Chapter 19: Bully and Bullied

"Welcome back."

Tumakbo agad ako sa restroom nang pagmulat ko ng mata, nasa school na agad ako.

"Ayan na naman tayo sa mukhang 'yan. Kailan ka ba matututong magtanda, ha, Stella?"

Buti at papasok pa lang ako at hindi pa 'ko nakakaakyat sa room. Tinanggal ko na ang lahat ng makeup at ipit ko sa buhok. Buti na lang at hindi na sobrang kapal ang makeup ko ngayon kaya mabilis akong maghilamos, at hindi rin sobrang dami ng clip. Nag-high pony na lang ako din ako gamit ang itinara kong ponytail. Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, umakyat na agad ako sa room namin.

Ito ang araw kung kailan ang unang practice ng presentation. Gusto ko nang makasayaw ngayon kaya sana, sana lang talaga, makipag-participate na si Angelo.

Well, kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ako nakasayaw noon. Tinanggihan ko nga kasi si Gelo. Siya kasi ang partner ko and . . . bully siya, okay? Sino ba ang gugustuhing maka-partner ang isang bully?

Dahil siguro doon kaya hindi um-attend si Gelo ng Christmas party.

At dahil nilibre niya 'ko ng spaghetti, bibigyan ko siya ng dahilan para um-attend sa huling Christmas party namin.


***


"O, Chim, ikaw na ang bahala sa presentation sa Friday, ha?" sabi ni Ma'am Amy.

"Yes, Ma'am!"

Si Chim, si Chim, puro na lang si Chim.

Siya na ang Class President.

Siya na ang Valedictorian.

Siya na ang maganda.

O, sige na! Siya na lahat!

"Okay, guys! Eto ang ating presentation for this year's Christmas event! Ballroom!" sabi niya habang tuwang-tuwa pang nag-e-explain ng plano niya sa harapan.

Two weeks niyang pinag-isipan 'yan pati ang steps kaya ganyan na lang ang excitement niya. Kuwento siya nang kuwento sa 'min no'ng narinig niya sa faculty room na pinag-uusapan daw siya ng mga teacher kaya gustong magpabibo. Kung dati, excited ako para sa kanya; ngayon, lalo lang akong naiirita. Ang arte ng tono niya, nakaka-bad trip. Puwede ko na ba siyang sakalin? At, as usual, kasama niya ang tatlong asungot. Nagsusulat na sila sa board ng pairs. At alam ko na ang plano nila. Anim na taon na. Siyempre, ang partner ni Chim ay si AJ.

Mga guwapo at sikat talaga ang mga pinili niya para sa mga alipores niya. Ugali nila, ano pa ba'ng aasahan?

At ipinares talaga nila sa 'kin si Angelo.

Ngayon, hindi ko na sigurado kung bakit si Gelo ang ipinares nila sa 'kin. Bully si Gelo at iniiwasan siya ng lahat, pero isa rin siya sa mga crush ng lahat. Wala nga lang nagtatangkang umamin sa kanya nang diretsahan kasi ipinapahiya niya.

Not sure if feel lang talaga nila 'kong buwisitin dati o gusto rin nila na guwapo ang partner ko. Or both.

Pero kasi naman, bully si Gelo at alam nilang pagti-trip-an lang ako n'on kaya I doubt kung gusto lang nilang guwapo nga ang kapares ko.

Iniikot na namin ang mga upuan. At prepared ang loka, may sounds na agad. If I know, sumipsip na naman siya kay Ma'am Amy at nagprisinta para sa lahat ng ito kaya prepared na prepared siya. Hindi rin naman kasi kami mahawakan ni Ma'am Amy sa mga ganito dahil ang daming paperworks na ipinagagawa sa kanila. Katatapos lang ng first part ng third grading period. Parang doon pa lang sa paperworks na kailangang ipasa sa evaluation, parang gusto ko nang mag-quit sa course ko.

"Okay! Tumayo na yung mga nandito sa board!" Pumalakpak nang malakas si Chim at tumayo sa gitna ng room.

Aaminin ko, maganda talaga ang leadership skills ni Chim, pero ayoko pa rin sa attitude niya dahil bully siya, specifically, sa akin.

Pumuwesto ako sa likuran.

Ito na ang time na dapat nagmamakaawa akong palitan ang partner ko. Pero siyempre, hindi ko na 'yon gagawin ngayon.

Tutal, alam ko naman ang steps—na super basic at kabisado ko by heart—hindi ko na kailangang makinig sa kanya.

"Gelo, puwede ba, tumayo ka na!" sigaw ni Jane dahil si Angelo na lang ang hindi tumatayo sa aming lahat.

"Ayoko nga," sagot ni Gelo habang maangas na nakatingin sa kung saan.

