak. Simbolo ng kabuhayan ng mga tao dito, ang pagtatanim ng bulaklak.
Napapikit ako habang sinasamyo ang pamilyar na mga amoy ng iba't ibang klase ng mga bulaklak. I am welcomed my a huge plantation of flowers, left and right. Namumukadkad lahat ng mga bulaklak ngayon at ti gkad na tingkad ang kulay sa ilalim ng mainit na araw. They were dancing in the rhythm of the wind.
Hininto ko saglit ang kotse ko saka nakapamulsa akong lumabas. Kaagad akong sumandal sa gilid at pinagmasdan ang mga iyun. Ang sarap at gaan sa pakiramdam tignan habang dinadama ang mahihinang hampas ng hangin at ang simoy nitong may halong bango ng bulaklak.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang makita ang mga ito. Good thing at dito ko naisipang pumunta. It's therapheutic to see this kind of scenery. Valle Florencia never fails to amaze me.
Kaagad rin akong pumasok sa kotse ko at nagpatuloy. Namamangha pa rin ako habang tinitignan kung paano umunlad ang lugar na ito. I could see some well arranged stablishments na ngayon ay nagiging coffee shops, library and flower shops na. Everything here is well arranged kahit pa mga stall lang sa gilid gilid na nagtitinda ng bulaklak.
Maayos at napakalinis ng lugar. Ibang iba sa siyudad na pinanggalingan ko. The flowers help keep the air in here fresh and clean. Ang sarap huminga!
Huminto muna ako sa isang gas station para magpagasolina at sumaglit na rin muna ako sa mercado para mamili ng ibibigay ko mamaya kay lolo.
Ilang mga prutas at pagkain rin ang nabili ko. Bitbit ang mga cellophane ay napadaan ako sa isang souveneir shop. Napatigil ako nang maagaw ang atensyon ko sa isang key chain.
Nilapag ko muna sa semento ang mga pinamili ko at sinimulang tignan ang keychain na iyun. Kinuha ko ito mulasa pagkakasabit saka pinagmasdan.
Isang pinatuyong blue iris na binalot ng acrylic glue. At may maliit na qoutes itong nakalagay. Hope for free.
I smiled while looking at it kaya kaagad ko itong binili. Pupulutin ko na sana ang mga pinamili ko para umalis ng may biglang bumangga sa balikat ko.
Napaigik pa ako sa gulat at napalingon sa nakabangga sa aking lalaki na tuloy tuloy lang sa paglalakad. Napansin kong may kung anong nahulog mula sa kanya. Nang pulutin ko ay isabmng singsing iyun. I tried to call him pero hindi ko na siya mahagilap.
Ilang minuto rin akong napatitig sa hawak kong singsing. This is so familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita. But I know I saw somewhere else.
Dahil na rin nagmamadali ako ay ibinulsa ko nalang ang singsing. Dadalaw nalang ako sa community page ng Valle Flores sa facebook kung may magpopost man.
Kaagad kong nilagay sa compartment ang mga pinamili ko saka minaneho kaagad ang kotse ko. Ilang minuto lang din ay bumungad sa akin ang pamilyar na daan papasok sa tinitirhan ni lolo.
Nandun pa rin ang mga puno ng balayong sa gilid ng mga kalsada. Ito yung version ng cherry blossom sa Pilipinas. This road is one of my favorite spots here in Valle Flores, lalo na kapag namumulaklak na ang mga punong to. It's si fascinating to watch.
Mabilis ko agad na tinahak ang daan papasok. I looked around. The place never change. Ganun pa rin ito gaya ng huli kong kita sa mga ito. The flower shops, coffee shops na tila garden na. Mga kabahayan na puno ng mga bulaklak.
Napangiti ako nang makarating na ako. Kaagad kong pinark ang kotse ko sa harapan ng maliit na hagdanan paakyat sa gate ng bahay ni Lolo. Sumilip muna ako sa bintana para tignan kung may tao.
