Chapter 4 - Say Something, I'm giving up on you.
Chapter 4 - Say Something, I'm giving up on you.
Helouise POV
"Girl, nasa labas si Matt. Daliii!!" kinikilig na sabi ng kaboard mate ko. Nasa boarding house ako ngayon since schools days.
"Huh? What is he doing here at this very late hour?!" iritado kong sabi. Kaka discharge lang sa akin kahapon at nagpumulit ako na dito sa BH umuwi.
"Duh? Everyone knows kaya na nanliligaw siya ulit sayo. Rumor says na nagbreak kayo. Is that true girl?" I glared at my boardmate, chismosa to.
Anyway her name is Carlyn at siya ang kaclose ko sa boarding house ko kahit nakakainis siya.
"Kaya nga rumor diba? Might be true, might not." sabi ko lang sakanya saka humiga sa kama ko. Wala ako sa mood para harapin si Matt. Nag-usap na kami at ayoko ng makipagbalikan sakanya.
"Ayaw mo talaga?"
"Ayaw!"
"Ok. So can i have him na lang? Matt is so yummy and--"
"Ugh! Oo na lalabas na." padabog lang akong lumabas sa kwarto. Nakita ko sa baba ng salas yung iba kong kaboardmate na nakasilip sa labas ng waiting area. Bawal kasi ang lalaki sa loob ng boarding house kaya kung bibisita sa waiting area lang pwede. Halata sakanila ang kinikilig. I rolled my eyes heavenwards. Bakit ba sila kinikilig?
"Ang swerte mo po ate Helouise." sabi nung isa na freshman.
"Penge kaming chocolate Helouise ah."
"Hindi ka ba dinadayabetis sa kasweetan ni Matt?" Ilan lang yan sa mga tanong sa akin. at ni isa wala akong sinasagot. Haaay! Paglabas ko ng bahay, agad kong nakita si Matt na nakaupo sa bench at may dalang bulaklak at ferrero. He look so handsome on his sky blue V-neck tshirt and tight pants paired with gray cardigan.
"H-hi." he said. Nakamot niya ang batok niya ang he really look so awkward.
"Gabi na. Ano'ng ginagawa mo pa dito. Umuwi ka na. 8:30 na at 9PM ang curfew." sabi ko.
"Nanliligaw ako. Remember?" he said tapos inabot yung bulaklak sa akin. Wala akong nagawa kundi abutin iyon. Ayokong maging rude kaya kinuha ko.
"This chocolate is for you and for your boardmates." hindi lang pala ferrero dala niya. May J.CO Donuts pa.
"S-salamat." sabi ko. Tumabi ako sakanya sa bench. Bastedin ko kaya agad to? Eeee. Matt, how can i get rid of you?!
"Kumusta na pala pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?"
"Matt.."
"Eh yung gamot na nireseta sayo ng doctor, iniinom mo ba?"
"Matt.."
"Don't skip meals, makakasama daw yun."
"Matt."
" Bukas susunduin kita para--"
"MATT!" he stopped. Napamaang siya.
"You can't do this."
"Do what?" he innocently ask.
"You can't pretend like nothing happened between us, ok? I hurt you. I broke your heart. Hindi ka pa din ba susuko? Kung ibang lalaki dyan siguro noon pa ako kinasuklaman. Pero ikaw. Bakit ka ganyan, Matt?" I said. Natahimik siya. Parang iniisip din yung mga sinabi ko.
"Hindi ko din alam, Helouise. Believe me i am thingking the same way. Pero ganun ata talaga kapag nagmamahal ka? Wala kang pakialam kung nasasaktan ka na niya. Basta ang importante, makita mo siyang masaya." malamlam ang mga mata niya. Lahat ng sinabi niya nagrereflect sa facial expression niya. Seems like he's hurt pero pilit niya yung tinatago.
