Chapter 24: Parlor Games
Noon, um-attend ako ng Christmas party na mukha akong clown. Tapos hindi ako nakasayaw dahil nga wala akong partner kasi tinanggihan ko si Gelo. Tapos walang ibang ginawa sina Chim kundi asarin ako dahil sa suot ko. Hindi tuloy ako nakasali sa parlor games kasi hiyang-hiya ako sa sarili ko. Tapos ang nakuha ko pang gift ay isang towel na may print na Mickey Mouse na hindi para sa 'kin kasi hindi um-attend ang tatanggap—na mukhang si Angelo pa yata.
Pero ngayon?
Pumasok na si Ma'am Amy sa room kaya nag-start na kami ng parlor games.
Si Chim lang naman ang Valedictorian, at halos lahat ng planning, siya ang gumagawa. Dati, kukuwestiyunin ko pa kung bakit hindi kami inaasikaso ni Ma'am Amy. Pero noong nag-college ako at na-take ang course ko, doon ko nalamang hindi ko maisisingit sa schedule ko as a teacher ang mga ganitong pagpaplano. Wala pa naman kaming student teacher.
Sumali ako sa Touch Me na pauso ni Jane. Si Carlo ang unang naghatak sa 'kin at napakaharot niya, para siyang kiti-kiti. Parang Touch The Color ang game pero parts ng body ng partner ang magta-touch. Tipong left foot ni girl sa right foot ni guy. Marami kaming sumali. Mga sampung pair din.
"Okay! Boy! Touch mo ang . . . baywang ni Girl!"
Tawanan kami nang tawanan at panay ang kantiyawan sa paligid. Hindi naman sinasadyang madako ang tingin ko kay Angelo na masama ang tingin sa 'min.
"Hahaha! Next na! Next na! Girl, touch mo ang . . . batok ni Boy!"
Lalong lumakas ang kantiyawan. At mas lalong sumasama ang tingin ni Angelo kada daan ng paningin ko sa kanya.
Mas lalong humirap ang pinagagawa nila. Kung saan-saan na nagkahawakan. Ididikit daw ang tuhod ni girl sa tuhod ni boy na ikinatalo ng mga nagpares na hindi magkaka-height. Ididikit daw ang ganito sa ganyan. At kung ano-ano pa.
Sa bandang huli, kami ni Carlo ang d-in-eclare na panalo.
"Okay, winners! Eto na ang inyong prize!" sigaw ni Ma'am Amy. Iniabot na niya sa 'min ang dalawang balot ng kendi.
"Aahh!" Hawak ako ni Carlo sa magkabilang kamay habang tumatalon kaming dalawa. "Makakapagtayo na tayo ng sari-sari store, Mahal! Mapagtatapos na natin ng pag-aaral ang ating mga anak!"
Natawa na lang kami sa hirit niya kahit na kendi lang ang premyo namin bago kami bumalik sa upuan.
Sasali pa sana ako sa ibang games kaso talagang hindi ako mapalagay sa tingin sa 'kin ni Angelo. Putek, parang papatay ng tao e. Ano na naman kaya ang atraso ko rito?
Nag-take na lang ulit ako ng pictures kasi naba-bother talaga ako kay Gelo. Sinusundan talaga niya 'ko ng titig. Bakit? Kasi iniwan ko kanina? Mukha naman niya, parang obligasyon kong maging bodyguard niya.
"Last game na natin tapos exchange gifts na! Okay! Maghanap na kayo ng ka-partner bago namin sabihin ang pangalan ng game!"
Nagkahatakan na naman ng kapareha.
"Stella, my loves!" pagtawag na naman ni Carlo na mukhang tuwang-tuwang ka-partner ako.
"Hahaha! Ano, tayo ulit, Carlo?" masayang sagot ko.
Papayag na sana ako kaso biglang hinaltak ni Gelo ang kamay ko at bigla akong itinago sa likuran niya.
"Ako ang ka-partner niya, hanap ka na lang ng iba," maangas niyang sagot kay Carlo.
Napaurong na lang si Carlo habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Gelo.
Nakagat ko na lang ang labi ko kasi gusto ko na talagang matawa sa ikinikilos ni Gelo. Pati ba naman si Carlo, aawayin niya?
