When I Was Your Man
WHEN I WAS YOUR MAN (ONE SHOT)
BY: TheGirlLookingAtYou
Dati ako lang ang nasa tabi mo.
Dati ako lang ang mahal mo.
Pero ngayon iba na.
Akala mo balewala ka lang sa akin.
Akala mo hindi ka mahalaga. Akala mo hindi kita mahal.
Kaya nagsawa ka at naghanap ng iba.
Pero diyan ka nagkakamali.
Dahil ikaw lang naging tama sa buhay ko. Sobra kitang pinahalagahan at minahal.
Ikaw lang ang minahal ko at ikaw lang din ang mahalaga sa buhay ko.
Pero bakit hindi mo ramdam iyon?
Sino ba ang may mali? Ako na nagpabaya o ikaw na nagsawa?
Pero sana sinabi ko sa iyo na mahal kita at mahalaga ka.
Akala ko kasi ''Actions speaks louder than words."
Mali pala ako, kailangan ko pa palang sabihin sa iyo yun.
When I was your man, I am the happiest person in this world.
When I was your man, you are my life.
When I was your man I am your life.
But now, I'm not your man anymore.
***
Hay! Pang ilang buntong hininga ko na ba ito sa araw na ito?
Andito ako ngayon nanunuod sa kanila. Sobrang sweet nila at halatang sobra silang nagmamahalan.
Nakakainggit sila. Sana ako na lang ulit iyon. Sana hindi ko siya pinakawalan. Sana hindi ko sya pinayagang mawala sa akin. Kung maibabalik lang sana ang lahat. Sana may time machine sa mundong ito nang maibalik ko ang lahat sa dati.
Ang saya talaga nilang tignan. Aasarin ni boy si girl at magtatampo si girl, tapos mamaya susuyuin ni boy si girl. Masyado silang PDA. Dahil dun nakaka-bitter na.
My name is Amiel Santos ang lalaking kawawa at naiiingit ngayon. At ang mga taong kinaiinggitan ko ay sina Walter Marasigan at Angelica De Guzman ang ''Campus Couple.'' ng School namin.
Naalala ko pa nung mga panahong kami pa ni Angelica, ang saya ko nun pero hindi ko pinahalata sa kanya.
Ngayon araw na ito ay mag-syota na kami ni Angelica hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko pero hindi ko pinapahalata sa kanya para isipin niya na napipilitan lang ako.
Pinagkasundo kasi kami nang mga magulang namin at ang alam niya ay pinilit lang ako ng magulang ko para ligawan siya, pero hindi iyon totoo dahil totoo ang nararamdaman ko para sa kanya at hindi ako napipilitan lang.
''Yam!'' Tawag nya sa akin. 'You are mine' ang ibig sabihin ng YAM. Siya ang nakaisip ng ganung endearment para sa amin. Ibang klase.
''Oh?'' Sungit ko sa kanya.
''Hindi ka ba masaya kasi sinagot kita?''
''Paano ako magiging masaya, e, napilitan lang ako.'' Pagsisinungaling ko. Hay! Kung alam mo lang talaga, Angelica na ako ang pinakamasaya sa balat ng lupa dahil sinagot mo ako.
''Ganun ba? Pero okay lang! Saka alam mo ba ang saya-saya ko kasi boyfriend na kita?''
''So? Pakielam ko.'' Pero sa totoo lang ang masaya ako dahil narinig ko sa kanya yan.
''Grabe ka naman pero hahayaan na lang kita halika date tayo.''
''Date?''
''Oo! Syempre sinagot na kita at dahil dun kailangan mas memorable ang araw na ito.''
Wow! Oo nga no? Pero sa simpleng oo niya lang masaya na ako.
''Psh! 'Di na kailangan nun ang dami pang arte, eh!'' Pilitin mo ako please. Pilitin mo ako!
''Please!'' Yes! Pinilit niya ko.
''Oh! Sige na nga.''
''Thanks!''
''Saan naman tayo pupunta?''
''Uhm? Sa Star City na lang.''
''Oh, sige bahala ka.''
Yxun nga pumunta na kami sa Star City. Nang makarating na kami sobrang tuwa niya kasi sa wakas nakasama na daw niya ako.
''Wow!''
''Psh! Parang bata!''
''Tara sakay tayo dun.'' Turo niya sa Ferris Wheel.
''Mamaya na dun muna tayo sa Horror House.''
