Chapter 3

#WIAE Chapter 3

"S-sorry," mabilis kong sabi at saka tumalikod. Naglakad ako papunta sa cashier at saka mabilis na nagbayad. Ni hindi ko na natignan kung magkano ang babayaran ko at ibinigay ko na lang ng diretso ang ID ko. Damn! Pakiramdam ko tatalon palabas ng dibdib ko itong puso ko!

Matapos iyon ay agad kong dinampot iyong paper bag.

Shit.

"Name," mababa ang boses na sabi nung lalaki na Avo ang pangalan.

Ito na yata 'yung panahon na literal na sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong sumali sa 100 meter sprint sa lagay ko. Pinagpapawisan ako at nanginginig ang kamay ko.

Ibinaba ko ang tingin ko.

"Boe Estrela, Duexième,"sagot ko. Sa loob-loob ko, nagdadasal ako na sana ay paalisin na nila ako. Bakit naman kasi sa unang araw ko sa eskwelahan na ito, nakabunggo ko agad sila? Pakiramdam ko tuloy ang malas-malas ko!

Sa totoo lang, ilang segundo pa lang na nasa harap ko si Avo pero pakiramdam ko, ilang oras na ang lumipas. Sobra siyang makatingin sa akin. Pakiramdam ko malulusaw ako sa titig niya.

"Avo!" sigaw nung mga kasamahan niya. Akala ko ay iiwan niya na ako pero nakatayo pa rin siya sa harap ko. Dumating na tuloy 'yung kasama niya na tumatawa kanina. "Dude!" sabi niya. Napatingin siya sa akin at mukhang napansin niya na kinakabahan ako. "First day na first day, e..."

Nakayuko pa rin ako. Damn! Bakit ba kinakabahan ako sa kanya! Kung tutuusin, pareho lang naman kami!

"Tigilan mo na nga 'yang chicks. Baka gusto mong magwala na naman si Ella," sabi niya sabay halakhak. Tumingin siya sa akin at saka pinaalis na ako. Agad naman akong tumakbo matapos iyon.

Dumiresto na ako agad sa dorm namin. Pakiramdam ko naubos na ang enerhiya ko para sa buong araw! Ano ba naman 'to!

Nakita ko si Cathy na natutulog pa rin. Bakit naman kasi hindi na lang din ako natulog? E 'di sana hindi ko pa nakasalubong iyong mga Dieux na 'yun! May jetlag din naman ako dahil galing ako sa Japan kahapon! Naku talaga!

Humiga ako sa kama matapos kong maibaba iyong mga gamit ko. Nakatitig lang ako sa kisame. Sinusubukan ko na matulog pero wala talaga. Para akong mababaliw sa lugar na 'to. Walang signal, walang internet. Para akong nasa bundok... na walang daan para makatakas. Sobrang taas ng bakod dito na ni hindi ko na pagbabalakan na akyatin pa. Mayroon ding camera sa bawat sulok.

Napatingin ako sa gilid ko nung magising si Cathy.

"Ano'ng oras na?" she said as she yawned.

"10," tipid na sagot ko. Kumalam na rin ang sikmura ko. Kanina pa ang huli kong kain. Hindi naman ako mabilis magutom pero pakiramdam ko gutum na gutom na ako. Naubos talaga ang energy ko sa engkwentro ko sa mga lalaki na iyon!

Umupo si Cathy sa kama niya at saka nag-inat. "Kain tayo?" she asked and I quickly obliged.

Sabay kaming naglakad palabas ng dorm. Maraming tao rito pero hindi rin masyado. Ewan ko. May kakaiba talaga sa eskwelahan na ito. Bawat makakasalubong ko, ramdam ko na hindi lang sila basta tao. Makikita mo naman kasi iyon sa tindig at tingin pa lang nila. It's like they're exuding the sense of authority and power.

Pumunta kami sa isang restaurant pero agad akong nag-aya na sa iba na lang kami dahil nakita ko na naman iyong grupo nung mga lalaki. Pero hindi gaya ng kanina, may kasama silang dalawang babae.

"Hay nako, hindi na talaga nasanay ang mga babae na 'to," sabi ni Cathy habang naiiling pa.

"Ha?" I had to fake my expression. Ayoko naman kasi na mahalata niya na curious ako sa mga tinatawag nilang Dieux.

Doon kami kumain ni Cathy sa katapat na resto pero mula sa kinauupuan namin ay kita pa rin namin ang lamesa nila. Puno 'yung kinakainan nila. Maraming babae at halata naman na nagpapapansin sila. Masyado naman kasing obvious.

