Chapter 9: The Beast
Malaki ang school campus namin noong high school at may lugar talaga akong pangarap na mabalikan. At napuntahan ko na naman, sa wakas.
Maganda talaga rito. Parang isang portal papuntang langit.
Kung gusto ng katahimikan, dito ang best na puntahang parte ng school: ang Dean's Fountain.
May apat na building ang school namin. Einstein ang sa high school. Newton sa elementary na kaharap ng building namin. Dean's ang likuran ng stage at parehong nasa dulo ng mga building namin. At katabi ng Dean's ang building kung nasaan ang canteen at library sa second floor n'on.
Nasa pagitan ng Newton at Dean's ang location ng fountain. Kasama ng chapel. Isang wooden gate ang entrance at sa loob ay may wishing fountain na limang metro ang lapad at kalahating metro ang taas sa lupa. Seven feet naman ang lalim below the ground. Nakalagay naman sa paalala sa gilid ng fountain ang mga detalye. May bakod pang gawa sa semento na kasintaas lang ng hita ko. May mga engot na nalaglag sa fountain noon at lahat ay mga nabalian at napahiya dahil sa katangahan. Kaya nga bawal na ang mga bata sa lugar at isinara na rin sa iba pang estudyante ang lugar para iwas-aksidente.
May swing at bench na nakatapat sa fountain doon sa dulo na malapit sa bakod. Wooden bench sa katapat ng entrance, swing naman sa kanan na malapit sa chapel. Masarap tumambay roon kasi madalas na tumugtog ng piano si Ma'am Alice sa room na katabi lang ng fountain. Ang ganda ng lugar kasi malilim dahil sa mga puno ng mangga at langka, at kaunting sun rays lang ang tumatama sa lupa. Ang ganda pa ng flooring, puro mga pebble at hindi lang basta maputik na lupa. Ginastusan talaga nina Ma'am Bergado—ang may-ari ng school.
Siyempre, ang lahat ng magaganda at tahimik na lugar ay binabantayan ng isang mabagsik at malupit na guard.
Oh, si Angelo pala ang tinutukoy ko.
Pumasok na 'ko sa gate. Ang entrance papunta sa napaka-breathtaking wishing fountain ng school. Ang gate na pawang mga matatapang lang ang nakakapasok.
Twice pa lang akong nakapasok dito simula noong nagawa 'to. Absent kasi noong mga panahong 'yon si Angelo.
And speaking of Angelo, naabutan ko siyang kumakaing mag-isa sa may bench.
Naglakad ako na parang walang pakialam sa mundo at umupo sa bakod ng fountain sa harapan mismo ni Angelo. Napahinto siya sa pagsubo at gulat na tumingin sa 'kin. Tiningnan ko lang din siya habang nag-de-kuwatro ako at nakapatong ang dalawang kamay sa bakod.
"Ano'ng ginagawa mo rito, ha?" galit niyang tanong sa 'kin.
"Magpapahangin lang," sagot ko naman habang nakangiti.
Padabog niyang ibinalik sa baunan ang kinakain niya at tinakpan 'yon.
"Alis!" Tumayo na siya at lumapit sa 'kin.
"Masama bang tumambay rito, ha?" naiinis kong tanong kasi feeling naman niya, pagmamay-ari niya 'tong fountain.
"Para sa 'yo, oo!" Kinuha niya ang kuwelyo ng blouse ko at hinila ako patayo.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Itinulak ko agad siya nang malakas pagtayo ko kasi . . . grabe naman! Kinuwelyuhan pa talaga 'ko? "Sabi nang—"
At kamalas-malasan pa! Napaatras ako at napatid sa bakod na inupuan ko.
"Angelooo!" Pabagsak ako sa direksyon ng fountain kaya kinuha ko agad ang uniform ni Angelo para may makapitan.
"Hoy!" Nagulat din siya sa ginawa ko kaya nadamay na siya sa pag-atras ko. Napahinto siya nang maihawak ang kaliwang kamay niya sa bakod habang ang kanang braso niya naman ang nakapalibot sa likod ko.
Nakakainis! Ang alanganin pa ng posisyon naming dalawa!
Nakaipit ang isa kong paa sa bakod habang nakaangat sa lupa ang isa. Kaya kapag binitiwan ako ni Angelo, sure ang pagkahulog ko sa fountain.