Mabilis kong sinuot ang coat ko saka binulsa ang susi at lumabas na ng kotse. Napatakip pa ako ng mukha dahil saktong tumama sa mukha ko ang sinag ng araw.
Nang lingunin ko ang bahay ni lolo ay bumungad sa akin ang pamilyar na itsura nito. Matagal na rin akong hinsi nakakabalik dito pero parang wala pa ring pinagbago.
Ang bato na hagdan nito kung saan ako nadapa noon habang naghahabulan kami ng pinsan ko. Napatingin ako sa postlight sa gilid ng hagdan na ngayon ay kinakalawang na. Dito ako noon tumatambay para maghanap ng falling star sa langit.
Ang gate, ang mga bulaklak ni lola. Nothings change. Dahan dahan akong umakyat sa hagdan at tinulak ang maliit na puting pinto ng gate. It made a soft creacking sound dahil na siguro sa kalawang.
I stare the familiar house made by bricks while walking across the stone path toward the front door. Nang pihitin ko ang door knob ay kaagad itong nagbukas.
"Lo?" tawag ko habang nakasilip ang ulo sa loob.
Nilibot ko ang tingin ko. The entire house is quiet. Kaagad akong pumasok sa loob and the familiar cozy feeling embrace. Hindi pa rin nagbabago kahit ang loob ng bahay.
Nariyan pa rin ang bookshelves ni lola, ang mga display ng ginseng ni lolo. Ang mga paintings at ulo ng usa na nakasabit sa dingding.
Malinis ang carpet sa gitna ng sala. Dahan dahan akong naglakad sa sala. Naroon pa rin ang lutuan ni lola ng mga kakainin. The traditional one na ginagatungan ng kahoy sa ilalim.
Nagpatuloy pa ako sa paglakad hanggang back door dahil baka nasa garden lang si lolo. Ngunit nang silipin ko ang likod ng bahay ay wala ring tao.
"Baka nasa plantation?" kamot ulo kung sabi at tatalikod na sana nang biglang may humablot sa akin
"What the fuck!" gulat kong sambit nang isandal ako nito sa pader.
Gulat na gulat pa rin ako nang bumungad sa akin ang seryosong mukha ng isang lalaki. Nakakunot ang makakapal na kilay nito at halata ang kaseryosohan sa maiitim nitong mata. Nakatitig lang ito sa akin.
"Anong balak mong gawin?" tanong nito sa akin.
Dahil sa sobra niyang nilapit ang mukha niya sa akin ay tumama rin sa mukha ko ang mainit at mabango niyang hininga. Seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Let me go!" inis kong sabi dahil dumidiin na ang katawan niya sa akin. Sinubukan kong kumawala pero mas lalo niya lang akong dinidiin
Nabigla nalang ako nang pinatalikod niya ako at mas lalo akong nagulat ng posasan niya ang dalawa kong kamay.
"The fuck! Baliw ka ba? Ano bang ginagawa mo? Hindi mo pwedeng gawin sa akin to!" inis kong sabi at nagsimula nang pumiglas pero mas lalo lang diniildiin ng lalaki ang katawan niya sa likuran ko para hindi ako makagalaw.
Bwesit! Sino ba to? Sino ba to para hulihin ako? Pulis? Eh normal lang naman ang suot niya.
"Huwag ka nang maraming satsat. Dahil lang nakalusot ka nung nakaraan mong pagnakaw dito, bumalik ka pa talaga? Mabuti nalang at nagmamanman ako dito," rinig kong sabi niya habang kinakaladkad ako palabas sa bahay ni lolo.
"Anong--- Hindi ako magnanakaw. Apo ako ni Lolo Roberto." paliwanag ko pero nakita ko lang itong naiiling.
