Chapter 5 - Conscience

Chapter 5 - Conscience 

Helouise's POV

"What do you mean he dropped all his subjects?" Tanong ko kay Mitchy ng makausap ko siya ng personal. Agad akong pumuntang school ng marecieve ko ang text niya.

"Duh?! Drop! As in he quited all his subject. Even school!" Medyo inis na pagkasabi ni Mitchy. Hindi ko siya masisisi. Kasi pati ako nagagalit din sa sarili ko. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ginawa niya yun para sa akin. 

"B-bakit niya yun ginawa? K-kasalanan ko 'to. D-dapat... dapat..." Napahagulhol na lang ako at napatakip ang kamay sa mukha. Naramdaman ko naman ang kamay ni Mitchy sa likod ko.

"Sshhhh... Don't blame your self. It's his decision. Why don't you talk to him?" Pinunasan ko mga luha ko gamit ang kamay ko. Nahihiya ako kay Mitchy. Kaibigan ko siya at hindi niya ako tinotolerate sa ugaling pinapakita ko noon kay Matt pero heto siya ngayon, pinapagaan ang loob ko.

"I can't. Last night, we talked. And... and i think it will be the last." Mababa kong sabi. I heard Mitchy heavily sigh.

"Then i think moving on is the best thing for both of you... or atlest kay Matt lang."

Move on? Ako nakipag break, tapos ako magmomove on? Bakit ba ang tanga ko. Siguro, siguro madaling mag move on sa part ko. Pero kay Matt? Hindi ko alam. Pero sa totoo lang, nasasaktan din ako. Mahal ko naman siya, but i'm not madly in love with him.

**

Matt's POV

?? I love you, you didn't feel the same

though we're apart, you're in my heart

give me one more chance to make it real??

"Pucha dude! Patayin mo 'yang stereo mo kung ayaw mong ikaw ang mapatay ko!" Inis kong sigaw kay Kevin, bestfriend ko. Nagroroad trip kami kahit may hang over pa ako. Ang sakit pa nga ng ulo ko eh.

"Whoa! Relax ka lang, Chong! Tinulungan kitang asikasuhin ang dropping form mo. Be grateful!"

"Tss!" Ako na yung nag-off sa sounds namin. Pupunta kami ngayon sa clubhouse kung saan yung dati naming tambayan namin no'ng highschool. Pag-aari yun ng pamilya n Kevin na naging tambayan ng barkada noon.

"Gusto mo bang tawagan ko ang barkada? Bihira lang 'tong mangyari eh. Sa barkada ikaw lang lagi ang wala." Sabi niya habang nagdadrive.

"Ako na magtetext. Baka madisgrasya pa tayo." Sabi ko.

"Alam mo Chong, hindi ko alam kung ano ang dahilan ng ex-girlfriend mo kung bakit siya nakipagbreak, pero baka naman kasi may kapabayaan ka rin. Baka akala mo masaya siya sayo, hindi naman pala." Natahimik lang ako sa sinabi niya. Malaki ang tiwala ko noon na masaya sa akin si Helouise. Lahat ng surpresa nagawa ko na para sakanya.

"I did everything for her." Halos pabulong ko lang na sabi.

"Ah! Baka naman mababaw lang na tao ang ex mo? Alam mo na, nabalitaan ko din kasi kung paano mo siya sinosurpresa noon. Baka ayaw niya sa mga bagay na ganun?" Again, natameme ako.

"Baka hindi lang talaga niya ako minahal ng lubusan kaya madali lang sakanya na hiwlayan ako." Sabi ko.

"May third party ba?"

"Sa part ko wala. Sa kanya, well. Sa palagay ko wala din. Helouise is a very prank and honest person kaya kung may iba siyang nagugustuhan for sure sasabihin niya yun sa akin." Sagot ko lang.

Ang bigat pa din sa pakiramdam na pinag-uusapan namin ang girl-- i mean ex ko dahil sa break up. Dati noon, halos ayaw na nila akong makasama kasi puro daw ako Helouise.

"But i'm glad you're back, Chong! Alam mo na, simula noong naging kayo, hindi ka na gaanong sumasama sa amin. Ni hindi mo nga siya naipakilala sa amin eh!" Sabi niya. Natawa lang ako. My life was focused on Helouise, nawalan ako ng social kasi mas pinipili ko siya. Hindi ako nakakapunta sa barkada gatherings kasi mas gusto ko siyang kausap sa phone kapag gabi. Siguro naging iba talaga ako nung baging kami.

Dumating kami sa club house at as usual, nauna pa sa amin sila Quent, Mavis at Lux.

