Chapter 6
#WIAE Chapter 6
The next few days were but a blur. Ni wala akong maalala na minuto na hindi kami magkasama ni Avo. His presence was starting to grow on me. Kung dati, naaasiwa ako sa pagsunud-sunod niya sa akin, ngayon, ako na ang naghahanap sa kanya kapag hindi ko siya nakikita. I guess persistence really has its merits.
"I can't believe you failed the diagnostics!" sabi ni Cathy sa akin. Kanina kasi, dinala kami sa shooting range para sa diagnostics exam. Dito malalaman kung nasaan na 'yung comprehensible input mo para malaman kung saang level ka ilalagay. Halos lahat ng kasabayan ko e nasa expert level na, may ilan na intermediate, ako lang yata ang nasa beginners... Sumabit pa nga lang din yata ako roon.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Cathy na oo, kasama ako sa pamilya na involved sa mga ganitong bagay pero hindi ibig sabihin niyon na mahilig ako sa karahasan. Was it my fault that I'm a peace-loving citizen?
"Kinakabahan lang ako," I answered. May re-test naman bukas para sa mga kagaya ko. Ang hirap naman kasi na maiiwan ako sa level na 'to.
Matapos nun ay naligo na si Cathy. Ako naman, nakahiga lang sa kama. Paano ako magsusurvive sa lugar na 'to? Akala ko medyo maayos na, e. Mayroon naman pala na normal na degrees dito pero hindi ko napansin na mas inclined pa rin sila sa kung ano ang kailangan ng mga pamilya namin. Wala na yatang takasan talaga sa kinamulatan naming buhay.
Tumayo ako mula sa kama ko. I was utterly spent but I couldn't fall asleep. Masyado akong bothered sa resulta ng diagnostics. Kinuha ko lang 'yung jacket ko at saka lumabas.
Maganda rito sa labas ng AdM kapag gabi dahil wala ng masyadong tao. Akala mo ang tahimik, akala mo ang peaceful... But I knew there was no second that I was alone. Kahit saan ako tumingin, may camera. Bawat galaw namin, recorded. It felt like there was no room for mistakes.
Hindi ko napansin na dinala ako ng mga paa ko sa harap ng dorm nila Avo. Ilang segundo na nakatayo lang ako sa labas nun. Hindi ko alam kung bakit ako napunta rito. Was I unconsciously missing him?
I was about to turn my heel around when someone spoke from behind me.
"Avo?" he said. Nakita ko na nakatayo si Night mula sa likuran ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bakit ba napaka-creepy ng tao na 'to? Hindi ko talaga siya maintindihan!
Tumango lang ako pero hindi ko pa rin maialis ang kunot sa noo ko.
"Bakit ka nasa labas?" Ipinakita niya sa akin 'yung iniinom niya. "Lumabas ka para bumili niyan?" I asked the obvious. Tumango naman siya. I just noticed how he was such a child sometimes. Napaka-contradicting ng personality ng isang 'to.
"Wanna come in? Nasa loob yata siya," he said pero hindi pa man ako nakakasagot, binuksan niya na 'yung gate. Nung hindi pa ako naglalakad, tumalikod siya at tinignan lang ako. Hindi siya nagsasalita pero 'yung tingin niya pa lang, it already said a thousand words.
Pumasok ako sa loob at dumiretso kami sa third floor kung nasaan ang kwarto ni Avo.
"Maghihintay na lang ako sa second floor," I said. Ang awkward naman kasi na kakatok ako sa kwarto ni Avo. I mean, oo, girlfriend niya ako pero pakiramdam ko, wala pa naman kami sa ganung setup. Medyo weird.
"And risk the chance of Ella seeing you?" sabi niya at saka umiling. "Kumatok ka kapag ready ka na. Matutulog na ako," he said tapos pumasok na siya sa kwarto niya. Ang weirdo niya talaga.
Nakatayo ako sa labas ng pinto ni Avo, thinking about what to do. Dapat ba akong kumatok o hindi? Pero tama si Night... mas gugustuhin ko na na kung anuman ang isipin ni Avo kaysa ang makita ako ni Ella rito. That girl gives me the scare. Oo, wala pa siyang ginagawa sa akin physically but I could see the hatred she's harboring for me. Kitang-kita ko na kahit unti-unti, patindi nang patindi iyong galit niya sa akin. The kind of resentment that results to utmost destruction. The kind that leaves everything in a state of obliteration.
