Chapter 25: The Beauty and the Beast

Nagsisiuwian na ang lahat. Ang iba, magmo-malling pa raw kaya nauna na. Dumiretso ako sa fountain dahil ala-una pa lang naman ng hapon. Ang ikinagulat ko, wala roon si Angelo pagdating ko. Hindi ko alam kung umuwi na ba siya o ano kaya inilapag ko na lang ang lahat ng dala ko sa bench.

Tiningnan ko ang paligid. Ang sarap umupo at i-enjoy ang napakagandang view ng lugar. Kinuha ko ang digicam at kinunan ng picture ang fountain. At dahil dala ko ang mp3 player ko, nagpasak agad ako ng earphone at nakinig ng kanta.

Pinatong ko ang kaliwang braso ko sa sandalan ng bench at ipinantukod sa ulo ko ang nakakuyom kong kamao. Pumikit ako habang ine-enjoy ang serenity ng paligid.

Hindi ko alam kung anong oras ako makababalik sa future. Hindi ko rin naman alam kung kailan ko pa uuliting bumalik dito sa past.

Ni hindi ko nga alam kung hanggang saan lang ba ang limit ng pagbalik ko.

Napadilat agad ako at napaayos ng upo nang may marinig akong parang hindi na sakop ng mp3 ko ang tunog.

Tiningnan ko agad kung sino ang nagsalita bago ko hinubad ang kaliwang earbud na suot ko.

"Balak mo bang angkinin 'tong teritoryo ko, ha?"

Nagkibit-balikat na lang ako sa tanong niya saka siya nginitian para mang-asar.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong niya.

"Wala lang. Gusto ko lang makita 'tong lugar sa huling pagkakataon."

"Bakit? Hindi ka na ba babalik?" tanong niya agad. Parang may halong lungkot ang tono niya.

"Gusto mo ba 'kong bumalik?" tanong ko. Malay ko ba kung ano'ng isasagot niya.

Yumuko na lang siya at nagkamot ng batok. "Welcome ka naman na rito."

Ngumiti na lang ulit ako sa kanya at sumandal ulit sa bench. That was nice.

"Kumusta naman ang Christmas party sa 'yo?" tanong ko habang naglalakad siya palapit sa 'kin.

"'Lang kuwenta."

Tinawanan ko siya nang mahina. "Wala raw kuwenta. Ashush! Nag-enjoy ka naman e."

"Nag-enjoy ka diyan. Sa'n banda?"

"Aminin mo na. Nag-enjoy ka," pamimilit ko habang nakangiti sa kanya.

"Paano naman ako mag-e-enjoy, ha?" Naupo na siya sa kaliwang tabi ko at kinuha ang isang earbud ko na hindi nakasuot. "Wala silang ibang ginawa kundi hatakin at picture-an ako. Akala mo ba, nakakatuwa 'yon?"

"Ayiiee. Ayaw mo n'on? Nagagwapuhan sila sa 'yo?"

"At saang banda sa mukha ko ang guwapo, ha? Pakisagot nga lang ako."

"A, gusto mo, sinasabi pa sa 'yo. Ito, o! Ito! Ito!" Tinusok-tusok ko pa ang pisngi niya.

"Ano ba! Tumigil ka nga!" utos niya sabay palo sa kamay ko. "Isa! Sasapakin talaga kita."

Tinawanan ko ulit siya kasi kahit na alam kong kaya niyang gawin 'yon, hindi na 'ko natatakot sa kanya.

Sandali kaming natahimik at pinakinggan ang music sa earbud na pinaghahatian namin. Mga ilang segundo rin naming tinulalaan ang gate ng fountain.

"Bakit ka tumuloy?" tanong ko out of the blue.

"Akala ko ba, gusto mong tumuloy ako ngayon?"

Napangiti ako habang nakatitig pa rin sa gate. "Hindi ko lang ine-expect na tutuloy ka kasi gusto kong tumuloy ka."

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Siyempre, gusto ko. Sinabi ko ngang pumunta ka para sa 'kin, di ba? Di ko lang talaga inaasahan na ako ang dahilan kaya ka pumunta."

"Mapilit ka kasi."

Natawa naman ako sa naging katwiran niya.

"Alam mo, Gelo, hindi ko lang inaasahang mapipilit kitang pumunta ngayon nang walang matinong dahilan. Iyon na siguro ang pinakamahirap na nagawa ko mula nang makausap kita nang matino-tino." Bumalagbag ako ng upo sa bench at isinandig ang batok sa sandalan bago tumingala sa punong mangga na nasa ibabaw lang namin ang lilim. "Alam mo, maling-mali talaga ang naging impression ng lahat sa 'yo. Hindi ka naman talaga super bad boy, alam mo 'yon?"

