Chapter 5: Same Old Brand New

Pumasok na 'ko sa school. Ang dati kong school. Ang school na puno ng mga alaalang karamihan ay nakakalungkot at nakakahiya. May masaya man pero iilan lang at hindi rin memorable.

"I love you, muah muah muah! Haha!"

"Mama's girl!"

"Hugs and kisses for bebe girl!"

"Come to Mama! Haha!"

Napataas na lang ang kilay ko pagpasok ko sa gate. Doon pa lang, mukhang masisira na ang araw ko.

Si Jane, si Arlene, si Belle, at si Chim. Itong apat ang mga "friend" ko noong high school. Dati, nasasakyan ko ang mga trip nila, pero ngayon? Ang sarap nilang sampalin isa-isa.

Noong naranasan kong mag-isa, nalaman ko kung ano'ng trato nila sa 'kin at hindi tratong kaibigan ang ginawa nila. Isa lang akong punching bag, yaya, at laruan sa kanila. Walang Stella sa grupo nila. Kailan ko lang na-realize na ang tanga ko para ipagsiksikan ang sarili ko sa grupong ang sama ng trato sa 'kin.

May usapan kami noong magkikita-kita sa first day of school sa may gate. Ako kasi ang magbibitbit ng bag nila paakyat sa second floor ng Einstein Building—kaliwa lang 'yon pagpasok sa gate kung nasaan ang room dapat namin. Kaso noon 'yon, iba na ngayon. Hindi ko na lang sila pinansin kaya naglakad na lang ako papasok sa campus.

Tiningnan ko ang paligid. Hindi ko maiwasang ngumiti. Unang bumungad sa 'kin ang faculty room sa Dean's Building na kaharap lang mismo ng direksyon ng gate. Yung puno ng makopa at sa lilim n'on ang waiting shed kung saan ako madalas tumambay. Nakaka-miss din palang bumalik. Kailan kaya matatapos ang panaginip na 'to? Anim na taon. Anim na taon ang nakalipas noong huli akong tumapak sa school na 'to bilang estudyante.

"Hey, Ste! Ano ba?" sigaw ni Belle.

"Bingi ka ba?" sabad ni Jane.

"Let me guess, nag-iisip ka ng ikukuwento, 'no? Teka, galing ka siguro sa Disneyland o kaya sa Boracay? Mga gano'n. Pero sure akong lie lang lahat ng 'yon. Doon ka magaling, di ba?" mataray na sinabi ni Chim sabay ngisi.

"Yeah, right!" paningit ni Arlene.

Nag-chorus pa silang apat sa pagtawa. Tumaas na naman ang kilay ko sa kanila. Naiinis ako kapag naaalala kong kapag binu-bully nila 'ko gaya nito noon e nakikitawa na lang din ako kahit hiyang-hiya na 'ko sa sarili ko.

Ang hopeless ko naman masyado dati. Sino bang matino ang tatawa kahit na pinagtutulungan na siya ng mga so-called friend niya?

"Buhatin mo na 'tong mga bag namin," utos ni Chim habang inaabot ang bag niya sa 'kin.

Tiningnan ko nang masama ang hawak niya.

"May kamay ka, di ba? Dalhin mo 'yang mag-isa." Nainis lang ako kaya binilisan ko ang paglakad para hindi na 'ko mahabol ng mga 'yon. Baka ibato ko pa ang gamit niya sa kanya kung ipipilit pa niya.

Case na ito ng bullying. Dapat nga inirereklamo ko na siya sa adviser namin. Kaso naalala ko, isa rin akong sakit sa ulo noon dahil na rin sa mga "friend" kong 'to.

Nagmadali ako sa papunta sa second floor sa unang room pag-akyat sa may hagdanan. Hindi ko alam kung bakit ko kailangang gawin 'to sa panaginip ko pero parang ang saya lang. Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa loob. Naririnig ko ang ingay nila, ang amoy ng halo-halong cologne at mamahaling pabango, ang ambience. Nostalgic. Medyo nahirapan akong huminga dahil sa excitement na parang ngayon ko lang ito naranasan.

Ang cool managinip nang ganito. Napaka-realistic.

Tumayo ako sa tapat ng pintuan. Napatingin sila sa 'kin. Biglang tumahimik. Ang mga tingin nila, hindi ko mabasa. Hindi ko masabi kung malungkot, masaya, galit, o kung ano man dahil lang sa pagsulpot ko.

