Chapter 1 - My Mushy Boyfriend

Chapter 1 - My Mushy Boyfriend


"Happy anniversary, Hon." Sabi niya sa kabilang linya.


Tinignan ko naman ang wall clock ko. Lechugas! Alas dose ng madaling araw tumawag siya para sabihin lang yun?! Biglang nakaramdam ako

ng galit at pakiramdam ko nag-uusok ang tenga at ilong ko sa sobrang inis!!


"Ano ba Matt! Alam mo ba kung anong oras na?! Alas dose pa lang ng madaling araw at dalawang oras pa lang tulog ko!! Utang na loob!

Pwede bang ipagpabukas yan?!" Singhal ko sakanya sa telepono. Nakakabwesit naman tong boyfriend kong to! Sarap ibreak!


"Ay sori hon. Akala ko kasi hinihintay mo din ang alas dose kasi diba first anniversary natin ngayon." sabi niyang masaya. Tss! Masaya pa siya

niyan?! Eh nagising ako sa kalagitnaan ng tulog ko!


"Bakit ko naman hihintayin ang alas dose?! Ano ako baliw! Tsaka pwede ba, tigilan mo ako sa kakornihan mo ah! Hindi nakakatuwa!" Pagsigaw

ko ulit sakanya. Alam kong malakas ang boses ko at anu mang oras pwedeng magising ko ang boardmates ko sa kabilang kwarto.


"Sori na hon."


"Ewan ko sayo! Bwesit!" Pinindot ko yung end-call. ARGH! Nawala tulo antok ko! Sheetnes! May laboratory pa kami bukas ng 7! Leche kasing Matt yun!


Nahiga ulit ako sa kama ko pero kahit anong gawin ko di na ako makatulog. Eeeek! Bumangon ako at umupo sa study table ko saka binuksan  ang laptap ko. Magbabasa na lang ako ng stories sa wattpad.


Mas lalo akong nainis ng makita ko ang wallpaper ko sa desktop. Picture naming dalawa na naka-collage! TSS!


Ang boyfriend ko. Si Mathew Gonzaga. One year na kami ngayon. Saktong alas dose. Haaay! Dapat kiligin ako kasi talagang hinintay niya ang alas dose para igreet ako. Pero hindi eh. I'm not the type of person kasi na masyadong cheezy at mushy! I hate pickup lines and i hate those banat para magpakilig. Alam ko iisipin niyo. Ang KJ ko at di ako amrunong mag appreciate. Eh what can i do ba? Yun ako eh.


So far alam naman ng boyfriend ko tungkol dun. Pero ginagawa niya pa din. Hinahayaan ko na lang. Kasi kahit papano, aminin ko man o hindi, kinikillig din ako. Di ko nga lang pinapakita.


MATHEW AND HELOUISE FOREVER <3


Yan ang caption ng wallpaper ko. And yes, my name is Helouise. Panget ng name ko noh? Parang isang L na lang ang kulang at magiging HELL-OUISE na!


So yeah. Helouise Madrid is the name.


Nag-open ako ng wattpad at marami akong nakitang stories na inaabangan ko na updated na.


Binasa ko na lang yung librong na paborito ko para magpaanotok.


Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng magbeep ang cellphone ko.


I open it. Galing sa boyfriend ko! Syempre binasa ko siya.


From: Matt <3


Sori honey 4 waking u up.
i luv u. hapi aniversary. :)


I rolled my eyes upon reading his text message. Yeah. Yeah. Nakakainis siya


Kayo ba naiinis din sakanya? O kinikilig. Ahh-- Naaawa kayo noh? Well i don't care kung anong tingin niyo! Marami na ding nagsabi sa akin na napaka mean ko daw sa boyfriend ko.


Medyo napahikab ako so ibig sabihin may chance nang antukin ako. In-off ko agad yung laptop at dali-daling nahiga sa kama.


"moornight." bulong ko bago tuluyang nakatulog.



***


Nandito ko ngayon sa food laboratory at tapos ng magluto ng Crème brûlée para sa midterm exam.


