Chapter 41: Flash . . . Back

Ang huling memorya ko, parang bumagsak ang lahat at nawalan ako ng malay. Naramdamam ko na lang na nakahiga na ako sa malambot na higaan bago pa ako dumilat.

"Gising ka na pala."

Nangangasim ang sikmura ko at medyo nahihilo pa ako. Napabangon agad ako at naupo. Sumandal ako sa mga unan at saka inilibot ang paningin.

Hindi ganoong kaliwanag sa kuwarto ko. Nakabukas na lampshade lang ang tanging ilaw sa loob. Hindi binuksan ang LED.

"Ano'ng oras na?" tanong ko pa habang kinukusot ang mata.

"9:19."

Masakit pa rin ang ulo ko kaya minasahe ko nang kaunti ang noo ko para mawala ang sakit. Parang gumuguhit ang kirot mula noo hanggang batok.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko.

"Wala kang kasama kaya dito muna ako."

"Yung tatlo?"

"Nakatulog sa ibaba. Dito raw muna sila mag-s-stay. At nagpaalam sila sa kanila, don't worry."

Nagbuntonghininga na lang ako dahil sa sinabi niya. Talagang nagtagal pa sila rito.

"Sana sinabi mong hindi ka umiinom. Isang can lang ang naubos mo, bagsak ka na agad." Naupo siya sa tabi ko at hinawi niya ang buhok sa mukha ko. "Matulog ka na ulit. Mukhang may hangover ka pa e."

"I'm sorry." Hindi ko alam kung mabigat lang ba ang ulo ko o ano na kusang sumandal ang noo ko sa balikat niya.

Hinagod niya ang likod ko. "Sorry din sa kanina."

"Baka naaabala na kita."

"Kahit kailan, hindi ka naging abala sa 'kin."

Hinawakan niya ako sa balikat at inilayo niya ako sa kanya. Tiningnan niya ako nang diretso. Yung tingin niya, punong-puno ng awa sa akin.

Nag-iwas na lang ako ng tingin. Nauumay na ako sa ganoong mga tingin. Mga tinging parang napakamiserable kong tao. Alam ko namang walang kuwenta ang naging buhay ko sa nakalipas na apat na taon, huwag na lang sanang ipamukha pa. Masakit na nga, ginagatungan pa.

"Kung alam ko lang na aabot ka sa ganito, sana hindi kita iniwan noon."

Umiling na lang ako sa sinabi niya.

"Kung hindi mo 'ko iniwan noon, hindi mo maaabot ang naabot mo ngayon."

"Stella."

"Gelo, desisyon ko kung bakit umabot ako sa puntong 'to ng buhay ko."

"Pero may kasalanan din ako kung bakit—"

"Angelo, wala. Wala kang kasalanan."

Tinanggal ko na ang pagkakahawak niya sa akin. Bumalik ako sa pagkakahiga. Patagilid ang puwesto ko at sinadya kong tumalikod sa kanya.

Siguro nga, makababalik ako sa nakaraan, pero may mga bagay na kailangang iwan na lang doon. Wala na ako sa kahapon. Nandito na ako sa ngayon. At parang kahit na ano'ng balik ko, hindi pa rin nawawala ang pagiging miserable ko.

Parang kagabi lang noong makita ko siya rito sa kuwarto ko. Hindi ko maramdamang limang taon na ang lumipas noong nangyari iyon.

Naramdaman kong humiga rin siya sa tabi ko.

"Sana, nandito ako sa mga panahong kailangan mo ng kasama."

Pumikit na lang ako at hinayaan siyang magsalita. Kinagat ko na lang ang labi ko para pigilan iyong manginig. Kung hindi, baka umiyak na naman ako.

"Mahal pa rin kita, Stella. Hindi ka nawalan ng lugar sa puso ko."

Malas naming dalawa, there's more to life than love.

