Chapter 43: Worst Day Ever

Kanina pa ako hindi mapakali kaiisip kung paano at kailan ko nakilala si Philip. Hawak niya ang pocket watch na gaya ng meron ako. Ibig bang sabihin niyon, kaya rin niyang bumalik sa nakaraan?

Kung oo, bakit ako? Ako ba ang dahilan kung bakit siya bumabalik?

Bakit ako? Ano ba ang ginawa ko para balikan niya? Paano ko ba siya nakilala?

Sa sobrang pag-iisip ko, tiningnan ko na lang ang listahan ko ng mga panahong gusto kong balikan.

Noong huling birthday ni Mama na buhay pa siya.

Noong graduation ko noong high school na walang pumunta para sa akin.

Noong nasa hospital si Mama at nag-aagaw-buhay.

Noong burol ni Mama.

Noong ipinakilala ni Papa si Grace sa akin.

Noong ibinigay nina lola sa akin itong bahay.

Noong araw bago pa mamatay ang nanay ni Miminggay.

Siguro, kailangan ko na lang alisin sa listahan ang araw na ipinakilala ni Papa si Grace.

Kinuha ko ang pocket watch at sinusian ulit iyon.

"Gusto kong bumalik sa araw kung kailan ko unang nakilala si Phillip."



* * *



Hindi ko alam kung paano ako nakilala ni Phillip at ano ang dahilan niya para gawin ang lahat ng ginawa niya. Napadilat na lang ako pagbalik ko.

"Nasaan ako?"

Tumingin ako sa kanan. Tumingin ako sa kaliwa.

Nasa restroom ako . . . ng school ko noong high school?

Nandito si Phillip?

Whoah, wait!

Sino siya?

Napatingin ako sa salamin. Namumula ang mukha ko pero hindi dahil sa makeup. Medyo mahapdi pa ang mukha ko. Hinawakan ko nga at mukhang katatanggal ko lang yata ng makeup ko.

Okay na ito, makakalabas ako nang hindi sinesermunan ang sarili ko.

"Ano'ng araw na ba?"

Hindi ko alam kung paanong napunta rito si Phillip, at kung paano ko siya nakilala sa panahong ito. Wala akong matandaang nakilala ko siya rito sa school.

"Uy, 'te!"

Natigilan ako sa paglalakad at nakita na naman siya. Napahugot ako ng malalim na hininga at ngayon ko lang siya natitigan nang mabuti.

Patpatin, hindi pa katangkaran . . . at . . .

"PJ . . . ?" may lungkot sa tono kong pagtawag sa kanya.

Nagulat din yata siya kasi alam ko ang pangalan niya.

"Kilala mo 'ko, 'te?" tanong agad niya.

Hindi. Hindi puwede.

Napakagat ako ng labi at napahimas ng sentido.

"PJ . . ." Napalunok ako bago ituloy ang sinasabi ko. "PJ, Philip Jacinto ba ang pangalan mo?"

Napatingin agad siya sa ID niya at saka niya ibinalik ang tingin sa akin. "Paano mo nalaman pangalan ko, 'te?"

Halos bumagsak ang balikat ko at tinulalaan lang siya.

"Philip . . . ikaw . . . si Philip . . . ?"

Humugot na naman ako ng hininga habang nakatingin sa kanya.

"'Te? Ayos ka lang?"

Napailing ako at hindi makali ng titingnan.

Pero 30 na si Philip sa panahon ko. Paanong mas bata siya sa akin ngayon?

O baka binabalikan lang niya ako. Pero bakit? Bakit niya iyon ginagawa? Bakit niya kailangang balikan ako?

"Philip," pagtawag ko sa kanya. "Limang taon—mali. Anim na taon mula ngayon, hanapin mo 'ko sa Santa Clara. Sa may punong santol. Nandoon lang ako palagi. Hanapin mo si Stella. Ako. Ako si Stella, tandaan mo ang pangalan ko, ha? Stella."

Tinitigan niya ako na parang nasisiraan na ako ng ulo. "Okay ka lang, 'te?"

