Chapter 35: Visitor

Sobrang weird talaga sa feeling na sobrang clingy ni Angelo sa akin. Halos ayaw nang bitiwan ang kamay ko. Naiilang ako. Paikot-ikutin man kasi ang mundo, si Angelo pa rin siya. Una, bully siya. At alam kong in the near future, hindi naman magiging kami. Ang awkward talaga.

"Stella."

"Ha?"

"May problema ba?"

"Ha? A—wala. Wala naman. Bakit? Ano ba 'yon?"

"Ang sabi ko, doon pa rin kami sa bahay n'yo mamaya. Hindi ka naman siguro galit d'on sa tatlo, di ba?"

"Mamaya? Tatlo?"

"Ano ka ba? Birthday mo ngayon. Nagsabi na si Tita Lyn e."

Sino raw?

Napabitiw ako sa kanya at gulat na tiningnan siya.

"Kilala ka ni Mama? Kailan pa?"

"Ha-ha, nakakatawa. May amnesia ka ba o feel mo lang talaga akong pag-trip-an? Gumaganti ka ba?"

"Sagutin mo na nga lang ang tanong ko!" galit kong sinabi. "Kailan ka nakilala ni Mama?"

"Fine, chill ka lang! Teka. Sa inyo ako nag-Christmas, di ba? Alam kong alam mo 'yan, ginu-good time mo lang talaga ako kasi galit ka pa rin talaga."

"S-s-sa amin?"

"O, sige. Alam ko, may kasalanan ako sa 'yo kaya tatanggapin ko lahat ng ginagawa mo ngayon sa 'kin. Oo. Sa inyo ako nag-Christmas, doon din ako nag-New Year. Kilala na 'ko ni Tita Lyn. Sa inyo ako nag-breakfast kanina no'ng sinundo kita sa bahay n'yo pagpasok. O, masaya ka na ba, Miss Amnesia?"

Bumalik siya sa puwesto niya kanina. Ipinatong na naman niya ang ulo niya sa balikat ko at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

Letse. Kilala na siya ni Mama? Seryoso?

* * *

Uwian na pero hindi talaga ako balak bitiwan ni Angelo. Ang weird lang kasi hindi ako sanay. Naglalakad kami sa quadrangle at pauwi na. At talagang desidido siyang pumunta sa bahay namin.

"Ako na lang ang magluluto. Baka hindi kaya ni Mama e," sabi ko na lang kahit nadidismaya ako.

Noon kasi, down na down si Mama sa panahong ito. Ni hindi nga niya naalalang birthday ko. Buong araw lang siyang nakakulong sa kuwarto at umiiyak. Sinisisi niya ang sarili niya kasi hindi na talaga umuwi si Papa sa bahay kahit na ano pang pagmamakaawa niya.

"Marunong kang magluto? Kailan pa? Baka naman masunog mo yung kusina n'yo."

"A, gano'n. Gusto mong ikaw ang sunugin ko nang buhay, ha?" sabi ko sabay palo sa balikat niya.

"Kaya mo? Kaya mo?"

Hindi pala talaga nawala ang pagiging bully ng siraulong ito. Nasa dugo siguro talaga e.

Napansin kong nasa waiting shed ang grupo nina AJ. Nagkukumpulan sila roon. Ang sabi pa naman ni Gelo, sila raw ang sasama sa amin sa bahay.

"John!" sigaw ni Gelo.

Ako naman si nagulat! Kailan pa sila naging close ni AJ? Mortal enemies itong dalawang ito dahil kay Chim e!

"Paano kayo naging close ni AJ?" takang tanong ko pa.

"Ha-ha-ha. Sino kaya ang may kasalanan kung bakit ko siya naging barkada? Sino kaya ang pumilit sa 'king makipagkaibigan sa kanya? Sino kaya ang dumemonyo sa akin para kausapin si Arjohn?"

"Ginawa ko 'yon?"

"Wow! Si Miss Amnesia, alam na siya ang tinutukoy ko! Celebrate na 'yan!"

"Miss Amnesia mo mukha mo!" Inabot ko ang buhok niya at sinabunutan ko na lang.

"Ano ba! Bitiw nga!" Pinilit naman niyang tanggalin ang kamay ko sa buhok niya.

"Hi, My loves!" Biglang litaw ni Carlo sa likod ni Jasper. "Bati na kami niyan e!"

Kumaway naman ako sa kanya pero ibinaba agad ni Gelo ang kamay ko.

"Tse!" Binawi ko agad ang kamay ko at inirapan si Gelo. Lumayo ako nang kaunti sa kanya at naglakad paatras. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko.

"Bakit na naman?" sigaw niya.

Nagkibit-balikat lang ako at tumalikod sa kanya. Wala ako sa mood maging girlfriend niya ngayon. Inilagay ko ang lahat ng buhok ko sa kanang balikat at tinirintas. Sumulpot naman agad si Gelo sa tabi ko.

"Ano na naman ba'ng problema?"

"Wala naman. Pake mo?"

"Aw!" Napasigaw na lang ako kasi kinurot nang mahigpit ni Gelo ang pisngi ko. "Gelo, siraulo ka talaga!"

Itinali ko ng panyo ang dulo ng braid at saka ako tumakbo palapit kina AJ.