"Let me go, Matt. Ako na ang nakikiusap sayo. If i let you court me, magiging tayo. At sa gitna ng relationship natin, masasaktan nanaman kita. Ayoko na yung gawin sayo. You deserve someone better. And that someone is not me. Malayo ako sa better na dapat deserve mo." He sigh.
Laglag ang dalawa niyang braso at nakayuko ang ulo niya.
He umatras siya sa akin ng konti at umiling.
"Hindi ko alam kung ano pa ang gusto mo, Helouise. Ginawa ko ang lahat para mapasaya ka. I tried my best para maging deserving sayo. But here you are, telling me i don't deserve you? At sino satingin mo yun? Another random girl? Sa tingin mo ganun ako? Ikaw ang gusto ko pero pinagtutulakan mo ko. Kung akala mo na hindi ako masasaktan kapag hiwalay na tayo well you're wrong. Dahil dito sa ginagawa mo, mas masasaktan ako. At mananatili yun sa puso ko. No girl can mend my heart, only you. But if that's what you want, then i'll give it you. Hindi na kita pahihirapan pa. Hindi na kita susuyuin. J-just be be happy Helouise. Gusto ko lang naman mapasaya ang minamahal ko. So i hope this decision makes you happy." tumalikod siya at bago siya tuluyang makababa sa porch lumingon siya at pilit na ngumiti sa akin.
"..Goodbye, Helouise."
He left me dumbfounded. Eto naman ang gusto ko diba? Pero bakit ako nalulungkot? Pinakawalan ko ang tanging lalaki na nagmamahal sa akin ng tunay. Dapat maging masaya ako dahil hindi na niya ako kukulitin. Pero deep inside me, i know there is something wrong.
Pagpasok ko sa boarding house, lahat ng housemates ko nakahalukipkip at parang galit. Yung iba seryoso, yung iba mukhang inis. Alam kong narinig nila ang lahat. Hindi maiwawasan ang eavesdroping dahil alam kong pati sila gusto din malaman kung kami na ulit o ano.
I head upstairs at hindi ko sila tinignan. I don't owe them an explanation. All i want is to sleep in my bed peacefully.
*
Alas dose ng hating gabi ng gisingin ako ng isang tawag sa phone ko. I rubbed my eyes and turned on the lamp. Good thing solo ako sa kwarto ko kung hindi may madadamay ako sa ingay ng ringtone ko ngayon.
Hindi na ako nag-abalang tignan kung sino ang caller dahil ang gusto ko lang ay bulyawan ang kung sino mang tumatawag sa akin ngayon.
"THE HELL! WHO ARE YOU TO CALL THIS HOUR LATE?! I'M GONNA--"
*sobs*
Napatigil ako ng makarinig ako ng parang umiiyak. Tinignan ko kung sino ang caller at isang unknown number ang nakaregister. Ibang number man ang ginamit niya, alam kong si Matt ito. Wala namang iba.
Hindi na ako umimik. Ayokong may sabihin pa ako. I cause him enough heartache at ayoko na yung dagdagan through hurtful words.
"I..Love you.. so much.. so much Helouise." he whispers. Malinaw na narinig ko siya. Gabi na kaya walang interuption na ingay. Tanging iyak niya ang naririnig ko sa kabilang linya.
"Please say something, Helouise.." nagmamakaawa niyang sabi. Hindi ako kumibo. Nararamdaman ko ang pagtubig ng aking mata. Naiiyak na din ako. Ayoko siyang nagkakaganito. Pero kasalanan ko lahat ng ito.
"Say something honey, I-i'm giving up on you.."
"Matt--" Naputol ako ng marinig kong huminto na ang linya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ako dahil siya na mismo ang nagsabing he is giving up on me. Or should i be sad, dahil nangyari ang gusto ko.
Napapatitig ako ng matagal sa screen ng phone ko. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang i-call back. Gusto ko marinig ang boses niya. I wanted hear him laugh. I wanted to see him smiling.
That would still happen if i didn't break his heart..