"Hihintayin kita r'on," sabi ko na lang. "Alam kong pupuntahan mo 'ko. Alam kong nandoon ka at hinihintay ako. Alam ko, Philip—"

"Aaahh!"

Malakas na sigawan ang narinig sa buong school kaya hindi ko na napatapos pa ang sinasabi ko.

Sa direksyon ng room namin iyon.

Dali-dali ang takbo ko para malaman kung ano'ng nangyari. Halos liparin ko na ang hallway para lang maabutan ko ang classroom namin.

Natigilan lang ako nang makita kong buhat-buhat nina Jasper at AJ si Cara na walang malay.

"Dalhin n'yo na sa clinic! Bilis!" sigaw ni Carisa na gina-guide ang dalawa pababa.

"Si Edison kasi! Binato pa ng bola e!"

"Hindi ko alam! Hindi ko naman alam na tatama siya r'on e!"

Nagkakagulo ang mga classmate ko. Napalabas din ng room ang mga nasa katabing room.

Napanganga na lang ako kasi . . .

Ito ang worst day ever ko.

Nahuli ba ako ng dating?

Ito ang . . . dapat napigilan ko iyon.

Dapat napigilan ko ang nangyari kay Cara!

Bakit . . . nahuli ako?


* * *


Alam ko na ang sermon sa amin ni Ma'am Amy. Pinatawag na siya bago pa maaksidente si Cara. Ngayon, mas lalong lumala ang problema niya at problema namin. At pangatlong beses ko nang bumalik sa panahong ito. Pangalawang beses nang malagay sa sitwasyong ito.

"Ano, Edison? Masaya ka na ba sa ginawa mo?" sermon ni Ma'am Amy roon sa tatanga-tanga kong kaklase.

Hindi makasagot ang isa. Walang malay si Cara nang dalhin sa clinic.

"Idiniretso na si Cara sa hospital. Hindi raw maganda ang lagay niya. Ano ba'ng nangyari, ha?"

Napailing ako sabay buga ng hininga. Siguro, kung inagahan ko ang pagdating. O baka kung hindi ko kinausap si PJ. O kung . . . kung nalaman ko lang sana nang mas maagang worst day ever ko pala ito, baka lang sakaling hindi nangyari iyon gaya ng una kong pagbalik.

Napigilan ko sana.

Napigilan ko ulit sana.

"Ipapatawag namin ang parents mo, Edison. Ipagdasal mong walang reklamong matanggap ang school mula sa parents ni Cara dahil sa ginawa mo."

Expulsion. Iyan ang natanggap ni Edison dahil sa ginawa niya. And he deserves that. He deserved that.

"Ang ingay-ingay nitong room kanina! Ako, naririndi na 'ko sa mga kalokohan ninyong mga bata kayo! Kunin n'yo lahat ng gamit n'yo ngayon, ila-lock ko 'tong room. Doon kayo magklase sa labas! Mga hindi kayo marurunong makinig! Hindi kayo babalik dito hangga't hindi kayo natututo!"

Wow, kunwari, I'm shocked. Walang makatingin kay Ma'am Amy nang diretso. May ilang nagreklamo pero masyadong desidido si ma'am.

Kanya-kanya na kaming kuha ng gamit namin para lumabas.

Haaay, okay. Compare last time, ngayon ko mas nararamdaman ang pagiging worst ng day na ito.

Dumiretso kami sa waiting shed para doon itambak lahat ng gamit namin.

"Ano kaya'ng nangyari kay Cara?" tanong ni Garet sa kahit sino sa amin.

"Kritikal si Cara," sagot ko. Nagtinginan naman sila sa akin. "Ulo niya yung tumama sa kanto ng mesa. Dinugo na nga siya nang dalhin sa clinic, di ba?"

"Paano mo nalaman e wala ka naman sa room," sagot agad ni Carisa.

Umiling ako at bumuntonghininga. Hindi ko na kailangang alamin pa. Pangatlong beses na ito, as if namang kagulat-gulat pa ang lahat.

"Whoah, wait!"

Worst day ever?

"Hoy, Stella."

And speak of the devil. Ito na nga ba'ng sinasabi ko.

Sinundan ng paningin ko si Chim at ang mga alipores niya.

