Chapter 39: Unexpected Friends

Maaga ang pasok ko kaya maaga pa lang e nasa school na ako. Himala lang dahil hindi ko na nararamdaman ang pagiging lethargic, hindi gaya noon. Gusto kong makausap si Philip dahil isa siya sa nagpagulo ng utak ko kagabi. Nataon pang mas marami akong time ngayong araw dahil natapos na naman ang dalawang subject ko nang hindi ko namamalayan.

Wala pang alas-diyes, nasa may punong santol na ako. Araw-araw na nandito si Philip kaya nagtataka ako kung bakit malapit nang mag-alas-dose e wala pa rin siya.

Nakailang silip na ako sa relo ko. Nakailang tingin na rin ako sa mga dumaraang mga estudyante. Malapit nang matapos ang second sem. Nagsisimula nang magtambakan ang mga gagawin namin. Final exam na rin next week kahit na kaliwa't kanan ang pa-event ng school.

Nakaka-bad trip lang kasi lunch time na, wala pa rin si Philip. Dati-rati, kulang na lang, dito na siya tumira sa may santol para lang maabangan ako. Tapos ngayong kung kailan ko siya kailangang makita, ngayon pa siya wala.

"Bahala na nga siya. Ginugutom na 'ko."

Kung ayaw niyang magpakita, e di, huwag. Mukhang walang balak. Alam yatang hahanapin ko siya.

Umalis na agad ako sa may punong santol at lumabas na ng school. At kapag bukas, wala pa rin siya, alam na. Tinataguan niya talaga ako.

Sumakay na agad ako ng jeep pauwi.

Alam siguro ni Philip na hahanapin ko siya kaya ayaw magpakita. At kung alam man niya ang dahilan . . . bakit? Guilty ba siya kaya wala siya ngayon sa school? Ano ang ire-reason out niya kapag nagkita kami? Kasi may trabaho na siya? Kasi may iba na siyang pinagkakaabalahan? Kasi may emergency?

Bahala na siya. At saka, kung siya man ang nakita ko sa past, paano nangyari iyon? Meron din ba siyang pocket watch na gaya ng sa akin?

Ang daming umiikot na tanong sa utak ko habang naglalakad ako sa subdivision namin pauwi. Ang kaso lang, may napansin akong kakaiba.

Hindi pa ako nakakalapit sa bahay, napansin ko agad na bukas ang gate. Tapos biglang sumara ang pinto ng mismong bahay.

"Putek!"

Kumaripas agad ako nang takbo. Bad trip! Pinasok yata ng magnanakaw yung bahay ko!

Kumuha agad ako ng mahabang kahoy na nasa kalsada at dire-diretso sa pagpasok sa gate na hindi man lang nagawang isara nang maayos.

Hindi na ako nag-isip pa at sumugod papasok sa loob.

"LUMABAS KA NG BAHAY KO!"

Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko alam kung maiinis ba ako, maiiyak, magtataka, maaasar, mahihiya . . . hindi ko na alam!

"Hi, Stella!"

Putek talaga.

"Anak ng—! Ano'ng ginagawa n'yo rito sa pamamahay ko!"



* * *



Hindi ko alam kung may nabago ba ako sa past kababalik ko roon. Kung may nangyaring bang hindi ko alam dahil wala ako roon, personally? Kung tunay pa ba ang nangyayari dahil alam ko sa sarili kong wala ako sa past at nasa present ko ako. Nakaka-bad trip. lalo ko lang tuloy gustong hanapin si Philip. Feeling ko, sinaniban niya ako ngayon.

"Astig ng entrada mo kanina, My loves, a? Pangkatipunan."

"Hoy, Carlo, gusto mong lumabas ng bahay ko nang wala nang ulo, ha?" banta ko pa habang dinuduro siya.

"Joke lang. Eto naman." Nahiya pa siyang sumagot habang naghihimas ng braso.

Nagsisiksikan sila sa sofa sa sala—na mabuti na lang dahil nilinisan ko kagabi dahil nagkalat ang balahibo ni Miminggay. Kung hindi, baka punahin pa nilang ang dugyot ko sa bahay ko.

"Alam n'yo, parang gusto ko na kayong kasuhan ngayon ng tresspasing. Iba rin trip n'yo sa buhay, 'no? Tawag na kaya ako ng tanod."

Siraulo talaga itong apat na ito. Pumasok daw ba sa bahay ko nang walang paalam. Pinakaba pa ako. Akala ko, magnanakaw na.

Naka-de-kuwatro pa ako at nakakrus ang mga braso sa hiwalay na monobloc chair habang nakatapat sa kanila.

"Meow."

Kinuha ko agad si Miminggay sa paanan ko. Itong pusang ito, syo-siopao-in ko na talaga ito e.

