Chapter 20: Angel...oh
Tanggihan ko man si Angelo o hindi, mukhang hindi talaga ako makakasali sa Christmas presentation na 'yon. At mukhang hindi talaga interesado si Gelo sa party. Tinititigan ko si Carlo habang kasayaw sa practice si Carisa.
Tsk, oo nga pala. Si Carisa ang soon-to-be girlfriend niya na next year pa magiging official. Hindi ko rin siya mapipilit makipagpalit.
Paano nga ba ulit ako makakabalik sa future? Wala naman na 'kong pag-asa rito. Nag-aksaya lang ako ng chance.
"Aw!" Napasimangot at napatili na lang ako kasi bigla na lang may humatak sa buhok ko. Paglingon ko . . .
"Akin na 'tong tali mo." Itinapon ni Gelo ang ponytail ko sa bintana ng second floor.
Aba't—
"Ang epal mo! Inaano kang tungak ka?" bulyaw ko.
Kinuha niya ang kamay ko at pumuwesto kami sa likod nina Allen sa dulong-dulo, halos likod na nga ng room at hindi na kami makikita.
Retarded ba siya o KSP lang talaga? Ano'ng problema niya?
Napansin kong pinagtitinginan kaming dalawa. Tinaasan lang kami ng kilay ni Chim.
Oh. Ibig bang sabihin nito . . .
"Payag ka na?" tanong ko pa habang nakatingala sa kanya.
"Ayaw mo?"
Napasinghap ako sa narinig ko habang nanlalaki ang mga mata.
Totoo ba 'to? Ha-ha!
Papayag din naman pala, nag-inarte pa. Tinalo pa nito ang babae, a. Ang hirap basahin.
Inulit nina Chim ang countings kaya sumabay na kami ni Gelo. Buti, hindi nahahanginan si gaga. Baka hindi na maibalik ang posisyon ng kilay niya dahil kanina pa nakataas.
"5, 6, 7, 8! Jump ikot then slide!"
Putek.
Alam ko nga ang steps, parang estatwa naman 'tong partner ko!
Spell TUOD? A-N-G-E-L-O.
Ugh! As in nakatayo lang talaga siya! Ni hindi niya ginagalaw ang kamay niya! Actually, hindi siya gumagalaw! My God. Ina ng Awa.
Salsa itong sinasayaw namin! All I want for Christmas ang kanta! Dapat lively! Kaso parang patay 'tong partner ko, bad trip.
Dito ko talaga naramdaman na ikaw lang talaga ang mapapagod kapag walang balak kumilos ang isa.
"Okay, pahinga muna!"
Ugh! Buti naman!
Kahit isang beses pa lang kaming nag-try, napagod na 'ko nang sobra. Asar talaga sa buhay 'tong Gelo na 'to.
Saglit kaming umupo sa sahig habang ang iba, hindi na umupo at nagkuwentuhan na lang habang nasa puwesto pa rin nila.
Nag-indian seat si Gelo sa sahig. Nag-indian seat din ako sa harapan niya.
"Ang tino mo ring kausap, 'no?" mahina kong sinabi sa kanya habang inis na inis siyang tinitingnan. "Tumayo ka nga. Literal na tumayo lang talaga! Ugh! Nakakainis ka—aw! Ano ba! Inaano ka?" Napahawak na lang ako sa ulo ko kasi kinutusan niya.
"Ang arte mo. Pasalamat ka nga, pumayag ako e," sabi pa niya habang nakatingin kina Chim sa unahan.
"Wow!" Nilingon ko pa sina Chim na busy sa pag-inom ng tubig habang nakikipagkuwentuhan. "Wow talaga! Dapat pa pala 'kong magpasalamat? Wow, di ko kinakaya, ha. Ibang klase ka talaga." Napailing na lang ako sabay hilamos ng palad sa mukha.
Wala na talagang pag-asa 'tong taong 'to. Makakalbo ako nang di-oras dito.
"E bakit mo ba kasi pinagpipilitan 'yang sayaw na 'yan, ha? Ano ba'ng mapapala ko diyan?"
"Siyempre—" Natigilan ako.
Iyon na. Ang ultimate question.
At ang ultimate answer ay hindi pabor sa 'kin.
Bumuga ako ng hangin at yumuko para mag-iwas ng tingin. Nakutkot ko tuloy ang palda ko nang wala sa oras.
"Oo na. Wala. Wala kang mapapala," dismayado kong sinabi.
"'Yon naman pala e!" malakas niyang sinabi. Halos ipamukha sa 'kin na wala nga siyang mahihita sa party-party at sayaw-sayaw na 'to.
Napabuga na naman ako ng hininga saka tumingala para sumagap ng mas maraming hangin. Ibinagsak ko na naman agad ang ulo ko na parang bigat na bigat ako sa utak ko sabay kamot sa batok.
"Ang totoo, hindi lang naman yung sayaw ang habol ko rito," tamad kong paliwanag sa kanya. Sinalubong ko ang tingin niyang mukhang tinatantiya na naman ako. "Binibigyan lang kita ng dahilan para um-attend sa Friday. Ikaw lang kasi ang hindi sasali."