"Nag-away na naman ba kayo?" tanong ni Jasper.

"Ewan ko sa kanya! Ikulong n'yo nga 'yang taong 'yan! Naturukan na ba 'yan ng gamot?" pang-asar ko pa.

"Bakit? Inaatake na naman ba?" tanong ni Carlo. "Hoy, Castello! Ididiretso ka na ba namin sa mental, ha?"

Nilingon ko si Gelo na nagkakamot ng batok habang papalapit sa amin. Hindi naman sinasadyang mapalingon ako sa direksyon ng gate.

Isang pamilyar na mukha ang nakita kong naroon at nakatanaw sa direksyon namin. Napahugot ako ng hininga pagtama ng tingin naming dalawa.

"Philip?"

Nakikita ko siya. Nakatingin siya sa akin.

Nag-lock pa sandali ang tingin namin sa isa't isa. Ngumiti pa siya at kumaway bago siya umalis.

"Philip, saglit!"

Tumakbo ako papunta sa gate para abutan si Philip na lumabas ng school.

"Stella!"

Naririnig ko sina Jasper na tinatawag ako. Hindi ko na sila inintindi at sinundan pa rin si Philip.

"Philip, sandali!"

Paglabas ko ng school, hindi ko na makita si Philip. Matangkad siya at makikita ko pa rin siya kahit sa gitna ng mga estudyante, pero wala akong nakita.

"Philip!" Panay ang tawag ko sa pangalan niya sa gitna ng mga estudyanteng nag-uuwian na. "Philip!"

Kahit na hinihingal ako, nilibot ko pa rin ang main road para mahanap siya.

"Philip, nasan ka na!"

"Stella! Saan ka ba—Sino ba 'yang tinatawag mo? Stella!"

"Philip!"

Alam ko. Alam kong si Philip ang nakita ko. Hindi ako puwedeng magkamali.

"Gusto kong balikan yung birthday niya. Yung araw na dapat masaya siya pero pinaiyak lang siya ng iba. Limang taon na ang lumipas, sobrang bilis. Sana naalala niya 'ko."

"Stella!"

"Uy, Stella ano ba'ng meron at tumakbo ka palabas, ha?"

Pinalibutan ako nina AJ. Ewan ko. Litong-lito na ang utak ko.

"Si Philip. Sino ba talaga siya?"

"Sinong Philip?" tanong ni Carlo.

"Bumabalik siya. Bumabalik siya sa nakaraan. Kaya niyang bumalik."

"Bumalik saan? Ha?"

Umiling na lang ako at huminga nang malalim. Masyado akong napagod katatakbo.

Sino ba talaga si Philip? Ano'ng ginagawa niya rito? Paano siya nakabalik dito?

"Sino ba yung hinabol mo?" tanong ni Angelo.

Tiningnan ko siya nang diretso. Hiningal talaga ako sa paghabol kay Philip.

"Kakilala ko. Kaso mukhang ayaw magpakita sa 'kin. At mukhang hindi ko na ulit siya makikita ngayon."

Kinuha ni Gelo ang panyo sa buhok ko at ipinampunas sa mukha ko.

"Pinagod mo lang ang sarili mo. Pati kami kakahabol sa 'yo."

Yumuko na lang ako at naghabol ng hininga.

Aaminin ko, nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko si Philip. Pero . . . paano siya nakakabalik? Paano niya nalamang dito ako nag-aaral? Paano niya nalamang makikita niya ako rito?

"Stella, huy!"

"Ha?"

"Wala ka na naman sa sarili e. Kanina ka pa namin kinakausap, hindi ka sumasagot," sabi ni Gelo. "Bakit ba? Ano'ng problema?"

"Tara na," sabi ko.

"Tara saan?"

"Sabi ko sa 'yo, pre e. Galit pa rin 'yan," sabi ni AJ kay Gelo.

"Ugh! Tigilan n'yo na nga ako, puwede? Masakit ang ulo ko!" Itinulak ko nang mahina si Gelo at lumakad na pauwi. Iniwan ko na sila.

Ang daming tanong sa utak ko ngayon. Hindi ko alam ang uunahin ko. Pero nangingibabaw si Philip sa lahat.

Ano'ng ginagawa niya sa panahong ito? Ang sabi niya, gusto niyang bumalik sa birthday ng babaeng gusto niya.

Birthday ko ngayon.

Limang taon na ang lumipas, meaning ngayon iyon.

Ako ba ang tinutukoy niya? Pero hindi ko siya nakilala dati? Sino nga ba siya dati?

"Makakalimutan mo ba 'ko 'pag hindi mo 'ko nakilala?"

E, paano ko siya maaalala kung hindi ko pa siya nakikilala?

Nakalimutan ko na ang una niyang mga ikinuwento sa akin maliban sa mga lagi niyang tinatanong.

"Hahanapin mo ba 'ko 'pag nawala ako sa buhay mo?"

"Naniniwala ka ba sa destiny?"

"Naniniwala ka ba sa true love?"

"Naniniwala ka ba sa time travel?"

Putek.

"Kaya rin niyang mag-time travel! Putek! No way!"

Beep! Beep!

"Stellaaa!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top