"Welcome back, bro!" Bati sa akin ni Quent Ramos, ang genius sa grupo. Tumango lang ako. Tumingin ako kay Mavis na nakangisi lang at kay Lux na tahimik lang. Ang barkada namin, matatawag mong sala sa init, sala sa lamig. Nandito na lahat ng pag-uugaling makikita mo.

"Kailangan pa pala kayong magbreak para lang makumpleto tayo." Natatawang sabi ni Mavis Torres, ang pilyo naman sa amin.

"Tinulungan ko pang magdrop sa school niya eh." Sabi ni Kevin Webber. Sa kanilang apat, sakanya ako malapit. Sa edad na 18, may asawa na kasi nakabuntis.

"Tss!" Si Lux Aquinas naman. Nakaupo sa bench habang nakacross legs. Siya ang aloof sa grupo. Hindi gaanong nagsasalita but when he does, malalim. Hindi rin siya nag-gigirlfriend. I don't know. Ganyan siya eh. Napag-iisipan na nga namin 'yang bakla eh.

"Wow, Lux. Miss you too!" Biro ko sakanya.

"Good thing at nag-imbak ako ng beer sa ref. Just like the old times!" Masayang pahayag ni Mavis.

***

Helouise's POV

Kanina pa ako hindi mapakali. Gustong-gusto kong tawagan si Matt. Pero nahihiya ako eh. Kung tatawag ako, wala naman akong sasabihin. Haaay. Kay laking gaga ko talaga. Ang sarap kong hambalusin eh!

"May date ako, hindi kita masasamahan mag-emote ngayon." Nakangusong sabi ni Mitchy. Nandito kami sa Ice cream parlor at nagpapakalasing sa doucle dutch ice cream.

"Chaperon na lang ako! Please? Ayokong mag-isa ngayon!" Pakiusap ko sakanya!

"Haay! Sige, wait lang. Itetext ko si Theo."

Walang ganang kumakain ako nung ice cream. Haaay! Kung pwede lang maglasing. Pero ayaw ko naman sa alak. Mapait na, masama pa sa pakiramdam.

Ao na kayang ginagawa ngayon ni Matt? Syempre nag momove on. Nakakainis naman kasi ko eh! 

"Ay buti na ang ok lang kay Theo na Chaperon ka. Papunta na siya dito." Sabi sa akin ni Mitchy. Tumango lang ako sakanya.

Hindi pa gaanong matagal si Theo at Mitchy pero mutual ang feeling nila sa isa't-isa. First girlfriend ni Theo si Mitchy at second naman siya ni Mitchy, which i think make it more perfect. Ewan ko. Feeling ko kasi may mas gaganda ang isang relationship kung may experience na sa pakikipagboyfriend or girlfriend ang isang party. Hindi yung pareho silang nangangapa. Just like Matt and I.

"Sumama ka kaya sa amin sa Tagaytay? Alam mo na, bakasyon. Tutal naman pareho kayong walang summer class this coming vacation." Theo told me nung dumating siya.

"Talaga babe? Pwedeng sumama si bessy? OMG! Excited na akong mag end ang school year!" Kinikilig na sabi ni Mitchy.

"I don't know, Theo. It's a good idea but... gusto ko sanang i-take up yung mga minor subjects ko ngayong summer para sa pasukan mga major subjects na lang kukunin ko at magfofocus ako sa thesis." I said. Napasimangot naman si Micthy.

"Ano ka ba! Fourth year na tayo this coming school year. Mabubugbug tayo sa projects and thesis. Kaya mas maganda kung mag-enjoy na tayo ngayong vacation. Please, bessy? Tsaka para makalimutan mo yung ginawa mo kay Matt." Sabi niya.

"Huh? Ano'ng ginawa mo kay Matt?" Takang tanong ni Theo.

"Ay break na sila babe." Malungkot na sabi ni Mitchy kay Theo.

"Ha? Kaya pala siya nagdrop?" Sabi ni Theo. And yeah, Theo and Matt were blockmates. Pareho silang Architect student.

"So nakita mo siya kanina?" Asked Mitchy.

"No. May isang lalaki na nag-aasikaso ng dropping form niya. Yung iba ngang instructor ayaw pirmahan kasi isang buwan na lang natatapos na ang school year, plus pa-5th year na kami. Kaso ewan, na-approve agad eh."

Mas lalo atang bumigat ang nararamdaman ko sa mga sinabi ni Theo. Mukhang hindi ko kayang makita ang sarili ko na nageenjoy samantalang may nasaktan ako.

"So ano bess? Sama ka na sa Tagaytay ah?" Pangungumbinsi pa sa akin ni Mitchy.

"I-i'm sorry, bess. Kailangan ko talagang kunin ngayong summer ang minor subjects ko eh." Gusto ko sanang sumama. Pero nakokonsensya ako. Kapag nag-aral kasi ako ngayong summer, atleast magiging busy ako. Makakalimutan ko ang mga problema ko.

