Chapter 30: Hated Garden

Nanghihina ako. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi ko nakikita nang maayos ang paligid ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong alam. Hindi ko na alam.

Malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha. Napaupo na lang ako sa isang upuan at humagulgol ng iyak.

"Buwisit! Ako pa? Ako pa ang mali? Ako pa ang may kasalanan?" reklamo ko sa kung saan.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Galit at sakit.

Hindi ito ang gusto kong balikan! Hindi ko rin alam kung bakit nandito ako! Pero bakit . . . ?

Dinurog ni Chim ang kaisa-isang regalo na ibinigay sa akin ni Gelo. Nadurog pati damdamin ko dahil sa ginawa niya. Pero ang mas nakakadurog ng pagkatao ay ang ginawa ni Gelo.

Masakit! Sobrang sakit!

Pinagtulungan ako. Tanggap ko pa kung sina Jane lang e. Tanggap ko kung yung mga letseng iyon ang umagrabyado sa akin e! Pero ang—ang sakit.

Ito ang sakit na hindi ko pa nararanasan kahit noong nawala si Mama.

Sa oras na iyon, simpatya ni Gelo ang kailangan ko. Siya ang kailangan ko kasi siya ang ipinagtanggol ko. Pero bakit mas pinili pa niya si Chim?

So, ano? All this time, si Chim pa rin pala talaga ng bida?

At ako? Ano ako?

"Pst. Anong—?"

Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin kaya nagpunas agad ako ng mukha.

"B-bakit ka umiiyak?"

Tinitigan ko pa kung sino ang istorbo.

"PJ?"

"Uh. K-kailangan mo?" May inaabot siya sa akin—panyo.

Tinitigan ko lang ang hawak niya.

"Baka naman"—humikbi pa ako—"ipinunas mo 'yan . . . sa kung saan, ha."

"May towel ako. 'Yon yung ginagamit ko. Si Mama lang ang may gustong magdala ako ng panyo."

Kinuha ko na rin ang panyo niya at pinunas sa mukha ko.

"Ano'ng—ano'ng ginagawa mo rito? Cutting ka?" tanong ko pa habang pinupunasan ang ilong kong basa.

"Cutting ka rin naman e."

Pinunasan ko ulit ang luhang patuloy na lumalabas sa mata ko. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Tiningnan ko nang maayos ang paligid.

"Nasa Botanical Garden ba tayo?"

Tumango naman siya at ngumiti nang malaki.

Naman. Bakit dito pa? Sa dinami-rami ng pupuntahan, bakit dito pa? Bad mood na nga ako tapos dito pa ako napadpad!

Imbis na malungkot, nakaramdaman agad ako ng takot.

"O, ba't ganyan ang mukha mo?" tanong pa ni PJ.

"Maraming uod dito e!"

"Takot ka sa uod?"

"Puwede ba?"

Ngumiti siya nang nakakaasar at mukhang may balak gawing masama. Tatayo na sana siya pero pinigilan ko siya. Agad ang hatak ko sa uniform niya para hindi siya makaalis.

"Subukan mo lang kumilos diyan, may sapak ka talaga sa 'kin!" Hinawakan ko agad siya sa braso niya para hindi siya makaalis.

"Bakit? Wala naman akong gagawing masama e. Ikaw, ha."

"PJ! Isa!"

"Bakiiit?" Natawa siyang lalo.

"Anong bakit ba ka diyan. Balak mong kumuha ng uod at ipanakot sa akin e!"

"Pa'no mo nalaman?"

"Isa, PJ! Sisipain talaga kita!"

"Oo na! Hindi na! Ito, ang init ng ulo."

Hindi ko siya binitiwan. Baka kumuha nga. Mahirap na. Puwersahan ko siyang pinaupo sa tabi ko para hindi siya makaalis.

"Hindi mo ba 'ko bibitiwan?" tanong agad niya.

"Hindi."

"Bakit? Crush mo na 'ko, 'no?" sabi niya sabay ngiti nang malaki.

"Ayoko sa 'yo. At ayoko rin sa lugar na 'to."

Bigla namang bumagsak ang mukha niya. Wala naman akong magagawa. Masyado pa siyang bata para maintindihan ako. Tumahimik siya sandali at lumingon-lingon.

"Tara nga."

"Hoy, saan mo 'ko dadalhin?"

Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa may drinking fountain sa dulo ng garden.

"Maghilamos ka," sabi niya. "Ang pula ng mukha mo e."

Tiningnan ko lang siya. Nakatingin lang siya sa akin habang tinuturo ang fountain.

"Drinking fountain 'yan."

"Kaya nga. O, kung ayaw mo, e di, dito ka na lang sa may gripo," sabi niya sabay tingin sa likod ng drinking fountain.

"May gripo naman pala!"

Napakamot na lang siya ng batok at ngumiti.

Pumunta na ako sa likod ng drinking fountain at naghilamos sa may gripo. Ang panyo na lang niya ang pinampunas ko sa basa kong mukha.

"Bakit ka nga pala umiiyak? usisa niya.

"Hindi mo maiintindihan."

"Pero puwede mo namang ikuwento para maintindihan ko, di ba?"

"Hindi nga puwede."

"Ikuwento mo na. Kapag hindi ko naintindihan, e di, okay lang. At least, may pinagsabihan ka ng problema mo, di ba? Saka alam mong may nakikinig sa 'yo." Doon ako napasulyap sa kanya. "Sabi ni Kuya, gano'n daw 'yon e. Gano'n kasi ang ginawa ng girlfriend niya sa kanya no'ng nagkakilala sila."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "O, ano'ng gusto mong palabasin, ha?"

"Uh, baka . . . puwedeng—"

"Hindi."

"Wala pa naman akong sinasabi e! Sige na, sabihin mo na lang tapos kunwari, puno lang ako rito."

"Psh." Tumahimik na lang ako. Ganoon din siya.

Useless din naman kasi angpagkukuwento ko. Mananatili lang siya rito sa nakaraan ko dahil hindi namantalaga ako ang Stella na kilala niya. Kung sakali mang magkita kami sa panahonko, baka hindi ko rin siya makilala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top