"O, ano naman ngayon kung ako lang ang hindi sasali?"
"E siyempre . . . gusto ko . . ." Ngumiti ako nang kaunti sa kanya. "Um-attend ka. Gusto kitang makita rito sa Friday."
Bumuga na naman ako ng hangin nang may pagsuko na this time habang nakatitig sa mga mata niya. Alam ko naman kasing hindi si Angelo ang tipo ng lalaking maniniwala sa salita ng binu-bully niya.
Imagine, in-spend mo ang buong elementary at high school years mo sa pambu-bully tapos aasa kang magiging mabait pa ang tingin sa 'yo ng lahat e halos lahat, ang iniisip, wala ka nang pag-asa sa buhay.
Naging alanganin ang tingin niya sa 'kin. Nanunukat.
"Alam mo, may napapansin na ko sa 'yo, ha. Aminin mo nga. May crush ka ba sa 'kin?"
Naglahong bigla ang ngiti kong pagkatipid-tipid at kusang tumaas ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya.
"Ha?"
"Bingi ka ba? Ang sabi ko, may crush ka ba sa 'kin?"
Putek.
Hindi ako nagulat sa tanong. Nagulat ako sa nagtanong!
Ang totoo, hindi 'yan ang mga linyang madaling binibitiwan ng isang Angelo Castello kaya mukhang . . . ano ba?
Sa bagay, after six years, mukha na siyang mabait at kagalang-galang. Inilibre pa niya 'ko ng spaghetti kahit na hindi ko 'yon inaasahan. After so many years, noon nga lang ako nailibre—at huwag siya! Bully pa ang nanlibre sa 'kin!
"Alam mo, Gelo, maraming may crush sa 'yo kahit na ganyan ang ugali mo at aware naman ako r'on."
"Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko. Daming kuda."
Tiningnan ko siya nang diretso. Parang gusto kong tumawa nang sobrang lakas. Ang seryoso niya kasi! Pero, sige, patulan na. Baka biglang manapak e.
"Yung totoo? Siguro. Oo." Tumango pa ako. "Big deal ba sa 'yo kung crush nga kita? May pake ka ba? Nagkakapake ka ba sa mga ganitong confession?"
Well. Hindi nakakahiyang sabihin sa kanya. Walang awkward moment. Guwapo siya at nilibre niya 'ko ng spaghetti. Additional pogi points 'yon para sa isang bully. Crush lang naman e, hindi ko naman jojowain. Saka hindi ko naman na 'to panahon ha-ha. Hindi naman magiging kami sa future, sigurado ako roon.
Bigla niyang ginulo ang buhok ko at inilagay lahat sa mukha ko. Para na tuloy akong si Sadako! Buti sana kung maikli ang buhok ko, bad trip! Siya kaya magsuklay nito? Itinapon nga pala niya ang tali ko! Letse talaga, oo.
"Ano ba, Gelo!" Tinabig ko agad ang kamay niyang ginugulo pa rin ang buhok ko. Nakaka-bad trip! Ano na namang topak niya!
Inayos ko agad ang buhok ko kasi ang alinsangan sa pakiramdam. "Bully ka talaga! Bully! Bully! Tse!"
"Bully ka talaga! Bully! Bully! Tse!" Ginaya niya ang sinabi ko with maarteng voice sabay hirit ng malutong na tawa. "Hahaha! Ampanget mo!"
"Kapal mo! Guwapo ka ba, ha? Guwapo ka? Guwapo ka? Kapal ng mukha talaga! Wala ka nang pag-asa, boy."
"Bakit? Sinabi ko bang guwapo ako, ha? May narinig ka?"
"Tse! Ewan!" Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at ipinangtali. "Bad trip talaga. Bakit ba kasi tinapon-tapon yung tali ko? Napaka-epal," bulong ko.
Busy ako sa pagtatali nang pasimple niyang inipit ang bumagsak na buhok sa likod ng tainga ko.
"Okay! Start na ulit tayo!"
Whoah, wait.
Natulala akong bigla dahil sa ginawa niya.
"Hoy, tumayo ka na diyan."
Nagtayuan ang mga balahibo ko at medyo uminit sa paligid.
Ano ang . . . ano ang nangyari?
Inalok niya ang kamay niya sa 'kin.
"Ano? Tunganga pa?"
"Ito na nga, di ba?" Alanganin ko pang iniabot ang kamay ko.
Ano yung ginawa niya? Kasama ba dapat 'yon?
Hinatak niya 'ko patayo at halos masubsob ako sa dibdib niya sa lakas ng pagkakahila niya sa akin.
Napalunok na lang ako nang sulyapan siya. Ang hirap tuloy tumingin sa kanya. Naiilang ako.
"Game!"
Bigla akong nawirduhan. Nabawasan tuloy ang energy level ko dahil sa kanya. Good news kasi nadagdagan ang energy level niya. Equal na kami. Kumikilos na kasi siya. May improvement na sa part niya.
Good luck na lang sa mgasusunod na araw kasi wala ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top