"Sige, ikaw bahala. Pero kapag magbago isip mo ha?" Tumango lang ako kay Mitchy.

***

Matt's POV

"Mga Chong, pupunta daw sila!" Masayang pahayag ni Quent. 

"Ha? Sino?" Tanong ko habang pinanunuod si Kevin na naglalaro ng billiard.

"Sila Leslie!" Sagot niya. Nakita kong napangiwi si Lux.

Leslie was our highschool classmates. They're a group called of girls na naging barkada din naming lima. Si Leslie, Margarette, Xyrylle, Thea, and Demi.

"Why did you invited them? Ugh! You know i can't stand Margarette!" Inis na sabi ni Mavis. Kahit kailan hindi talaga magkakasundo ang isang Pilyo at ang pinaka Prim and Proper sa girls. Margarette's always the kind of girl na hindi mo maririnig magmura. Napaka ayos manamit at hindi mo makitaan ng kahit konting gusot. Ayaw niya sa mga magugulo. Kagaya ni Mavis.

"Tell me about it!" I heard Lux said. Si Lux naman, ay pinaka hindi niya gusto sa lahat ay si Leslie. Bubbly, madaling kaibiganin, masarap kausap, at palangiti. Kabaliktaran ni Lux.

Sa kanilang lima, si Thea ang pinaka-close ko. Kambal siya si Theo, yung boyfriend ni Mitchy. Nakita ko namang natahimik lang si Kevin habang naglalaro. Siguro kasi narinig niya ang pangalan ni Demi. His ex-girlfriend. 1st year highschool pa lang kami ng maging sila. Pero nung nag-college, they broke up kasi nakabuntis ng iba si Kevin.

"Ano ba kayo guys! Grow up! Kung ano man ang mga kinaiinisan niyo sakanila, for sure magbabago na yun. Malalaki na tayo at for sure nag grown up na din sila." Sabi ni Quent. Napailing na lang ako. ofcourse he invited them! Gusto niyang makita si Xyrelle eh! Kung gaano katalino si Quent, ganun naman siya katorpe sa pag-amin kay Xy.

Hindi nagtagal dumating din ang mga girls. Napuno ng ingay ang clubhouse na mas ikinairita ni Lux.

"Yaaah~ Namiss ko 'tong Clubhouse mo, Kev!" Masayang sabi ni Leslie. 

"Nakakalungkot naman at itong Clubhouse ko lang pala ang namiss mo." Nakangusong sabi ni Kevin.

"Tss! Flirt talaga kahit kailan!" Parinig ni Demi kay Kevin.

"Nandito pala si Maria Clara!" Puna ni Mavis kay Margarette. She just glared at him.

"How are you, Quent?" Tanong ni Xy kay Quent.

"I-i'm... i'm fine." Tipid niyang sagot. Napailing na lang ako. Ang lakas ng loob na mang-imbita tapos torpe naman.

"Matt!" Then i saw Thea walking towards me.

"Hi Thei! Long time no see, huh?"

"Oo nga eh. Kumusta na kayo ni Helouise?" Thea knows about Helouise though hindi niya pa nakikilala personally.

"Yun nga ang dahilan kung bakit kami nakumpleto eh." I said then manage to fake a laugh.

"Huh?" She frowned.

"We broke up." I said. 

"Oh! I'm so sorry!" She apologize.

"It's fine, really."

"But you're not. Alam ko kung gaano mo kamahal si Helouise kaya alam kong nasasaktan ka ngayon."

"Ganun ata talaga eh. People just come and go in our lives. It's just a matter of acceptance."

"Tama ka dyan."

The whole night nagkulitan lang kami. Hindi nagpapansinan yung mga may lihim na galit sa isa't-isa at yung mga lihim na pagtingin.

"Pare misis mo tumatawag!" Sigaw ni Mavis kay Kevin kaya natigilan kaming lahat. Si Kevin naman napatingin bigla kay Demi na nakatingin lang sa kamay niya.

"A-akin na." Kinuha ni Kevin yung phone niya.

"Matt, gusto mo bang sumama amin? Magbabakasyon kasi ang family namin sa Tagaytay. Kung gusto mo lang naman." Mahinang sabi ni Thea.

"Ok lang ba?" Tanong ko. Thea's family has been very close to me. Lalo na si Theo.

"Oh yes. Para naman hindi ako ma-bored."

"Sige ba."

----------------------------------------------------------------------------------

A.N: I have this idea na gagawan ko ng barkada series ang magkakaibigan. Si Kevin, Mavis, Quent at Lux. Balak pa lang naman. Hehehehe

XOXO

-Thyriza

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top