Did i tell you na HRM student ako? No. So yeah. Isa akong HRM student at nasa 3rd year level na.


"99 daw grade mo Helouise." sabi ng blockmate ko.


"Talaga? Wow!" sabi kong masaya. Actually isa akong average student dito sa Maryland International school kaya masaya ako kapag mataas ang grade ko.


"Pwede na kayong umuwi class after niyong malinisan ang laboratory." sabi ni Ma'am Grace. Ang pastry and baking instructor namin.


After naming maglinis ng lab, lumabas agad ako at pumunta sa canteen. Nandoon kasi ang bestfriend kong si Mitchy. Di kami classmates kasi isa siyang nursing student.


"Bess. Over here!" tawag sa akin ni Mitchy pagtapak ko pa lamang sa cafeteria.


"Eyy!" kumaway din ako.


Nilapitan ko siya at kumakain na ng lunch.


"Anong niluto niyo ngayon bess? Dessert ba?" tanong niya.


"Oo. Crème brûlée, share tayo bess." pinakita ko sakanya yung niluto ko.


"Ayiiiee!! Pang mayaman tong pagkain ah!" sabi niya saka inamoy ang niluto ko. Para talaga tong bata.


Nag-order ako ng pagkain at sabay na kaming kumain ni bess.


Kukuha na sana creme brulee si bess pero natigilan siya.


"Ayy di ko to makakain." sabi niya.


"Ha? Bakit? Ayaw mo ba sa matamis? Diet ka ba?" Sunod-sunod kong tanong.


"Diba anniversary niyo ngayon ni Matt? Dapat sakanya mo to ibigay." sabi niyang nakangiti ng makahulugan. Naalala ko nanaman ang boyfriend ko kaya nainis nanaman ako!


"Wag mo nang babanggitin pangalan ng lalaking yun!" inis kong sabi.


"LQ nanaman ba kayo?" sabi niya. Nanaman. Ibig sabihin palagi.


"Eh nakakainis kasi siya eh!! Tawagan ba naman ako ng alas dose ng madaling araw para igreet lang ako ng walang kwentang happy anniversary! Sino bang hindi mapipikon doon?!" i said so annoyed. Imbes na kampihan niya ako, pinitik niya lang noo ko.


"Manhid ka talaga kahit kailan! Di mo man lang naappreciate yung effort niya! Syempre masaya siya kasi umabot kayo ng one year kaya niya hinintay ang alas dose!!" pagsesermon niya.


"Eh kasi naman! Natulog ako ng maaga kasi nga may laboratory kami!! Tapos niya istorbo! Buti nga at nakatulog ulit ako! Pwede naman kasing ngayon  o mamaya niya sabihin. Hindi yung hihintayin niya ang alas dose! Ang korni niya talaga kahit kailan!!"


"Tss. Ewan ko sayo Helouise! Bakit ka ba ganyan kay Mathew? Ang swerte mo nga sakanya at napakahaba ng pasensya niya sayo! At hindi nagloloko!"


"Eh kung gusto mo sayo na!" Ganyan naman kasi ang bestfriend ko. Kapag nag-aaway kami, laging ako ang may kasalanan. Kahit di siya sigurado kung ano talaga ang pinagmulan ng away namin. Kasi daw, obvious naman na ako ang nagsimula! Tss!


"Ayaw ko nga! May Theo na ako noh! Tsaka-- Oh ghad! I can't believe you! Ipinamimigay mo na boyfriend mo! At sa akin pang bestfriend mo! Grabe ka!" sabi niyang naiiling.

Di ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko pagkain ko. Walang patutunguhan ang pag-uusap na to! I may always win kapag si Matt ang kaargyumento ko. But not Mitchy. Talo ako lagi niyan sa debate namin.



***


Sabay kaming lumabas ni Mitchy sa canteen na parang walang pinag awayan. Oo, ganun kami. Papunta kami sa students pavillion at doon kami magtatambay kapag  wala kaming pasok.


Nakaupo kami at parehong nagwiwi-fi. Siya sa tablet ako sa phone.