*
Kinaumagahan, mas pinili kong mahiga kesa bumangon para maagang pumasok sa school. Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon at sa totoo lang, ayaw kong makakita ngayon ng tao. Gusto kong mapag-isa.
After nung tawag ni Matt, hindi na ulit ako nakatulog ng maayos. Putol-putol na yung tulog ko at kadalasan siya pa napapanaginipan ko. Parang gusto akong patayin ng konsensya ko. Pero hindi ko naman siya pwedeng balikan dahil lang sa nakokonsensya ako.
Narinig ko ang mga sapatos na nagmamadaling lumakad pababa ng hagdan. Mga ka-boardmate ko nanaman atang male-late.
Napilitan akong bumangon at lumabas ng kwarto. Kailangan ko pa palang uminom ng gamot dahil medyo masakit pa din ang ulo ko. Nakita ko si Tita Mercy, ang landlady na nagliligpit ng pinagkainan ng ibang boarders.
"Gising ka na pala Helouise, kain ka na. Pinagbilin sa akin ni Mommy mo na wag ka daw papalipasan ng gutom. Saka yung gamot mo, inumin mo sa tamang oras." sabi niya habang kinukuha ang pinggan na gamit na. Ako naman naupo na at nagsimula ng maglagay ng pag-kain sa plato. Bakit parang nagutom ako ng sobra? Dinamihan ko ang sinangag na kanin at scrambled egg..
"Sa next pasukan ba Helouise dito ka pa din magbboard?" tanong ni Tita habang naghuhugas ng pinggan. Ako naman, nakakalahati ko na ang pagkain.
"Syempre naman po. Eto lang po ata ang boarding house na matino na mapalit sa school. Tsaka ayoko na pong maghanap ng iba pang mapag-sstay-han. Dito po ako hanggang sa maka-graduate ako." nakangiti kong sabi sakanya.
"Yung iba mo kasing kasamahan aalis na sa next school year. Yung sa 3rd floor? Sila Ynez? Sa isang apartment na lang daw sila para daw mas tipid." sabi niya.
"Yun pong tatlong Mascom students? Hindi nga sila marunong maglaba ng mga damit nila tapos magsosolo sila? Sabagay ok na din po yun, ang iingay nila sa taas eh. Na-iistorbo kaming mga sa 2nd floor.
Sa boarding house kasi, ang mga sa second floor ay yung mga solo sa isang kwarto. Medyo may kamahalan pero ayos lang. Yun ang gusto ko dahil ayaw kong may nakikialam ng gamit ko. Sa third floor naman, nandun yung mga may room mate. Maingay ang floor na yun at kadalasan silang sakit sa ulo ni Tita Mercy.
"Yun nga ang sinabi ko sakanila. Sabi nila, magpapa-laundry na lang daw sila. Hindi ko na pinigilan at kung yun naman talaga ang gusto nila." nilagay ni Tita ang mga pinggan sa cabinet saka sinilip ang palikuran.
"..isampay ko lang yung mga nilabhan ko hija. Tawagin mo ako kung may kailangan ka."
"Sige po Tita"
Dali-dali ko namang inubos ang pagkain sa plato saka ito hinugasan. Pagpanhik ko ng kwarto, kinuha ko ang medicine kit sa med cabinet. Nilunok ko ang capsul saka uminom ng tubig na dinala ko galing sa kusina.
Bumalik ako sa pagkakahiga ng makarecieve ako ng text. Si Mitchy. I read her text.
From: Mitchy
Matt dropped from school.
What did you do this time?
I stared at her text message. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Nag-drop si Matt? Kasalanan ko ito. Kasalanan ko ang lahat.
.............................................................
A.N: Wag niyo po akong papatayin sa tatlong buwan kong hindi pag-uupdate. :(( Yung inspiration ko kasi ng story na to ay talagang nagbreak na. Wuhuhuhu. Kaya maiiba na ang plot nito, nut still isang maiksing kwento lang siya. 8 or 10 chaps.
Sa gilid si Matt. :))
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top