Ang kaso, ang awkward ng posisyon niya, nakakainis! Nakatapat pa talaga ang mukha niya sa dibdib ko.
Nararamdaman kong pinipilit niyang hilahin ako pabalik. Nanginginig na ang braso niyang nakaalalay sa likod ko.
"Buwisit, ang bigat mo!" sigaw niya.
"Gelo, bumitiw ka na!"
"Ano 'ko, tanga? Bibitiwan kita? Kumapit ka lang!"
Napahugot ako ng hininga. Parang may kung ano sa loob ko ang biglang nabuhay dahil sa sinabi niya.
"Humawak ka lang sa damit ko!"
Gusto kong sabihin sa kanyang kapag nahulog ako rito, magigising na rin ako sa mahabang panaginip na 'to. Na useless din ang pagligtas niya sa 'kin dahil balewala rin kung ilusyon lang ang lahat.
Pero pinanghawakan ko pa rin ang sinabi niya. Gaya ng paghawak ko nang mahigpit sa uniform niyang sana hindi ko mapunit dahil wala akong ipampapalit kung sakaling masira ko man.
Pumikit na lang ako. Matatapos na rin 'to. Magandang alaala na rin na kahit sa ganitong pagkakataon, nakabalik ako.
Pakiramdam ko, lumilipad ako. Siguro, magigising na 'ko sa napakahabang panaginip na 'to. Panaginip na nagbigay sa 'kin ng pagkakataong baguhin ang kahit kaunti sa mga bagay na sobrang pinagsisihan ko noon.
"Agh—aray!"
Para akong bumagsak. Nararamdaman ko ang pakiramdam kapag binabangungot. Nahihirapan akong huminga at pinipilit kong magising pero hindi ako magising-gising.
Nakaramdam ako ng mabilis na tibok ng puso.
Akin ba 'yon? Bakit parang hinihingal ako?
Teka. Hindi ako ang hinihingal. Ang init. Pero hindi init ng araw. Pinatay ko ba ang electric fan?
Idinilat ko na ang mga mata ko.
Puti.
Puti lang ang nakikita ko.
Puting . . . uniform?
Tumingala ako.
No way!
"A-Angelo?" Nautal ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakuha ako ni Angelo! At . . . hindi natapos ang panaginip na 'to!
Totoo ba 'to?
Ang kaso, ang awkward ng posisyon namin kasi nakapatong ako sa kanya kaya gumulong agad ako paalis at lumuhod sa tabi niya.
"G-Gelo . . .?"
Nakahiga pa rin siya. Nakatakip ang kaliwang kamay sa mga mata niya. Kita kong galit siya kasi sa porma pa lang ng labi niya, obvious na nagpipigil siya ng sarili at halos paduguin na niya kakakagat.
"S-Sorry. Hindi ko alam na ano . . . kasi ano e—"
Bumangon siya at tiningnan ako nang masama.
"Fine, aalis na 'ko," sabi ko. Tumayo na 'ko at pinagpag ang palda ko.
"Sa tingin mo, makakaalis ka rito nang gano'n-gano'n na lang pagkatapos mo 'kong pahirapan?" banta niya. Naririnig ko sa tono niyang may balak na naman siyang masama.
Kainis! Kailangan ko nang tumakbo!
"Aalis na nga ako, di ba?" sigaw ko. Bumuwelo na 'ko para makatakbo pero nakuha niya agad ang likurang kuwelyo ng uniform ko.
Anak ng—bad trip talaga!
"Gano'n na lang 'yon?" sabi niya habang hindi pa rin binibitiwan ang uniform ko.
Lumakad siya nang dahan-dahan papunta sa harapan ko. Ano ba naman? Ang tangkad talaga ni Angelo. Ano'ng laban ko rito kung hanggang leeg lang ako nito? Bad trip talaga!
"Tatakbo ka na lang pagkatapos mo 'kong istorbohin dito, ha?"
Yumuko na lang ako at inisip ang susunod niyang gagawin.
Ano nga ba'ng mga ginawa niya sa 'kin noong high school kami?