Sa ngayon, nakararamdam ako ng guilt. Lalo pang alam kong may girlfriend na siyang baka naghihintay sa kanya ngayon at kung anong dahilan lang ang ginawa niya para magtagal dito sa bahay ko.

"Ano'ng idinahilan mo sa girlfriend mo?" malungkot kong tanong sa kanya. "Mag-s-stay ka rito buong gabi, di ba?"

"Ang sabi ko sa kanya, birthday ng kaibigan ko at nagplano kami nina Arjohn na mag-overnight kaya alam niyang bukas pa 'ko uuwi."

"Alam ba niyang sa bahay ng babae kayo pupunta? Hindi ba siya naghihinala sa 'yo?"

"Bakit naman siya maghihinala?"

"Hindi ba magagalit yung girlfriend mo 'pag nalaman niyang nandito ka sa tabi ko ngayon. Sa pagkakaalam ko, ex mo 'ko."

"At least, I know to myself that I'm not cheating."

"E, ano'ng tawag mo sa ginagawa mo ngayon?"

"Sinasamahan ka."

"Talaga ba? Ako lang ba ang sinasamahan mo nang ganito?"

"I don't see anything wrong here, Stella. I know my limits."

"Talaga lang, ha? Di ka natatakot na baka isipin ng girlfriend mo, nambababae ka lang?"

"Kailan mo 'ko nakitang nambabae?" Naramdaman kong gumalaw siya. "Concern lang ako sa 'yo. I'm trying to create boundaries between us, pero hindi mo 'ko masisisi kung maging protective ako sa 'yo. Lalo pa ngayon."

Napabangon agad ako at tinantiya siya ng tingin. Nakataas lang ang kilay niya sa akin.

"Kailan ka pa naging ganyan ka-thoughtful? Bully ka, di ba? Para yatang hindi na ikaw yung nakilala kong Angelo. Yung Angelo'ng walang ibang ginawa kundi saktan ako."

Kinuha niya yung unan ko at pinalo sa akin.

"Hindi ako magiging thoughtful kundi dahil sa 'yo. Kaya na-di-disappoint ako sa sarili ko ngayon. Na kaya kong tulungan ang ibang tao tapos yung taong tinulungan ako, hindi ko nagawang tulungan."

Hindi lang naman siya ang na-di-disappoint sa sarili. At kung sa lagay niyang iyan, disappointed pa siya sa sarili niya, nahiya naman ako sa sarili ko.

"E di, nakarami ka ng babae dahil sa ganyan mo?" biro ko pa. "Pang-ilan yung girlfriend mo ngayon?"

"Dalawa lang naman kayong naging girlfriend ko. Akala ko kasi, may babalikan pa 'ko pag-uwi ko kaya naghintay ako. Hindi ko naman alam na . . ." Hindi na niya pinatapos ang sinasabi niya. Tumayo na siya at pumunta sa pintuan.

"Ano'ng hindi mo alam?"

Hindi siya sumagot nang maayos. "Matulog ka na. Doon ako sa kuwarto ni Tita Lyn matutulog."

Lumabas na rin siya ng kuwarto ko.

Dalawa.

Ako at yung ngayon niya.

Hindi ko nakuha yung hindi niya alam. Kailangan ko pa bang bumalik para malaman iyon?

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Tanghali pa ako huling kumain. Hindi pa ako nakakapamili ng stock ko. Ngayon sanang hapon kaso dumating ang mga asungot para lang mag-celebrate daw ng birthday ko. Tumayo na ako at kumuha ng jacket. Kinuha ko na rin ang wallet ko.

Paglabas ko, sinulyapan ko pa ang pinto ng kuwarto ni Mama kasi sabi ni Gelo, doon daw siya matutulog.

Pasalamat ko na lang talaga at kada linggo ang linis ko sa kuwarto ni Mama para hindi pamahayan ng daga at ipis. Kung hindi, nakakahiya naman kasi mag-aamoy alikabok si Gelo.