And so I heaved a deep breath and knocked. Here went nothing.
My heart was thumping wildly inside my chest. One. Two. Three. And then I lost count.
Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko habang naghihintay na pagbuksan ako ng pinto ni Avo. Susuko na sana ako at maglalakad pabalik sa dorm ko nung marinig ko ang boses ni Ella. Biglang nanginig ang tuhod ko sa takot.
"Shut it," rinig ko na sabi niya. "I'm not crazy, okay!"
Mayroon siyang kausap pero hindi ko masyadong marinig kung ano ang sinasabi niya. Basta ang alam ko lang, sa sobrang kaba ko, napihit ko 'yung seradura ng pintuan ng kwarto ni Avo.
I was consumed by the fear of seeing Ella na hindi ko napansin na nasa harap ko si Avo—who was wearing nothing but a towel that was hanging so dangerously low.
Biglang nag-init at namula ang mukha ko sa nakita ko. Napatalikod ako.
"Sorry," I said. "Nasa labas kasi si Ella... at natakot ako na makita niya kaya pumasok ako rito ng walang paalam. Sorry..."
Base sa naririnig ko, nagbibihis na siya. Pakiramdam ko hihimatayin na lang ako bigla! Wala akong nakikita, naririnig ko lang ang bawat ginagawa niya pero kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko. Damn Avo! Sa ilang araw na pagsama ko sa kanya, may nag-iba na talaga sa akin.
"It's alright," sagot niya. "You're welcome here anytime, wife."
Napaikot na naman ang mata ko. Hindi yata talaga ako masasanay na tinatawag niya na wife.
"You can look now," sabi niya at dahan-dahan ako na umikot. Mabuti na lang at bihis na siya ngayon. He was just wearing a boxer shorts and white shirt pero ang gwapo niya sa paningin ko. Nakaupo siya sa edge ng kama niya at saka tinapik 'yung space sa tabi niya. "Come here," he gently said.
Parang may sariling isip ang mga paa ko at naglakad papunta sa kanya. Naupo ako sa tabi niya. Bigla niya akong niyakap. I let myself get lost. Isang buong araw ko siyang hindi nakita dahil may ginawa ang mga Dieux kaya naman miss na miss ko na rin siya...
"I missed you," he said. Hindi ako sumagot. Ayokong bigyan siya ng rason para mas ikulong pa ako. It was enough that I, myself, knew that there was already something. I needed not to complicate things even more.
After a few seconds, humiwalay na siya sa yakap. Tinignan niya ako sa mata ko. "Why are you so scared of Ella?" he asked. He was caressing my face with his thumbs and I was fighting the urge to close my eyes and enjoy the sensation. "Haven't I promised you that I would protect you?"
Tumango ako.
"Then why are you still so scared?"
Hindi ko rin alam ang sagot. Hindi ko alam kung bakit isang tingin pa lang ni Ella sa akin, kulang na lang tumakbo ako palayo sa sobrang takot. It was like she was nothing but bad news.
"I'll destroy anyone who hurts you, you hear me?"
I nodded again.
"So please don't be scared, okay?"
I looked into his eyes and I knew he was telling the truth. "Okay."
Matapos nun ay bumaba kami ni Avo para kumain. Wala na si Ella; wala akong pakielam kung nasaan man siya. At isa pa, bigla akong nabuhayan sa sinabi ni Avo. He will protect me. Alam ko sandali pa lang kaming magkakilala pero pakiramdam ko ay mapagkakatiwalaan ko siya... Hindi ko maipaliwanag pero sa kanya, pakiramdam ko palagi akong ligtas. It was weird to feel this way but it felt so right.
"Bakit wala kayo ni Night sa class kanina?"
"Mafia," he said.
"Akala ko bawal tumawag sa labas?"