Itinaas naman ni Carlo ang magkabilang kamay para ipakitang hindi na siya makikipagtalo. "Okay!" Matipid ang ngiti ko sa kanya. "Sayang, Stella."
Mabilis na tumalikod si Carlo at hindi na lang sumali sa larong hindi pa namin alam kung ano'ng gagawin.
May gusto akong sabihin kay Gelo kaso ayoko na lang ituloy kasi mukhang bad trip siya. Nanahimik na lang ako hanggang i-announce ang pangalan ng game.
"Ang game natin ay pinamagatang . . . Saluhin Mo, Itlog Ko!"
Nagtawanan kaming lahat. Natigilan lang ako kasi ang seryoso talaga ni Gelo.
Ano kayang issue nito sa buhay?
Pinababa kami sa quadrangle para doon gawin ang game. Pigil na pigil naman ang ngiti ko kasi ayaw talagang bitiwan ni Gelo ang kamay ko mula pa noong iniabot sa kanya yung itlog, paglabas namin sa room, hanggang sa pagtapak ulit namin sa quadrangle.
Diyos ko, akala niya naman, may kukuha sa 'kin.
Binitiwan lang niya 'ko noong sinabing kailangang maghiwalay kami para magsalitan ng pagsalo sa itlog.
Una, arm's length lang ang layo. Puwede pang abutan na lang. Kapag tapos na ang unang level, hahakbang kami nang isa paatras.
"Oy! 'Pag ito nalaglag, yari ka talaga sa 'kin!" banta ni Gelo sabay bato ng itlog.
Fifteen pairs kaming sumali at wala pa namang nababasagan.
Seryoso lang ang tingin sa 'kin ni Gelo. Hindi ko alam kung masama ba ang loob, sineseryoso ba ang laro, o talagang bad trip lang siya kanina pa.
Hindi ko na alam. Ewan ko ba sa topak niya.
Nang apat na metro na ang layo namin, medyo nag-alangan na 'ko kasi parang hindi ko alam kung masasalo ko pa.
"Kaya mo pa?" malakas na tanong sa 'kin ni Gelo. Napansin din yata niya ang ilang beses kong pag-iling.
"Siguro!" sigaw ko sabay bato ng itlog. Nasalo niya, effortless pa. Parang wala lang. Sa bagay, basketball player din kasi siya. Tuwing Intrams lang naman siya sumasali sa team plays.
Lima ang nabasagan sa level na 'yon. Umalis na rin ang mga wala nang itlog kaya pito na lang kaming natira. Atras ulit kami.
Sa dinami-rami ng sasalihan ko, ito ang naiilang ako kasi kinakabahan ako. Magaling naman akong sumalo, kaso ang tanga kong maghawak. Baka mamaya, tamang salo ako pero bigla ko namang mahigpitan ang hawak at ako pa mismo ang makabasag sa kamay ko.
May nabasagan ulit. Halos mangalahati na kami.
"Kaya mo pa?" sigaw ni Gelo.
"Try ko!" sigaw ko rin sabay bato ng itlog sa kanya. At nasalo ulit niya nang walang ka-effort-effort.
May nabasagan na naman. Pag-alis ng iba, nagulat na lang ako kasi dalawang pares na lang kaming natira.
Kami ni Gelo. At ang soon-to-be-lovers na sina Chim at AJ.
Napahinga ako nang malalim nang magtapo ang tingin namin ni Chim. Ang sama ng tingin niya sa 'kin.
Wow, ha. Of all people. Ganoon din naman ang tingin ni Gelo kay AJ.
Binato na ni Gelo ang itlog sa 'kin.
"Gelo! Hala!" sigaw ko pa. Pinilit ko pa ring abutin ang itlog kahit medyo alanganin ang pagkakabato niya.
"Malalaglag! Malalaglag!"
"Aahh!"
"Go, Chim!"
"Stella! Go, go, go!"
"Sheeet!"
"Whooh! Muntik na!"
Sa sobrang dami ng nagtitilian, hindi ko na alam kung sino ang sino o kaninong boses ang kanino.
Ang tibay ng lovers. Hindi pa rin gumi-give up. At buo pa rin ang itlog namin ni Gelo.