Hinahampas ng kahit ano? Binabato ng kahit anong madampot niya? Pinapalo ng notebook o kaya libro gaya kanina? Pinagmumukhang tanga sa lahat na gagatungan pa ng pinsan niyang si Carisa at nina Chim? Binubuhusan ng tubig sa restroom? Nilalagyan ng ipis ang likod? Pinapatid sa hagdan? Binabato ng chalk, eraser, ballpen, o kahit tangkay ng mangga? Sa sobrang dami, hindi ko na maisip pa kung alin ang susunod niyang gagawin.
"Sige na. Saktan mo na 'ko. Hindi ako magsusumbong." Tumingin ako sa direksyon ng gate. "Siguro, kahit na paulit-ulit akong bumalik sa nakaraan, yung pagiging bully mo ang hinding-hindi ko mababago." Huminga ako nang malalim at matamlay pang nagsalita. "Alam mo, iniisip ko dati, baka puwede ka pang maging mabait e. Baka lang sakaling maging kaibigan ka ng kahit sino. Yung hindi ka na maging bully or whatever na masama. Kasi alam ko, kung sakaling magbago ka, magugustuhan ka rin niya."
Tiningnan ko ang uniform ni Angelo. Ang uniform niyang naging daan para maligtas ako kanina sa isang masakit—literal na masakit—na pangyayari.
Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa utak ko at hinawakan ko ang uniform niyang nagusot dahil sa nangyari.
"Ano ko, tanga? Bibitiwan kita?"
Ngayon ko lang 'yon narinig . . . sa buong buhay ko. Buong buhay ko, walang may gustong humawak sa 'kin.
"Paano mo nga pala bibitiwan ang isang taong kahit kailan, hindi mo hinawakan?" sabi ko sa sarili ko.
Alam kong kasalanan niya kung bakit ako napunta sa ganoong sitwasyon pero masaya ang nararamdaman ko ngayon.
Ngayon ko lang naranasang iligtas—iligtas sa isang masakit na pangyayari—dahil buong buhay ko, walang kahit sinong nagligtas sa 'kin sa lahat ng sakit na naramdaman ko.
"Gusto ko lang ng katahimikan, kahit sandali lang, kaya ako nagpunta rito," sabi ko habang nakayuko. "Gusto kong mapag-isa. Lumayo sa kanila. Alam kong alam mo ang pakiramdam na 'yon. Yung ayaw sa 'yo ng lahat kaya mas gusto mo na lang mapag-isa kasi walang tutulong sa 'yo kundi sarili mo lang. Walang tumatanggap sa 'yo sa kung sino ka kaya gusto mo na lang na mag-isa." Huminga ako nang malalim Gusto kong magpahinga. Napapagod na 'ko. Pagod na pagod na 'kong mag-isip.
Binitiwan na niya ang kuwelyo ko.
"Subukan mo lang mag-ingay, palalayasin kita agad dito," paalala niya. Bumalik na rin siya sa may bench pagkatapos.
Para akong napako sa kinatatayuan ko nang marinig ko 'yon.
Tama ba ang pagkakarinig ko? Ibig bang sabihin n'on, payag na siyang mag-stay ako?
Siya ba talaga ang nakilala kong bully na si Angelo? O baka mabait lang siya sa panaginip na 'to? Kasi kung ganoon nga, sana ganyan na lang ang naging ugali ni Angelo noong high school kami. Baka sakaling magustuhan pa siya ni Chim.
Sure na 'kong panaginip 'to. Kasi kahit sa pinakamagandang panaginip ko, bully si Gelo at 'yon na siya.
Kinapa ko ang bulsa ko at nahanap ang cell phone ko. Pasimple kong inilabas at kinuhanan si Angelo ng picture habang kumakain. Itinago ko rin agad pagkatapos kong kumuha ng ilang picture.
Pumunta ako sa swing at doon na lang nahiga. Magkasinlaki lang naman ang swing at bench. At dahil medyo matangkad ako, bitin ang swing kaya nakatapak sa lupa ang isang paa ko habang nakasandal ako sa may kaliwang armrest.
"Posible bang makatulog sa paniginip? O kaya managinip sa panaginip?" bulong ko sa sarili.
Para na 'kong si Philipmagsalita. Makatulog na nga lang. Hindi naman masamang mag-cutting sa first dayof class kung panaginip lang naman ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top