''Ganito na lang dun muna tayo sa Octopus .''
''Sige na nga!'' Kaya ayun sumakay na kami.
"Woah!'' Hahaha! Ang saya pala dito.
''WOAH! I LOVE YOU AMIEL!'' Wow! Sinigaw niya yun? Hindi na lang ako sumagot pero sa totoo lang gusto ko ito sagutin.
Bumaba na kami pagkatapos nun.
''Narinig mo ba yung sinigaw ko?''
''Oo." Walang buhay kong sagot
''Wala man lang I love you too?''
''Wala Eh! Pero thanks!'' Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ito.
Nababakas sa mukha niya ang kilig.
''Tama na nga yan. Halika na kumain muna tayo at nagugutom na ako.'' Sabi niya, sabay bawi ng kamay niya. Nauna na siyang maglakad.
''Sandali!'' Hinabol ko siya. Anu ba yan! Ang bilis niyang maglakad, nanf maabutan ko siya, agad kong hinawakan ang kamay niya.
''B-Bakit?'' Nauutal niyang tanong.
''Wala lang! Masama ba?'' Patay malisya kong tanong.
''Hindi naman. Nakakapanibago lang.''
''Ah! Pero simula ngayon masanay ka na.''
Nakapag desisyon na ako. Hindi ko man masabi sa kanya ang nararamdaman ko ipaparamdam ko na lang sa kanya.
Pumunta kami sa food court at dun kumain. Palabok, foot long at soft drinks lang ang in-order namin, ito lang kasi ang gusto niya.
Pinagmamasdan ko siyang kumain. Ang ganda niya talaga wala ng papantay sa kanya.
''Oh? Baka matunaw ako?'' Shit! Napansin niya pala.
''Anong matunaw? Kaya lang naman kita pinagmamasdan kasi ang takaw mo kumain.''
"Hindi kaya!''
''Oo na hindi na.'' Mas lumapit ako sa kanya.
''A-Ano ang gagawin mo?'' Nauutal niyang tanong.
''May dumi ka kasi sa gilid ng labi mo." Pinunasan ko ang gilid ng labi niya. Shit! Muntikan ko na siyang halikan buti na lang napigilan ko ang sarili ko.
Hay! 'Yun ang pinakamasayang araw ko, siyempre dahil 'yun kay Angelica.
Muli na naman akong tumingin sa kanila. Ang saya-saya talaga nila. Sayang ako dapat yun.
Habang nakatingin ako mula sa kanila, napansin ata ako ni Walter na nakatingin sa kanila, ngumiti siya ng malungot. Ramdam ko na naaawa siya sa akin. Tama naman siya, eh! Dapat lang talaga akong kaawaan.
Barkada ko na si Walter simula dati, kaya lang nagkaroon ng ilangan simula ng ligawan nya si Angelica.
''Ang kay Juan noon kay Pedro na ngayon." Pang-aasar sa akin ni Cristian. Psh! Ako na naman ang nakita nila.
''Woah!'' Nakisali na rin sa pang-aasar ang iba kong kaklase.
''Nanghihinayang ka, no?'' Tanong sa akin ni Princess, classroom President namin.
''Ayan kasi pinakawalan, tsk! Iiyak ka na?'' Siniko ako ni Ac.
''Pasulyap-sulyap. Patingin-tingin!'' Biglang umawit ang classroom si Princess.
''Ayan kasi babaero!" Pang-aasar ni Emarie.
''Hindi lahat ng bagay kaya mong ibalik kung pinahalagahan mo sana sya ng una edi masaya ka sana!" Walang balak tumigil sa pang-aasar sa akin si Cristian. Pasimuno talaga!
''Wala kayong alam.''
''Wala nga kaming alam pero sana kahit kay Angelica pinaalam mo.'' Seryosong sagot sa akin ni Ac. Minsan lang siya magseryoso kaya naman hindi ako sanay na ganito siya.
"Hindi mo na siya makukuha kay Pedro.'' Parinig naman ni Elena.
''Sayang! Masaya ka sana ngayon." Sabi ni Emarie.
"Alam ko pero sana 'wag niyo na sa akin ipamukha!"
''Bahala ka nga sa buhay mo!" Nag walk out na silang lahat. Hay! Salamat naman.
''Ano ba nakikiliti ako'' Narinig ko na naman ang mala-anghel na bosesname
Angelica. Naghaharutan na naman sila.