"Natuto ka na ba?" tanong pa ni Chim habang nakahalukipkip.

Wala akong alam sa tinutukoy niya, pero gusto kong sabihing natuto na nga talaga ako. Sobra-sobra pa sa dapat kong matutunan.

"May kailangan ka?" malalim ang tonong tanong ko pa habang masama ang titig sa kanya.

"Napag-isip-isip ko kasing puwede pa rin kitang tanggapin sa grupo ulit."

Gumawa na lang ako ng imaginary eyeroll habang nakatingin sa kanya.

Tatanggapin sa grupo. ULIT.

"May ipakukuha ako sa 'yo mamaya sa gitna ng stage. 'Pag nakuha mo 'yon, i-we-welcome ulit kita sa grupo."

Putek. Nakalimutan ko si Gelo! Malamang, hinahanda na niyon ngayon ang putik na babagsak sa akin once pinatulan ko si Chim.

Itutuloy ko ba?

O-oo ba ako? Ulit?

Nakaka-bad trip! Napakaalanganin ng oras ko!

"Hindi ko—" Hininto ko muna ang sinasabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago matapang na sumagot. "Sorry, Chim, ha. Pero kasi, kaya ko ang sarili ko. Hindi kita kailangan, hindi ko kailangan ng grupong puro kaplastikan lang naman ang ginagawa. Bully ka. Pabor ang lahat sa 'yo pero hindi n'on mababago ang katotohanang bully ka. Mas gugustuhin ko na lang mag-isa kaysa makasama ka at ang grupo mong judgmental. So, please, leave me alone."

Ang mukha niya, hindi maipinta. Nakataas ang kilay niya at angat na angat ang kasungitan sa buong pagmumukha niya.

"Tingin mo, kaya mo 'kong kalabanin? Tingin mo, kaya mong mag-isa, hm?" naiinis na pandidikdik pa niya. "Akala mo ba, may kakampi ka, ha? Walang may gusto sa 'yo! At kahit kailan, walang magkakagusto sa 'yo!"

Napatingin ako sa paligid namin. Nakatingin na naman sila sa amin kasi may komosyon na naman.

Tumango na lang ako at kalmadong nagsalita. "Sawa na 'kong maging anino mo, Chim. At sanay na rin akong mag-isa. Sanay na 'kong walang may gusto sa 'kin." Nginitian ko siya nang matipid. "Ayoko nang maging fake. Ayoko nang ipilit maging ikaw. Ayoko nang ipilit ang sarili ko sa grupo mo. Kaya kung walang pipili sa 'kin, okay. Hindi ko kailangan ng mga taong hindi ako na-a-appreciate. Bakit ko ibababad ang sarili ko sa toxic na taong gaya mo?"

Napaatras lang ako nang ibato niya sa akin ang pamaypay na hawak niya. Tumama naman iyon sa balikat ko at ang alanganin ng pagkakatama pa kasi sa collarbone sumapul.

"Ang bitch mo rin e, 'no? May ipinagmamalaki ka na?" mataray niyang sagot sa akin.

"Ako? Bitch? Coming from you?" Ako naman ang tinantiya siya ng tingin. Magkasukatan kami ngayon ng pagiging bitch, sige! "Bakit mo ba pinipilit na pabalikin ako sa grupo mo? If you really hate me that much, di ba, dapat naghahanap ka na ng ibang mamaltratuhin? Kasi, Chim, ang lumalabas, ikaw ang naghahabol sa 'kin, hindi ako. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo?"

Hindi na siya nakaumang dahil sa sinabi ko. Napanganga na lang siya at hindi makapaniwala na harap-harapan ko iyong sinabi sa kanya.

"How dare you," nanggigigil niyang bulong na masyadong malakas para marinig namin.

Bumuga ako ng hininga at umiling habang kinakaawaan siya ng tingin.

"Try mong tanungin siCarisa, o kaya si Garet na gawin ang gusto mo." Itinuro ko ang stage. "Madalilang naman ang gagawin doon. Baka interesado sila." Itinuro ko naman ang sariliko. "Pero ako? No, thank you, pero masaya na 'kong mag-isa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top