When I was your Man
When I Was Your Man
by Giezelle | Uerie_24
—
"Do you remember the time when I was your man?"
—
"I love you, Aidan!"
"I love you, too, Ellie!"
"Always and forever.."
2 years passed and I'm still inlove with you.
I can't get over you. I can't move on. Di ko akalain na ganito pala 'yon kahirap. Samantalang sa 'yo, ang dali-dali lang. Minahal mo ba ako? Minahal mo ba ako sa loob ng apat na taon nating relasyon? Bakit kung kailan itatali na kita sa 'kin, tsaka ka pa tumakbo?
You left me without a word. Ni hindi mo sinabi sa 'kin ang rason kung bakit mo ako iniwan. Nagising na lang ako isang araw, wala ka na. Wala ka na sa 'kin. Nasasakal na ba kita? Possessive ba ako, Ellie? Masyado na ba akong over-protective sa 'yo? Mahal na mahal kasi kita kaya ko nagagawa 'yon. Bakit mo ako iniwan?
After that day, agad akong kinompronta ni Lex. He's asking me if I am okay, tangina, sinong magiging okay kung iwan ka ng taong mahal mo? I was so helpless, damned, and hurt that time. Hindi ako kumakain ng maayos. Hindi nila ako makausap ng ayos. Sobra akong nalungkot sa pag-alis mo. Sobra akong nangulila sa pag-iwan mo sa 'kin, Ellie. Minsan natanong ko sa sarili ko, hindi pa ba ako sapat? Anong kulang sa akin, Ellie? Ibinigay ko naman lahat sa 'yo. May kulang pa ba?
Hindi ko nakilala ang tubig that time. Puro ako alak. Ni hindi ko na maalala kung nakaka-ilang kain pa ba ako sa isang araw noon. Ang natatandaan ko lang, palagi akong nakakulong sa kuwarto. Puro bote ng alak ang nasa paligid ko. I was hopeless. Hindi ko alam kung kanino ako pupunta. Hindi ko alam kung saan pa ba ako tutungo kung wala ka. Hindi ko alam kung paano na ako kung wala ka. Ikaw lang ang minahal ko sa tanang buhay ko, Ellie. Tapos iiwan-iwanan mo na lang ako? Nasan na 'yung sinabi mong hindi mo ako iiwan? Nasan na 'yung pinangako mo sa akin na tayong dalawa lang habang-buhay?
Siguro tama nga sila, promises are meant to be broken. Asang-asa ako noon na akala ko tayong dalawa na talaga. Akala ko tayong dalawa na magpakailanman. Ilang beses na akong napagalitan ni Mama at Papa noon. Sinabi nilang, tama na raw, tumigil na ako kakaiyak sa 'yo, itigil ko na 'yung nararamdaman ko para sa iyo dahil iniwan mo na rin naman daw ako. Sabi nila, marami pa namang babae diyan, hindi lang ikaw. Pero puta, paano ako makakahanap ng katulad mo? Iba ka sa kanila, Ellie. Ibang-iba. Nagi-isa ka para sa 'kin.
Ilang buwan ang nakalipas at ilang buwan na rin akong hindi pumapasok sa trabaho. Nagpunta sa bahay ang amo ko at tinanong pa ba ako kung itutuloy ko pa 'to. Naisip ko noon, bakit pa ako magta-trabaho, bakit pa ako magi-ipon ng pera kung 'yung magiging asawa ko.. iniwan na ako? Para saan pa ang pagta-trabaho ko? Para kina Mama? Para saan pa 'yung iipunin kong pera kung wala ka naman? Para saan pa 'yun? So I said no. Wala na rin namang kwenta dahil wala ka na.
Nang malaman ni Ate Aurora ang nangyari. Umuwi siya dito sa pilipinas galing France. Sa kanya ko sinabi lahat-lahat. Sa kanya ako umiyak ng umiyak. Nakakabakla man pero tangina, sobrang sakit lang eh. Si Ate ang kasama ko sa lahat-lahat. Nandyan siya tuwing lasing na lasing na ako, tuwing iiyak ako, at nandyan siya para pigilan akong magpakamatay. Ang OA ba, Ellie? Sobra lang kasi kitang minahal eh.