Hay! Magpapatugtog na nga lang ako. Kinuha ko ag Mp3 ko at inilagay ko an earphone sa tenga ko at muling tumingin sa kanila.
(Now Playing: When I Was Your Man By: Bruno Mars)
Same bed but it feels just
A little bit bigger now
Our song on the radio
But it don't sound the same
When our friends talk about you
All it does is just tear me down
Cause my heart breaks a little
When I hear your name
It all just sounds like (oooooh)
Mmm too young too dumb to realize
That I Should of bought you flowers
And held you hands
Should of gave you all my hours
When I had the chance
Take you to every party
Cause all you wanted to do was dance
Now my baby is dancing
But she's dancing with another man
***
Psh! Patama ang kanta, ah!
Minsan na kaming nagkatabi ni Angelica sa kama. Nag-overnight kasi siya sa amin.
Simula nun tuwing natutulog ako, parang ang laki na ng kama ko. Isang gabi lang kami nagkatabi pero parang ang dami ng nagbago.
Yung theme song namin, kung dat sa tuwing pinapakinggan ko 'to napapangiti na lang ako. Pero ngayon pag naririnig ko ito, ewan ko pero bigla na lang ako nalulungkot. Nangungulila na ako sa kanya.
Pag naririnig ko na pinag-uusupan siya ng mga kaibigan niya, ewan ko pero bigla na lang ako naiiyak lalo na pag naririnig ko na masaya siya kasama ng iba.
Pag naririnig ko ang pangalan niya, pakiramdam ko nahahati sa dalawa ang puso ko. Dahil yung may ari ng pangalan na yun ay yung taong labis kong minahal pero pinakawalan ko.
Bakit ngayon ko lang na-realize lahat ng maling nagawa ko?
Naging kami pero kahit kailan hindi ko siya nabigyan ng bulaklak. Madalang ko rin hawakan ang kamay niya.
Dapat binigay ko sa kanya lahat ng oras ko.
Dapat nung hiniling niyang pumunta kami sa party ng kaibigan ko, dinala ko sana siya, dahil alam ko naman na mahilig siyang sumayaw.
Pero ngayon iba na. Nakapunta na siya ng party...
...Kasama ang ibang lalaki sa buhay niya at hindi ako iyon.
***
My pride my ego my needs and my selfish ways
Cause the good strong woman like you to walk out my life
Now I never never get to clean up the mess I made
Ooh and it hunt's me every time I close my eyes
It all just sounds like (oooooh)
Mmm too young too dumb to realize
That I Should of bought you flowers
And held your hands
Should of gave you all my hours
When I had the chance
Take you to every party
Cause all you wanted to do was dance
Now my baby is dancing
But she's dancing with another man
***
Dapat di ko inuna ang ego at pride ko, lalo na ang pangangailangan ko.
Sana hindi ako naging selfish. Para hindi ka nawala.
Akala ko kasi mahina ka, kailangan mo ako sa tabi mo.
Pero hindi pala.
Dahil malakas ka at kaya mong umalis sa buhay ko na parang bula.
At ngayon hindi ko na kayang linisin lahat ng pagkakamali ko.
Dahil huli na ang lahat.
Hinahabol ako ng pagkakamali ko kahit sa pagpikit ko. Naalala ko kung ano ang mga nagawa kong mali lalo na sa iyo.
***
Although it hurts
I'll be the first to say
That I was wrooooong
Oooh I know im probably much too late
To try and apologize for my mistakes
But I just want you to know
I hope he buys you flowers
I hope he hold your hands
Give you all he's hours
When he has the chance
Take you to every party
Cause I remember how much
You loved to dance
Do all the things I should of done
When I was your man
Do all the things I should of done
When I was your man
***
Masakit!
Sobrang sakit! Pero hindi ko siya masisisi.
Ako ang nagkamali. Hindi siya.
Alam ko huli na ang lahat.
Kahit magtangka pa kong humingi ng tawad sa lahat ng mali ko, hindi na niya ito matatanggap.
Siguro?
Pero gusto ko lang malaman niya...
...Na sana maibili ka niya bulaklak.
Na sana hawakan niya ang kamay mo.
At ibigay niya lahat ng oras niya sayo.
Kung may pagkakataon siya.
Dalhin kanya sa party.
Dahil alam kong kung gaano ka kahilig sumayaw.
Gawin niya sana ang mga bagay na dapat kong ginawa.
Nung ako pa ang lalaking mahal mo.