"O, ano'ng gusto mong palabasin?"

Nginitian ko siya paglingon ko. Kanina pa pala niya ako tinititigan. Napansin ko lang pagtingin ko sa kanya. "Someday, malay mo, magkita tayo on a random day, ililibre mo 'ko ng pagkain, then mare-realize kong lahat ng 'to . . . worth it lahat ng pamimilit ko sa 'yo. Worth it ang pagbalik. Worth it ang oras na sinubukan kong mapalapit sa 'yo kahit na super taas ng bakod mo. Aside siguro kay Carlo, sa lahat ng mga classmate natin, mas pipiliin pa kitang makasama kahit na ayaw mo sa 'kin. Dama kasi kita. At ngayon ko lang 'yon na-realize."

Saglit akong tumahimik. At kakaiba ang titig niya sa 'kin. Parang sinusukat kung nasa huwisyo pa ba 'ko para sabihin ang lahat ng pinagsasasabi ko sa kanya.

"Okay." Sinukuan ko na rin saka bumalik sa pagtingala. "Kalimutan mo na lang."

"Crush mo talaga 'ko, 'no? Iba ka rin e."

Natawa naman ako nang mahina sa sinabi niya at umurong ako nang bahagya para siya naman ang sukatin ko ng tingin.

Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o nangsa-sarcasm lang e.

Kaso . . . ang ganda na ng moment namin nang biglang bumukas ang gate ng fountain at lumitaw ang nakangiting si Chim.

And, wow! Hatak-hatak niya si AJ! Akalain mo 'yon! Sa dinami-rami ng lugar na pupuntahan, dito pa?

"Galing. Ang galing," sarcastic kong sinabi habang sinusundan ng tingin sina Chim.

Tiningnan ko si Gelo. Mukhang mas nagulat siya kaysa sa 'kin. Napatayo na lang kaming pareho at sinalo ko agad ang nahubad sa aming earphone.

"O, nandito pala kayo!" masayang sinabi ni Chim habang ang laki ng ngiti. At ayoko ng tono niya. As if namang hindi niya alam na tambayan ni Gelo ang lugar na 'to.

"Ano'ng ginagawa n'yong dalawa rito?" tanong ni AJ kasi mukhang kahit siya, nagulat ding narito kami sa fountain ni Gelo.

"Kami ang dapat nagtatanong sa inyo. Ano'ng ginagawa n'yong dalawa rito?" naiiritang tanong ni Gelo.

Wait. Kami raw? Kasama ako?

"Lugar ko 'to at alam ng lahat 'yon," pagdidiin ni Gelo.

"Tara na, umalis na tayo rito," sabi ni AJ at pinilit tumalikod at hatakin si Chim.

"Ayoko! Gusto ko rito!" masayang sabi ni Chim at siya na lang ang naghatak kay AJ papunta sa swing.

A, ganoon? Sapak, gusto rin kaya niya? Letse siya. Alam ba niya ang salitang privacy and awkwardness?

Iba talaga ang kapal ng mukha niya, hindi ko kinakaya.

"Puwede naman kami rito, di ba?" masayang tanong ni Chim kay Gelo.

Aba at nagtanong ka pa e mukhang ayaw mong lumayas!

Cross fingers, cross fingers. Gelo, humindi ka, humindi ka, humindi ka.

Malas lang kasi no comment si Gelo.

"Silence means yes! Tara na! Doon tayo!" Hinatak pa ni Chim si AJ hanggang sa sapilitan niya 'yong pinaupo roon.

Bad trip. Iba rin talaga ang kapal ng apog niya e, 'no? Ibang klase.

Tiningnan ko si Gelo. Nakapikit lang siya at kagat ang labi. Mukhang naiinis siya sa mga nangyayari. Siguro, gusto niyang humindi pero hindi niya nagawa.

"Aalis na lang ako, Gelo," dismayado kong sinabi sa mababang tono. Akma ko nang kukunin ang gamit ko nang makita kong nakakuyom ang kamao niya.

Baka galit siya kasi nakita niyang kasama ni Chim si AJ.

Kung ako rin naman, makita ko ang babaeng gusto kong may kasamang ibang lalaki, malamang lang na kukulo rin ang dugo ko.

"Thanks sa time," sabi ko. Dadamputin ko na sana ang bag ko nang magsalita siya.

"Bakit ka aalis?" Mabigat ang pagkakasabi niya sa tanong na 'yon. Nakakatakot ang tono niya. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko at gumapang ang kilabot mula sa braso ko hanggang batok.

"Kasi . . . sila . . ."

"Teritoryo ko 'to. Kung may aalis dito, sila 'yon at hindi ikaw."

Sapilitan niya 'kong hinatak pabalik sa bench at wala na 'kong nagawa kundi ang manahimik na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top