"Syempre nga mga Dieux ang mga 'yun kaya hinahabol ng mga babae rito 'yan. Kapag kasi nagpakasal ang mas mababa na rank sa mas mataas, aakyat sila ng rank. Isipin mo naman kung Quatrième ka tapos biglang akyat sa Dieux! Ay ang taray mo 'dun!"

Dumating na iyong waitress at umorder na kami. Habang busy na mamili si Cathy ng kakainin namin ay hindi ko mapigilan na mapatingin sa gawi nila. May kakaiba talaga sa grupo na iyon... Para bang may itinatago silang sikreto.

"Sino ba ang tinitignan mo?" kunut-noo na tanong ni Cathy nung mahuli niya ako na nakatingin sa kabilang resto.

"Wala..." I said. "Nacucurious lang ako sa kanila." I lied.

Nagkibit balikat na lang siya. "Well, since wala ka naman talagang alam sa school na 'to, ako na ang magsasabi sa iyo na 'wag mong lapitan 'yung mga tao na 'yan. I mean, kung gusto mo ng normal na buhay dito sa loob ng school, layuan mo sila."

"Bakit naman?"

"Well, firstly, iyong lalaki na blonde ang buhok? His name is Fuji Irie. He's the ultimate playboy. Promise, kung virgin ka pa at iniingatan mo 'yang puri mo, lumayo-layo ka na sa taong 'yan," sabi niya. Medyo natawa naman ako. "Seryoso ako!"

"Wala naman akong sinasabi..." I murmured.

Mabuti naman at wala pa 'yung order naman dahil may oras pa para magkwento sa akin si Cathy.

"Iyong tahimik na nakasalamin naman ay si Lorenzo del Rio. Actually, medyo okay naman siya. Tahimik lang talaga kaya hindi ko alam kung ano ang ugali. Ang kinakausap niya lang kasi ay 'yung mga Dieux din. Elitista lang ang peg niyan."

Natawa ako sa mga side comments ni Cathy. Hindi talaga ako nagkamali na siya ang maging kaibigan ko. Nakakatawa siya at ang dami niyang alam tungkol sa lugar na 'to.

"Iyon namang tahimik din pero may katabi na babae, iyon si Night." Oh! Siya 'yung bumibili ng maraming condoms kanina! Bigla akong namula sa naisip ko. Tinukso naman ako ni Cathy agad! "Crush mo?" she teased.

"Hindi, ah." I was quick to dodge the question.

Nginitian lang ako ni Cathy na nakakaloko. Bahala siya dyan na ipagpilitan na may crush ako doon sa Night.

"Anyway, ayun nga si Nightly Von Klampenberg. Tapos 'yung girlfriend niya is si Laurie Smith. Basta medyo magulo 'yung dalawa na 'yan kasi minsan break, minsan okay. Pero hindi Dieux si Laurie. Ka-rank natin siya. Swerte nga niya, nakaka-mingle siya sa kanila," sabi ni Cathy, bakas ang panghihinayang sa boses. Pakiramdam ko, may crush 'to kay Night!

Pero bago pa man ako makapagsalita ay ipinakilala niya na 'yung pinaka-hinihintay ko.

"And last but not the least, ang royal couple ng Academia de Mondragon—si Augustus Voltaire Ostenhaimer and si Elliana Montrova. Simula lower school, silang dalawa na. Hindi ko alam kung paano naging sila dahil hindi ko naman makita ang affection kay Avo pero super clingy niyang si Ella. Basta, kapag may Avo, expect na may Ella na kasunod."

Biglang dumating iyong mga order namin kaya naman parang nakalimutan na ni Cathy na may sinasabi siya. Ako naman, hindi ko pa rin maialis ang tingin sa sa kanila. Something about him was making me think so hard...

Agad akong nagbaba nung tingin nung mapadako sa gawin namin ang tingin niya. Damn! Muntik na naman ako 'dun, ah!

"Ay, mabubulunan lang, girl? Aba, dahan-dahan!" sabi ni Cathy at inabutan ako ng tubig. Bigla ko na lang kasing isinubo iyong pasta sa bibig ko dahil sa kaba.

Matapos kaming kumain ay nagdesisyon kami na mag-ikot muna. Si Cathy kasi ay may damit na palibasa ay dito na talaga siya nag-aaral. Ako naman, sinamahan niya na magshopping. Bahala na sila 'My dito. Basta bibilhin ko lahat ng magustuhan ko. Desisyon nila na pinadala nila ako rito. Naiinis pa rin ako na ni hindi nila ako kinunsulta. Buhay ko pa rin naman ito... They could have at least asked me...