Tsk! Sakto yung kanta para sa akin, ah! Ginawa siguro yun para sa akin.
Pinatay ko na ung Mp3 ko, baka kasi maiyak pa ako.
Hay! Ang tanga-tanga ko! Wala man lang ako nagawa para sa kanya. Kaya ngayon iba na ang mahal niya.
''Masakit ba?'' Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Ac.
"Oo." Sagot ko.
''Tanga ka kasi!''
''I know.''
''Bakit kasi hindi mo ipinaramdam sa kanya?''
''Natakot kasi ako...
...natakot ako na ipakita na mahina ako at nagawa ko siyang mahalin, kaya ngayon nagsisisi ako.''
''Huli na ang lahat para sa pagsisisi mo.''
''Alam ko.''
''Wag ka na sanang manggulo.''
''Hindi na ba talaga pwede?'' Tanong ko.
''Masaya na sila!''
''Siguro panahon na para mag move on ako.''
''Karma mo yan, pinagsabay mo sila, eh!''
''Ang sakit ng karma ko! Parang mas gusto ko pang mamatay na lang.''
''Naglaro ka kasi! Kaya lang yung nilaro mo ay yung mahirap na laro, na kahit gaano ka pa kagaling at kahusay sa larangan na yun, matatalo at matatalo ka pa rin."
''Ano ba ang pinagsasabi mo?'' Tanong ko sa kanya.
''Ewan? Hahaha! Ang weird ko talaga. Pero seryoso Amiel minahal mo ba si Bianca?''
''Oo...
...pero minahal ko lang siya bilang kaibigan lang!''
Sino si Bianca?
Girlfriend ko din.
Bakit may isa pa akong girlfriend? Para matakpan ko ang sarili ko.
Para hindi mahalata ng mga tao na mahal ko talaga si Angelica.
Pero mali ako.
Nang dahil dun nawala sa akin si Angelica nang tuluyan.
''Pare in love ka na ata kay Angelica ah?'' Pang-aasar sa akin ng kabarkada ko.
''Hindi ah!" Labas sa ilong na sagot ko.
''We?''
''Oo nga!''
''Kung ganun ligawan mo yung isa mo pang classmate na babae, yung may gusto sa iyo?''
''Sino?''
''Si Bianca?''
''Ayoko!" Sigaw ko.
''Bakit ayaw mo?''
''Dahil wala siyang kinalaman dito!'' Walang gana na sagot ko.
''Whether you like it or not! Gagawin mo yun.''
''What if I don't?''
''Angelica will be mine.''
''Hell! Don't ever do that!" Nakakainis! Bakit pati si Angelica idadamay nila?
''Then do my command.''
''Shit! Okay fine!''
''Good boy."
Hindi ako pwedeng humindi. Kilala ko ang mga kaibigan ko. Walang silang sinasanto. Wala akong choice kundi kausapin si Bianca kinabukasan.
''Bianca!'' Tawag ko sa kanya.
''Oh? Bakit?'' Tanong niya sa akin.
''Let's talk, follow me.'' Sumunod naman siya sa akin.
''Oh anong meron?'' Bungad niya sa akin.
''Be my girl." Walang emosyon na sabi ko.
''Woah! That so fast!''
''I'm serious!''
''Hahaha! Ang bilis ah! Hindi porket gusto kita makukuha mo na agad ako."
''Kung ayaw mo edi wag!" Aalis na sana ako nang tawagin niya ako.
''Wait! Okay fine! I'll be your fuckin girl! Happy?''
''Oh? Well I don't care'' Sabay smirk ko. Wala talagang hindi makakatanggi sa'kin.
Pinagsabay ko silang dalawa. Sinabihan ko rin si Bianca na walang pagsasabihan ng relasyon namin.
Pero walang lihim ang hindi nabubunyag.
Kasi paglipas ng isang buwan nalaman ni Angelica ang tungkol sa amin ni Bianca, at dun nagsimula ang kalbaryo ko.
''Mas nasaktan mo si Bianca.''
Nahinto ako sa pagbabalik tanaw ko ng magsalita ulit si Ac.
''Alam ko, pero nag-sorry na ako sa kanya.''
''Dapat sinabi mo agad sa kanya na wala siyag aasahan para hindi siya umasa.''
''Huli na ang lahat.''
''Hindi pa naman ata? Oh well? Congrats talo ka.''
''Saan naman?'' Ang weird talaga ng babaeng 'to.
