Chapter 2 - His sweet bones!

Chapter 2 - His sweet bones!

Today is saturday at nandito ko ngayon sa bahay ng parents ko. Oo, di ako nakatira sakanila. Malayo kasi sa school kaya nagboboard ako. Tanghali na at kumakain kami sa dining table with so much finesse. Yeah. Maarte ang mommy ko at kahit nasa bahay kumpketo ang kubyertos namin. With table napkin pa!

"So, i heard Matt throw a big surprise on you last wednesday." mommy said while slowly dumping her table napkin on her mouth.

"Yeah." Walang gana kong sabi.

"Oh how sweet! Diba hubby?" tumingin si mommy kay dad na busy sa paghihiwa ng steak.

"Yeah sure darling." ngumiti si daddy.

"Kaya ikaw Carolyn, maghanap ka ng boyfriend na gaya kay kuya Matt mo. Mayaman, gwapo at sobrang thoughtful." sabi ni mommy sa nakakabata kong kapatid na si Carol.  Dalawa lang kami at ako ang panganay.

"Yes mommy." masunurin ang kapatid ko eh.

Sa na-oobserve niyo, para kaming sunod-sunoran ni mommy noh? Kasi mayaman sila ni daddy. At kami, anak lang. Kaya din nag HRM ako para daw ako ang mag take over sa hotel nila mom and dad. Yun ang family business. Pero sa totoo lang, ayaw ko ng HRM. I want to be a writer. Gaya sa mga nababasa ko sa wattpad at napa-publish sa book ang works nila. But, di ko na tinuloy. Baka mag freak out si mommy kapag nalaman na yun ang gusto ko.

***

Nasa veranda ako nagbabasa ng magazine ng inabot sa akin ng maid ang phone.

"Ma'am Helouise, si Sir Matt po nasa linya." sabi ng katulong. I just roll my eyeballs.

"Sabihin mo wala ako." wala sa mood kong sabi.

"Eh ma'am nauna na po kasing nakausap ng mommy niyo si sir Matt kaya alam niya pong nandito kayo." explain ng maid na ikinainis ko.

"What?! I can't believe mom! ARGH! Give me that!" hinablot ko yung phone.

"Oh bakit ka tumawag?!"

[Hon, pupunta ko dyan sa inyo. Pwede ba?]

"No!"

[But, nagpaalam na ako kay tita Heide. Pumayag siya.]

"Eh di pumunta ka! Sakanya ka naman pala nagpaalam eh! Why bothering to ask me?!" Nakakainis!

[Haaay. Sige wag na lang.] Malungkot niyang sabi.

"K." Tapos inend call ko na. Ang sama ko ba? Eh araw araw na kami magkasama sa school eh! Pati ba naman dito!

"Anak, did you talk to Matt?" Si mommy.

"Yeah." sabi kong nakatuon ang tingin sa magazine.

"Pupunta daw siya dito. Magbihis ka nga ng dress. Bakit ba naka shorts ka lang and.. Loose tshirt?! Ghad! Where's your sense of fashion Helouise!"

"What's wrong with loose tshirts? It's comforting. And besides, nasa bahay lang ako. Bakit ako magddress?"

"Kasi pupunta dito ang boyfriend mo."

"Di siya pupunta."

"Huh? Why?"

"Because i said so."

"Helouise! Ano nanaman ba sinabi mo kay Matt?!"

"Uhh, i told him not to come?"

"That's a very bad attitude young girl! Mabait si Matt and he didnt deserve the attitude your showing him. Di kita pinalaki ng ganyan! Go and apologize."

"NO!"

"Helouise! Pumunta ka sa bahay nila at humingi ka ng pasensya!"

"And if i don't?!"

"No allowance for one month!"

"What?! ARGH! K! Fine! I'll apologize!" Tumayo ako sa inuupuan ko at padabog na iniwan si mommy.

"Say Hi to Matt's Mom for me sweety ok?" pahabol pa ni mommy. GRRR!!

Bakit ba gusto nila si Matt? Ok! My fault din! Kasi nagpaligaw ako at sinagot ko siya. Baliw din kasi ako eh! Atat mag ka boyfriend kaya eto tuloy! Stuck ako sa taong-- AHHHGG! Never mind! At tama ang nabasa niyo, atat akong magka boyfriend so ibig sabihin first boyfriend ko si Matt.

