Chapter 34: Busted
Tiningnan ko ang oras. 11:57 a.m.
"Uh, Stella?"
Tumabi sa akin si Carlo. May hawak siyang notebook at nagkakamot siya ng batok.
"O, bakit?"
"Uh, puwedeng . . . paturo ng lesson?"
"Saan ba?"
"Ito, o." Itinuro niya ang common factors. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Carlo, maniniwala na sana akong hindi mo alam ang lesson e."
"Ha? B-bakit. A-ano'ng—"
"Carlo, kung hindi ko lang alam na mataas ang average grade mo sa math, baka turuan pa kita."
"Ay . . ." Nautal na siya. Mukhang hindi na niya alam ang susunod na sasabihin.
"Sorry, Carlo, hindi na bebenta sa 'kin 'yang style mo."
Magaling siya sa math, silang mga lalaki sa likod. Hindi bumaba ng 90 ang mga grade nila sa math at physics kaya mahirap paniwalaang hindi niya alam ang pag-solve ng simpleng common factor na elementary pa nga, itinuturo na.
"Ano ba talaga'ng ginagawa mo rito?" mahinang tanong ko.
"Uh, ano kasi . . . Galit ka ba sa 'kin?" mahina din niyang sinabi sa akin.
"Carlo, ibang klase din ang kakulitan mo sa buhay e, 'no?"
Napakamot siya ng ulo at yumuko. "Galit ka talaga sa 'kin." Nag-emote-emote pa siya at nagkunwaring umiiyak.
Pinaikutan ko na lang siya ng mata at nangalumbaba.
"Carlo, magagalit ako sa kanila pero hindi sa 'yo. Wala kang kasalanan, okay? 'Wag kang guilty." Tiningnan ko na lang siya mula sa gilid ng mga mata ko. "Hindi ko kayo masisisi dahil kinampihan n'yo si Chim kanina. Sinasakal ko siya kanina no'ng makita n'yo kami. Kulang na nga lang, lamunin ko siya nang buhay kanina e."
"Stella, bakit ka ba kasi tumakbo kanina?"
"Aba, nagtanong ka pa. Ikaw kaya ang pagtulungan."
Yumuko na lang siya at mukhang na-offend sa sinabi ko.
"Ang sabi nina Allen, sila ang nag-umpisa. Naniniwala naman kami r'on e. Kilala namin si Chim. Tapos kinuha rin niya ang kuwintas mo. Saka—"
"Kinuha? Dinurog niya, Carlo. Hindi niya kinuha. DINUROG niya. Magkaiba 'yon. May sentimental value 'yon sa akin. Regalo 'yon ni Gelo sa akin tapos dudurugin lang niya dahil na-insecure siya? Anong klase 'yon?" Umiling na lang ako. Natahimik siya.
Tumahimik na si Sir. Mukhang tapos nang mag-lesson. Nagpapakopya na lang siya ng mga isinulat niya sa board.
"Hindi namin alam yung mga nangyari kanina. Sorry doon sa nangyari sa kuwintas mo. Saka . . . okay ka lang ba?" Hinawakan niya ang baba ko at tiningnan ang magkabilang pisngi ko. "Sinampal ka raw ni Chim kanina."
"Kung hindi nila ako pinagtulungan kanina, makikipagsampalan talaga 'ko sa kanya. Letse siya."
"Naiinggit lang 'yon sa 'yo kasi si AJ, kasama mo saka kampi sa 'yo. Busted kasi 'yon kay AJ kaya bitter sa 'yo."
Napasimangot ako. "Busted pala kay AJ tapos ako ang—ano'ng busted sino?"
Ano raw? Sinong binasted ni AJ?
"S-si AJ? Binasted si—"
"Sshh!"
Putek. Hindi naging sila?
Putek talaga! Sinira ko ang past, ganoon ba? Sinira ko ang past ni Chim?
"Seryoso? Weh?"
Tumango naman siya habang pasimpleng nililingon si Chim sa likod.
"Nga pala, nasigawan ka niya kanina. Galit ka ba sa kanya?" tanong ni Carlo.
"Sino?"
"Yung boypren mo."
Napaatras ako agad sa upuan ko habang pinandidilatan si Carlo. "Sino 'ka mo?"
"Si Gelo. Wala siya ngayon dito e. Nag-away ba kayo?"
"T-teka, teka, wait. Puwedeng pakiulit, ha? Ano ko si Gelo?"
"Boypren . . . mo?"
Boyfriend ko si Gelo? Weh?
"O? Kailan pa?"
"Tagal na! Bakit? Hindi na ba? Break na kayo?"
"Talaga?" tanong ko pa habang inaalala kung kailan ang matagal na sinasabi ni Carlo.
"Kung alam mo lang kung ano'ng muntik na niyang gawin kanina kay Chim. Naku, kung hindi lang namin siya napigilan."