1 year and 5 months passed, medyo maayos na ang buhay ko. Hindi na ako araw-araw umiinom. Hindi na ako masyadong umiiyak ng dahil sa pagkawala mo.
Pero alam ko sa sarili kong.. hindi pa ako nakakapag-move on.
Inayos ko ang buhay ko noon. Naghanap ulit ako ng trabaho at sa awa ng diyos, natanggap naman ako. Binago ko ang sarili ko. Mula sa porma, sa buhok, lahat-lahat. Sinubukan ko nang makipag-relasyon sa iba pero ikaw lang ang nakikita ko sa mukha nila. Puro ikaw, Ellie. Hanggang kailan pa ba ako magiging ganito? Hanggang kailan pa ba ako magpapaka-baliw sa 'yo? Torture sa akin ang isang taon na wala ka sa tabi ko. Miss na miss ko na 'yung malambing mong boses. Miss na miss ko na 'yung maamo mong mukha. Miss na miss ko na 'yung mga halik, yakap at ang pagsasabi mo sa akin na mahal mo ako. Miss na miss na kita. Wala akong naging balita sa 'yo simula nang iniwan mo ako. Kamusta ka na kaya? Ayos ka lang ba? Nakahanap ka na ba ng iba? Mahal mo pa kaya ako?
Babalik ka pa ba?
Isang araw, may nagpadala sa akin ng isang liham. Pumunta daw ako sa address na binigay niya. Day off ko naman kaya pumunta na rin ako. Mukha namang hindi masama ang balak ng nagpadala. Hindi na mahirap sa 'kin ang pag-alis dahil hindi na ako sa bahay nakatira. Sa condo na ako nagi-stay malapit sa trabaho ko.
Akala ko kung sino lang ang nagpadala ng sulat..
Ikaw pala.
Tila hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makita kita sa lugar kung saan tayo unang nagkita. Kung saan.. pinangako natin sa isa't isa na tayong dalawa lang, na magkasama parin tayo habambuhay. Sobra akong nagulat dahil nakita rin kita after 1 year. Walang nagbago sa 'yo, ganun ka parin.. pero..
Lumaki ang tiyan mo.
Hindi ka pa rin lumilingon sa akin. Naka-upo ka lang sa gazebo at tinatanaw ang magagandang halaman sa harap mo. Nostalgia was in your face. Nakangiti ka sa kawalan pero bakas sa mata mo ang pagka-lungkot. Nakahawak ka sa medyo malaki mo nang tiyan at hinahaplos-haplos mo pa ito.
Nang tawagin ko ang pangalan mo, nawala ang ngiti sa mukha mo at ang malungkot mong mata ay naluluha na. Lumapit ako sa puwesto mo at tinanong kung bakit sa halos isang taon, ngayon ka lang magpapakita.
"I'm sorry, Aidan.. I am really, really sorry. Hindi ko sinasadya.."
"Anong nangyari, Ellie?"
"I'm sorry kung iniwan kita. I have no choice.. itinali ako ni Lola sa iba. Sinabi niya.. kung hindi kita iiwan, kung hindi ako lalayo sa 'yo, kakalimutan na niyang apo niya ako. Hindi ako makapag-isip ng maayos that time. Naiipit ako sa dalawang options, sundin ko ba si Lola at matatali ako sa iba, o sa 'yo parin pumunta at mawalan ng pamilya? Natakot ako, Aidan. Kaya mas pinili kong sundin si Lola. Pinakasal niya ako sa anak ng business partner ni Papa. Ilang beses kong sinubukang tumakas sa impyernong 'yon pero sadyang malas lang ako dahil kahit naka-ilang ulit na ako, hindi pa rin ako maka-alis. Miss na miss na kita. Nakikita mo ba 'tong tiyan ko? Binuntis ako ng pinakasalan ko, Aidan. He forced me to do it with him.. I was raped. At pagkatapos niya akong babuyin, iniwan na lang niya ako bigla. Pera lang pala ang habol nila sa 'min, Aidan. Sobrang nagalit si Lola.. depressed na depressed siya. Hanggang sa dumating ang punto na, inatake siya sa puso at namatay. I am 6 months pregnant now. Tumakas ako sa bahay. Lumayas ako. Hinanap kita.. pero kahit si Lex, hindi ko ma-contact. Nang magkita kami ni Ate Aurora sa mall, I talked to her. Tinanong ko kung nasaan ka, kung okay ka ba, anong ginawa mo nung wala ako. Sobrang sama ko.. nagawa ko 'yon sa 'yo. Nasaktan kita ng sobra sobra. I'm sorry talaga. Aidan, sobrang namiss kita.."