Nagbihis ako sa kwarto ng simpleng yellow dress na two inch above the knee at tinernuhan ko ng 4 inch wedge shoes. Bakit 4 inch? Kasi di ako ganun katangkad. 5'4" lang ako at nagmumukha akong bata kapag kasama si Matt. 

***

Nagdoorbell ako sa bahay nila at agad naman itong binuksan ng maid.

"Ma'am Helouise." nagbow pa siya. Tss! Anong culture meron dito? Nasa pilipinas tayo wala sa korea!

"Si sir Matt mo?" tanong ko. May dala akong peanut butter cookies for peace offering. Paborito niya yun eh.

"Nasa kwarto niya po ma'am. Tawagin ko po ba?"

"Wag na. Surprise to." sabi ko saka deretsong pumasok sa bahay nila.

Mas malaki ang bahay nila Matt kesa sa amin. Ang daming antique vase and painting.

Tumaas ako sa second floor kung saan ang kwarto niya. Medyo nakaawang ang pinto kaya sumilip muna ako. May narinig akong tunog ng guitara kaya pumasok ako sa kwarto niya.

~~The dawn is breaking

A light shining through

You're barely waking

And I'm tangled up in you

Yeah~~

Marunong pala siyang mag guitara. At ang ganda ng boses niya. Bakit di ko alam? Kasi di ko binigyan ng chance sarili ko a kilalanin siya ng maigi.

~~I'm open, you're closed

Where I follow, you'll go

I worry I won't see your face

Light up again~~

Bakit may lungkot sa boses niya? Me personally di ko alam kung anong kanta yung tinutugtug niya pero nagagandahan ako. Ang ganda ng boses niya. Sarap iuwi.

"M-matt.." mahina kong sabi. Napalingon siya sa kinatatayuan at nakita kong nanlaki ang singkit niyang mata.

"Helouise. Anong ginagawa mo dito? Akala ko galit ka sa akin?" halata sa mukha niya ang saya. First time ko tong gawin. Ang surpresahin siya. Kadalasan siya ang may surprise sa akin.

"Di ako galit sayo. Oh, here. Your favorite." inabot ko sakanya yung peanut butter cookies na paborito niya.

"Wow. My favorite." kinuha niya yung box saka nilagay sa study table niya. Pagkatapos nun bigla na lang niya akong niyakap. Ok. What was that?

"Thank you honey. Best surprise ever." sabi niya habang yakap ako. Best surprise ever? Eh first time ko nga tong gawin eh!

Kumalas ako sakanya at pumunta sa kinalalagyan ng guitara niya. Woooh! Ang init ng pakiramdam ko!

"M-marunong ka palang nag guitara at kumanta sabi ko." Ma segue lang.

"Oh yeah. May dad thaught me when i was 9. Akala ko alam mo?" 

"He.he.he. Yeah." awkward kong sabi.

"Gusto mong turuan kita?"

"Ha? Wag na. Labas na lang tayo sa kwarto mo." Sabi ko sakan dali daling lumabas sa kwarto niya.

Pumunta ako sa living room nila at umupo sa mahabang sofa. Si Matt ay bunsong anak nila Tita Celine at Tito Henry. Tatlo silang magkakapatid at may asawa na ang dalawa. Atleast my alam naman ako sa buhay niya. 

"Gutom ka ba Hon? Gusto mong magpahanda ng meryenda?" tanong niya habang palapit sa akin.

"No need. Di naman ako magtatagal dito." sabi ko habang ginagala tingin ko.

"Ganun?" malungkot niyang sabi.

"Yeah. So samahan mo na lang ako mag mall?" Ngumiti naman siya sa sinabi ko

"Sige magbibihis lang ako." Tumango ako saka siya tumalikod.

After 20 minutes.. ANG TAGAL AH!

"Sori pinaghintay kita." Sabi niya. Napatulala lang ako. 5 meters away at amoy ko ang pabango niyang gamit. Bago din siyang ligo. Kaya pala natagalan. Nakasuot siya ng V neck blue tshirt and jeans. So simple but he look so hot lalo na sa wet hair niya.

"O-ok lang. Tara na?" yaya ko. Hinawakan niya kamay ko kaya magkaholding hands kaming lumabas ng bahay nila. Nakita ko naman yung mga maid nilang kinikilig na makita kami. TSS! Anong nakakakilig sa amin?

Di ko na lang sila pinansin. Sumakay ako sa sasakyan niya. Nagtaxi lang ako eh.