"Bakit, ano ba'ng ginawa niya?"
"Wala siyang ginawa, mabuti na lang. Muntik nang masapak n'on kanina si Chim, kung hindi lang namin naawat. Nagsumbong kasi si Carisa kay Gelo tungkol sa ginawa sa 'yo ni Chim. Tapos nalaman din niya yung sa kuwin—"
"Sir, may I go out?" pagputol ko agad kay Carlo. Tumayo na ako at nagpaalam kay sir. Tumango naman siya.
"Stella, saan ka—?"
* * *
Kumaripas na agad ako ng takbo palabas ng room. Kailangan kong puntahan si Gelo. Kailangan ko siyang kausapin.
Kaso ano'ng sasabihin ko sa kanya?
Ano nga ba?
Gelo, I'm sorry? Gelo, thank you? Gelo, kalimutan mo na lang ang nangyari? Ano ba? Gelo, boyfriend ba talaga kita? Kailan pa?
Ganoon ba ang sasabihin ko?
Girlfriend niya ako. Ang huling natatandaan ko sa mga sinabi niya:
"'Wag mong sasabihin sa 'king walang may gusto sa 'yo. Kasi, alam mo, gusto kita."
Tapos kanina, ang sinabi ko pa sa kanya . . .
"'Wag kang kumilos ng ganyan. Hindi naman ako ang girlfriend mo, di ba? Hindi mo 'to kailangang gawin."
Letse, ang stupid ko para sabihin iyon.
"Stella, mahal kita . . ."
"Sorry, Angelo. Hindi kita mahal."
Ang tanga ko! Bakit ko iyon sinabi?
Tumakbo agad ako papunta sa may fountain. At tama nga ang hinala ko, nandoon siya. Tulala siya habang hawak ang kuwintas na iniabot ko sa kanya kanina.
Letse naman. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko.
"Cutting ka, a. Bakit hindi ka pumasok sa math?"
Napatayo siya. Hahakbang sana siya para makalapit sa akin pero pinigilan niya ang sarili niya at yumuko na lang.
Lumapit ako sa kanya.
"Nag-quiz sa math. Na-perfect ko. Na-very good ako ni sir for the first time."
Nakayuko pa rin siya. Naupo ako sa bench at tiningnan ang paligid.
"Umupo ka, mag-usap tayo," utos ko.
Umupo naman siya sa tabi ko. Nakayuko siya habang tinititigan ang metal outline ng pendant.
"Kailan nga ulit naging tayo?"
Hinintay ko siyang sumagot.
"28. December 28."
Aw. December 28. Sa future, hindi ko alam iyan dahil never namang naging kami.
"Talaga?" tanong ko pa.
Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Bakit? Gusto mo na bang tapusin?"
Uy, wait! Naging kami talaga ni Gelo? Panaginip ba ito? Tunay ba ito? Hindi naman ito nangyari noon e! Walang ganitong nangyari noon! At sa mismong araw na ito, walang special moment, o kaya walang pang-aaway na nangyari. Maliban nga lang sa inubos ni Chim ang one-week allowance ko dahil pinanglibre niya sa barkada niya noong nagkaroon kami ng post-celebration ng birthday ni Arlene. Other than that . . .
NABAGO NG PRESENT SELF KO ANG FUTURE NG PAST KO!
Ano raw? Bakit ba parang si Philip na ako magsalita? Ang laki talaga ng impluwensya ng taong iyon sa akin pagdating sa mga ganitong kabaliwan.
"Stella."
"Uh, ha? A-ano? Ano 'yon?"
"Galit ka pa rin ba sa 'kin?"
Mukha talaga siyang dismayado. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kalungkot. Hindi uso kay Gelo ang malungkot, hello?
"Galit? Ako?" takang tanong ko pa.
Masyadong nangibabaw ang amazement at shock sa akin ngayon para alalahaning galit ako sa kanya.
Ang totoo, parang nawala na nga ang galit ko e. Ayaw mag-sink in sa akin ng lahat. Ang hirap paniwalaan. Masyadong surreal.
"Boyfriend ba talaga kita?"
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Kita naman sa reaction niya.
"Hindi ko sinasadya lahat ng nangyari kanina, promise! Nagulat lang ako sa nangyari! Hindi ko intensyong sigawan ka, na-shock lang—"
"Gelo, Gelo! Kalma lang. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin."
"Pero—"
"Sshh!"
Tumahimik naman siya at kalmadong tumingin sa akin.
"Okay . . ." pagsisimula ko ulit. "So . . . tayo talaga? I mean, girlfriend mo 'ko tapos boyfriend kita? Seryoso ba 'to? Hindi ba parang . . . hindi sa mali 'to, 'no? Pero kasi, parang hindi yata tama . . ."