"Um, excuse me?" Napatingin naman ako sa kaliwa ko. "Ito ba yung fourth year room?" tanong pa ng lalaking estudyanteng kausap ako.

"Jasper."

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Halos mapaatras siya habang nakataas ang magkabilang kilay. "Kilala mo 'ko?" tanong pa niya.

Shocks! Kung panaginip 'to, grabe na! Bumalik talaga 'ko sa past? Whoah.

"A-Ang totoo . . . ano . . . hindi. At, yes, dito nga ang room mo," sabi ko na lang.

"Okay, thanks," pasalamat niya. Pumasok na siya sa loob ng room at humanap ng upuan. Sa kanya na ang atensyon ng lahat.

Si Jasper ang isa sa talagang tinilian noong panahon namin maliban kay AJ. Kasi, obviously, ang guwapo niya talaga. Tantalizing brown eyes, matangos na ilong, beaming smile, waxed and slick hair. Tall, dark, and handsome . . . and rich. Sobrang yaman niya—ng family niya. Siya ang pinakamayaman sa buong school kaya halos lahat, nagkandarapa sa kanya. Sobrang galante pa niya. Kahit si Belle, kinalimutan ang friendship nila ni Chim, mapasakanya lang si Jasper. Ganoon sila ka-desperada. At para sa 'kin, masyado siyang imposibleng maabot.

Pumasok na rin ako at umupo sa pinakaunahan. Nasa pagitan ko ang tig-dalawang blangkong upuan. Parati namang blangko ang lahat ng upuan sa harapan. Noong high school, sa likod talaga ako nakaupo. Hindi kasi makakakopya kapag nasa harap. Pero sa college, kailangang nasa harapan ka kasi nakatingin ang mga prof parati sa likod.

Ang totoo, para na 'kong sasabog sa sobrang tuwa. Ang saya pala talagang bumalik sa panahong sana nabago mo. Sana hindi ka naging ganoon. Sana naging totoo ka sa sarili mo at hindi nagpadala sa sinasabi ng iba. Sana, sana, sana. Puro what ifs at sana.

At ang weird na ng panaginip na 'to dahil sobrang tagal na bago pa ako magising.

"Ang kapal din ng mukha mo e, 'no?"

Biglang sumulpot sina Chim sa may pintuan ng room. Mga nakapamaywang at nakataas ang kilay.

Mukhang mapapaaway ako, umagang-umaga.

Lumapit si Belle sa 'kin. Babatukan sana niya ako kaso nasalag ko agad. Kitang-kita sa mukha niyang hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Tumayo ako at hinarap siya. Buti na lang at magkasing-height lang kami, hindi mahirap magmalaki—nang literal. Si Chim lang naman ang mababa sa aming lima. Hindi pandak pero hindi rin matangkad.

"Bakit mo 'ko babatukan?" mahinahon ko pang tanong. Hindi ako makapaniwalang pumayag akong maltratuhin ng mga ito noon.

"Kasi ang kapal ng mukha mo! Ang lakas ng loob mong tanggihan si Chim! Sino ka ba, ha?" pagsusungit ni Belle habang nakataas ang kilay.

"Ikaw, sino ka ba? Kayo, sino ba kayo para utusan ako?" Itinuro ko si Chim. "May kamay siya, di ba? Bakit ako ang pagdadalhin niya ng gamit niya? Ikaw, bakit nagbibida-bida ka?"

Kita ko ang panggagalaiti sa mukha ni Belle. Babatukan niya sana ulit ako pero kinuha ko agad ang kuwelyo niya bago pa niya ako masaktan.

"Umayos ka, pati na 'yang barkada mo." Tiningnan ko sina Chim nang masama. "Ano nga ba'ng silbi n'yo sa buhay ko maliban sa pagiging problema?" Itinulak ko siya at bumitiw na sa uniform niya. "Tapos na 'ko sa pagiging alila n'yo kaya puwede ba, tantanan n'yo na 'ko."

Bumalik na ako sa upuan at pilit akong ngumiti sa kanila. Kita ko ang inis sa mga mukha nina Belle, pero ang reaction ni Chim? As always, mapagmalaki. Expression ng mga brat na ayaw magpatalo.

"Tara na, girls. Hindi ko kailangan ng walang silbi sa grupo," malakas na sinabi ni Chim. Lumakad na silang grupo papunta sa likuran ng room kung nasaan naman talaga sila parating nakapuwesto.

Walang silbi? Wala akong pake.

Ano ako, tanga? Papaapi akohanggang sa panaginip ko? No way.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top