"Bess daming nag-ggreet sa inyong dalawa ni Matt oh." Pinakita niya sa akin ang wall ko sa FB. Tinignan ko lang at binalik ko na tingin ko sa phone ko. Busy ako nagbabasa ng story sa wattpad. I'm reading thriller genre's. Ayaw ko ng mga mushy ones!


"Sikat talaga kayong dalawa dito sa campus ano?" sabi niya.


"Ewan ko din kung bakit kami nakilala as couple dito sa campus." i said.


"Eh malamang sisikat kayo! Dami na kayang supresa sayo ni Matt at saksi ang buong student ng Maryland." Totoo yung sinabi ni bess. Simula nung nabalitaan ko noong first year college ako na crush daw ako ng isang sophomore na Architect Student ay marami nang kakornihan ang nangyari sa akin. At ayaw kong iflashback at nakakainis lang!


"Pashowy kasi masyado!" bulong ko lang. Buti at di narinig ni bess kundi magtatalo nanaman kami.


"Oh my gosh. Totoo?"


"Yeah. Surprise daw eh. Shhhh."


"Hihihi. Ang sweet naman niya."


Rinig kong sabi ng mga tourism student sa likod namin. Mukhang kini7kilig. Tsk!


"Ay bess, may pupuntahan lang ako sa gymnasium. Madali lang ako ah." Tumayo na si bess at ipinasok ang tablet niya sa bag niya.


"Iiwan mo ko dito?"


"Madali lang ako. Swear." tsaka siya tumakbo paalis sa pavillion. Napailing na lang ako. Ano naman kaya gagawin nun sa gymnasium.


Nagbasa na lang ako ng mga kwento at minsan nagseselfie. Pero di ko yan ina-upload. Naka-store lang yan sa SD ko. At wala akong balak ipangalandakan ang maganda kong mukha.


Isang oras na ang nakakaraan at wala pa ang bestfriend ko. Nakakabanas ah!


"Excuse me po. Kayo po ba si Ate Helouise?" tanong sa akin ng isang nursing student na sa tantiya ko isang freshman kasi wala pa siyang pin sa uniform.


"Ako nga! Bakit?!" medyo mataray pa ang sagot ko.


"K-kasi po si a-ate M-mitchy.." Nag-sstummer yung boses niya kaya kinabahan ako. Anong nangyari kay Mitchy?


"What happened to her?! Where is she?!" napatayo ako bigla na mas ikinatakot ng babae.


"Ho? N-nasa g-gymnasium po siya a-ate."


Di ko na hinintay ang babae at tumakbo agad ako papunta sa gymnasium. Nasa likod siya ng buliding ng HRM department kaya medyo malayo-layo pa.


Hinihingal ako ng makapunta ako sa harap ng gymnasium. Sarado siya at walang ilaw. Paanong pupunta dito si Mitchy kung sarado ang gym? Kadalasan kasi open siya as in pati ang bintana. Pero ngayon sarado siya at maliit na pinto lang nakikita kong nakaawang.


Oh gosh. Baka kung ano ng masama ang nangyari kay Mitchy!!


Tumakbo agad ako pataas sa gym. Pero tinignan ko muna ang paligid. Yikes! Isolated ang area! Nakakatakot naman!!


Tahimik akong pumasok sa gym gamit ang maliit na pinto. Kita kong walang kailaw-ilaw.


"Mitchy? Mitchy andyan ka ba?" inilabas ko yung cellphone ko para magpailaw. Lakad lang ako ng lakad making sure na di ako gagawa ng kahit anong ingay. Medyo kasi natatakot ako eh.


"Mitchy. It's me Helouise. Show your self!" nagtatapang-tapangan pa ang boses ko.


SCREEK!!


Napalingon-lingon ako ng makarinig ako ng kaluskos. Hala! Ano kaya yun!


"Ikaw ba yun Mitchy?! If your thinking of some prank please lang wag mo ng ituloy at mapapatay lang kita!!" galit kong sabi. I know Mitchy is not the type of girl na gagawa ng pranks pero malay ko ba kung may saltik yun ngayon sa ulo!