"Nakikipag-break ka na ba sa 'kin?"
Ako naman ang nagulat sa sinabi niya. Idagdag pa ang facial expression niya na parang nagmamakaawang huwag ko siyang iwan.
"Hoy! Wala akong sinabing ganyan, ha! Hindi ko sinabi 'yan!"
"Pero ang sabi mo kanina, hindi mo 'ko mahal."
Letse na naman. Ano ba ito? Paano ba ito? Paano ba ito inaayos?
"Hindi 'yon totoo! Kung ano man ang mga sinabi ko kanina sa 'yo, kalimutan mo na 'yon. Galit lang ako kaya ko 'yon nasabi. Okay ka na ba?"
Diyos ko! Ang layo nito sa inaasahan ko. Hindi ako prepared sa ganitong pagkakataon.
"Pero yung kuwintas," sabi niya habang tinitingnan ang metal outline na nasa palad niya.
Pinaikutan ko na lang ng mata ang hawak niya.
"Alam mo bang ilang oras ko 'yang hinanap kanina sa kuwarto ko. Halos ibaliktad ko na nga yung buong bahay ko, mahanap lang 'yan, tapos dinurog lang pala ng Chim na 'yon! Sino ba'ng hindi magagalit, aber? Ang totoo niyan, kung hindi kayo dumating kanina at hindi umawat, mukha niya ang susunod na madudurog e!"
Sumandal na lang ako sa bench at huminga nang malalim. Kapag naalala ko, lalo lang akong naiinis.
Kaya pala hindi ko makita-kita sa kuwarto ko, dinurog na pala ni Chim. Letse siya.
Hinawi ko na lang ang buhok ko at tiningnan nang masama ang fountain.
"Alam ko naman kung bakit ang init ng dugo niya sa 'kin e. Kasi mas maraming may gusto sa 'kin ngayon kaysa sa kanya. Masyado siyang insecure kaya pati yung mga gamit kong nananahimik, pinapatulan niya. Kasalanan ko bang ang ganda ko ngayon?"
Itinulak niya nang mahina ang noo ko. "Lakas ng hangin mo sa katawan. Nahawa ka na kay Carlo."
"Carlo ka diyan! Tse! Tapos isa ka pa!" sabi ko sabay irap sa kanya.
"Sorry na. Tingin nga ng mukha mo." Hinawakan niya ang baba ko at ipinaharap sa kanya ang mukha ko.
"Anong muntik mo nang gawin kay Chim, ha?" mahinahong tanong ko.
"Ano ba kasing nangyari? Ang sabi ni Isa, pinagtulungan ka n'ong apat. Tapos—" Bumuntonghininga siya. "Kung di lang talaga masamang manapak ng babae, kanina ko pa ginawa."
"Kaya mong sapakin si Chim? Maniwala ako sa 'yo."
"Kaya ko basta para sa 'yo."
Itinulak ko agad ang noo niya ng mga daliri ko. "Mukha mo! Kadiri, ha."
Corny, putek.
Si Angelo ba talaga ito? Kailan pa siya naging ganyan ka-corny? Pakisagot nga lang ako.
"Saan ka nga ba galing at hindi ka namin makita kanina?" tanong niya.
"E di, sa garden," sabi ko sabay simangot.
"SA GARDEN?" sigaw niya sa akin. "Gano'n ba talaga kalaki ang galit mo para magpunta ka sa garden, ha!"
"Grabe ka naman! Kung maka-react ka, parang impyerno yung pinanggalingan ko!"
"E ayaw mo r'on, di ba? Kahit nga kaladkarin kita papunta r'on, hinding-hindi kita mapapapasok sa lugar na 'yon, tapos doon ka galing kanina? Two hours ka naming hinanap, Ste." Nag-sign pa siya ng two sa mga daliri niya. "TWO HOURS! Alam mo ba kung gaano katagal 'yon, ha?"
"Gelo, tama na. OA na. Alam ko ang two hours, di ako tanga," pag-awat ko.
"Nakatagal ka ng dalawang oras sa garden?"
A, ayaw paawat nito. Sapakin ko na kaya ito nang matigil. "Oo nga!"
Kung wala si PJ, hindi ako magtatagal sa lugar na iyon.
Well. Gusto ko ang ginawa niya kanina. At least, may masaya na akong memory sa pinakaayaw kong lugar dito sa school. At huwag siya! Sa birthday ko pa!
Naalala ko tuloy bigla ang kuwento ni Philip.
"Ang totoo, may nakaaway siya tapos ang kaaway ang kinampihan ng lalaki. Imagine, yung taong gusto niya, nagalit sa kanya sa mismong birthday niya. Tapos ang tanging nandoon lang e ako. Malas ko lang kasi hindi niya 'ko gusto at nandoon pa siya sa lugar na hindi niya rin gusto."