"Kain muna tayo or watch movie?" he asked while driving.

"How about samahan mo akong magshopping?" sabi ko. He nod. Wala naman siyang magagawa kahit ayaw niya eh. I'll still insist na masunod ang gusto ko.

"How about this?" pinakita ko sakanya ang sinukat kong red dress.

"You look beautiful." nakangiti niyang sabi.

"Eh yan din ang sabi mo sa mga una kong sinukat eh!" Nakakainis talaga to si Matt!

"Eh lahat naman kasi bagay sayo eh." Iniba ko tingin ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko kasi nagbblush ako.

"D-di pwede. Isa lang bibilhin ko. Pili na lang ako dito sa tatlo ng isa." i put my index finger to my lips.

"I'll it for you. Para wag ka ng mamili." Laking iling ko naman.

"Ayoko. Gusto ko lahat ng damit ko ako ang bumibili." Actually lahat ng damit ako talaga ang bumibili. Alam yan nila mommy at nang bestfriend ko. Ayoko ngang nireregaluhan ng damit eh.

"Sige. Yang red na lang. Bihira ka magsuot ng pula eh." Natuwa naman ako na isipin na pareho kami ng taste. Luh! Bading kaya to si Matt. Di naman siguro.

"Ang swerte naman ni ateng maganda." girl 1

"Oo nga eh. Sana ganyan din maging boyfriend ko." girl 2

"Ayeee!!" girl 1 and 2

Napatingin ako sa mga highschool. Naku. Ano naman kaya nakakakilig dito.

"Saan mo gustong kumain, Hon? Resto o fast food?" nakaramdam ako ng guton ng tanungin niya ko kung saan kami kakain.

"Greenwich! I miss eating pizza." masaya kong sabi.

"Sige. Order tayo ng family size." sabi niya.

"Yung pepperoni ah."

"Oo naman. Pareho nating paborito yun eh."

Magka-holding hands kaming naglakad papasok sa greenwich. Para nga akong naglalakad sa ulap at lahat sa paligid ko naka-blur mode at yung greenwich lang ang malinaw. Oo. Ganun ako katakaw sa pizza.

"Oh, hinay-hinay lang Hon. Di naman kita uubusan eh." natatawa niyang sabi. He pull tissue at the tissue holder and wipe the side of my lips.

"Shori.. Ang sharaap kashi talaga." sabi ko kahit puno pa ang bibig ko.

"Hehehe. Nakakatuwa ka naman." Natigilan naman ako. Penget ata yung inakto ko sa harap ni Matt? Turn off ba siya?

"P-pasensya na. My manners." uminom ako ng tubig.

"Ano ka ba. Nakakatuwa nga eh. Mas naiinlove pa ko lalo sayo."

"Eeeehh!!" tinakpan ko yung mukha ko gamit dalawa kong kamay.

"Oh. Anong nangyari sayo?" pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ko sa mukha pero malakas ata to. Bagong kain eh.

"..Hon, ano ba? Remove your hands." umiiling-iling pa din ako. Letse ka Matt! Bakit ba sa simple mong banat kinikilig ako.

"Pag di mo tinanggal ang kamay mo sa mukha mo hahalikan kita." halikan niya mukha niya. Paano niya ko hahalikan kung nakatakip nga mukha ko. Napapitlag ako ng maramdaman ko ang malambot na labi niya sa leeg ko.

"Hahaha. Sabi na eh." tatawa-tawa niyang sabi.

"Yaaaah~~ Why did you do that? Baka may nakakita." inis kong sabi.

"Hhahaha. Hon, para ka nang kamatis dyan." pang-aasar niya.

"Heh! Tumigil ka!" singhal ko.

"Hehehe. Halika nga. Kaya mahal na mahal kita eh." niyakap niya na lang ako bigla.

May iba akong naramdaman. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang sasabog na to. WAAAAH~~ Di ko na to kaya. Baka naman ikamatay ko ang pagpapakilig sa akin ni Matt?

Panget naman atang ma-headline ako sa dyaryo o balita na ganito ang tema:

Girlfriend, namatay dahil sa kilig!

Wala naman atang justice yun. Diba? Haaay. Mahal ko si Matt pero alam ko sa sarili ko na i'm not really into him. But why do i feel this way? Di ko na maintindihan sarili ko ah.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++==

Helouise at the right side------------------------------->

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top