"Mitchy--"


Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang ilaw kaya napatakip ako ng mata kasabay ng makas na sigawan.


"SURPRISE!!!"


Tinanggal ko ang kamay ko sa mata ko nanlaki ang mata ko sa makita ko. May malaking banner sa stage ng gymnasium at nakabalandra ang maganda kung mukha katabi ng boyfriend ko!!


WAAAAHH!! Anong nangyayari!!!



"Happy anniversary honey." rinig kong sabi ng isang boses sa likod ko. At parang alam ko na kung sino ang may pakana nito. Hinarap ko siya at nakita kong kasing lapad ng alligator ang mga ngiti niya. Pati singkit niyang mata nakangiti din.


"For you." inabot niya yung isang bouquet ng red roses."


Wala akong masabi. Speechless ang beauty ko! Sa mga surprise niya, eto lang ang wala akong masabi. Di ko din alam kung bakit. Kasi siguro talagang di ko to inexpect.


"Pasensya ka na kagabi-- ay kanina pa lang madaling araw kung ginising kita. Excited lang kasi akong batiin ka. Masaya kasi ako at umabot tayo ng isang taon. I love you Helouise." sabi niya pero hanggang ngayon wala pa din akong reaction. Eto ba yung sinasabing petrified sa mga spell ng harry potter? Di ka makagalaw. Parang sasabog na dibdib ko at gustong-gusto ko ng magsalita.


"Uyy bess. Tulaley ka na lang ba dyan? Daming naghhintay ng sasabihin mo." natauhan ko sa sinabi ni bess na nasa tabi ko lang. Nilibot ko ang tingin ko at nakita kong puno ang bleachers ng gym na mga studyant dito at sa gitna naman ng gym ay isang bonggang buffet table. Doon ako nahimasmasan.


"Ano to?!" pagtataray ko.


"Surprise ko to sayo hon. Di mo ba nagustuhan? Inimbitahan ko kasi ang lahat kasi saksi silang lahat sa pagmamahal ko sayo."


"Pwede ba tayong mag-usap sandali?"


"Sure hon." nakita kong binulungan niya si Mitchy. At sa palagay ko yun ay para sabihan ang BISITA na pwede ng kumain!


Nasa labas na kami ng gym saka ko siya hinarap at nakapameywang pa ako.


"Ano bang kalokohan to Matt?!" i started.


"Sabi na hindi mo to magugustuhan eh. Sori hon." he touch my cheeks pero pialis ko yun.


"Stop it ok?! Those mushy things you do for me! I didn't ask for this! Ayoko ng ganito! Halos alam ng lahat ang relasyon natin! And this! What kind of anniversary celebration is this?! Matt, we're celebrating our first anniversary and i would love to spend it with you! With you, ALONE! At nagpakain ka pa! Sayang ng ginagastos mo! Mas magugustuhan ko pa siguro kung niyaya mo akong mag out reach program para sa mga batang walang makain! Hindi yung ganito! Alam kong mayaman ka pero wag naman sanang ganito!"


Nakayuko lang siya. Ako pa tuloy na-giguilty. He spend a lot of money at di ko naappreciate.


"Pasensya ka na, Hon. Don't worry at di na to mauulit. Sa monthsary natin isang simpleng celebration na lang. Or if you still don't like we can just watch sunset sa dagat. I know you love sunset." Napangiti lang ako sa sinabi niya. He sure knows how to make me smile after i got angry.


"Tara na nga sa loob." magkahawak kami ng kamay na pumasok sa gym. Ayaw ko naman kasing mapahiya si Matt kaya nagpretend na lang akong masaya.













~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ayos lang ba chapter one? Ang sama ni Helouise noh? Well, ganun talaga. xD

Matthew at the right side. ^^,

VOTE.COMMENT.FOLLOW.SHARE

Sana subaybayan niyo din ito gaya nung Vampire story ko. 10 chapters lang po to. Promise! Tapos na siya pero isa-isa ko lang siyang iuupload. K?

XOXO

~~Thy

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top