"Boy! Lahat ata ng nagtangkang magnakaw dito, iyan rin ang palusot. Dun kana sa presento magpaliwanag!" saad niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako nang ko nang pagtutok sa likuran. Did he just pointed a gun on me? Paano nalang kung makalabit niya iyan.
Sinubukan kong kumalma at hindi magpumiglas. Dahil baka isang maling galaw ko lang at doughnut ang aabutin ng likuran ko.
"Okay! Okay! Fine! Wag mo lang akong tutukan ng baril please. Baka makalabit mo pa," pagpapakalma ko sa boses ko habang malalalim pa rin ang paghinga.
"Baril? Wala akong dalang baril," bakas naman ang pagtataka sa boses nito.
"Eh ano yang nakatutok--- Putangina!" gulat kong sigaw nang marealize ko na ang bagay na iyun.
"Is that you fuckin' dick-----"
Hindi ko na naituloy ang sinabi ko nang hilahin na niya ako palabas ng bahay. Binuksan niya ang gate ganit ang paa saka mahina akong kinaladkad pababa.
"Fuck! Dahan dahan naman!" reklamo ko saka masama siyang tinapunan ng tingin habang pababa kami at napadaan sa nakaparada kong sasakyan.
"See that car? Akin yan! May magnanakaw bang nakakotse ng ganyan kaganda?" nguso ko sa kotse kong nakaparada ngunit may sinenyasan lang ito lalaki na kakalabas lang sa patrol car na nakaparada sa may unahan.
"Paki-tow tong kotse na to sa impound. Baka nakaw din," utos nito sa kasamahan na ikinalaki ng mata ko.
"Yes Chef. Tatawagan ko muna ang impound. Inaayos pa kasi yung makina ng tow kaya baka hapon pa siguro ito makukuha," sagot naman nito.
"H-Hoy. Anong p-pinagsasabi niyo. That's mine. I can show you my license saka insurance ng kotse na yan!" protesta ko at nagpumiglas ulit ngunit pinigilan lang ako ng matitipunong braso ng pulis sa likuran ko.
Nagpakasubsob ako sa kakatrabaho para bayaran ng full cash ang kotse ko na yan tapos pagbibintangan lang nila na nakaw.
"I'll sue you for this. Hindi kayo dapat nang aaresto ng walang ebidensya. This is against the law!" sigaw ko habang dinadala ako ng police patungo sa patrol car.
"Boi! Sapat na ebidensya na yung nakita ka namin sa loob ng bahay na hindi mo pagmamay-ari. Grounds na yun for trespassing plus... pag napatunayan pa naming ikaw yung nangloob nung nakaraang araw.
"Sabing hindi nga ako magnanakaw. Mababa ba IQ mo? Anong mahirap intindihin sa sinabi ko!" reklamo ko. Nagpumilit pa akong huwag pumasok sa loob ng patrol car nila.
Dahil sa pagpupumilit nung pulis na papasukin ako sa loob ay tuluyang nasubsob ng kalahati ng katawan ko sa loob. May kung anong nalaglag sa bulsa ko na kumalansing sa semento.
Napalingon ako sa pulis na pinulot ang kung anong bagay na iyun. Yun yung singsing ni lolo na napulot ko kanina.
"Chef! Yan yung singsing na ninakaw kay Lolo Roberto nung nakaraan ah," gulat na sabi nung kasamahan nitong pulis.
Seryoso lang na nakatingin ang pulis dito saka nilipat ang tingin sa akin.
"N-Napulot ko l-lang yan dun sa may m-merkado. Wala akong ninakaw," paliwanag ko pa.
"Sa presento kana magpaliwanag!" giit nito saka sinirado na ang pinto ng patrol car nila.
Kaagad namang nagtungo sa driver's seat yung kasama niyang lalaki habang nasa labas lang ng bintana yung gagong pulis na pinagbintangan ako.
"Mauna na kayo sa presento. Susunod ako," saad nito sa kasama saka tinapik ang sasakyan para palargahin na.
What the fuck is going on!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top