Pagbaba ko, nakita ko agad si AJ na sa sofa natutulog. Sina Jasper at Carlo naman, sa may carpet. Ang mga ginamit nilang unan at mattress, mga gamit na nakalagay sa kuwarto ni Mama at ilang unan kong hindi ko nakita kanina sa kuwarto ko paggising. Tuwalya na lang ni Papa ang ipinangkumot ni Carlo para hindi lamigin. Malamig pa naman sa bahay, lalo na ngayon kahit malapit na ang summer dahil sa mga puno sa paligid.

Tahimik akong lumabas ng bahay at naglakad papunta sa malapit na bakery.

Ang lamig ng hangin. Tumatagos sa pajama ko.

Ngumiti na lang ako at tumingin sa napakalinis na langit. Malapit nang magbakasyon. Sa ganito na lang naman ako sumasaya magmula nang mawala si Mama at iwan ako ni Papa'ng mag-isa.

Walang kasama, tatanaw na lang sa langit at sa mga bituin. Hanggang sa ganito na lang napapayapa ang isip ko sa maghapong pagdadamdam ng mga sana at baka ko.

Nakaabot na ako sa bakery. Bukas pa naman sila at may tumutugtog pang kanta ni TS.

"You've been good, busier than ever. We small talk, work and the weather. Your guard is up and I know why . . ."

Bumili ako ng ensaymada at hot chocolate na nasa vendo machine. Naupo ako sa upuan sa may bakery at sinimulan nang kainin yung binili ko.

"Because the last time you saw me is still burned in the back of your mind.

You gave me roses and I left them there to die . . ."

Masyadong weird ang pagdalaw ng apat sa bahay. Tapos malaman-laman ko na lang na mahal ako ni Angelo.

Minahal niya ako. Sayang lang kasi hindi ko naramdaman.

Hindi ko maramdaman.

"So this is me swallowing my pride standing in front of you saying I'm sorry for that night and I go back to December all the time . . ."

Masaya yung memories namin noong Christmas party.

"It turns out freedom ain't nothing but missing you, wishing I'd realized what I had when you were mine . . ."

Lahat ng nangyari noong Christmas party—lahat ng iyon, binago ang ilang meron ako ngayon. Binago ko si Gelo kaya kasama ko sila ngayon.

"I go back to December, turn around and make it alright. I go back to December all the time . . ."

Pero sa mga oras na ito, may gusto talaga akong makita. At alam kong nandoon siya noong birthday ko, five years ago.

"These days, I haven't been sleeping. Staying up, playing back myself leaving. When your birthday passed, and I didn't call . . ."

Ang daming nagbago sa ngayon. Ang daming nadagdag at nangyari, pero pakiramdam ko, may nawawala sa akin.

"Then I think about summer, all the beautiful times. I watched you laughing from the passenger side. And realized I loved you in the fall . . ."

Tingin ko, ang dami kong nakalimutan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko.

Parang maraming nangyaring hindi ko matandaan . . . gaya ng pagmamahal ni Gelo.

Sa bagay . . . maaalala ko ba ang mga bagay na hindi ko naman talaga naranasan?

"Maybe this is wishful thinking. Probably, mindless dreaming . . ."

Kailangan ko na sigurong bumalik.

"But if we loved again, I swear I'd love you right. I'd go back in time and change it, but I can't . . ."

Pero kailangan ko munang alamin ang lahat.

Sana makita ko si Philip bukas. Kailangan kong malaman ang totoo sa kanya.

"I go back to December, turn around and make it alright. I go back to December, turn around and change my own mind. I go back to December all the time. All the time . . ."

Inubos ko na agad ang pagkain ko at tumayo na ako para umalis.

"Kailangan ko nang bumalik."

Naglakad na ako pauwi. Inilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid. Wala pa ring ipinagbago. Malamya pa rin ang mga ilaw sa bawat kanto. Wala halos tao at malamig ang hangin.