''Sa larong nilaro mo'' Bigla naman siyang tumayo.
"Hoy!'' Nagulat kami ng biglang sumigaw si Princess.
''Ano ba yan! Ang ingay mo!'' Reklamo ni Ac.
''Psh! Pumasok na nga kayo! Ikaw Amiel!" Tinuro niya ako. "Huwag kang emo ang pangit mo, tol! Mukha kang tanga!'' Babae ba talaga itong President namin? Parang hindi, eh!
''Ang ingay mo. Halika na nga!" Hinila siya papasok ni Ac.
''Psh! Ang panget mo din mag-emo, be!'' Pang-aasar sa kanya ni Princess.
"Ikaw!" Naghabulan na ang dalawang isip bata. Hay! Ang kulit talaga nila.
''Amiel! Pwede ba tayong mag-usap?'' Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko.
Nananaginip ba ako? ''Angelica.''
''Follow me. Let's talk.''
Pumunta kami sa Filipino garden, dun yata kami mag-uusap.
"Angelica! Mahal pa rin kita.'' Panimula ko.
''I know. Pero hindi na pwede.''
''Alam ko at kasalanan ko yun. Pero maniwala ka man o hindi pinahalagahan kita.''
''Bakit mo ba sinasabi yan? Huli na ang lahat.''
''Alam ko pero sana bigyan mo pa ako ng second chance kahit sana bilang kaibigan na lang.''
''Alam mo ba na minahal kita ng higit pa sa buhay ko?''
''Oo. Pero isa akong tanga dahil hindi ko pinahalagahan iyon. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat. When I was your man, I am the happiest man in the world. But now I'm not your man anymore. If I could have a time machine I will do the right thing.''
''Amiel." Bigla na lang niya hinawakan ang kamay ko.
''Pwede pa naman tayong maging magkaibigan eh! Saka hindi lang ikaw ang may kasalanan ako rin dahil hindi man lang kita pinag-explain at nagsawa agad ako. Hindi ko man lang ipinilit ang sarili ko sayo pero huli na ang lahat para sa atin kasi marami na ang nagbago at mahal ko na si Walter.''
''Pero pwede pa naman tayong maging magkaibigan hindi ba?''
''Oo naman.''Ngumiti siya, muli nahuhulog na naman ako.
Bigla naman niya akong niyakap. ''Thank's sa lahat, Amiel." Humiwalay siya sa yakap ko at akmang aalis na.
Pinigilan ko siya. ''Angelica wait!''
''Oh?''
''I L-Love you one last time and g-goodbye."
Tumango siya. "Sana makahanap sanangng babaeng para sa iyo."
Hindi ko pa ata magagawa iyon sa ngayon.
Mamahalin ko na lang siya mula sa malayo. Pwede naman iyon diba?
Hanggat wala pa yung right girl para sa akin.
Hindi ko na maibabalik ang lahat. Isang kasi akong tanga. Hindi marunong magpahalaga.
Aaminin ko, nagsisisi ako. Pero wala na. Hahayaan ko na lang ang puso ko na mahalin siya mula sa malayo sa ngayon.
Sana maging nasaya siya. Sana mapatawad din ako ni Bianca at sana makahanap na din siya ng lalaking magmamahal sa kanya.
Mukhang ito ang worst school year ever ko. Ang malas ko kasi. Ang daming nangyari sa school year na ito.
Kadalasan malulungkot na memories ang naganap sa akin.
''Andyan na si Mam!'' Napahinto ako sa paglalakad nang biglang sumigaw yung President namin, pabalik na sana ako sa classroom namin.
Well! Hindi ata malulungkot na memories ang babaunin ko kasi andyan ang mga baliw kong mga kaibigan at classmates.
''Woah! Ayusin niyo yung classroom! Patay tayo ang gulo pa naman ng room" Tumingin sa akin si Diana. "Ikaw Amiel, pumasok ka na dito wag kang emo! Biilis!'' Sigaw niya.
''Oo na." Pumasok na ako sa room baka mamaya maging bulkan na naman siya.
''Woah! Move on ka na kasi, Amiel!'' Isa-isa akong binatukan ng mga kaklse kong lalaki.
''Ang sakit, ah!'' Reklamo ko.
Kahit na malas ako sa love life swerte naman ako sa mga kaibigan ko, ata?
Kaya papahalagahan ko sila. Kahit na parang nga baliw sila.
-End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top