"Are you still in love with me, Ellie?"
"Yes, I do, Aidan."
Hindi ko malimutan ang nangyari nung araw na 'yon. Sobrang saya ko. Noong araw na 'yon ulit ako nakangiti at nakatawa ng walang pino-problema. Sinabi ko sa 'yong tanggap kita kahit na may dinadala kang anak na hindi naman sa akin. Handa akong maging ama ng dinadala mo. Handa akong harapin ang responsibilidad na iniwan sa 'yo ng lalaking 'yon.
Dala-dala mo ang mga gamit mo papunta sa condo ko. Sobrang saya nating dalawa. Alagang-alaga kita nung gabing 'yon. Lahat ng gusto mo, ginagawa ko. Inisip ko na rin noon na ako talaga ang ama ng dinadala mo. Doon ko lang narealized na, tangina, ang hirap pala mag-alaga ng buntis, ano? Pero kaya kong tiisin yung mga mood swings mo, yung pagiging pihikan mo sa pagkain, yung mga tantrums mo. Kasi mahal kita e.
Makalipas ang isang linggo, bigla na naman naging impyerno ang buhay ko.
Hindi kita nasasamahan sa condo. Palagi ka na lang mag-isa. Dahil lagi akong nasa trabaho nun. Pero sana naintindihan mong para sa iyo 'yung ginagawa kong pagpupursigi sa trabaho, pero hindi eh. Sinabi ko naman na huwag ka ng umalis sa condo, 'di ba? May bilin ako sa iyo na huwag kang lalabas at magpupunta kung saan saan dahil baka maka-apekto 'yun sa anak mo, sa anak nating dalawa. Pero anong ginawa mo? Iniwan mo na naman ako.
This time, iniwan mo na talaga ako ng tuluyan.
Nawalan ako ng anak. Though kahit hindi ako yung tunay na ama, itinuring ko parin siyang tunay na anak.
Umaga ng umalis ako sa condo para pumunta sa trabaho. Wala pang isang oras na pamamalagi ko sa kompanya ay nabalitaan ko na agad na nabundol ka ng isang truck. Tangina! Ang sakit sakit sakit! Iniwan mo na naman ako! At sobrang sakit isipin na hindi ka na pu-puwede pang bumalik hindi tulad nung dati. Nawalan ako ng dalawang mahal sa buhay. Nawala na naman 'yung importanteng tao para sa akin. Bakit ba kasi lumabas ka pa? Bakit kasi hindi mo ako sinunod? Sobrang sakit maiwanan, Ellie eh.
Ilang beses ko ng hiniling na sana kapag nakatulog ako, hindi na ako magising para makasama ko kayo ng anak ko sa kabilang buhay. Ilang beses ko ng hiniling sa nasa itaas na kunin na lang niya ako. Wala na namang saysay pa ang buhay ko. May sari-sarili na namang pamilya ang mga kapatid ko. Yung dapat na magiging pamilya ko, iniwan na ako. Ilang beses ko ng sinubukan magpakamatay pero laging nasa timing si Lex o kaya si Ate Aurora para isugod ako sa pinaka-malapit na hospital. Bakit ba sobrang gago ng tadhana? Tangina!
Hanggang kailan ako mabubuhay? Ano pang saysay ng buhay ko ngayon? Nakatitig ako ngayon sa litrato mo na nakapatong sa iyong lapida. Hintayin mo ako, Ellie ha? Sa ngayon, pwede bang ikaw naman ang maghintay? I love you, baby. I love you, Ellie.. always and forever.
WAKAS..
—
Salamat sa pagbasa~ ^^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top