"Being a Dieux has its perks," he said. Napakagat naman ako sa labi ko. Kasalanan ko na naman pala 'to. Kung sana hindi ko sinabi sa headmistress na irevoke ang kung anuman na meron ako bilang Dieux, e 'di sana makakausap ko pa sila 'My. Pwede ko pa kaya siyang pakiusapan? Pero ayoko rin naman kasi na malaman ng mga tao rito ang tungkol sa akin... I didn't need any more attention. I was getting more than enough.
Mukhang napansin ni Avo ang pagbabago ng mood ko.
"You could marry me so you'll be a Dieux as well," he kidded. Napangiti lang ako at nailing. "Cheer up, wife. I'll find a way for you to talk to your parents, alright?"
I nodded. But I knew it wouldn't be possible. There was no way I was going to tell him about my parents. Not until I was certain about things.
After indulging ourselves with food, naglakad na naman kami sa labas. Walking is our thing. Since Avo was aware that this—all of this—was too fast, gusto niya na mag-usap kami. Madalas, naglalakad lang kami, nag-uusap. Getting to know each other. Ang weird, noh? Nauna niya akong halikan, tapos ginawang girlfriend, tapos ngayon pa lang kami talaga nagkakakilala. Everything about us was weird... but nevertheless it was damn exciting.
Natawa sa akin si Avo nung nasabi ko 'yung resulta ng diagnostics. Hinampas ko siya. Sabi ng 'wag siyang tatawa, e.
"I didn't mean to laugh," he said, trying to stifle his laughter. "How could you fail?"
I just had to roll my eyes.
"Well, hindi lahat ng tao ay mahilig sa baril," I said. "Not me, okay?"
Nakangiti pa rin si Avo but admiration was visible in his eyes. Napailing siya sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. I let myself follow him. At hindi nga ako nagkakamali, doon kami tumigil sa shooting range.
"We'd have to fix that problem, wife," he said as he was filling the magazine with empty bullets.
"Avo..." I said. "Ayokong matutong bumaril."
"Wife, this is not a matter up for debate. You have to learn how to shoot."
"I can survive without the guns."
"Not in the kind of life we have, no."
But this wasn't the kind of life I had planned out for me. My parents promised... They promised that a few years from now, we'd give this kind of life up. We'd live a peaceful and tranquil life. Away from all the violence and the deaths.
Inilagay niya 'yung baril sa kamay ko at saka pumwesto sa likuran ko. Alam ko na ramdam niya ang panginginig ng kamay ko. I think I will never get the hang of it. And I would never want to be at ease around guns.
"Relax," he breathed on my neck. He guided me. "You hold it like this," sabi niya sa akin. Ikinulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya at tinuruan niya ako kung paano ang tamang paghawak ng baril. "You cock the gun." Iniayos niya ang pagkasa ng baril. "Look at the target," he said and my heart started to get wild inside my chest.
And when he whispered, "And you pull the trigger." And I swear I almost lost it all.
Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero tumama sa pinakagitna 'yung bala. Kanina, ni kahit sa malapit man lang doon ay hindi ko magawa. Ramdam ko na frustrated na sa akin 'yung professor pero hindi niya pinapahalata. Pero 'yung mga classmates ko, kulang na lang pagtawanan nila ako.
And now, my heart was swelling with false pride.
"You need this for your protection."
"I thought you said you'd always protect me?" I said with questioning eyes. I knew I was playing a dangerous game but I was done pretending to not feel anything.
Humakbang ako palapit sa kanya.
"I will," he answered.
"Then I won't need any of this," I said before I closed the gap between us and kissed him full on the lips.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas para gawin 'to but damn it felt so right. The feel of his skin against mine, the way his lips moved on top of mine. Pakiramdam ko anumang oras ay tatakasan na ako ng bait. Iyong kamay niya sa bewang ko, pakiramdam ko mababaliw na ako.
My breathing came from shallow to fragmented pieces. Hingal na hingal ako. Who would have thought a kiss could render me so breathless?
"Fuck," he kept on saying as we engaged in mind-rattling kiss. I had no idea where my hands wandered, heck, I didn't even care one bit. Ang mahalaga sa akin, malinaw na ang lahat.
As I continued to kiss Avo with all my soul, I realized one thing.
"You're mine as much as I am yours." I said, staring into his eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top