"Kawawa naman yung"—tiningnan ako ni Jane sabay ngisi—"partner mo, o."

"Wala akong pake."

"Jane!" sigaw ni Chim. Ngumisi lang siya kay Jane at kitang-kita sa mukha niyang inaasahan na nila ang nangyayari.

So, plano nga nilang hindi ako pasalihin dahil ayaw naman talaga ni Angelo'ng sumali sa umpisa pa lang.

"Ikaw na ang bahala diyan sa partner mo," mataray na sinabi ni Jane sa 'kin saka umirap.

"Okay, guys, start na tayo, ha!" sigaw ni Chim. "'Humabol na lang yung mga paimportante!"

Letse! Ugh! Sinadya talaga nila! Mga buwisit! Gusto talaga nila akong pahirapan!

Hindi ako bumalik sa panahong 'to para lang magmakaawang ipares na lang ako sa iba. Kung si Angelo ang pinili niya, then fine! Pipilitin ko 'tong siraulong 'to kahit na six years pa ang lilipas bago 'to maging mabait sa 'kin.

Lumapit na 'ko kay Angelo.

"Tumayo ka na," mahinahon kong utos.

Hindi niya 'ko pinansin at pinanood lang ang mga sumasayaw.

"Hoy, Gelo, naririnig mo ba 'ko?" At hindi niya talaga 'ko pinansin. Napapikit na lang ako at huminga nang pagkalalim-lalim.

"Gelo!" singhal ko agad. Kinuha ko ang kuwelyo niya at hinatak siya. Tinabig lang niya ang kamay ko. Masyado siyang mabigat para mabuhat ko patayo.

"Angelo naman!" Kinuha ko ang magkabilang kamay niya at hinatak siya kaso ayaw niya talaga. "Gelooo!" Hinatak niya pabalik ang kamay niya kaya napaatras ako at bumangga kay Allen na nasa likuran ko.

"Sorry," paumanhin ko kay Allen at bumalik na ako kay Angelo.

"Angelo, please naman!"

"A-yo-ko." Hindi pa rin siya tumitingin sa 'kin.

Ugh! Bakit ba ang tigas ng ulo niya?

Tumayo na ako nang diretso at nagpamaywang. Ayokong ubusin ang oras ko para sa kaartehan niya. Lalo lang akong napipikon.

"Ano ba'ng gusto mong gawin ko para lang makipag-participate ka, ha?" naiinis na sabi ko.

"Halikan mo yung paa ko."

A, ganoon?

"Puwedeng pasapak kahit isa lang! Yung bigay na bigay para masaya!"

Ang kapal ng pagmumukha ng ulupong na bakulaw na 'to! Halikan daw ang paa niya? Peste siya! Kain siya damo!

"Angelo kasi! Tumayo ka na diyan! Nakakaasar ka na, ha!"

Hindi niya 'ko pinansin kaya inambahan ko siya ng suntok. Nasalo niya ang kamay ko kaya sinubukan ko ang kabila. Kaso nasalo niya ulit. Hawak na niya ang magkabilang galang-galangan ko nang sobrang higpit.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" tanong ko habang inaangasan siya ng tingin.

"E ayoko nga."

"Ang sama talaga ng ugali mo."

"Matagal na."

Tinitigan ko siya nang masama. Tiningnan niya rin ako nang masama.

"Gusto mong partner si Chim, 'no?" sabi ko agad.

Lumaki ang mga mata niya dahil sa gulat at biglang naningkit. Nagkasalubong na naman ang mga kilay niya.

"Ayaw nila 'kong pasalihin sa presentation kaya nga ikaw ang ipinares nila sa 'kin. Tingin mo ba, may gustong makapareha ka? Wala, di ba? Kasi ganito ang ugali mo." Ibinaba ko na ang kamay ko at bumitiw na sa pagkakahawak niya. "Gusto kong sumali sa presentation, pero dahil sa 'yo, hindi 'yon nangyari at hindi na 'yon mangyayari pa."

Umiling na lang ako at tumingin sa mga nagpa-practice.

Ganoon din pala. Sana hindi na lang ako bumalik. Kung ayaw pala talaga ni Angelo, bakit ko pa pipilitin? Wala na. Lahat, may partner na. Sinong kaklase ko ang pipili kay Angelo e napakaarte ng lalaking 'to.

"Panalo na sila. Panalo ka na. Ano, masaya ka na?" Pinaikutan ko na lang siya ng mata saka umiling. "Alam kong tatanggihan mo lang ako para maging partner mo. Walang may gusto sa 'yo. Wala ring may gusto sa 'kin. Asa pa 'kong may tatanggap sa 'kin para maging partner."

Mga panira ng moment.Makabalik na nga lang sa upuan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top