"Ang sabi ko sa 'yo di ba, kumahol ka tapos tumawag ka sa 911 kapag may pumasok?" sermon ko pa habang buhat siya na parang baby. "Bakit hindi ka marunong umintindi ng instruction, ha?" Pinitik ko pa yung tainga niya at saka ko siya binitiwan. "Wala kang noodles mamaya."

"Ayos sa alaga, a. Ano'ng pangalan niyan?" tanong ni AJ.

"Miminggay."

"MIMINGGAY?" chorus pa silang apat.

"Ano'ng klaseng pangalan 'yon?" hirit pa ni Jasper.

"'Wag kang nangingialam. Kayo nga itong kung makapasok sa bahay ko, talo pa may-ari. Ano nga pala'ng ginagawa n'yo rito?"

"Mag-ce-celebrate," sabi agad ni AJ.

"Mag-ce-celebrate ng alin?" tanong ko pa.

"Birthday mo," sagot ni Carlo.

"Kahapon pa yung birthday ko."

"E, 'yon nga e." Napakamot na lang ng ulo yung tatlo.

Napansin ko si Gelo na nakatingin sa iisang lugar lang. Tahimik kasi. Tiningnan ko naman yung tinitingnan niya. Nakatingin siya sa dibdib ko.

Gusto kong isiping minamanyak niya ako pero kilala ko si Gelo. Hindi siya yung tipo ng lalaking tititig nang basta-basta sa dibdib ng babae.

Lalo na kung alam niyang mahuhuli siya.

"Hoy, Gelo!" Sabay-sabay yung tatlo sa pagbatok sa kanya.

"Ano ba! Gusto n'yo ng away, ha?" Binatukan din niya ang tatlo. "Kung makabatok kayo, gano'n-gano'n na lang! E, kung sipain ko kaya mga mukha n'yo!"

"Ayos ka sa titig e!" sabi pa ni Jasper.

"Baka nakakalimutan mo kung sino 'yang tinititigan mo! Mahiya ka naman kay Stella, My loves!" sabi ni Carlo.

"Oo nga, mahiya ka naman, oy! Taken ka na!" dagdag ni Jasper.

"Kung hindi ka makapagpigil, doon ka muna sa banyo! Doon mo na ilabas 'yan!" panapos ni AJ.

"Mga sira!" sigaw ni Gelo sa kanila. "Kayo ikulong ko sa banyo e!"

"E, bakit kung makatitig ka sa dibdib ni Stella, parang gusto mo nang sunggaban, ha?" natatawang kantiyaw ni AJ.

Sabay-sabay pa silang tumingin sa akin. Poker-faced lang ako. Bahala sila riyan.

"Sabi nga namin, wala." Napangiti na lang nang pilit sina Carlo, Jasper at AJ sabay tingin sa kung saan-saan.

"Ganda ng interior, 'no?" puna agad ni Jasper.

"Lambot nitong upuan," si Carlo habang tumatalon nang mahina sa puwesto niya.

"Guwapo ko talaga," si naman AJ habang nagpapaguwapo sa katabi niyang salamin.

"Saan mo nakuha 'yang kuwintas?" biglang tanong ni Gelo sa akin.

Bumalik ang tingin sa akin ng tatlo sabay tingin sa suot kong kuwintas.

"Sabi na nga ba." Natawa ako nang mahina. "Napansin mo agad itong necklace."

Kinuha ko ang pendant ng kuwintas.

"Regalo 'to ni Papa sa 'kin. Ibinigay niya kagabi. Ang ganda, 'no? Kamukhang-kamukha n'ong angel wings na dinurog ni Chim noong birthday ko, six years ago."

"A, 'yon naman pala e. Kaya pala." Sabay pa yung tatlo sa pagtango.

"Kasi naman, sana hinayaan n'yo 'kong magpaliwanag bago kayo mambatok, di ba?" sabi ni Gelo.

"Sorry naman! Malay ba namin?" sabay pa ulit yung tatlo.

"O, pa'no nga pala kayo mag-ce-celebrate, ha?" tanong ko na lang.

"'YON!" Pumalakpak nang isa si Carlo at itinuro ang kusina. "Nandoon yung tsibog!"

Tumayo na sila kaya tumayo na rin ako at sama-sama na kaming dumiretso sa kusina. Naabutan ko roong nakahanda ang tatlong box ng pizza at mga beer.

"Ayos. Handa nga. Ano 'to, inuman? Tanghaling tapat?" sarkastiko kong tanong sa kanila.

Nakatikim na ako ng alakpero hindi ako umiinom. At kahit na gaano pa ako ka-broken sa buhay, hindi ako iinom.Pero mukhang mapapasubo ako ngayon dahil sa mga buwisita ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top