Ilang oras din kami na namimili ni Cathy. Ipinahatid na lang namin sa dorm 'yung mga napamili ko. Mabuti na lang at pati pajama ay kumpleto sila. May nakita rin ako na bookstore dito pero malapit na kasing mag time kaya mamaya ko na lang siguro dadaanan.

"Bye, girl!" sabi ni Cathy. BA Comparative Literature ang sa kanya at ako naman, BA Business Administration. Medyo normal pa rin naman pala kahit papaano ang school na 'to...

Itinuro na sa akin ni Cathy kung saan ang building ko at medyo napahinto ako nung makita ko ang pangalan ng building.

Ostenhaimer Building

Huminga ako nang malalim. Kalma, Fee. Kalma.

Hindi pa ako nakakapasok sa loob, ramdam ko na ang kakaibang awra. Parang ang bigat. Tinignan ko ang room number na naka-assign sa akin at mukhang nasa tamang lugar naman ako. Tumingin ako sa loob at wala pa naman ang professor. Mabuti naman.

Pagpasok ko, pansin ko na puno na lahat ng mga upuan. May isang bakante lang doon sa pagitan ni Night at Avo.

Agad naman akong umatras pero nakita ko na nasa likod ko na ang professor. "Are you in my class?" tanong niya sa akin at mabilis naman akong tumango. Pinapasok niya ako sa loob. Mukhang mabait ang mga professor sa mga estudyante. Baka takot din sila... Kahit ako naman ay natatakot sa mga tao rito. Ramdam ko kasi na delikado silang mga tao. Parang isang maling galaw mo lang, lagot ka na kaagad.

Lumibot ng tingin ang professor at nakita niya na ang tanging bakanteng upuan na lang ay iyong sa pagitan ni Avo at Night.

'Wag naman!

"Mr. Ostenhaimer and Mr. Klampenberg, could this lady sit between the two of you?" tanong niya. Nagtinginan naman lahat ng estudyante sa akin. Tama nga si Cathy. Kung gusto ko ng matahimik na buhay dito sa loob, 'wag na 'wag akong didikit sa mga Dieux... Pero huli na ata ang lahat dahil tumango na si Avo.

Pinaupo na ako doon ng professor. Bawat hakbang na ginagawa ko ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pagdating ko sa pwesto ko ay dahan-dahan akong naupo. Pakiramdam ko kasi ay kapag naabala ko sila, sasaktan nila ako.

Nagflash ng schedule sa harap si Professor Chua.

"Here's your schedule for the whole term. It's already in your iPad. Should you have any more question, you may approach me anytime," sabi niya. Tinignan ko iyong schedule na sinasabi niya. Akala ko normal na itong nangyayari... Hindi pa rin pala. Bukod sa mga Business Administration subject ay mayroong mga target shooting classes din kami. Mayroon pang mga iba na hindi ko maintindihan.

So this school was still far from normal...

Nagsimula na ang klase at ako naman, pilit ko na pinapakinggan ang lahat. Mas matatahimik kasi ako kung doon ako magcoconcentrate kaysa rito sa dalawang katabi ko.

Mabuti na lang at mabilis natapos agad ang klase. Agad akong lumabas. Damn! Bakit kasi walang cellphone?! Paano ko kokontakin si Cathy ngayon?

Palakad-lakad lang ako sa campus at hinahanap ko si Cathy. Para akong tanga. Ang laki-laki ng lugar na 'to pero naghahanap pa rin ako.

Nung medyo mapagod na ako ay naupo ako sa isang bench. Bahala na nga. Dito na lang ako magpapalipas ng break time...

"Oh, my god, girl!" tili nung isang babae. Hindi ko naman ugali na makinig sa usapan ng may usapan pero ang lakas kasi nilang mag-usap talaga. Hindi ko naman pwedeng utusan 'yung tenga ko na mag-deactivate muna for a while!

"What?" sagot nung kasama niya.

"Damn! After five years, break na rin si Avo at Ella!" tili nung babae. Biglang nanlaki rin ang mata ko. What? Break na sila? Magkasama pa sila kanina, ah!

Kung kanina, pinipilit ko pa na hindi makinig, ngayon naman ay mataman na nakikinig na talaga ako sa mga sinasabi nila.

"Ano—" Natigilan ako sa sinasabi ko nung mapansin ko na hinatak ako patayo ni Avo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top