Hindi rin naman ganoon kalungkot ang mag-isa. Nagkakaroon ka ng panahon para sa sarili mo at makita kung anong mga bagay pa ang maganda sa mundo.

O baka sa paniniwala ko lang iyon kasi nasanay na akong mag-isa.

Malapit na ako sa bahay nang mapansin kong may lalaking nakatingin sa bahay ko. Nakapamulsa siya at nakatingin sa second floor.

Habang papalapit ako, napapansin kong pamilyar ang buhok at ang tindig ng lalaki. Tiningnan ko pang maigi.

Nandito siya.

Nandito siya!

Tumakbo agad ako papalapit sa kanya. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman ang lahat. Kinuha ko agad ang braso niya at ipinaharap sa akin.

"Philip?"

Siya nga.

"Alam mo bang kanina pa kita hinahanap, ha!" sermon ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang mas nag-aalala ang tono ko kaysa nagagalit.

"Akala ko ba, hindi mo 'ko hahanapin 'pag nawala ako."

Ang hinahon ng pagkakasabi niya—mahinahon, malungkot, mahina.

"Philip, may sakit ka ba?" Hinawakan ko agad ang noo at leeg niya para tingnan kung may lagnat ba siya. "Kaya ba wala ka kanina sa school?"

Hinawakan niya naman ang kamay ko at saka niya ako hinatak palapit sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit na parang ayaw na niya akong pakawalan pa.

"Sandaling panahon na lang. Nauubusan na 'ko ng oras. Hahanapin mo ba 'ko 'pag nawala ako?"

"Philip, ano ba'ng nangyayari? Nakita kita. Nakita kita sa birthday ko five years ago! Ano'ng ginagawa mo sa araw na 'yon? Sa lugar na 'yon? Sa panahong 'yon?"

Sunod-sunod ang tanong ko kahit na hindi pa rin siya kumakalas sa pagkakayakap sa akin.

"Nagbago ang lahat, Stella. At magbabago pa. Hindi ako galing sa panahong ito. At hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako makakabalik dito. 'Wag mo sana 'kong kalimutan kapag hindi mo na 'ko nakilala."

Bumitiw na siya sa akin at nginitian ako. Nakikita ko ang lungkot sa ngiti niya.

Hindi ko naiintindihan. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari.

"Philip, sino ka bang talaga?"

Umiling siya. "Stella, ako si PJ."

"PJ?" Hinawakan ko agad siya sa braso at lalo pang pinakatitigan. "Pero . . . Paanong . . . Bakit mukhang mas matanda ka pa sa 'kin?"

Hindi na siya nag-react sa mga sinabi ko. Hinawakan lang niya ang balikat ko at hinalikan ako sa noo.

"Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko nang bumalik sa kanya." Binitiwan na niya ako at humakbang siya paatras.

"Philip, 'wag." Hinatak ko agad siya pabalik sa akin. "'Wag kang umalis!"

"'Wag kang mag-alala. Hindi mo naman maaalalang galing ako rito ngayon kung hindi naman talaga ako nagpunta rito."

Bumitiw na siya sa akin at tumingin sa bahay ko.

"Philip, sandali!"



* * *



"Kailangan ko nang bumalik."

Naglakad na ako pauwi. Inilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid. Wala pa ring ipinagbago. Malamya pa rin ang mga ilaw sa bawat kanto. Wala halos tao at malamig ang hangin.

Hindi rin naman ganoon kalungkot ang mag-isa . . .

Sandali. Bakit parang nangyari na ito? Ang weird. Pakiramdam ko, galing na ako rito.

Nasa tapat na ako ng bahay. Ewan ko ba kung bakit bigla kong naisip si Philip.

Masyado yata akong na-o-obssess sa paghahanap kay Philip. Hanggang ngayon ba naman, naaalala ko siya.

Pumasok na ako sa loob ngbahay. Sana, nasa school siya bukas. Kailangan ko talagang malaman kung sinotalaga siya at kung paano siya napunta sa school noong birthday ko five yearsago.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top