Si Philip . . .
"Dapat nga, magpasalamat siya sa 'yo kasi nandoon ka. Ako nga, no'ng galit sa akin ang lahat, walang kumampi sa 'kin kahit na birthday ko. Buti siya, sinamahan mo pa. At least, di ba, meron siyang ikaw."
Si PJ . . .
"Stella, ayos ka lang?"
Saka lang ako nagbalik sa ulirat nang magsalita si Angelo.
Baka nagkataon lang ang kuwento ni Philip.
"Bakit nga pala hindi n'yo 'ko nahanap?" tanong ko na lang.
"E, malay ba naming nandoon ka sa garden."
"Nahiya naman ako sa inyo. Hindi n'yo talaga ako nahabol, ang laki niyong tao? Parang gano'n ako katulin, a."
"Kasalanan ni Carlo e. Bigla ka na lang daw nawala."
"Ah! At sinisi mo pa talaga si Carlo? Ano'ng ginawa mo? Tumunganga lang?"
"Hinabol kaya namin si Chim! Magsusumbong 'yon dapat sa guidance dahil sa ginawa mo e!"
"Aba! At siya pa ang may ganang magsumbong? Ang kapal naman ng mukha niya!"
"E, bakit mo nga kasi siya sinakal? Tapos kung makasigaw ka, tinalo mo pa yung mga kontrabida sa pelikula. Anong demonyo ang sumanib sa 'yo kanina?"
"E, hindi ko naman siya sasakalin kung hindi niya sinira yung regalo mo sa 'kin e. So, kasalanan ko pa palang lumaban ako? Ano? Papaapi ako hanggang ngayong pagbalik ko rito? No way! Asa siya, manigas siya!"
Umiling na lang siya at pinaikutan din ako ng mata.
"Ayoko nang makipagtalo sa 'yo. Tara na. Ayokong mag-cutting." Tumayo na ako at nagpagpag ng palda. Lumakad na rin ako papunta ng gate at hindi na siya hinintay.
"Galit ka pa rin ba?"
"Magagalit ako sa 'yo 'pag hindi ka sumunod."
Sumunod naman siya agad. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang kanang kamay ko. Hindi na ako nakapalag sa ginawa niya kahit na naiilang ako kasi . . . basta! Maling-mali.
Naglalakad na kami sa quadrangle nang magtanong siya.
"Mahal mo pa rin ako, di ba?"
Hindi ko siya sinagot.
"Hindi mo na ba talaga 'ko mahal?"
Huminto ako at tiningnan siya nang diretso. Ang itsura niya, mukha na gusto talaga ng solid na sagot.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko si Gelo pero ilang beses pa lang kaming nagkasama simula noong bumalik ako sa past. Kaso kasi . . . hindi rin naman ako ang Stella ng past kaya malay ko ba?
Ngumiti na lang ako. "Siyempre naman . . . mahal kita." Hinigpitan ko ang mga daliri ko sa pagitan ng mga daliri niya. "Tama. Mahal kita."
Ngumiti naman siya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Hindi ko alam kung bakit pero pumasok sa isip ko ang sobrang ganda niyang girlfriend. Sila sa present time e. Hindi ko ma-imagine na magiging kami ni Gelo ngayon sa past.
Madaling sabihin sa kanya na mahal ko siya pero hindi ko nararamdaman ang sincerity sa pagsabi ko.
Ewan. Parang hindi tama.
Siguro, hindi kasi ako ang Stella sa panahong ito. Hindi ko alam kung sincere ba siya sa nararamdaman niya para kay Gelo. Hindi ko alam ang feelings e.
Siguro, mahal ni Stella sa panahong ito si Gelo. Pero hindi ako na nasa present time. Gusto ko siya, yes. Pero tinigilan ko na ang pag-iilusyon na puwedeng maging kami. Kasi naman, hello! Bully siya sa past, hard to reach siya sa present! Kahit sa panaginip, hindi ito pumasok sa isip ko, ano.
Ang kaso, kami ngayon! Diyos ko!
Walang teacher nang dumating kami sa room. Masyadong malalim ang iniisip ko para mapansin ang mga classmate ko.
Umupo akong tulala at nakatitig lang sa board. Hawak pa rin ni Angelo ang kamay ko at nakaupo siya sa tabi ko. Nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko.
Ang totoo hindi ako sanay na may ganitong klaseng body contact sa mga lalaki kasi nga iwas ako sa kanila, pero parang okay lang ngayon. Siguro kasi, katawan pa rin ito ng past Stella kaya ganoon. Pero . . .
Bakit ba parang mali itong nangyayari? Hindi ito ang dapat na mangyari. Mali ang lahat.
Alam kong gusto ko si Angelo pero . . .
Alam kong walang patutunguhanang lahat ng nangyayari ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top