Ang taray ng tingin sa 'kin ni Chim. Kung makapangmata, akala mo naman, napakalaking bagay ang hindi mabasagan ng itlog.
Hello? Gusto niya, ilaga ko pa 'tong hawak ko para sa kanya.
"Game!" sigaw ni Chim.
Binato ko nang pagkalakas-lakas ang itlog para lang umabot sa napakalayong puwesto ni Gelo.
Pagbato ko, hinayaan ko na lang kung masasalo ba ni Gelo o hindi. Ang focus ko kasi ay ang itlog na ibinato ni Chim.
Paano ba naman kasi . . .
"Mahina ang bato niya," bulong ko habang sinusundan ng tingin ang itlog sa ere.
"Aaahh! Sayang!" sigaw ng lahat dahil nabasag ang hinagis na itlog ni Chim sa ground. Ni hindi man lang umabot ang itlog sa puwesto ni AJ.
Nadako naman ang tingin ko kay Angelo na ang yabang ng porma. Nakataas lang ang kilay sa 'kin habang nakapamulsa ang isa niyang kamay.
"Nasalo mo?" sigaw ko pa.
Inangat niya ang isa niyang kamay na may hawak na itlog. At hindi pa nababasag!
Lumawak agad ang ngiti ko. Gusto ko mang sumigaw at magtatatalon nang mataas dahil sa tuwa e hindi ko magawa. Maliban sa naka-heels ako, ang seryoso pa rin kasi ng mukha ni Angelo.
Confident kaming naglakad ni Gelo palapit sa isa't isa. Naririnig ko ang panghihinayang ng ilan sa pair nina Chim kasi alam ko namang si Chim ang pinapaboran nila.
"Nice catch!" sabi ko. Itinaas ko ang kamay ko para makipag-high five.
"Ako pa ba?" sabi niya sabay high five sa 'kin.
At isang malutong na apir ang nagdeklara ng pagkapanalo namin.
Isinauli na namin kay a'am ang naka-survive na itlog at kinuha ang prize namin.
"Kung game console 'yan, baka tanggapin ko pa," wala sa mood na sabi ni Gelo.
"E di ibibigay ko na lang kay Carlo."
"Anong kay Carlo? Akin na nga 'yan!" naiinis na sabi niya sabay halbot ng balot ng candy sa 'kin.
"Ashush. Tatanggapin naman pala, dami pang inarte."
After ng last game, nagbigayan na ng gift.
Busy ako sa pagtingin ng pictures at hindi na inintindi pa ang mga katabi kong tuwang-tuwa sa mga natanggap nilang regalo.
Something memorable kasi ang theme ng exchange gift.
At wow! Napaka-memorable nga ng towel na natanggap ko noon, grabe.
"To Stella." Lumapit si Ma'am sa 'kin at iniabot ang gift ko.
Napataas na lang ang kilay ko kasi nasa isang rectangular box ang gift ko. Kasinlaki lang ng dalawang 6" ruler na pinagdikit.
Inikot-ikot ko pa ang regalo kasi parang hindi naman yata magkakasya sa ganoong size ang isang towel. "To Stella nga," bulong ko pa.
Binitiwan ko na ang camera at ibinalik sa bag.
Tinitigan ko ang gift ko. Akin nga talaga.
Para sa 'kin na talaga.
Binuksan ko na ang regalo at hindi ko ine-expect ang bumungad sa 'kin.
"Wow," sabi ni Garet na katabi ko lang sa upuan.
"Uy, ano 'yan? Wow, ang ganda naman," bati ni Carisa.
"Gift sa 'yo?" tanong ni Anne, yung binigyan ko ng regalo.
Tumango naman ako.
Isang necklace. Iyon ang gift na natanggap ko.
Necklace na may magandang pendant na angel wings na gawa sa glass at may frame na golden metal.
Kung mumurahin lang 'to, okay lang. Mas na-appreciate ko 'to kaysa sa towel na Mickey Mouse.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kasayang Christmas party. Sana noon ko pa na-realize na kung una pa lang, nagpakatotoo na 'ko, sana ganito ang naranasan ko at hindi ang nangyari noon.
Kung alam ko lang talaga.
-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top